Jump to ratings and reviews
Rate this book
Rate this book
Tampok sa unang isyu ng TAPAT ang nobelang "Sambahin ang Katawan" ni Alvin B. Yapan, propesor sa Kagawaran ng Filipino, isang sanaysay ni Adam David tungkol sa bagong nobelang Filipino at isang panayam kay Norman Wilwayco, premyadong manunulat ng mga nobelang "Mondomanila" at "Gerilya."

Sambahin ang katawan
Ituring na sagrado
Balutin, balumbunan
Ng sedang poliyestro.

Ibaon sa bakuran
At baka sa Enero
Mamulaklak, magbunga
Ng luya at sapiro.


- Rolando S. Tinio
"Cantico Profano"

237 pages

First published January 1, 2011

16 people are currently reading
263 people want to read

About the author

Alvin B. Yapan

10 books27 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
26 (44%)
4 stars
18 (31%)
3 stars
6 (10%)
2 stars
4 (6%)
1 star
4 (6%)
Displaying 1 - 7 of 7 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 12, 2015
Sa pagkakaintindi ko, ang Tapat ay isang journal na pinabalak ilabas ng Publikasyong Tapat 3 beses isang taon: Abril, Agosto at Disyembre. Layon nitong magtampok ng mga nobela at sanaysay tungkol sa bagong nobelang Filipino. Hinihikayat ng publikasyon na magpadala ang mga mambabasa ng kanilang mga sariling obra. Ito ang kanilang unang subok.

Binubuo ang tomo na ito ng tatlong bahagi: isang magandang nobela, isang salaysay na puro tanong at isang panayam sa ating batikang manunulat na si Norman Wilwayco. Aaaminin ko: ang pangatlong bahagi ang dahilan kung bakit ko ito binili noong Sabado sa Popular Bookstore sa may kanto ng Quezon Avenue at Tomas Morato.

SAMBAHIN ANG KATAWAN Nobela ni Alvin B. Yapan - 5 STARS
Si Jaime ay isang mayamang baklang tago. Malapit siya sa mga aksidente. Minsan isang gabi ay aksidenteng napatingin siya sa isang waiter na si Jun at nagkangitian sila. Iyon ang simula ng kanilang patagong relasyon. Nagsawa si Jaime. Naghiwalay sila. Nagpakasal si Jaime kay Ria. Malapit sa aksidente si Jaime at minsan na itong muntik na mabangga. Kaya kumuha ng driver si Ria. Dahil sa kakilala ng kakilala ng kakilala, ang nakuhang driver ay si Jun. Kaya, pagkalipas ng ilang taon, nagkita muli sina Jaime at Jun, bilang amo at driver. Pareho na silang may mga asawa’t anak. Dito umiinog ang di gaanong popular na kuwentong ito ni Yapan. Hindi kasing popular ng kanyang pelikulang "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa" pero mas maganda pa ang pagkakalahad. Naunang di hamak ito kumpara sa popular TV series noong isang taon: ang "My Husband's Lover."

Mahusay ang paglalahad ni Yapan. Hindi naman nakakapagtaka dahil siya ay isang professor ng Creative Writing sa Ateneo. Tatlong beses na rin siyang nanalo ng Gawad Palanca. Isa rin siyang director ng short films at 2 beses nang pinangaralan ng Cinemalaya at Urian. Mga tatlong beses akong napangiti habang nagbabasa ng nobelang ito. Kwidaw, sa mga baklang nagtatago sa kanilang asawa, ang naiisip ko sa pagbabasa ng ng parteng ang mga asawa nila ang nagsasalaysay: Ang Kutob Ayon Kay Ria at Ang Kutob Ayon Kay Maya na siyang ika-3 at ika-4 na bahagi ng nobela.

Pangalawang beses pa lang na nagbigay ako ng 5 STARS sa nobelang Tagalog. Noong nakaraang taon ang una: Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes. Karapa’t-dapat na maihilera ito sa obrang ‘yon: malinis ang pagkakasulat, piling-pili ang mga salita na parang wala kang itatapong hindi kailangan, pulido ang paglalarawan sa mga tauhan, matalino ang balangkas, at masining na tila isang babasaging malinaw na kristal ang pagkakalahad. Kung makakagawa lang sana ako ng kuwento na ganito ang pagkakasulat. Kahit mamatay na ako pagkatapos. Parang masaya na ako.

THE YOUTH AND BEAUTY BRIGADE GUIDE TO READING AND WRITING THE NEXT FILIPINO NOVEL Sanaysay ni Adam David - 2 STARS
Binubuo ng 39 na katanungan tungkol sa landas na waring tinatahak ng nobelang Filipino. Ayon sa mga ilang nobelang lumabas kamakailan kagaya ng Peksman! Mamatay Ka Man! Nagsisinungaling Ako! ni Eros Atalia at Para Kay B ni Ricky Lee. Mayroon pang 3 nobelang nabanggit pero hindi ko pa nabasa ang mga iyon kaya di ko na lang isasama dito. Inaanyayahan din ni David na magpadala ang mambabasa ng kanilang sagot sa kanyang mga tanong. Sana magkaroon ako ng oras para sumagot dahil marami rin dito ang may katuturan. Nguni’t marami rin ang hindi ko kayang sagutin. Ang dahilan: hindi ko maintindihan. Parang mga terminolohiyang pang-academe na sa Literaturang Filipino class lang ginagamit.

PAGTATAPAT BLG. 1: NORMAN WILWAYCO Panayam ni Edgar Calabia Samar kasama si Allan Derain - 3 STARS
Isang panayam na sinagawa nina Samar at Derain kay Wilwayco noong ika-7 ng Enero 2010 sa Ang Tunay ng Pansit Malabon sa Kamuning. Nabanggit pa rito na ang panayam ay ginawa nila matapos ang paghahalughog sa Booksale sa Shopwise-Cubao.

