“Shake the hands of the brand-new fool.” Ito ang sinabi ni Jenny sa sarili nang pumayag siya sa alok ni Anthony na mag-live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan siya sapagkat ayaw nito ng commitment.
“Arrogant little witch,” ang tawag ni Anthony kay Jenny, na housemaid lamang niya. At, eh, ano kung walang alam na trabaho ang dalaga? Who can resist a pretty maid na nahuli niyang naka-bikini sa swimming pool niya?
Martha Cecilia is a bestselling Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. Many of her books have been adapted on TV including Impostor and her highly-acclaimed, Kristine Series.
Nagustuhan ko ang love story ng kakambal ni Anthony na si Angelo sa "Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko." Sa nabanggit na kuwento ay di ko nagustuhan ang personality ni Anthony pero sa kalaunan ay nakabawi naman siya dahil di siya tutol sa pag-iibigan ng kanyang kapatid at ng ex-gf nya.
Katulad nga lang ng disclaimer ng author ay di okay para sa akin ang PMS & live in kaya medyo hindi ko nagustuhan ang kuwento. Parang nag-umpisa kasi sa lust ang pagkakagusto ni Anthony sa dalaga kaya ganun ang naging set-up nila.