"Kahit ilang beses pa akong umalis, babalik at babalik pa rin ako sa iyo. Because I belong to you... then and now."
Dahil sa kagustuhan ni Barby na manalo sa pustahan nilang magkakaibigan na siya mismo ang nagpasimuno ay ginawa niya ang lahat ng paraan para maging practice player sa basketball team na kinabibilangan ng subject ng pustahan—si Patrick Raymundo.
Ngunit nakasalalay sa antipatikong si Zandro de Vera ang desisyon kung makakasali siya sa practice team. Tiniis niya ang lahat ng pang-aalaska at pagti-trip nito sa kanya manalo lang siya sa pustahan. Pero akalain ba niyang in the process ay matututuhan niyang mahalin ito?
Heart Yngrid is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the author of a number of bestselling series including Fairy Tales and a Love Bet and St. Catherine University.
Siguro hindi ko lang talaga siya feel. I'm a Heart Yngrid fan but I have to say that this is one of ate Yngrid's not so good books. Na bore ako dito and I just kept on thinking na sana matapos ko na siyang basahin para makabasa na ako ng ibang book. Harsh but every writer has their moments. we can't expect na lahat ng nasulat nila ay maganda at patok msa panlasa ng mga readers. Some might disagree and say na gusto nila ito but we have different perceptions naman and this is mine.