Napamaang na lang siya rito at saglit na tila nawala sa sarili nang maramdaman niya ang maingat na pagpalibot ng mga bisig nito sa kanya. She had never felt this treasured in her life. It felt like she had finally come home.
Fourteen yearls old pa lang si Jeuliette ay itinatangi na niya sa kanyang puso ang binatilyong si Trigger. Noong unang masilayan niya ang guwapong mukha nito ay hindi na ito naalis sa kanyang isip. Subalit magkaiba ang kanilang mga mundo. Simpleng tao lang siya; samantalang ito, mabanggit lang ang pangalan nito ay nagkakaroon na agad ng komosyon. Lalo na ang mga babae. Kahit pa nga hindi ma-distinguish ng mga ito kung si Trigger o ang kakambal ba nitong si Jigger ang nasa paligid. Sa bagay na iyon, nakalalamang siya sa mga babaeng iyon.
Dahil siya, sigurado siyang alam niya kung si Trigger o ang kakambal nito ang kaharap niya. Mas tiwala siya sa ibinubulong ng kanyang puso kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata...
Ngunit nang magtapat siya kay Trigger ng kanyang tunay na damdamin, nanlumo siya nang italampak nito sa mukha niya na pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya...
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.