Jump to ratings and reviews
Rate this book

Lahat ng B

Rate this book

207 pages, Paperback

First published January 1, 2022

28 people are currently reading
224 people want to read

About the author

Ricky Lee

48 books622 followers
Filipino screenwriter, journalist, novelist, and playwright.

He has written more than 150 film screenplays since 1973, earning him more than 50 trophies from various award-giving bodies, including a 2003 Natatanging Gawad Urian Lifetime Achievement Award from the Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Filipino Film Critics). As a screenwriter, he has worked with many Filipino film directors, most notably with Lino Brocka and Ishmael Bernal. Many of his films have been screened in the international film festival circuit in Cannes, Toronto, Berlin, among others.



Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
75 (33%)
4 stars
89 (39%)
3 stars
55 (24%)
2 stars
6 (2%)
1 star
1 (<1%)
Displaying 1 - 30 of 44 reviews
Profile Image for Maria Ella.
560 reviews102 followers
March 4, 2023
2.5 stars — because this is where I can say that I am definitely old, and the ending is lukewarm for me and feels like sir Ricky didn't even make an effort to deviate from the usual metafictional writing.

Here are some notes / questions that I can ask upon the Face-to-face discussion with him and the PRPB folks (finally, I am going back again, never felt more excited after years of suffering in the pandemic & quarantine):

- Pulsated plotline? Did Ricky Lee wrote the sequel because of the reader feedback? Was it a social media pulse, or is him bringing back the heydays from 2008?
- Is page 13 a social commentary on how skillful a writer should be?
- On page 27 — is unrequited love intentionally placed as a quote? Because I commend on how this was logistically proper in the prose. It seems random, but it tugs at my heartstrings.
- "Mapagpatawad ang pagmamahal" — is this the central theme of the novel? Because it slightly depicts on how people are really forgiving when it comes to love. We hope that we won't be apologists, though.
- Erica's Arc might be loyal, but feels unneccessary to have other characters as a literary device. It becomes noisy and doesn't contribute to the gap years from Para Kay B.
- How come the end came as a Lukewarm feeling again?
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
March 10, 2024
Sequel, o mas tamang sabihing, closure ng nobelang "Para Kay B."

Samut-saring emosyon ang naramdaman ko sa pagbabasa ng aklat na ito ni Ricky Lee. Nariyang masaktan, matawa, magalit, tumaas ang balahibo, at higit sa lahat, umibig. Maraming parte sa nobela na sadyang masakit---nakaluluha pa nga kung tutuosin---ngunit lamang ang pakiramdam na masaya ang karanasan sa pagbabasa. Magaan ang pagkakasulat ng nobela at madaling intindihin, marami ding nakakatawang tagpo na makapagpapangiti sa 'yo (pagkatapos kang saktan-saktan, haha). Nasabi kong nakatataas-balahibo dahil sa mga tagpong mamamangha kang talaga. Hindi mo makikita o mahuhulaan ang magaganap, basta magbasa ka lang. Ganito ang mga gusto kong mga kuwento---nararamdaman at hindi lang basta-basta daraan lang pagkatapos tapos na. Parang ang sakit-sakit talagang magmahal:

"Masakit dalhin ang pag-ibig na hindi naibibigay."

Pero sa ayaw at sa gusto mo, ito pa rin ang pinakamasarap na pakiramdam, katulad ng paghahalintulad ni Lucas kay Bessie at sa pagsusulat:

"Si Bessie at ang pagsusulat ay iisa, parehong may dalang sakit pero may dala ring ligaya. Parehong di niya kayang mawala."

At sa huli, anuman ang kahinatnan ng inyong pagmamahal, mayroong mananatili, gaano man ito kasakit:

"Mga alaala . . . iyon ang meron tayo."

Ngayong tapos na ang nobela, mami-miss ko ang mga tauhang sina Bessie at Lucas; si Irene at ang kaniyang memory bank; si Sandra, kahit nalulungkot ako para kay Ruben; si Erica at ang Maldiaga; si Ester, Sarah, at AJ (maganda ang ipinakitang tapang ni AJ rito); at ang marami pang tauhang bumubuo sa nobela.

