Ikalawang serye ng komiks na nakatoka sa Pinoy Reads Pinoy Books para sa Komiket 2017 ngayong Oktubre 14 & 15. Ang aming book club ay isa sa maraming samahan ng mambabasa na magpapakilala sa mga dadalo. Magkita-kita po tayo roon.
Ang seryeng ito ay tungkol sa 5 batang nakatakas sa isang bus na naiwan sa gitna ng isang kalye sa Maynila. Umaga noon nang June 23, 2035 kung saan ang mga tao ay namumuhay na palaging may banta ng pagsalakay ng mga zombie. Ang pagdating ng zombie invasion ay parang bagyo ngayon. May mga signal depende sa dami ng zombie na parating. May gamot na rin para hindi mahawa ng zombie. At tinatawanan lang ng mga bata kapag nakalusot sila sa mga zombie.
Ang serye ay binubuo ng 7 aklat at mukhang may parating pa dahil noong matapos ko ang part 7 ay nagsisimula pa lang lumalim ang plot ng kuwento.
Part 2. Tingnan mo nga naman. Bakit hindi sila pinapasok ng mga tao? Sinilip lang ng mga tao. Kung sabagay, paano magiging exciting ang kuwento kung papapasukin sila.
Pagkatapos ng Part 2, dampot pa rin agad ang Part 3. Exciting ang series na ito.