Jump to ratings and reviews
Rate this book
Rate this book
"You healed my heart and made me trust in love again."

Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama.

Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu.
Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito.

They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline.

Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya.

Uuuy, tsismis!

128 pages, Mass Market Paperback

First published January 1, 2008

10 people are currently reading
492 people want to read

About the author

Sonia Francesca

126 books1,189 followers
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
95 (69%)
4 stars
28 (20%)
3 stars
10 (7%)
2 stars
3 (2%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for kwesi 章英狮.
292 reviews743 followers
October 4, 2011
Bata pa lang si Carmi nawalay na ang kanyang magulang at ang kanyang stepmother ang naging turing ina at magulang na rin niya hanggang naging dalaga siya. But one day, when she heard something unusual and very betrayal in her part. Pinag-isipan niyang kumuha ng bodyguard to guard her and the most safest place is Calle Pogi. So she went to Calle Pogi to stay away from her plastic stepmother. Pero di niya alam, kung saan na akala niyang di na siya muling ma-in love ay dun pa pala siya makakahanap ng true guy. Can she make it or maging katulad rin siya ng mga tragic love story?

Wala nang bago sa pocketbook or sa series na ito, paulit-ulit na lang ang lahat but I'm obliged to read the series. Not because I bought it with my own money but because I was hooked kahit naiinis na akong paulit-ulit ang kwento. Parang the story will turn into a point na magsasabi ka, 'ay nabasa ko na ito sa ---- book sa series.' After that, wala ka namang maisip na magandang masabi kasi nasabi mo na in the first few reviews.

Ang magpinsan sa Calle Pogi lang ang di ko pinapansin sa series dahil; First, para silang mga pusa at aso na nag-aaway sa kalye o ano man silang hayop na mahilig mag-away, sadista ba. Second, wala namang kwenta ang pinag-aawayan. Pangatlo, di sila masyadong pinapakita sa ibang series or they are not usually executed well in the book. May plano pa yata silang gawing mysteryoso ang mag-cousin to make it to the point na ma-surprise ang readers once they manage to read their love story. Lastly, parang ako lang, mahilig mang-asar at wala namang saysay ang pinag-awayan.

Akala ko na rin, dun na matatapus ang kwentong ito dahil ang hirap nilang gawan ng kwento. Hypocrite sila kung tutuosin, di normal ang galawa nila at kakaiba talaga ang pananaw nila sa buhay. This Mr. Low Profile ay nangangarap na maging low profile na di effective at dahil dun nabibisto pa ring mukhang mayaman. Di lang yun sa bahay makikita kuya! At least, nakita na ngayun kung ano ba ang dahilan ng lahat, di lang pala dahil ay gusto niyang maging low profile. How sad, na malaki pala ang impact ng childhood experience sa later years ng tao.

Hindi ako masyadong natawa sa kwento pero natuwa ako, na-feel ko ayos lang siya at plot wise si Sonia Francesca this time. Pinagisipan mabuti ang kwentong ito. Pano kaya si Drei, ganun rin ba kaganda ang pagkasulat? I still expect a lot from the two authors at napamahal na rin sa akin ang pocketbook kahit di sila masyadong tanggap ng ibang readers. I'm sure that love can change everything katulad ng pagmamahalan ni Ryu at Carmi. Anyway, I'm still expecting a change.

Grado: Ryu (Calle Pogi #8) by Sonia Francesca, 4 Sweets

Challenges:
Book #271 for 2011
Profile Image for Clamourei.
16 reviews2 followers
October 14, 2012
hoookay!

Ive read this book along time ago. AND! I'm gonna read it again, pretty soon, to give a good review about it. BUT! one thing for sure, this book has a good laugh on it and kilig factor!
Profile Image for Claine Jocson.
18 reviews1 follower
April 21, 2015
Ang kwento ni Ryu ang kakaiba sa lahat ng Calle Pogi Series. Kakaiba siya kasi medyo seryoso 'yung kwento, to think na may gustong pumatay kay Carmi. Nabasa ko 'yung ibang review sa storyang ito at ang iba hindi ko nagustuhan. Well, what can I say? Iba iba naman talaga tayo ng pananaw at trip sa buhay.

Gusto ko 'yung opposition ng mga ugali nila. (Whatever!) At natuwa ako nang i-feature pa talaga ang bukbuking bahay ni Mr. Low Profile. (Wala akong paki-alam kung sablay ka sa pagpapanggap mo dahil gwapong-gwapo ako sa iyo.)

Pero! Mga ati at koya, kung gusto niyong kiligin at tumawa, I-recommend you to read this. Syempre bumili ka ng sarili mong kopya.

Alam kong maraming flaws ang storyang ito pero I just find it perfect! Ang gwapo ni Ricardo sa paningin ko, hindi ko alam kung bakit pero alam kong bawal ang namamangka sa dalawang ilog dahil mahal ko ang pinsan niya. (Chos!)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.