"For the third time now I thought I’d lost you. There isn’t going to be a fourth time, dahil alam kong hindi ko na makakaya. Ganyan kita kamahal."
Nag-propose si Avery ng marriage kay Irwin at pumayag naman ito. Her reasons were noble—and if he only knew! Ngunit ito pa ang may ganang mag-demand sa kanya!
"May mga ilang bagay kang dapat tandaan, Avi. Hindi na katulad noon ang nararamdaman ko sa iyo ngayon, so there will be no love between us. Alam kong okay lang naman sa iyo iyon dahil hindi mo rin naman ako mahal. Second, pagkatapos nating magpakasal sa Maynila, it will be a business arrangement. Oo, magsasama tayo sa iisang bubong, pero hanggang doon lang. Maghihiwalay tayo ng kuwartong tutulugan. I won’t touch you… iyon ang pinakahuling gusto kong gawin. Got it?"
Camilla is a bestselling Filipino romance writer famous for the series Lukaret, Ambisyosa and Task Force Kapayapaan. She writes for Precious Pages Corporation.