Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon

Rate this book
Ano na ang lenggwahe ng unconscious mind at sindak?
Ano ang nasa pagitan ng totoo at ng fiction?
Paano paghahaluin ang personal at ang lipunan?
Paano isusulat ang ngayon sa nobelang nasa isip?
Hinahagilap ng akdang ito ang sagot.
May kabuluhan pa ba ang mga kategorya?
Para kanino?

... hindi mapapatawad na anomalya itong pinakabagong akda ni Jun Cruz Reyes. Kung wika ang batayang materyal sa paglikha ng akdang pampanitikan, paano maituturing na "pampanitikan" ang akda na ang wikang ginamit ay angkop lamang sa "borador" or "rough draft"? ... Sa madaling sabi, burara.

273 pages, Paperback

First published January 1, 2011

30 people are currently reading
296 people want to read

About the author

Jun Cruz Reyes

18 books140 followers
Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Siya ang SEA Write Awardee ng Pilipinas sa taong 2014.

Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na kadalasang iniimbitahan siyang maging panelist, judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.

Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng D yaryo Hagonoy , kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Ka Amado (Talambuhay ni Ka Amado Hernandez) na inilabas noong 2012. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP.

Sa Kasalukuyan ay senior adviser si Jun Cruz Reyes ng Center for Creative Writing ng PUP, siya rin ang utak sa likod ng Biyaheng Panulat (Ang Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan).

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
82 (50%)
4 stars
46 (28%)
3 stars
25 (15%)
2 stars
6 (3%)
1 star
4 (2%)
Displaying 1 - 9 of 9 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
May 26, 2011
Isang post-modernist na likha ng premyadong manunulat na si Pedro Cruz Reyes, Jr (pinanganak noong 1947) na lalong kilala sa tawag na Jun Cruz Reyes. Ito ay nagsimula na isang metafiction na nobela at hinaluan ng autobiographical na anggulo. Ito ay gumagamit din ng mga sumusunod na teoryang pinauso sa Kanluran kaya ng mga sumusunod:

post-structuralism - dahil sa pinaghalong nobela, autobiograpiya at satire, mahirap malaman kung alin ang totoo o halaw lang sa akdang ito. Kung babasahin ang mga nakasulat sa Wikipedia tungkol kay Reyes, totoong pinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan at nasunog ang matandang bahay ng kanyang angkan doon noong 2004. Hindi ako taga-Bulacan nguni't sa pakiramdam ko ay walang sitio Wakas na isa ring lugar na binanggit sa aklat. Kaya't sa aking palagay, ang Huling Dalagang Bukid ang siyang fiction at ang Authobiography na Mali ang siyang non-fiction. Subali't ang political undertone ng salaysay ay nagsasalamin sa totoong nagaganap bunsod ng globalisasyong: ang pagalis ng mga manggagawa, ang mga binata't dalagang bukid, sa bukirin upang maghanap ng ikabubuhay sa ibang bansa.

post-colonialism - ang Bayan ng Wakas na siyang dinetalye sa aklat na ito ay naglalarawan ng isang tipikal na bayan na maaaring sumasalamin sa buong bansa. Buong bansang hanggang ngayon at nagpapakita pa rin ng mga paniniwala't kaugalian na mula sa mga dayuhang sumakot sa atin noong mga nagdaang panahon. Kasama rito ang mga pamahiin at paniniwalang may relasyon sa Katolisismo na dinala sa atin ng mga Kastila.

post-modernism - hindi tahakang nagbigay ng suhestyon si Reyes tungkol sa kung ano ang tama landas para sa Bayang Wakas. Bagkus ipinakita nito ang pluralismo bilang isang bayan na may mga tauhang may kanya-kanyang pangarap at hangarin sa buhay. Sa kanilang paghahangad na matupad ang mga ito ay gumagawa sila ng kani-kanilang mga hakbang at ito ay hindi inuri ni Reyes upang sabihin kung alin ang tama at alin ang mali dahil ang lahat ng ito ay inaayon lamang sa pagiging reaksinaryo ng mga tauhan angkop sa kung ano ang kinakailangang gawin batay sa kani-kanilang estado sa buhay at sa panahong kanilang ginagalawan.

Tungkol ba ito sa ano?

