"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumayo ako gaya ng nais mong mangyari. Pero hindi ko na kayang magpanggap na kaya kong malayo sa iyo. I miss you like hell! And I still love you."
Mabilis na nalagas ang mga dahon sa tangkay ng panahon. Waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang maraming taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Jeuliette. Ngayon ay isa na siyang sikat na modelo at maari na niyang ihanay ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan ng mga Stallion boys.
Isang bagay lang ang hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman-ang pangalan ni Trigger Samaniego. Ito ang tanging lalaking nanakit sa kanyang damdamin noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng panahon...
Sonia Francesca is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She is the writer of the bestselling series The Billionaire Boys Club and Stallion. She co-wrote the series Calle Pogi with fellow Precious Pages Corporation writer, Keene Alicante.
WOO! Kinda remind me of The Duke's Proposal. Harlequin novel naman yun (share) XD. Pareho kasing model ang bidang babae. Pero the similarities end there. Super cute ng ending nito, and bitin at the same time. I want more! :D
I was expecting a little bit angst after what happened during their high school days. And I was a bit disappointed (o dahil nagexpect lang ako ng sobra), but all in all, I still love the story and the humor in this book.
Sa ngayon ito yung pinaka-the best na Stallion pocketbook na nabasa ko. Natuwa ako kasi hindi lang pala si Jeuliette ang may nararamdaman para kay Trigger kung hindi si Trigger din pala ay talagang gusto na siya kahit noon pa. Hindi lang talaga kasi ako mahilig sa banter remarks nila kaya di ko ramdam yung mga tuksuhan nila. Pasensya na pero baka "pusong bato" kaya di lang talaga ako mahilig sa banters. hahaha!