Jump to ratings and reviews
Rate this book

It's A Mens World #1

It's a Mens World

Rate this book
Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng "bagong" dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

"Bakit?" Tanong niya sa stepmother namin.

Labhan mo. Tubig lang. Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo 'yang panty. Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.

173 pages, Paperback

First published November 1, 2011

75 people are currently reading
1628 people want to read

About the author

Bebang Siy

19 books137 followers
Beverly Wico Siy grew up in a house that overlooks the sea in a busy district called Ermita in Manila. She loves swimming as a child and, now, she is a licensed scuba diver. Beverly has written in one form or another since she was in college, but literature for children has always been her favorite.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
654 (48%)
4 stars
338 (25%)
3 stars
213 (15%)
2 stars
78 (5%)
1 star
59 (4%)
Displaying 1 - 30 of 98 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
September 5, 2012
It's a Mens World is really the right title for this book. Your eyes are not cheating you. The author did not commit a big grammar blunder. It is not only catchy so you will be intrigued and it will be enough for you to pick a copy up when you see one. "Mens" means menstruation and only women, during their childbearing years, get to menstruate. So in effect, the title and ergo the book, assert gender equality or even to some extent supremacy of what the chauvinist pigs used to call as the weaker sex, the female.

This for me is a feminist book that hides in the cloak of being funny and commercial, i.e., shallow (to some extent). However, the whole formula worked. It's well thought of, i.e., there is a unifying theme that binds the 20 short stories or personal anecdotes. It is carefully compiled, i.e., even the sequence of the stories seems to have some meaning. It's an easy read. It oozes with sincerity and good intention. It made me laugh once. It made me hold my breath once. I liked the book!
It's a Mens World. 2 STARS (GR: This is okay!)
Ipunas ang panty sa mukha. Ewww. Pero naiintindihan ko na dapat may dahilan kung bakit ganyan ang title ng libro.

Nakaw na Sandali. 3 STARS (GR: I liked this!)
Meron din akong mga pinsang taga-Maynila noong nasa probinsiya pa kami. Pinagtatawanan nila ang punto namin. Naka-relate ako dito. Sakto rin ang paala-ala na masama ang magnakaw.

Asintada. 2 STARS
Parang may pagka-Cheever ang dating nito. Kaya lang kahit naman konting sugat kapag nadikit sa alat, masakit na. Sa mata pa? O di ka pa lang nakaligo sa dagat bago nangyari ito?

Kwits. 2 STARS
Mahilig ring magsugal (madyong) ang tatay ko noon. Pero di lang siya nag-birthday kaya parang di ako naka-relate. Sorry.

Pinyapol. 2 STARS
Yuck. Di ko masyadong na gets. Ini-expect ko na makakain mo yon? Paginom mo doon sa baso? Hindi? Feeling ko nahiya ka lang.

Ang Lugaw. 3 STARS
Nagustuhan ko ito. Touching. Naka-relate ako bilang tatay.

Bayad-Utang. 2 STARS
Kawawang kapatid. Dahil pareho kayong babae, di ko maisip bakit kailangan ito.

Shopping. 3 STARS
Maikli pero sapol. Parang na-remind sa akin iyong ilan sa mga dagli ni Professor Eros sa Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay). (3 stars) Galing.

Hiwa. 3 STARS
Ayan. Di nagiingat. Gusto ko yong ending. Bitin pero may dating.

So Ayaw Mo ang Palayaw Mo? 3 STARS
Ganyan di kami sa pamilya namin. Ang daming mga taguri (nicknames). Meron pa kaming sobrang nakakapikon (noon) like Tae, Tuli, Kiri, Balut, atbp. Mas ewww kaysa sa inyo hehe.

Super Inggo. 3 STARS
Ito lang yata ang karakter na lalaki sa mga kuwento mo na may prinsipyo at angking galing. Kaya naging feminista ang libro mo para sa akin. Gender sensitive ako eh.

