Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mga Uod at Rosas

Rate this book
Kung may isang bagay na lubhang kinasusuklaman ang isang artist, ito'y ang katotohanan na kailangan din niya ang pera. Ang katotohanan na maging ang isang manlilikhang-sining, na may kimkim, sariling pagtuturing na isang diyos, ay gaya rin ng isang karaniwang mortal na kailangang kumain upang ang katawan ay hindi takasan ng kaluluwa.

Oops! Muntik na siyang may makabungguan sa mga kasalubong. Naiwasan niya sa huling sandali. Nilingon niya. Taong grasa. Tulad niya, naglalakad nang parang wala sa sarili. Mula sa mga de-kurbata hanggang sa mga palaboy, samasama sa magulong agos ng mga tao sa kapusurang iyon ng Ermita.

Sumaisip ni Ding ang kanyang problema at ang posibilidad na siya'y mapatapon sa lansangan at maging isang taong grasa.

183 pages, Mass Market Paperback

First published January 1, 2010

18 people are currently reading
229 people want to read

About the author

Edgardo M. Reyes

21 books83 followers
Edgardo M. Reyes is a Filipino male novelist. His literature first appeared in the Tagalog magazine, Liwayway. His novels include Laro sa Baga, and Sa mga Kuko ng Liwanag. He is also the one of the authors of the critically-acclaimed anthology.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
77 (54%)
4 stars
23 (16%)
3 stars
22 (15%)
2 stars
10 (7%)
1 star
9 (6%)
Displaying 1 - 8 of 8 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
February 17, 2011
Ang librong ito ay lumabas lamang noong isang taon, 2010 nguni’t ang origihal na manuskrito ay nasulat ni Edgardo M. Reyes noong 1980 at naisa-pelikula ng Ian Films noong 1982 at pinagbidahan nina Nora Aunor (Socorro), Lorna Tolentino (Nina) at ang namayapa nang si Johnny Delgado (Ding). Idinerehe ni Romy Suzara na siyang tinanghal na Best Director sa ilalim ng Film Academy of the Philippines. Kabilang din sa mga tropeyong nasungkit nito ay ang Best Picture, Best Actress (Nora Aunor), Best Cinematography (Romeo Vitug) at ang Best Film Adaptation (Edgardo M. Reyes).

Natatandaan ko pa noong gabi bago ito lumabas sa mga sinehan noong 1982. Ang See-True ni Inday Badiday noon ay ipinalalabas sa Ch. 13 tuwing Huwebes ng gabi dahil ang bukas ng bagong pelikula ay tuwing Biyernes. Parang miting de Avance dahil huling pagkakataon ng mga artistang kasama sa pelikula na imbitahan ang mga manonood. Natatandaan ko kung gaano kaganda si Lorna T. at may sinasabi sila ni Johnny Delgado na mayroon ditong “giling-giling” scene (uso noon ang bomba films na pang-aliw ng mga taong nagdurusa dahil sa Martial Law). Nguni’t pinutol ang tagpong yon ng Board of Censors. Nguni’t laking gulat ko noong dumating ang pelikula sa amin (sa probinsiya) dahil nandoon ang pinutol na tagpo! Mayroon kasi sa aming sinehan na ang mga sinensor na tagpo at ikinakabit muli ha ha.

Mula noon ay di ko na nalimutan ang pelikulang ito. At noong Disyembre at nakita ko ang libro ay binili ko agad. Gusto kong balikan kung paano sinulat hindi lang ang tagpong yon kundi ang buong kuwento. Ito pa rin ang unang libro ko ni Edgardo M. Reyes at nais kong makasubok ng galing niya bilang kuwentista. Mataas ang tinggin ko sa kaniya dahil marami rin siyang sikat na sinulat na napasa-pelikula na gaya ng Maynila: Sa Kuko ng Liwanag (1975) na nagpasikat kay Lino Brocka at Bembol Roco, Ligaw ng Bulaklak (1976) na nagpasikat kay Alma Moreno, Bangkang Papel sa Dagat ng Apoy (1984) na nagpasikat lalo kay Erap Estrada at Laro sa Baga (2000) na nagpasikat kay Ara Mina.

Ang tanong noon: Bakit Mga Uod at Rosas Sino kina Johnny, Nora at Lorna ang mga uod? Sino ang rosas? Sa loob-loob ko noon eh, alangan namang si Nora ang rosas? Eh mas maganda at seksi si Lorna. Parang mas bagay kay Nora ang uod ha ha.

Isa pa yan sa mga ikinuha ko ng sagot sa pagbabasa ko ng nobelang ito.

Di rin nga lang tahasang sinagot ni Reyes.