Ito ay tungkol sa buhay ni Reyes mula nang siya ay pinanganak hanggang sa 2009 kung kailan natapos niya itong sulatin. Nagsimula ang pagsasalasay noong binigyan siya ng babala ng mga kapitbahay niya sa Hagonoy, Bulacan na huwag na munang umuwi doon dahil may mga nagbabanta sa kanyang buhay. Ito ay ang mga lalaking armado ng baril na pinaghihinalaan nila na utusan ng mga tinutuligsa na mga sinulat ni Reyes tungkol sa mga smugglers at mga illegal recruiters sa kanyang mga naunang mga akdang nobela o artikulo sa mga magasin at pahayagan. Tumakas siya sa Hagonoy na taliwas sa totoong daan upang iligaw ang mga armadong lalaki. Doon sya dumaan sa isang pabilog na kalye na tumutumbok sa Bayan ng Wakas kung saan ang mga binata't dalaga ay umaalis upang mangibang-bayan. Ang pinakahuling umalis ay nagngangalang Linda na pumunta sa Japan upang mag-japayuki. Siya ang huling dalagang bukid at, bukod sa autobiograpiya ni Reyes, ito rin ang kanyang kasaysayan.

Ito ba'y maganda?

Mahusay ang pagkakalahad lalo na ang unang kalahating bahagi ng kuwento ni Reyes at ni Linda. Nguni't ang pangalawang bahagi ay parang inulit lang. Sa gulang na 62, maaaring nilalarawan nito ang kalagayan ng pagiisip ng isang matanda na may tendency nang paulit-ulit. Subali't ginawang dahilan ni Reyes na ito ay post-modernist at isang "borador" (draft) lang at isang authobiography na mali (pansinin na may "h" sa pagitan ng "t" at "o" upang gawing eksaheradong mali). Nguni't ang karakter ni Reyes ay nagpaala-ala sa akin ng karakter ni Oskar sa obrang The Tin Drum ni Gunter Grass dahil sa pagkakandili ng Inang ni Reyes sa kanya noong siya ay bata pa. Ang paglalarawan ng Bayan ng Wakas ay parang istilo ni Gabriel Garcia Marquez sa kanyang fictional na bayan ng Macondo sa kanya namang obrang One Hundred Years of Solitude. Yon nga lamang sana, ginawang maraming henerasyon ang isinama ni Reyes sa salaysay at dinagdagan pa niya ito ng mga nakakagulat na elemento at di lang ang duwente o white lady na kinakausap niya noong siya ay bata pa.

Di ko rin nasakyan ang huling kabanata ng kuwento kung saan ay may kinakausap siyang bata ganoong wala naman siyang anak o malapit na pamangkin na ipinakilala sa unang bahagi ng aklat. Ang karakter rin ni Noynoy ay biglang lumabas marahil ay dahil matunog na na si PNoy ang mananalo sa pagka-presidente habang tinatapos ni Reyes ang nobelang ito noong 2009. Sa madali't sabi'y sana ay limang bituin ito kung hindi lang sana sa medyo may kalabuang huling bahagi ng kuwento.

Pero sa kabuuan, mahusay ang pagkakasulat kaysa sa unang libro ni Reyes na binasa ko: Tutubi, Tutubi, Huwag Kang Pahuhuli sa Mamang Salbahe. Obra na itong maituturing na parang ibinuhos na ni Reyes ang kanyang kakayahan sa maaaring swan song niya bilang manunulat.
Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
September 1, 2012
Jun Cruz Reyes is one of the leading writers in the Filipino language. He is a multiple awarded author known for producing significant contemporary novels like Tutubi, Tutubi ... Huwag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe (Dragonfly, Dragonfly ... Don't Get Caught by a Bad Guy, 1981), Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento (King's Behest and Other Stories, 1987), and the 1998 Centennial Literary Prize winning novel Etsa-Puwera (2001). Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali (The Last Farm Girl and the False Authobiography) is his latest masterwork, once again capping a career of excellence in fiction.

I am impressed with the way the novel presented its unique strain of postmodernism. Its creative form is quite distinct from the realist novels that populate local bookstores. The enigmatic title hints at two strands of storyline splitting the novel. "Ang Huling Dalagang Bukid" (The Last Farm Girl) pertains to the title of a draft of a novel-in-progress within the novel which the narrator – a novelist-artist who bears the same name, physical appearance, and biographical details as the actual author – is attempting to write. But this draft novel is in danger of not being completed as the fictional-novelist veered off in many directions throughout his writing of this novel-in-the-novel. He specifically digresses on many topics, including his unusual approach to novel-writing, the germ of its idea, his literary influences, the draft novel's working plot and the candidate real life-based characters who will appear in it, and the constraints and personal difficulties hindering him from finishing the work.