Ang Aking Uncle Boy. 4 STARS (GR: I really liked this!)
Natawa ako! Nang malakas HA! HA! HA! Doon sa parte kung saan binuko mo ang tunay na dahilan bakit tuwang-tuwa ang nanay mo. Galing!

Sibuyas. 3 STARS
Gustong-gusto ko yong innocence mo bilang bata dito. Di tuloy na ako nagtataka kung bakit naging mahusay ka sa pagsusulat. Sa puso nanggagaling ang sinusulat mo.

Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims 5 STARS (GR: This is amazing!)
Pinakamagandang kuwento mo sa librong ito. Ito yong nagpatigil sa hininga ko na ilang segundo. Salamat, salamat, Beverly. God bless you for sharing this story.

Nakapagtatakang Nagtaka Pa. 1 STAR (GR: I don't like this!)
Di ko gets. O di lang talaga ako mahilig sa tula. Theme-wise, parang di rin sya bagay.

Milk Shakes and Daddies. 4 STARS
Naka-relate na naman ako. Sakto pati yong paggamit mo ng paginom ng strawberry milk shake. Pangalawa sa pinakamaganda. Mahusay!

First Date. 3 STARS
Salamat sa pagbibigay ng tips sa mga kabataang nagde-date pa. Makes sense. Ateng-ate o nanay na nanay ang dating mo dito.

Ang Piso. 3 STARS
Nagustuhan ko yong sakit. Ganoon naman yata talaga.

BFFx2,. 3 STARS
Mahalaga ang mga kaibigan sa buhay, talaga. Nakakatuwa ring ang mga karanasan mo sa kanilang dalawa.

Emails. 2 STARS
Parang nagtaka lang ako. Di naging malinaw ano ang relasyon ninyo ni Alvin. Sino si Genesis? Bakit parang di naman interesado si Alvin sa pagkamatay ni Genesis gaya ng pagiging affected mo? O ipinapakita mong gay o unconcerned si Alvin?
Overall, I liked the book. It is worth reading. Worth your money (P195) and time (2 hours or less).

Bili na!
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
January 12, 2013
Parang simpleng kwento pero tumatatak sa puso't damdamin ng mambabasa.

Simple pero malalim ang mga kahulugan at ibig ipakahulugan nito.

Mga istorya na magkahalong katatawanan, saya, kirot, hapdi, silakbo ng damdamin, at mga aral na magiging inspirasyon upang ikaw ay magtagumpay sa iyong mithiin sa buhay.

Mga karanasan na magpapatibay sa iyo ng loob at damdamin upang kaharapin ang mga pagsubok sa buhay na sa huli ay parang masasabi mong "wala lang!?" mga dinaanan lang ng buhay.

Hanga ako sa katapangan at memorya sa pagtatanda ng kanyang mga karanasan.

Mga istorya ng ating karanasan o napagdaanan kaya lahat tayo ay may kinalaman at bahagi ng kanyang kuwento.

Ipinapakita rin dito ang relasyon ng isang Ama sa kanyang anak na babae, ang unang niyang crush, ang kanyang First Date, ang kanyang BFF na lalake, at sa huli ang nagpatibok ng kanyang puso at kanyang inspirasyon sa pagsulat nito.

Istorya ng isang babae ng mag-dalaga'y umikot sa mundo ng mga kalalakihan bilang inspirasyon, pag-ibig, sakripisyo, balakid, pagsubok, at pagtatagumpay.

