Jump to ratings and reviews
Rate this book

100 Kislap

Rate this book
Nasa 100 Kislap ang lahat ng uri ng kuwento: pag-ibig at pagtataksil, krimen at paghihiganti, mga alamat at parabula, kababalaghan at kabalbalan, ligaya at lumbay, kakatwa at katawa-tawa, sarili at ibang daigdig...

100 pages, Newsprint

First published January 1, 2011

63 people are currently reading
779 people want to read

About the author

Abdon M. Balde Jr.

7 books42 followers
Abdon M. Balde, Jr. is an award-winning Filipino novelist. He has written and published short stories, poems and novels in English, Tagalog and the languages of Bicol.

Balde finished a degree in civil engineering and worked as a construction engineer for thirty-three years, after which he retired to pursue a career as an author. His writer career bloomed and critics noted his unique raw talent. He concentrated in writing creative short stories, poems and novels. He received his first literary award in 2003 and has since continued to win acclaim for his work.

Today, he is a councilor of the organization Lupon Sa Wika, a member of the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and director of the Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL; English: Writers' Union of the Philippines).

He and his family currently reside in Casimiro Village, Las Piñas, Metro Manila.

(from wikipilipinas.org.)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
108 (54%)
4 stars
45 (22%)
3 stars
15 (7%)
2 stars
12 (6%)
1 star
19 (9%)
Displaying 1 - 30 of 30 reviews
Profile Image for DC.
291 reviews92 followers
March 14, 2011
Ang bawat isang kwento rito, bagaman may sukat na hindi lalampas sa 150 na salita, ay mayroong natatanging paksa at istorya. Bawat isa sa kanila'y buo sa kanilang sarili. Nakakapagtaka at nakakatuwa, pero totoo.

Medyo may pagkalalim din ang mga salitang ginamit dito; kinailangan ko pang gumawa ng sarili kong talasalitaan n.n; Sa tingin ko, bawat isang salita'y maingat na pinili para makumpleto ang mga eksenang inihain sa'ting mga mambabasa, kaya nararapat lamang din siguro na alamin natin (kahit papaano) ang tunay na kontekstong nais ipahayag ni Balde. Tila nga't tula na ang mga teksto sa librong ito sa sobrang makabuluhan nila-- at ng bawat isang salita nila.

May pagkatakutin ako (gaya ng sinabi ko sa aking pag-rerebyu ng librong Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan), kaya ngayon, lalo't sa gabi, tumataas ang aking balahibo tuwing naaalala ko ang mga kwento ng kababalaghan ni Balde.

Isang napakaintelektwal at nakababagbag-damdaming basa.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
November 30, 2012
KURAP (150 salita)

Ang KURAP ay kunwaring rebyu ng KISLAP. Isang rebyung walang kahirap-hirap. Rebyung 'di masyadong pinag-isipan ngunit buo ang nais ipahiwatig at iparating.

Sa 100 KISLAP, bilang lang sa daliri ang talagang masasabing maganda, may kwento, may kwenta. Ang iba'y mukha talagang minadali, kahit pa sabihin ng may-akda na hindi. Hindi ko maramdaman ang lalim na tinutukoy n'ya sa intro. Sa totoo lang, mas magaling pa si Eros pagdating sa maikling kwento. Sa isandaang dagli ni Eros, mas marami ang nagustuhan ko, kahit pa sabihing wala namang sukat ang mga ito.

Oo, madali lang magsulat ng dagli o maikling kwento at matalino ang nakaisip ng konsepto ng KISLAP, pero pangit namang ikahon ang sarili at limitahan ang panulat sa iilang salita lamang. Malaya tayo pagdating literatura. Sulitin natin 'to. Alam ko bukas tayo sa pagbabago pero sana hindi naiisaalang alang ang kalidad ng mga kwento, ng mga libro, ng mga talento.

Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
Read
May 20, 2013
Kislap - Kwentong isang iglap

Kisap - kilatis sa isang kurap


1 Kisap (149 salita)

Naglalaman ng 100 kwentong hindi hihigit sa 150 salita ang bawat isa. Bawat kwento ay may hatid na misteryong kikiliti sa isip, pupukaw sa damdamin, magpapatayo ng balahibo at buhok na kulót o unât. Ang mga eksena'y di tuwirang binabanggit. Pupunan ng mambabasa ang kabuuan ng istorya, bibigyan ng personal na kahulugan. Ang mga kataga’y masusing sinipi. Ang mga detalye’y sumisipol na parang latigo, humahaging na tila buntot pagi. Lumalatay sa isipan ng mambabasang sinapul, dinatnan ng lagnat. Bawat kislap ay maikling kwentong pinitpit at dinikdik hanggang maging pulbos na madaling tunawin sa sistema. Bawat kislap ay may nobelang hinahantad, may kalakip na kalawakang iniinugan ng mga kometa at planeta. May kwasar at pulsar na susundot sa pagod na imahinasyon, gigising sa bagót na diwa.