Ito na siguro 'yung closure na matagal ko ring hinintay. Puwede na akong mag-move on para sa susunod na nobela.
Profile Image for eko.
75 reviews2 followers
December 9, 2023
Love letter ito ni Ricky Lee para sa sarili nya. I felt sentimental sa huling page.
Profile Image for jyc.
170 reviews
March 6, 2023
★★★★ // parating highlight ng librong ito kung gaano kasakit umibig. at talagang masakit nga pag binabasa mo ang nangyayari sa mga kwento nina Irene, Sandra, Erica, Ester, Bessie, at Lucas. sa karugtong na ito ng Para Kay B ay muling binalikan ang kwento ng mga tauhang ito. gaya ng dati, sila ay binubugbog pa rin ng pag-ibig. gaya ng dati, isa lang din sa limang kwento ang nagtagumpay. strange enough, ang nagtagumpay na kwento ang medyo hindi ko gaanong nagustuhan.

paborito ko pa rin ang kwento ni Irene. kung paanong ang matagal na inaasam mong pag-ibig ay may katapusan din kahit pa nakuha mo na. minsan, hindi talaga sapat ang pagmamahal lang.

sa kwento naman ni Sandra, hindi pa rin ako kumportable sa incest element kaya ang hirap basahin. parati akong uneasy dito kahit pa sa Para Kay B. nauunawaan ko ang sakit na nararamdaman nila, pero hindi ko magawang mag-simpatiya. masakit lang ang puso ko para kay Ruben.

at si Lucas. hanggang ngayon ay ginugupo pa rin ng letrang B. hanggang sa kamatayan ay bitbit niya ito. hanggang binubuhay siya ng kwento ay mamahalin at mamahalin niya si Bessie.

totoong masakit ang pag-ibig na dala-dala sapagkat hindi naibibigay. may mga taong pinipiling palayain ang kanilang sarili. habang ang iba naman ay kinakaya pa rin ang bigat.

sa huli, kung anong pagmamahal ang tinatanggap natin ang siyang huhubog ng ating pagkatao. sa huli, kung anong pagmamahal ang pipiliin natin ang siyang tunay na magpapalaya sa atin.
Profile Image for Charlie.
27 reviews
November 28, 2025
Napaka meta talaga nitong dalawang librong Para Kay B at Lahat ng B. Nagustuhan ko ang unang libro despite it being first published almost two decades ago, napaka impactful ng mga kwento nina Irene, Erica, Sandra, Ester, Bessie, at ni Lucas. It felt as if it was written only yesterday. Ano nga bang mas ttimely pa sa kwento ng pag-ibig, tumatanda ba ang pag-ibig? Kaya nga nitong patigilin ang oras sa San Ildefonso.

Nagustuhan ko ang Para Kay B dahil nabanggit dito na ang pag-ibig ay isang political act. Sumasali pa nga si Bessie sa rallies para mahanap si Lucas, pero in the end sumama pa rin sa anak ng congressman na si Brigs. Dito rin ipinakita ang kwento sa loob ng kwento, at ang interaksyon ng mga tauhan sa manunulat. Ano nga ba ang diperensya ng isang karakter sa tao sa tunay na buhay kung pareho namang nag-iisip, humihinga, umiibig, at nasasaktan ang mga karakter? Mas nasagot itong tanong na ito sa Lahat ng B.

Wala naman akong expectations when picking up this book dahil gusto ko lang naman mabasa ulit ang kwento ng mga umiibig at makiramdam. Pero nadismaya ako kung paano Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang pagkakamaling ginawa nang paulit-ulit dahil sinabi na ng taong minamahal mo ang gusto mong marinig dati pa? Alam ko naman na ang point ng kwento ni Irene ay kung mahal mo patatawarin mo dahil ang pag-ibig ay pagpapatawad. But I guess hindi pa ako nakapag mahal ng tulad ng kay Irene para husgahan ito.

Ganon na rin sa kwento ni Sandra,

I love Erica and Jake. Ester and AJ. Sara and Randy. Pinakita nila na wala talang perpektong pag-iibigan. Ang mahalaga lahat sila ay nagmahal, minahal, at nabigyan ng closure. Mayroong kayang lumabas sa bilog, at mayroong pinipiling manatili sa bilog. Mayroon namang sila ang gumagawa ng bilog. Lahat dapat rinirespeto kung ano man ang kanilang pananaw sa bilog.