Dapat basahin ng mga kalalakihan upang malaman nila na ang buhay ng isang babae ay higit pa sa sakripisyong alay nila. Ang babae ay marupok, mahina, sensitibo subalit matapang, masipag, at likas na mapagmahal.
Profile Image for Apokripos.
146 reviews18 followers
November 15, 2012
Mahapdi, Madugo, ngunit Masaya:
Mga Alaala ng Kamusmusan


(Suring Aklat ng It’s A Mens World ni Bebang Siy)
Naranasan mo bang maglaro ng mataya-taya, patintero, langit at lupa, at Chinese garter sa kalsada? E, mangupit ng pera o pagkain? Nasubukan mo na bang mamili sa Divisoria kasama si Nanay at uminom ng inilalakong samalamig doon? Tuli ka na ba? O, kung buhat sa angkan ni Eba, nagkaregla ka na ba? Kamusta naman ang experience?

Bakit ba ganoon ang kabataan, masakit, mahapdi, madugo kung minsan, kahit ayaw mo, may sabit pang kahihiyan? Dyahe, di ba?

Iba’t ibang karanasan, sari-saring pinagdaanan, ‘yan ang koleksyon ng mga sanaysay sa It’s A Mens World ni Bebang Siy tungkol sa kanyang paglaki’t pagkabata.

Bago pa man tumaas ang kilay o isiping naduduling ang paningin ng ilan, walang typographical o grammatical error ang pamagat. Hango at laro ang “mens” — na kilalang dagli at balbal — mula sa unang pantig ng salitang mens-truation. Kung sasagi sa isipan, malikot ang imahinasyon sa likod ng titulo, gaya ng isang maharot na ngiting bigla na lang bubungad sa iyong labi.

Buhat ang titulo ng aklat sa una sa dalawampung sanaysay na napakaloob dito na tumatalakay sa (ano pa nga ba?) kung papaano unang nagka-mens ang batang Bebang o Bebs, na kanyang palayaw, at ang kanyang nakakatawa at masalimuot na pagtungtong sa pinto ng pagdadalaga at kamalayan.

Ngunit di lang umiikot o tinutuldukan ng “period” o buwanang dalaw ang mga personal essays ng may-akda. Kinatatampukan din ito ng mga eksena ng drama ng kanilang pamilya tulad ng kung papaanong kinidanap silang magkakapatid ng kanilang ama, ng kanyang mga masisipag at subsob sa trabahong tiyuhin, ng karumaldumal na pagkamatay daw ng “isang outstanding na gago”, mga hang ups ng batang lumaking pinagpapasa-pasahan ng isang nasirang tahanan, kasama ng ilang nakakakilig na mga payo na dapat gawin sa first date, at ang kaligayahan sa pagkakatagpo’t muli pagkikita ng magkaibigan.

May puntong magaan, matapang, kapanapanabik, nakahihiwa, nakakainis ang mga pangyayaring inilalahad ni Bebang, ngunit garantiya kong wala kang pahinang hindi hahagikgikan, tatawanan. Waring mga lumang larawang magpapaalala ng pinagdaang kabataan ang bawat sanaysay; mahirap na hindi maiugnay ng mambabasa ang sarili sa mga karanasan, damdamin at lugar na nilakbayan ng manunulat, pati sa mga pagkaing sa isang bahagi ng buhay ay ninamnam, inumit, kinaingitan din ng minsan o labis na nagbibigay gunita, masaya o mapait man, sa isang mahal sa buhay.

Animong ragasa ng dugo ng unang regla ang mga isinalaysay sa It’s A Mens World, di ko mawari ang dami ng dugong inilabas din ng pluma ni Bebang Siy upang mailahad lahat ng ito nang walang takot at buong tapang kahit pa magmukhang katawa-tawa (at lukaret) sa mata ng ilan, sa kung papaanong paraan natin tinutuya ang babae na di pansin ang namumuong mantsa sa likod ng kanyang suot na palda at sa mapulang ilog na dumadaloy sa pagitan ng kanyang mga hita.

Ngunit sa pagkakataong ito alam niyang ang mga halakhak ay hangin, walang kabuluhan. Hinubog ng panahon, karanasan at kamalayan na hindi siya alipin ng nakaraan at kung nalagpasan niya ang unos ng nakalipas, handa ang loob niyang harapin ang iba pang darating.

