"I've dated lots of women... bedded a few... all for fun. But my love was meant for only one woman. And that woman is you, Lara."
Siyam na taon si Lara nang una niyang makita si Jaime, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa sarili niyang ina. Sa pakiramdam niya'y nakuha na ni Jaime ang antensiyon.
She was seventeen nang makita niya ang sariling ina sa silid nito kayakap ang binata. Pero walanggustong maniwala sa kanya, kahit ang sariling ama na ganoon na lang ang pagmamahal sa asawa attiwala kay Jaime. Siya ang gumawa ng pasya. She left her home.
Nang mamatay ang mga magulang niya'y muli siyang nabalik upang malamang kay Jaime ipinamana ng mama niya ang villa, ang inheritance na dapat ay sa kanya.
She despised him. Pero bakit hindi magkapuwang ang ibang lalaki sa buhay niya? Bakit sa kabila ng galit niya,y nadadarang siya kay Jaime?
Martha Cecilia is a bestselling Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. Many of her books have been adapted on TV including Impostor and her highly-acclaimed, Kristine Series.
Sa umpisa medyo nabored ako kasi hindi ko maintindihan si Lara, then at the middle of the story sinabi na ang back stories and mas lalong gumanda na hanggang sa matapos ang story. Medyo bitin at nakukulangan ako sa character development ni Jaime, I'm expecting more of him. I'm not convinced with his character lalo na sa pagmamahal niya kay Lara. This book has no relationship with the first four sweetheart series. Siguro another set of character for the next books. Since I have the complete books ng series na to. Let's see.
Kino-consider ni Lara na enemy si Jaime dahil sa kinukuha nito ang atensyon ng mga taong mahal nya sa buhay. Sa kabila ng pagpapakita ni Lara ng kamalditahan sa lalaki ay naging mapag-pasensiya at mapagbigay ito. Magaling talagang writer si Martha Cecilia dahil forte nya ang panggugulat sa readers lalo na sa twist ng stories sa ending and hindi nakawala ang story na ito sa may gulat factor sa dulo.