The first part of the title refers to the main character of the novel-in-progress. "The last farm girl (and boy)" stands for the young Filipinos who left the country in search of greener pastures abroad during the latter part of twentieth century. The females usually went to work in Japan and earn enough cash to escape poverty. They were known as "cultural dancers" at home but later were called "Japayukis", a derogatory name for club entertainers. Prof. Reyes emphasized their previous status as "farm girls" as he discoursed on the increasingly alarming sight in the countryside: productive agricultural lands gradually sold and converted into industrial zones, giving way to factories, business spaces, housing projects, and malls. The novelist was decrying both the loss of agricultural lands and the mass diaspora of Filipino workers going abroad for better job opportunities – workers who were now ironically canonized as "bagong bayani" (modern-day heroes) for their efforts in pouring in dollars into the national economy. The Last Farm Girl in some ways expresses deep reservations on the implications of global capitalism on culture and values.

The other strand of the novel, "Ang Authobiography na Mali" (The False Authobiography), refers to the semi- or quasi-autobiographical treatment of the narrator's own life as he tells his own story beginning from his birth and spoiled childhood to his days of student activism, his unfortunate experience as a target of harassment by soldiers because his published works were critical of the military establishment's abuses, and his travails as a PhD student, teacher, and academic in a state university that is not free from petty politics. With these narratives, the writer paints an absorbing picture of the artist in a society in the grips of global forces and corruption.

What particularly fascinates in these two intertwining strands of the novel (the novelistic and the autobiographical) is Prof. Reyes's honest, forthcoming presentation of personal details of his writing and working life. In the novelistic strand, we read something fictional but we note the disclaimer that it was just a rough draft. But it more or less resembles a writer's journal where he documents his process of writing and the socio-political environment around him. In the biographical strand, we are presented an actual biography of the novelist, but it was branded as "false" in the first place.

The most obvious deception lies in the misspelling of the word "Authobiography" in the title, which can be seen as a word play or shorthand for "Author's Biography". I personally do not know Prof. Reyes but his generous telling of the story of someone also called Jun Cruz Reyes left no doubt in my mind that the story he is telling has grains of truth in it. It is truthful and it is true. True in the sense that it captures the life of a man trying to live according to his principles and ideals. Here's a speculation: the "Authobiography" we have in our hands was really false, and the converse is true. The "autobiography" we have here is true!

This "pseudo-novel", a provisional term for something whose radical form breaks away from what we usually think of as "novel", is subtitled "Isang Imbestigasyon". At the formal level, this can mean an investigation into the co-existence of fiction (albeit a draft) and nonfiction (though perhaps a "false" one) in a single discrete text. At the thematic level, this can mean the simultaneous mapping of the consciousness of the writer-artist (individual) and the society he is living in (collective).

The incorporation of a draft novel within an unstructured biography while investigating several themes at once is further turned on its head by the cross-pollination of several genres: informal essay, history, and memoir. It points to the potentialities of the novel to be an accommodating, all-inclusive medium of creative expression. Reinforcing this postmodern mix of genres and is an expansive, expressive style and a language of free play. Prof. Reyes's handling of language in his early works was labelled by literary critics as balbal (coarse or vulgar, from the root word of kabalbalan, coarseness/vulgarity). However, the narrator is right to reject this unfortunate classification. His language here is more colloquialism than coarseness. He does mix high and low registers in his prose. From this pseudo-novel alone there is no recognizable coarseness or transgressive value. The transgression partly comes from his handling of figures of speech which can be both playful and radical in their formulations. It is whimsical, like the postmodern quality of stream flow:

Dahil natataranta pati ang tubig, hindi na rin nito alam ang tamang direksiyon. Noong araw, nang sinaunang lumang araw, aagos lang ang mga bukal mula sa kabundukan, tapos ay magtatagpo sa mga sapa para magparami, saka tutuloy na sa mga ilog hanggang makarating sa dagat. Medyo formulaic at predictable ang dulo ng kuwentong ilog. Lagi iyong nagwawakas sa dagat. Ngayo'y postmodern na rin ang daloy ng naratibo ng ilog. May mga literal na twist and turn na rin ito. Anti-structure at anti-canon na rin. Ngayo'y nagmamadali ito, hindi na padaloy tulad ng isang tula, na dumadausdos mula sa bundok, kundi rumaragasa, kung minsa'y pabuhos at pabulusok, walang pasintabi ni awa, isang tropa sila, ang tubig na may kasamang troso, layak at burak. Kung minsa'y may patangay pang mga bahay at kalabaw, malauna'y may patangay pang mga taong nakagapos at may tape sa bibig at may nakapaskil sa dibdib na, "Huwag akong pamarisan." Bahagi rin iyon ng kalikasang postmodern. May mga patay kaliwa't kanan pero wala namang pumapatay at hindi rin naman nagpakamatay. Huwag nang alamin ang kuwento ng mga patay. Sapat nang magpasalamat na tayo'y buhay at nalilibang. Ang ilog ay parang militar na nag-ooplan lambat-bitag na ang madaraana'y collateral damage na lang. Mapahamak ang makasalubong ng nagwawala, ng nagwawalang kalikasan, ng mundo at ng tao.

(Even the waters are now in turmoil, not knowing the right direction to turn to. Once, once upon an ancient time, the springs flowed freely from the mountains, then congregated in streams to fill volumes, and then coursed through rivers and reached the sea. The end of the river story was a bit predictable and formulaic. It always ended in the sea. But today even the coursing of the river-narrative is postmodern. It now literally twists and turns. Anti-structure and anti-canon. Today it's on a headlong rush, no longer issuing like a poem, as it slides down the mountains, but gushing down, sometimes in a flood and in a flash, with no excuse or leniency, a troop of waters, a torrent accompanied by tree trunks, junk, and mud. Sometimes it washes away houses and water buffaloes, then later it washes away hogtied persons, with their mouths taped shut, with notices pinned to their chests saying, "Don't follow my example." That is also part of postmodern nature. The dead appeared left and right yet nobody killed them and nobody took his own life. Better to close your eyes to the story of the dead. Be thankful for what we have. Play and be merry. The river is like the military with its operation fish-trap wherein those caught in crossfires are but collateral damage. They are at risk, those who encounter the rage, the rage of nature – of the world and men.)

This passage follows the writer along an indefinable flow of the "postmodern river" story, improvising from that whole chaos a riff on the human rights abuses by the military. Improvisation is the way with which Prof. Reyes merged his double stranded narrative and its forking themes, genres, and linguistic play. Smashing the categories attributed to modernist and even postmodernist works, the novel then becomes free-ranging and unconstrained, like an open mic performance. It becomes receptive to the scrutiny of literary theory (Marxism, post-colonialism, postmodernism, and even ecocriticism (as the sample passage above, along with the novel's discourse on mechanization encroaching on farm lands, illustrates).

In short, Prof. Reyes's novel of ideas is forward looking, futuristic. It is stitched from existing forms and yet reveals new ways of assembling and expanding the novel's universe. The only weakness I can think about it is its length. Its unwieldiness is evident from the introduction of extraneous ideas that could otherwise have been expunged. The novel's status as a "draft" cannot excuse it from having gone on interminably in several places. I feel that a good editor can tighten the book and strengthen further its readability. This editorial issue aside, I am looking forward to read more of Prof. Reyes's other fictional materials, particularly his works in the 1980s dealing with the subject of the martial law years under the Marcos regime.

Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali is the winner in Novel in Filipino category in the recent Filipino Readers Choice Awards .
Profile Image for Ariel Tabag.
Author 12 books15 followers
July 10, 2013
Daytoy estilo ni Jun Cruz Reyes iti daytoy a nobelana ti kuna dagiti Ilokano a kasla kasarsaritanaka ti autor. Postmodern, kunada iti kastoy nga estilo ti panagestoria ta awanan iti tradisional nga urnos ti maysa a nobela-- segun iti tradision ti Lumaud.

Ngem para kaniak, kastoy a talaga ti panagestoria dagiti Pinoy wenno iti biangko, dagiti Ilokano. Daytay kasla addakayo iti sirok ti mangga ket awan ti urnos no ania ti umuna ken maudi a mapagpatangan. Nangruna ket ti istoria, maipanggep iti kabibiag dagiti Filipino. Ket iti daytoy a nobela ni Reyes, inlagana ti bukodna a kabibiag (autobiography nupay "mali") ket ngarud, ad-addan a mismo a ni Reyes nga agsasao ti dengdenggem iti daytoy a nobela.