Si Balde ay bibong manunulat. Si Balde ay bibong kwentista at makata, kaanib ni Borges sa kulto. Maraming mapupulot si Bob Ong kay Balde.
Profile Image for Kenneth Pabilonia.
11 reviews21 followers
January 11, 2015
Napakahusay maglaro ng salita at gumamit ng metapora ni Abdon. Masarap bigkasin ang kanyang mga pangungusap dahil taglay nito ang indayog at aliw-iw ng isang tula. Iyon nga lamang, marami sa mga dagli o flash fiction na taglay ng antolohiya ay tila walang dating. Paulit-ulit din ang mga pangyayari sa iba, nagkakaiba-iba lang nga sitwasyon. Hindi taglay ni Abdon ang husay ni Eros sa pagsulat ng flash fiction sa kanyang antolohiya na Wag Lang Di Makaraos. Magaling umisip ng kwento si Eros. Mas malaro at malikhain ang kanyang mga wakas, talagang may twist. Dahil ang dagli ay talaga nga namang maikli, ang katapusan nito o yung twist ang magdidikta kung ito ba ay maganda o hindi. Kung malikhain si Abdon sa paggamit ng salita, hindi naman siya ganoon kalikhain lumikha ng wakas.

Bilang kongklusyon, mahusay at talagang pinag-isipan ni Abdon ang antolohiya niyang ito ng 100 dagli. "Kislap" ang tawag niya rito, ngunit maaaari ring ikategorya sa dagli. Iyon nga lamang, di tulad ng mga dagli ni Eros, ang mga dagli ni Abdon ay madaling makalimutan at hindi tumatatak. Tiyak na ang kahusayan ni Abdon sa paggamit ng salita ay mas makikita sa mga anyo ng panitikan tulad ng sanaysay, maikling kwento, at nobela.
1 review2 followers
August 11, 2012
Random ko lang tong kinuha sa bookshelf ng library. Pagka-buklat ko, hindi ko na nabitawan. Ang tagal ko din tong hinunting sa mga bookstore. 1st time kong magbasa ng flash fiction at hindi ako na-disappoint. May drama, humor, suspense, sex at napakaraming twist ang mga storya. This is probably one of the best collection of Filipino short fiction.
Profile Image for Yan.
13 reviews15 followers
December 18, 2012
It takes a great writer to tell stories in a limited amount of words. 150 words or less is quite a challenge but Balde pushed through and got through his readers. Bravo.
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 1, 2017
Isang daang maikling kuwento na hindi lumampas sa 150 salita. Tinatawag ring dagli o flash fiction. Maaring dala ng panahon: laging nagmamadali ang mga tao dahil sa bilis ng takbo ng buhay pero sobrang bagal ng traffic. Kaya sa maraming bagay kailangan mabilis, madali at tapos agad. Di bale na yong traffic, gamitin na lang ang oras for classical music appreciation, audio books, relaxing meditation o mental creation of to-do lists. Or organize a carpool and make friends while on the road.

May eksena doon sa pelikulang Vince, Kath and James kung saan sabi ni Cath ay bilib sya doon sa Da Vince Quotes blogger na nakakasulat ng kuwento na may anim na salita. Hindi nya alam na si Vince yon. Kaya ko sinabing sa panahon ngayon, lalo na siguro sa mga millennials importante ang kaunting mga salita upang ipahayag ang kuwento. Ganyan siguro ang punto ng ganitong akda ni Abdon Balde. Target nito mga kabataang laging nagmamadali.

Pangapat na itong aklat ni Abdon Balde. Yong dalawa ay nobela. Yong pangatlo ay non-fiction at mga essays tungkol sa pagtanda: "60ZENS: Tips for Senior Citizenship." Ito ay koleksyon ng mga dagli. Epektibo naman ang pagtatangka ni Abdon Balde na makapaglabas ng iba o maipahayag ang kanyang talento sa paglikha ng bago. Dangan nga lamang ay di na nga ako gaanong mahilig sa maikling kuwento e di mas lalo na sa dagli.

May ugali akong pag nagandahan ako sa nakasulat sa isang pahina at gusto ko itong balikan o baka isama ko sa rebyu, dino-dogear (tinutupi ko yong gilid na sulok) ng libro. 100 pahina, parang mga 10-15 ring ang natupi ko. Marami ay maganda naman pero hindi ko na gustong balikan. Mayroon ding mangilan-ngilan na hindi ko ma-gets o bitin. Kapag dagli kasi, yong mambabasa talaga, kailangan magbigay na sariling pakahulugan para mas magkaroon ng substance yong kuwento. Kaso, wala akong maibigay na substance. Alin lang sa dalawa: siguro pagod ako sa trabaho o mababaw ang kuwento.

Pero ang aklat na ito ni Balde ay parang breath of fresh air para sa mga lokal na akda na karamihan ay pare-pareho lang ang porma. Nakakabilib rin na sumusubok ang kagaya ni Abdon Balde na kahit na sabihing senior citizen ay nage-eksperimento pa rin at naghahain sa mambabasa ng ibang putahe. Way to go, sir Jun!
1 review
September 24, 2017
i can read this book i want to rate this.. high if i can read this book
Profile Image for Raven.
11 reviews
January 10, 2020
Mahilig akong magbasa ng mga anthology dati dahil yun lang ang kinakaya ng napaka-iksi kong attention span. Paborito ko ito noon.
Profile Image for e.redg.
12 reviews
May 21, 2020
I bought this book in college. I was amazed by the author writing skill. The book is gone now and my sister remember the term kwento sa isang iglap kind of story. It leaves a mark 🙂
Profile Image for Ettenigore.
7 reviews1 follower
May 21, 2020
Very interesting read. This collection of short stories brought interesting flavor into Filipino literature.
1 review
Read
September 3, 2015
a book that tells the beauty of Bicol.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 30 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.