Lucas holds a special place in my heart. Mas pinalalim pa niya ang koneksyon ng tauhan sa tao sa totoong buhay, kung saan si Lucas na writer din ay isang tauhan na sinusulat ng isang manunulat sa laptop. Maski ang manunulat din ay maaaring may nagsusulat mula sa itaas o kaya naman ay nababago ng kaniyang mga tauhang karakter in indescribable ways.
Profile Image for Keiko, the manga enthusiast ♒︎.
1,276 reviews187 followers
January 4, 2024
Never-ending gratitude to the one and only. Thank you to your wise words, sir. The first day of my 2024 was filled with heartbreak, sadness, grief, acceptance, forgiveness, and satisfaction that I know I will carry throughout the year.

I wasn't hoping for a sequel of Para Kay B as I carried the pieces of my broken soul back when I was 16. I just knew that the book trampled all over my then already broken heart. Thank you. This is a nice parting gift for the story that never died within me. Thank you so much, po, sir!! Lucas isa kang alamat! Napaka mapagpatawad mo. Nakikita ko ang sarili ko sa iyo. Mga martyr tayo!

How nice would it be, no? If there really is a Maldiaga, so that if we're tired of giving love, we can live in peace. How nice would it be if there really is an institution that mends a broken heart? Kung me quota ang pag-ibig... dapat ngang me quota rin pagbiak sa puso.
Profile Image for Mx. Andy Feje.
162 reviews3 followers
January 22, 2024
Kung sa Para kay B ang paborito ko ay chapter ni Sandra, dito naman ay mas tumagos sa akin ang chapter ni Ester. Mapanakit pa rin ang kwento nila Sandra at Lupe, pero mas nasaktan ako dito sa 2nd book para kay Ruben. Sa chapter naman ni Ester ay pinaka powerful ang tunggalian ni AJ at Pio, sobrang remarkable. Naalala ko iyong eksena ng Diyos at ni Amanda sa Dekada ‘70 na bumabangga sa patriyarka. Para sa akin ganoon kaimportante ang eksena rito ni Pio at Aj. Nandidiri at nagagalit din ako habang binabasa ko ang bahaging iyon ng libro. At, akala ko doon na natapos pero may isa pang nakagigimbal na ginawa si Pio. Ang sakit at ang ganda at the same time.

Ang nagustuhan ko rito ay ang mga kwento ng main characters ay hindi na lang din naging kanila. Ganoon din naman sa totoong buhay hindi, hindi dahil umiibig tayo at sa iisang tao lang umiikot ang mundo natin, ay wala na tayong nadadamay o nasasagi. Interesting din para sa akin iyong pag-iintroduce ng mundo ng mga tauhan lalo pa’t ibinibida rin dito ang ilan sa mga makasaysayang tauhan sa panitikang Filipino tulad na lang ni Ibarra sa Noli Me Tangere, Candida sa A Portrait of the Artist as Filipino, at maging iyong bata sa Kalupi.

Mabilis lang din itong basahin dahil magaan lang ang wika, kaya mo nga sigurong matapos ng isang upuan. May bisa para sa akin ang paggamit ng wika ng iyong panahon dahil mas marami kang maaabot kapag ganoon, hindi lang iyong mga regular readers. Kaya, sana mas marami pang makabasa nito. Sana mas marami pa tayong mabasang akda ng Pambansang Alagad ng Sining, ngayon at sa mga susunod pang panahon.
Profile Image for Kristian Eric Javier.
33 reviews
June 11, 2024
Wala bang quota ang heartache?
Iyan ang importanteng tanong ng bagong nobela ni Ricky Lee na Lahat ng B, sequel sa nauna niyang nobela na Para Kay B. At pagkatapos mong basahin ang nobela, malamang, iyan din ang tanong mo sa iyong sarili.

Paalala: Sequel ito at kung di pa mababasa ang unang nobela, mariin kong ipinapayo na basahin muna iyon. (Nakaambang ang posibleng spoilers)

Dito binalikan ang kuwento ni Lucas, ang binatang nangangarap maging manunulat sa unang kuwento. Dudugtungan din ang iba pa ang mga kuwento ng unang nobela at gaya noon, nasa mambabasa na kung makikita niyang masaya o malungkot ang pagtatapos ng mga kuwento.