Di talaga ako fan ni Normal Wilwayco pero nabasa ko na ang dalawang nobela niyang nanalo ng Palanca: Gerilya at Mondomanila. Maganda ang plot at ang mensahe ng mga kuwento ngunit nakakawalang gana ang maraming typographical errors. Dinumog ng ilang fans ni Wilwayco ang mga reviews ko sa mga librong ito dito sa Goodreads. Minsan ay nabanggit din ng kaibigan (na nag-rekomendang basahin ko ang 2 nobelang ito) ko na may interview si Wilwayco kaya noong makita ko ang librong ito, binili ko agad.

Dati’y wala akong alam tungkol sa kanya. Ngayon ay marami na:
1) Kaibigan niya ang may-ari ng Bookay-Ukay sa QC
2) Wala rin silang TV noong lumalaki sila sa probinsiya dahil ayaw ng papa niya kay German Moreno. So, lumaki siyang nagbabasa ng mga bestsellers (halimbawa: Tom Clancy). The bestsellers ang naging pundasyon niya sa pagsusulat ng kuwento
3) Self-published ang mga libro niya dahil wala raw sumiseryoso sa kanyang publishers (This explains the many typo errors – now I know)
4) Nagsimula siyang magsulat noong typist siya sa isang campus paper. Tapos naging editor siya at pinasok pati ang programang Batibot dahil wala siyang trabaho noong panahong iyon.
5) Walang siyang formal training sa writing maliban na lang sa workshops na sinalihan niya
6) Siya ang nag-direk ng movie adaptation ng nobela niyang Mondomanila (Dra. R, mayroon talagang movie ito at isang artista lang ang hinire nila: Timothy at ang iba ay taga-looban na. Malamang wala itong run sa regular movie theatres.
7) Kapag nagsasalita siya, maraming “man”, “mehn”, “pare”, “tol”, “shit” kagaya ng lalaking major characters niya sa kanyang mga nobela.
8) Idol niya sina Chuck Palahniuk, Neil Gaiman, Salman Rushdie at Stephen King. Sa local naman ay si Jun Cruz Reyes (na nabasa ko na rin ang 2 obra: Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe at Ang Huling Dalagang Bukid. Sa hindi manunulat, influences niya sina Larry Alcala at Jess Abrera dahil lumaki rin siyang nagbabasa ng komiks: Aliwan, Tagalog Klasiks, atbp.
9) Other hobbies: skateboarding, music, writing and graphic design
10) Yosi boy.
Marami pang nabanggit sa panayam kaya sana mabasa rin ng mga fans niya ang librong ito. Ang mga sinipi ko sa itaas ay yong mga naka-aliw sa akin. Ngayon, mas handa na akong magbasa ng mga akda niya. Sa mga English novels kasi, madalas may Wiki ang novelist o ang libro mismo kaya madaling malaman kung saan nanggagaling ang author. Sa mga local authors, wala. Maliban na lang kung National Artist ang author kagaya nina Nick Joaquin, N. V. M. Gonzales, atbp.

Hihintayin ko ang susunod na labas ng journal na ito. Sana magtuloy-tuloy dahil sayang ang maganda nilang intensiyon para mapaunlad ang Literaturang Filipino.

Napahaba yata.
Profile Image for Eunice Helera.
37 reviews4 followers
May 27, 2021
Makikita ang galing ni Yapan sa aestetika at may daloy na pagkukwento patungkol sa pagnanasa, pagkakapalagayan ng loob, at sekswalidad, na nakapaloob sa isang lipunang mapagdikta ng kanilang pinagpapasiyahang "dapat" sa kan'yang pagsusulat. Kung mag akdang magiging batayan sa pagkukumpara ng erotika at pornograpiya, magandang ipabasa ang Sambahin ang Katawan.

Sa tingin ko, kayang sabayan (o mas higitan) ang mga akdang Written on the Body (Jeanettte Winterson) at The Vegetarian (Han Kang), kung saan naroon ang paglampas sa kung ano ang karnal na gutom at sensibilidad ng isang tao, at inuungkat ang emosyon at mga pagkakataong higit sa nararamdaman ng tao.

Ang nobela ay gumamit ng multiple persona kung saan ipinapakita ang pagkakaugnay ng iba't ibang sansinukob ng bawat karakter at kung ano ang mga lihim na tayo, bilang isang mambabasa, ang nakakaalam. Medyo pigil hininga sa dulo nang mailahad na ang kutob ni Ria at Maya, at kung paano naipaghabi ni Yapan ang naging hantungan ng kwento sa dulo.
Profile Image for Martin DC.
21 reviews
August 26, 2025
Matatas managalog si Alvin Yapan. Banayad nguni’t matalim, napapansin niya ang mga bagay na hindi agad nasisilayan ng iba. Sa bawa’t pahina, masinsin ang mga detalyeng karaniwang dumaraan lamang sa ating paningin. Sa kanyang pagsulat ay nagiging buhay at makapangyarihan.

Ang pagwawakas ng aklat ay hindi nakaayon sa mambabasa, kundi nakatuon lamang sa mga tauhan. Sila mismo ang humihinga at namumuhay.

Sa huli, hindi na mahalaga ang pananaw ng nagbabasa; ang malinaw, ang mga tauhan ang tanging sentro ng lahat.

At sila lamang.
Profile Image for Nico.
99 reviews
October 22, 2025
Ang husay ng pagtatahi ng kuwento at mga tauhan.

Makikita na may pang-unawa ang kuwento sa pagka-komplikado ng buhay.
Displaying 1 - 7 of 7 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.