"Alam mo ba kung anong gamot ang ibinibigay ko sa mga babaeng talak nang talak? Niyayakap ko at hinahalikan hanggang sa matahimik."
Para kay Isabel, malas ang dala ni Nikko Molina sa buhay niya. Dahil dito ay nawalan siya ng trabaho at kailangan niyang huminto sa pag-aaral. Abot-langit ang galit niya rito kaya laking pasalamat niya na hindi na sila magkikita.
Kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya nang makita niya itong nakatira sa bahay ng kanyang butihing kapitbahay.
Bigla, ang inakala niyang tahimik na mundo niya ay nagulo dahil naging instant kapitbahay niya pa ito. Pero handa naman daw itong bumawi sa mga atraso nito sa kanya. Inalok siya nito ng trabaho:
"Magpapanggap ka lang na girlfriend ko, I’ll pay you fifty thousand. Ipapakilala lang naman kita sa mga magulang ko," alok nito sa kanya.
Ang trabahong iyon na ang sagot sa mga problema niya pero nag-aalangan siya. Paano kung sa pagpapanggap niyang nobya siya nito, matangay siya?