Kung dati ay minahal ko ang bawat tauhan ng kwento, ngayon ay masasabi kong naaawa ako sa karamihan sa kanila. Hindi ito kwento lamang ng pag-ibig, kwento rin ito ng sakit at pighati.

Ngunit gaya ng naunanh nobela, minahal ko rin ang kuwentong nakasaad dito.

Hihilahin ka ng bwat kwento at mararamdaman ang bawat sakinna kanilang pagdadaanan. Kahit ako, inaamin ko, ay naiyak rin sa ilang eksena.

Medyo bitin lang ako sa mga kwento, pakiramdam ko ay mas marami pang masasabi tungkol sa buhay mg bawat tauhan. Pakiramdam ko rin ay kulang ang naging katapusan ng kwento.

Ngunit pagkatapos nito, tingin ko, ay hindi na kailangan ng kasunod pa.

(Gusto ko lang magtagalog, maiba lang.)

Sa huli, inirerekominda ko pa rin ang Lahat ng B lalo na sa mga nakabasa ng unang nobela.

Ikaw, saan ka naniniwala? Sa quota ng pag-ibig, o sa heart break?

Basahin ito kung gusto mo ng:
🧑‍🤝‍🧑Iba't ibang punto de bista (POV)
📚Karugtong na kwento
🫂Pagkakaibigan
👩‍❤️‍👨Pagmamahalan
👩‍❤️‍👩Pagmamahalan ng parehong kasarian (LGBTQ)
✍️Kwento tungkol sa manunulat
❤️‍🩹Paghilom ng nasaktang psuo

Babala sa paksa
👩‍❤️‍👩Pagmamahalan ng parehong kasarian (LGBTQ)
🤜Sakitan
🔪Pagpatay

#bookreview #bookreviewph #lahatngb #parakayb #sequel #rickylee #romance #heartbreak #tagalog #filipinoauthor #readthisifyoulikethat #bookstagram #bookstagramph #bookstagrammer #bookstagrammerph
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Bernard Christopher.
Author 1 book8 followers
November 22, 2025
#BernardReads | BOOK REVIEW 📚

#LahatngB (Karugtong ng “Para kay B"), nobela ni Ricky Lee 📖

Mahigit isang taon yata ‘nung huli kong nabasa ang #ParakayB, unang akda ni Sir #RickyLee. At nang magkaroon ng sequel ay nabili ko naman noong nakaraang taon din sa #MIBF2024.

Curious ako kung ano ang mga dahilan sa muling pagbabalik sa mga kuwento ng tauhan ng nobela. May pananabik na gusto ko rin silang makamusta.

Ang masalimuot at malungkot na pag-ibig ni Lucas kay Bessie, magpasahanggang-ngayon ay ‘di lumilipas.

Kung ang ending sa unang libro ang pinakanawirduhan ako, yung pagiging meta ngayon ay mas naiintindihan at mas nakapang-a-aliw na sa akin bilang isa ring manunulat na tumitimbang kung gaano kafictional ba ang isusulat ko.

Sadyang kabiyak ng pag-ibig ang dalamhati. Kung ayaw mong masaktan pang lalo mula nang basahin ang Para kay B, mag-isip muna bago basahin ang sequel na ito.

Nakakahanga ang paghabi muli ni Sir Ricky Lee ng mga luma at bagong tauhan, in-update ang stories of love and pain, may mga nadagdag na bagong perspektibo, ngunit ang pamilyar na pakiramdam ay naroon pa rin.

Hindi ko alam kung ilang heartbreaks pa ba ang kailangan ng mga paborito kong karakter para ako’y mabaluktot din at humagulhol.

Maraming salamat, Sir Ricky Lee, sa akda mong nagwarak at nagstapler muli ng aming puso. Palagi namang nagwawagi ang pag-ibig, pero hindi lahat ng mangingibig. Paalam (sa ngayon) kina Lucas at sa mga tauhang tila taon-taon kong nabibisita.