Adu ti masao ni Reyes gapu la ngarud ta bukodna a kabibiag ti sarsaritaenna. Ket iti laingna a sumarita, dinaka ikkan ti gundawaymo nga uray man la koma "mapan umisbo" ket ungpotem ti istoriana agingga a maibusan. Wenno aginana. Ta iti biangko, adu pay ti maistoria ni Reyes.

Yapalko ti Literatura Ilokano iti kakastoy a nobela. Umuna, gapu ta agistoria kadagiti bambanag a pakaseknan wenno maseknan ti tunggal maysa. Maikadua, iti panagistoriana, mangipaay kadagit balakad kadagiti rebbeng ken dina rebbeng iti daytoy a biag. Maikatlo, addaan iti wayawaya nga isawang dagiti kayatna nga isawang (kas koma iti "putanginamo") ken maitutop iti sarsaritaenna-- saan a kas kadagiti kaaduan a nobela dagiti Ilokano nga adu dagiti maiparit nga isawang gapu ta maikabkabilangan met dagiti ubbing nupay panagkunak, awan metten ti dida nangngeg wenno naammuan (maisut daytoy no dagiti nobela nga Ilokano ket maidiretso a maipablaak kas libro saan ket nga iti laeng Bannawag).



Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
August 19, 2022
2011 unang na-publish, 2013 edition ito, 2016 ko yata nabili, at 2017 napapirmahan noong um-attend ako ng talk nila at tumambay sa CCW. Nonfiction na fiction na ano. Nagsisisi ako na ngayon ko ito nabasa. Basta.
30 reviews2 followers
March 3, 2016
Helpful para sa mga bagitong manunulat. Isang halimbawa ng akdang pinoy na metafiction at paglalaro sa istruktura ng naratibo. Dama ko ang enerhiyang ibinuhos ni Sir Jun sa pagsusulat nito, sa patutunguhan ng plot, at sa mga paksang tinalakay niya na talagang interesante--Ang panganib sa buhay manunulat niya; ang kalbaryo sa araw-araw bilang artist at propesor, amain at lagay ng kalusugan; pakikipagkapwa; partikular, ang mga Japayuki sa bayan ng Wakas na napag-ugnay-ugnay ni sir sa iba pang isyu't konteksto para sa binubuong banghay--sa istrukturang borador/autobiograpiya/sanaysay--na ang mailalahad bilang nobela.

Ito ang pinakagusto kong aklat ni Sir Jun. Alam kong pomo ang pakay na output ni sir dito, pero para sa akin, mas nakasuwato ito sa sensibilidad ng New Sincerity, hindi pomo.

Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang pagka-nega ni sir ukol sa kahahantungan ng panitikang-filipino sa introduksyon nya. Madalas kong mabasa ang pagka-nega niya sa ganito sa ibang mga paunang salita niya sa ibang aklat, na tingin ko'y hindi makatutulong sa persepsyon ng mga baguhang mambabasa at pesimistikong mga manunulat.

Pero oks pa rin ang libro/nobelang ito. Isang imbestgasyon ng relasyon ng sarili sa mundong ginagalawan. Kahit hindi man lahat ng imbestigasyon o kaso ay nalulutas ng imbestigador, may tagatunghay o saksi na maaaring tumulong at magpatuloy ng imbestigasyon, at iyon ang saysay ng mambabasa.
Profile Image for PATRICK.
348 reviews23 followers
May 3, 2017
Okey, game: Hetong libro ni Jun Cruz Reyes ay isang social commentary, pangtibak talaga: mayroong issue ng migration (Ang Huling Dalagang Bukid na hinahanap ni Jun Cruz Reyes), mayroong militarasyon at urbanisasyon ng bukid dahil sa politika, mayroon ding anggulo na environmental (sira na ang mga bukid napalitan na ng makina, madumi na't laging binabaha), at mayroon ding deconstruction ng autobiography.

Ginawa kong thesis ang librong ito kaya marami akong pwedeng sabihin: unang-una ang pamagat na may mali: ang pagbaybay ng autobiography bilang authobiography. Dito pa lang self-reflexive na si Jun Cruz Reyes, may awareness na ito ay mali, na pwede itong magkamali.

Displaying 1 - 9 of 9 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.