Tuli o supot, regular o irreg man ang regla (sa iba nga tumigil na), ang mundong ito di lang pang men’s o pangkababaihan, di nahahati ng mga ritwal patungong kamuwangan. Dahil hindi nagkakaiba ang pintong tatahakin ng bawat isa sa tunay na kaganapan.



_________________________
Detalye ng aklat:
Ika-#53 para sa taong, 2012
Inilathala ng Anvil Publishing, Inc.
(Paperback, Unang limbag, 2011)
173 na pahina
Sinimulan nang: October 17, 2012
Natapos nang: October 20, 2012
Ang Aking Rating: ★ ★ ★ ★

[Makikita rin ang suring aklat na ito at iba pa sa aking book blog, Dark Chest of Wonders .]
Profile Image for JL Torres.
66 reviews5 followers
August 24, 2012
Disclaimer -- I was tasked to judge 3 books for the Essay Category for the 1st Filipino Reader's Choice Award and here's my short review of the winner, It's a Mens World by Bebang Siy:

I’m so glad I bought a hardcopy of It’s a Mens World by Bebang Siy. Such a wonderful and refreshing read. The author’s informal use of the language, seamlessly inserting Taglish terms here and there, quickly disarmed this reader.

It felt like having a conversation with a close friend. The author’s throbbing honesty coupled with her unconstrained humor pervaded her essays with an authenticity that’s endearing. I can’t help but care as well as laugh with the author. I also like the way the essays were structured differently from each other, as if the stories within them were not interesting enough, these variations felt like icing in the cake.

I never encountered a dragging essay in this book; I even read the entire Pasasalamat part hehe I just wished that she wrote an Introduction to offer some sort of beginning and a summation as well as a preparation for the reader. I would definitely read whatever this promising author writes in the future.
Profile Image for Phoebe A.
339 reviews113 followers
November 14, 2012
I did not expect anything before I read this book then this became one of the books that I enjoyed reading cover to cover.


Ito ang mga post ko sa discussion sa Pinoy Reads Pinoy Books
oo, recycle haha

Tungkol kay Bebang
Naririnig-rinig ko lamang ang pangalan niya pero di ko pa nasubukang basahin ang kanyang mga gawa. Nakita ko pa man din yung libro niya nung MIBF, di ko pa binili!
Natuwa ako dun sa mapa dahil sa notes tugs tugs tugs tugs

Naalala ko yung Catch A Falling Star ni Cristina Pantoja-Hidalgo kasi parehong pinoy na bata at coming of age yung istorya kaso lang yung kay Christina English at middle class yung bidang si Patricia samantalang mas pang masa yung kay Bebang. :D

It's a Mens World


Nakaw na Sandali


Asintada


Kwits


Pinyapol


Ang Lugaw, Bow.


Bayad-Utang


Shopping


Hiwa


So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?