‘Di bale, napanood ko naman sila sa Para kay B play adaptation. Congratulations, Sir Ricky! Mabuhay ang literaturang Pinoy!

#bookrecommendations #bookreview #akdangpinoy
Profile Image for Darwin Medallada.
34 reviews2 followers
February 22, 2023
Lahat ng B

Ricky Lee

Sequel ito ng Para kay B, karugotng ng mga kuwento nila Irene, Sandra, Ester, Bessie, Erica at Lucas.

Love letter din siguro ito ni Sir Ricky Lee sa mga nagsusulat, mga umiibig at sa sarili.

Maganda ang sequel at wala na akong hahanapin pang iba sa mga tauhan. Sobrang saya lang sa pakiramdam habang nagbabasa kahit me mga pagkakataong nangingilid ang luha ko (mababaw ang ligaya at luha ko) e napapangiti rin ako ng libro. Isa si Ricky Lee sa mga manunulat na lagi kong inaabangan ang mga masusulat. Paborito ko noon ang Para kay B (6 times kong binasa) kaya sobrang natuwa ako nung mabalitaan kong may sequel na. Sobrang saya pa lalo kasi niregalo ito sa akin ng asawa ko nung araw ng mga puso.

Saglit ko lang binasa itong Lahat ng B. Natapos ko ngayon habang nasa St. Lukes, BGC ako at nagustuhan ko rin ang katapusan ng nobela.

Sa kabuuhan, ang natutunan ko sa nobelang ito ay nakakapagpatawad ang lahat ng mga nagmamahal at may mga bagay tayong dapat isakripisyo sa tuwing umiibig tayo. Hindi rin lahat ng pagmamahal ay masaya ang katapusan pero lagi namang may masasayang alaalang babalikan.

- - -

Nirerekomenda ko ito sa lahat ng nagustuhang ang nobelang Para Kay B. Ang bilis ko lang kasi talagang natapos itong nobela. Ganito ang mga gusto ko kapag nagbabasa ako, hindi ako natitisod sa kuwento at binubusog ako ng mga salita.
Profile Image for John.
307 reviews28 followers
June 27, 2023
I am usually averse towards sequel released years after its original source (or I really just dislike Aciman's Find Me), but I find Ricky Lee's Lahat Ng B an enjoyable read. Although his main five characters in Para Kay B, released 15 years prior in 2008, had their stories concluded neatly and to their own liking, the continued retelling of their lives was a welcome addition and in fact, strengthened the characters more. What I didn't particularly enjoy in this, as it was with the first book, was Lucas's arc. It lost me during the first time and it lost me again with this one. But Irene's story, and Sandra's and Ester's far outweigh the faults of this novel and I wouldn't take these things against it, for where else, other than a Lee novel, can I read such a beautiful and poignant passage as this:

“...dahil mga alaala ang nagpapaalala sa ating kailangan nating maniwala uli, na may kapangyarihan pa rin ang pag-ibig, siguro ngayon ay wala pa pero bukas ay babalik ito, mas malakas pa, upang mapatigil uli nito ang mga kampana at relo...upang magpatawad.”
4 reviews
August 17, 2025
Madalas napapangitan ako sa mga sequels pero mas maganda pa ata tong sequel na ‘to kaysa sa og book hehe. Di ako nagsisising bilhin na rin to sa wakas after months of thinking kung worth ba.

Gets na yung parang open letter ni Ricky Lee sa sarili niya

Masaya akong may closure na :))

“Lagi niyang sinasabi sa kanyang workshoppers na mahalaga sa mga writer ang magkuwento, dahil ang bawat kuwento nila ay isang patak ng ulan, na kapag nagsanib ay magiging unos na huhugas sa lahat ng dumi at sukal upang makausbong ang mga punla ng pag-asa.”

“Umuulan ng mga bituin dito apat na beses sa isang taon, sabi ni Ester kay Lucas. Tuwing katapusan ng ikatlong buwan. Para ipaalala sa aming lahat na kaming mga tauhan ay mga bituin din. Malapit lang pero hindi maabot. Paiba-iba ng hugis at laki. Nagniningning kapag nasa dilim.
Nababalot ng misteryo.”

