Magkano na ang ice candy sa Pilipinas?

Piso pa rin ba?
O mas malamig pa sa piseta?
Ang agahan, pananghalian
at hapunan na pinagkasya
sa isang maliit kakarampot na supot
para ipagpalit sa pangarap
na papsikel, tutunawin lang
nang panandalian, isisikmurang
sa paparating na pantawid sa tag-init.

Pabili po ng ice candy…
Piso pa rin ba?

-Armineonila M., 2017

 


Tagged: basic commodities, Business, Creative Writing, culture, currency, dessert, economy, Filipino, Filipino dessert, Food, food politics, ice candy, literature, Migrant, money...
 •  0 comments  •  flag
Share on Twitter
Published on March 04, 2017 11:49
No comments have been added yet.