Di nya ginamit ang salitang “uod” sa nobelang ito. Inabangan ko talaga. Dalawang beses ginamit ang “rosas.” Una yon daw bath robe ni Socorro (Nora) sa unang pagniniig nila ni Ding (Johnny) ay may naka-burdang rosas sa harap (siguro sa may tapat ng kanyang…). Pangalawa doon sa opisina ni Al na kaibigan ni Ding. Ang rosas daw ay simbulo ng kalinisan. Okay, so si Nora nga ang rosas. Puwede pang uod si Johnny. Pero, paano naging uod si Nina (Lorna)? Hmmm, uod ay parasitiko. Nabubuhay sa patay o dumi o kung ano mang nabubulok. Inuuod din ang rosas (alam ko dahil naghahalaman ako) at ang katapat nyang ay malathion. Si Socorro ay umiibig ng tapat kay Ding pero hindi nagde-demand. Ginagamit ni Ding ang pera at katawan ni Socorro kahit na si Nina ang mahal nya talaga. Si Nina naman ay nagpapabayad sa mga mayayamang lalaki pati na rink ay Ding noong mayaman na ito. Mga uod nga sila!

Mahusay yang si Edgardo M. Reyes. Simple ang paglalahad niya ng kuwento. Walang palamuti. Para tubig na umaagos ng malaya sa batis. Yong walang hadlang. Walang batong naka-usli. Walang dahon na lumulutang o inaanod. Busilak. Malinis. Hindi siya mahilig gumamit ng talinhaga. Wala ring mga nakagigimbal na pangyayari. Walang sigawan. Walang sampalan. Pero masasalamin mo ang saloobin ng mga tauhan niya. Mararamdaman mo ang kanilang nararamdaman. Mararamdaman mo kung gaano kahirap ang buhay ng mga hindi kilalang pintor. Mararamdaman mo kung paano niyayapakan ng mga malalaking art galleries ang mga maliliit na bahay sining.

Yan pala si Edgardo M. Reyes.
Profile Image for Percival Buncab.
Author 4 books38 followers
March 25, 2018
Gaya ng maraming ngayon pa lang siya binabasa, una kong nakilala si Edrardo Reyes sa obra maestra niyang Sa Mga Kuko ng Liwanag (4 Stars). Napanood ko na rin ‘yung pelikulang ‘yon, sa direksyon ni Lino Brocka. Maganda ‘yung pelikula, na isa ring classic; pero mas maganda ‘yung nobela, lalo na ‘yung dialogues at ending. Mas maganda ang pagkakasulat ni Reyes, kaysa sa pagkaka-portray sa pelikula.

Ganu’n din itong Mga Uod at Rosas. Mas nagustuhan ko ang pelikula nito kaysa sa Mga Kuko ng Liwanag. At lalong mas maganda nobelang ito kaysa sa pelikula. Mas kumpleto. Walang nabago o nabawas, pero may mga nadagdag. At lahat ng mga ‘yon ay ikinaganda lalo ng kwento. Nagustuhan ko, partikular, ang isang buong chapter ng back story ni Abel, na wala sa pelikula. Ang ilan pang back story na wala sa pelikula ay ‘yong pagkakakilala ni Ding at Socorro, at ni Ding at Nina. Pareho ang ending sa nobela at pelikula, magkaiba lang ng portrayal. Mas maganda lang ‘yung sa pelikula dahil sa advantage ng split/alternating scenes, na hindi kayang gawin sa nobela.

Ito ang magic ng brevity sa pagsusulat: Hindi sa dami ng salita, kundi sa bigat nito binabawi para makapagsabi ng marami. Kaya walang tapon. Pili ang bawat salita. Hindi gaya sa mga nobelang napakahaba ng set-up, at wala palang malakas na suntok sa climax o ending; o kung meron man, bagot na ang mambabasa bago pa umabot doon.
Profile Image for Monique.
28 reviews3 followers
July 5, 2018
Di na bago para sakin ang karakter tulad ni Ding dahil sa tingin ko siya ang representasyon ng karamihan ng tao na madaling magpa alipin sa hinaing ng katawan at damdamin. Mas gusto kong malaman ang perspektibo ni Soccorro at maintindihan ang kahinaan niya basta pagdating sa mga bagay na may kinalaman kay Ding. Kung bakit si Ding at saan niya hinuhugot ang pasensiya, pagmamahal, hanga at tiwala niya para sa protagonist ng kwento dahil siya ang bukod tanging naiiba sa lahat ng karakter sa libro. Siguro sinadiya ni Edgardo Reyes na pagmukhain siyang isang berhen sa kwento pero sana may kaunting eksplenasyon sa libro kung bakit maliban sa kasi mahal niya si Ding o may investment din siya sa kinabukasan nito.
Profile Image for Clare.
76 reviews8 followers
March 3, 2021
Akala ko todo na ang Laro sa Baga. Mas itutodo pa pala (ang pagiging asshole ng main character). Kapag Ding ba talaga ang pangalan, pa-gaguhan? Hahaha

Simple lang ang kwento. Walang masyadong kumplikasyon, maliban sa problema ng poging si Ding sa babae.

At di rin nalalayo ang flow ng kwento ni Ding dito sa Ding sa Laro sa Baga. Pagkatapos maging successful, nakalimutan na naman ang mga kaibigan na kasama nya sa hirap! Lalo na si Curing. Pero, wala naman silang label so.. pero wala rin naman silang label ni Nina! Sya pa ang sinama sa Europe.

Isa pa ulit na patunay na sariling interes na naman ng lalaki ang nanaig. Mga Ding talaga!!

Pero bakit nga ba Uod at Rosas ang title?
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review3 followers
November 11, 2018
i like the story but i want to read the whole of it, but i don't know how
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 8 of 8 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.