“Si Bessie at ang pagsusulat ay iisa, parehong may dalang sakit pero may dala ring ligaya. Parehong di niya kayang mawala.”
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Julienne.
234 reviews14 followers
January 12, 2024
📚3/24: Lahat ng B ni Ricky Lee

Mapanakit ang libro. Para bang may sakit na nararamdaman si Sir Ricky at gusto nyang iparanas sa atin.

Ang Lahat ng B ay kasunod na libro ng Para Kay B. Katulad ng Para Kay B, ito ay tungkol sa pag-ibig. Pero ngayon, mas nangingibabaw ang istorya ng manunulat kaysa sa isinusulat.

Sa tingin ko, eto ang love letter ni Sir Ricky Lee sa mga nangangarap na manunulat — na kahit sa tingin nila ay walang nagbabasa — buhay pa rin ang mga tauhang isinulat nila, kaya dapat magpatuloy sumulat, ipagpatuloy ang kwento.

Ang kabuuang tema ng librong ito ay pag-ibig at pagpapatawad. Ang sakit sakit basahin nito, may kurot. Nasaktan ako para kay Irene. Nasaktan ako para kay AJ. Nasaktan ako para kay Ruben. Masaya ako para kay Ericka. Masaya ako para kay Lucas dahil mas pinipili nyang magpatawad at umibig ng walang kapalit.
Profile Image for Walmart Kagome.
4 reviews1 follower
March 4, 2025
I jumped right into this book after re-reading Para Kay B. I was not disappointed. Ricky Lee didn't waste time continuing the plot, yung stories nila Lucas, Bessie, Ester, Sandra, Irene at Erica didn't feel unnecessary either. I liked how the story could end in the first book but added more if one chooses to read the sequel. Hindi rin dragging yung story, one after the other, purposeful yung mga nangyayari and yung piniling idagdag sa kwento ng mga characters. One thing about it lang, I found myself confused nung pumasok si Lucas sa mundo ng mga characters. It was a good way of presenting introception through the lens ng author at relationship niya sa work niya pero may parts dun na hindi ko maseryoso. Other than that, this is certainly for those looking for a Tagalog book with interesting plot and characters.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Whispers of Luminaria.
2 reviews
December 15, 2025
Literal na classic pa rin ang pagsusulat ni Ricky Lee, at mas naging consistent pa mula sa unang bersyon ng Para kay B na aking minahal nang buong buo. Bilang libro at sa turn out of things, mas naramdaman ko ang pag konekta ng mismong awtor sa gumawa ng sangkatauhan base sa kaniyang libro. Effective ang writing, nakakainis pa rin ang mga desisyon ng mga tauhan (bilang imperfect people), kaya naman dalang dala pa rin ako ng kaniyang sinulat. Isa si Ricky Lee sa mga taong ibinibida ang tunay na pagkatao ng mga kababaihan, at isa sa mga magagandang libro pa rin ang Para kay B, na pinupuno at kinukumpleto ng Lahat ng B.
Profile Image for Maecy Tiffany.
63 reviews2 followers
September 21, 2024
"Masakit dalhin ang pag-ibig na hindi naibibigay." Kanino galing ang linyang 'yan? Doon lang naman sa isang tauhan na sobra-sobrang magmahal. Martir. Marupok. Handang magparaya.

Wala akong ibang masabi kundi nakakainis. Iyak-tawa pa rin ako sa kakulitan at karupukan ng mga tauhan. Parang pinaglalaruan ako ni Ricky sa buong nobela. Lalo na ang ending! Doon pa lang sa PKB inaasahan ko na ang gano'ng ending pero nandito pala sa sequel.

Pinaka gusto ko pa rin ang pagkakalahad sa kwento ng magkapatid na sina Sandra at Lupe. ✨
Profile Image for Iya Calma.
5 reviews
December 29, 2025
Bilang ngayong umiibig na ako, ang daming statements galing sa libro ang huling-huli kung ano ba ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal.

Ayun nga lang, mas maganda yung statements na yun if read separately kaysa sa kabuuan ng libro.

Agree ako sa ibang reviews na parang hindi na ito masyadong in-effortan. Kailangan nga ba effortan ang closure?

Nakornihan din ako sa ending. Hindi ko rin naiintindihan kung bakit kailangang gawing 2x meta ang libro. Parang sa dulo tuloy ay napalayo ako sa mga karakter.

Recommend ko pa rin sa mga nakapagbasa na ng Para Kay B. Para sa closure, ika nga.
Profile Image for Jims Rasel.
13 reviews2 followers
January 2, 2024
See previous review for Para kay B. More or less same thoughts. Akala ko this book would be burdened with the sequel syndrome pero I was proven wrong. This book highlighted and improved upon the best parts of the first book. Lalo lang akong napa-sana ol sa mga kaganapan sa libro tho yung ibang kwento ay masakit. Pero alam mong masakit kasi nagmamahal sila. At walang nagmamahal na hindi nasasaktan. Makirot! Mahapdi! Mapagmahal.
Profile Image for ashe ♡.
4 reviews
January 5, 2025
this is one of the most nerve-wracking sequel i have ever read! i could not put the book down even for just a second, it's so weird to read a book in my language and see myself in the pages. for a book written in comedic and conversational filipino, it's something so realistically daunting. i loved it! every bit of it! i have a soft spot for yvelin, irene, and erica (i'm so happy for her ending!), it's a must read for filipino romance writers ♡
Profile Image for bryan.
217 reviews27 followers
October 2, 2024
More like 3.5 out of 5. Walang duda na mahusay magsulat si Ricky Lee. May mga stylistic choices lang siya na hindi ako sang-ayon. Halimbawa, yung interaction nila ni Lucas sa dulo. It would have been better kung hindi niya pinangalanan ang sarili niya. Sapat na yung aware sila sa existence ng isa't isa, bilang tauhan at manunulat. Para sa akin, their interaction doesn't add anything to the story.
Profile Image for Reijan Gon.
79 reviews1 follower
October 8, 2024
Wala namang duda sa husay ni Ricky Lee sa pagsusulat. Pero sa Lahat ng B, kahit hindi ko gaanong naaalala ang mga nangyari noong unang nobela, pakiramdam ko'y hindi ito kasingganda ng Para kay B. Tila naguguluhan din mismo ang kwento, at ang mga tauhan sa metafiction narrative.

May isa o ilang kwento na tumatak, pero ang iba ay walang naging masyadong timbang.
Profile Image for Niño Louis.
38 reviews
August 17, 2025
Para Kay B was so special to me as it opened me to Filipino fiction. So I was really excited to read the sequel to it. However, this book did not live up to its predecessor. Every chapter of Para Kay B felt exciting and new to me,but for this one, some chapters were bland. It also went too meta for me. But I still appreciate Sir Ricky Lee and his works.

I gave it 2.5/5 stars.
Profile Image for Kingston Sotelo.
60 reviews
September 30, 2025
3.5 stars
maganda yung first half ng kwento, medyo nakornihan na ako sa dulo. conclusion dapat ito ng para kay b, pero for me, may loose ends pa rin sa dulo. like AJ’s story, hanggang dun na lang talaga? ‘di man lang nakapag speak up. si tauhang lucas na parang merong gustong sabihin sa dulo pero hindi nasabi? it kinda felt rushed, tbh.
Profile Image for ☆.
4 reviews
August 29, 2023
mabigat. halos dalawang buwan ko ring binasa itong karugtong ng para kay b. goosebumps. wala akong masyadong masabi, deserve ni ricky lee ang lahat ng pagkilalang natanggap at natatanggap niya, mula noon hanggang ngayon.
Profile Image for Mark Acosta.
4 reviews
October 23, 2024
Forever in my heart. To selflessly, unconditionally, and sacrificially love and only love one person for the rest of your life. That is the goal.

Very interesting sequel as it explores various facets of love and approaches in love. Dive and give it a try.
Profile Image for henry.
161 reviews7 followers
June 21, 2023
Umiyak ako at tumawa at nagulat at nag-isip. Written in Ricky Lee's unorthodox, unapologetic writing style.

Ang galing galing lang talaga.

Napanganga ako sa ending.
Profile Image for Sha.
21 reviews
November 1, 2024
May author sa likod ng author.

Pagkatapos ko talaga basahin ang libro ni Ricky Lee, ramdam ko na ang sarap sarap mag mahal happy ending man or hindi
Displaying 1 - 30 of 44 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.