Super Inggo


Ang Aking Uncle Boy


Sibuyas


Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Uncle Dims


Nakakapagtakang Nagtataka Pa


Milk Shakes and Daddies


First Date
=.= next topic HAHA

Ang Piso


BFFx2


Emails


Yey~ tapos na.
nakakatuwa rin yung pasasalamat :D

~~~***~~~

edited:
I met her :D
descriptiondescription
Feevee ang bago kong nickname haha
Profile Image for Raechella.
97 reviews27 followers
July 11, 2013
Katulad ng marami na sinubukang sumisid sa alindog ng librong ito, isa rin ako sa mga nagsikunot ng noo’t nagsitaas ng kilay sa titulo nito. Sa unang tingin kasi, aakalain mo talagang nagkaroon ng isang matinding pagkakamali sa pagkaka-imprenta ng suklob nito. It’s a Mens World—hindi ba’t kulang ng kudlit? Isa pa, ang pangunahing pumasok kasi sa isipan ko pagkabasa nito ay ang isang tagpo sa American TV series na Glee, iyong parteng nagdadalang-tao si Quinn Fabray at kinanta iyong It’s a Man’s Man’s World (with matching preggy back-up dancers) na waring nagngingitngit sa galit at kinokondena ang mga kalalakihan. Sa madaling salita, inaasahan kong ang nilalaman ng librong ito ay patungkol sa peminismo, lalo pa’t ang awtor ay isang babae rin.

Ngunit sa oras na buklatin ang libro’t mapagawi sa unang sanaysay, aha, iyon na. Kaya naman pala.

Hindi rin naman pala nalalayo sa inaasahan ko ang librong ito. Sentro man ng buhay ng awtor ang kinukwento, ipinapakita rito ang natural na kalakasan ng mga babae—hindi iyong kalakasan na naikabit na sa imahe ng mga lalaki, ngunit ang kalakasang maimamanipesta lamang ng mga desendyente ni Eba.

Lumulutang sa bawat pahina ang katapatan at katapangan ng manunulat. May mga nakapaloob rin ditong ilang seryosong isyung kinakaharap ng marami sa ating mga babae na binudburan naman ng katatawanan at kalokohan ng pilyang si Bb. Bebang Siy. Maiikli lamang ang bawat sanaysay ngunit maaabot mo ng todo-todo ang nais nitong ipahiwatig sapagkat gumamit ang awtor ng epektibong paraan ng pagsasadula—ito iyong parang magkakilala lang kayo’t nagtsitismisan sa isang tabi. Walang magagarang salita, natural ang agos ng pagkakwento.

Isa ring inspirasyon ang librong ito. Ilang beses mang bumagsak ang awtor sa mahigpit na pagkakakapit sa buhay na inaasam-asam, heto siya’t patuloy na tumatayo upang magkaroon ng pagbabago. Animo’y isang gusgusing bata na nakikipaghabulan lamang sa mga tulad ding gusgusin ang dating imahen ng awtor. Kay drama-drama ng pinanggalingang pamilya at akalain mo iyon, kinidnap pa ng sariling tatay (?). Ngayon, aba’t nakapagsulat at nakapaglimbag pa ng libro!


Isang nakakatuwa, nakalilibang, ngunit matagumpay na paglalakbay mula kamuwangan patungong kaganapan.


P.S. Ano na kayang nangyari kay Michael? :D
Profile Image for Nibra Tee.
197 reviews
September 28, 2013
Imagine if men had mens (no, not men having culturally-diverse men), and then on your first period (cue: celebratory fireworks) some adult would step in and tell you to wipe your bloody underwear all over your face (really, you have to wash it first; but since you don't wash it with soap, well, don't get me started why the absence of micelles would freak me out) in pursuit of a porcelain face. Here's the thing, in reality you need a face of clay and heat it up to 1300degC. That's masculinity being ripped out of someone's balls on his first period.

I've had the pleasure of meeting Ms. Bebang twice. The second one was on September 15. I was held at gunpoint; and either I buy this book or I die. Just kidding! Anyway, I understand why this book has this kind of humor, but I think this isn't even half as funny as the author herself, in person.

I never laughed out loud while reading this as the other reviewers have claimed (and it doesn't bode well with me because something might be wrong with me, or 'wronger' since I already am wrong in many places).To be fair, I don't really laugh at any book even if my mind says it's funny. Only awful books make me laugh out loud, and always concluded with a scoff. Then a physical book would hit a wall or an e-book go straight to recycle bin.

But this book made me smile a few times. I like how she uses words like pekpek, as if she's referring only to a leche flan. Some stories are also relatable. As a child, I often heard adults discussing adult issues. It gets worse when your presence is acknowledged and you hear your parents talk about financial problems. That's one of the reasons I grew up guilty enjoying small luxuries.

There are also stories that make your heart go out for her. It seems, that Ms. Bebang never really had the chance to take roots. Nothing's
more unclear than growing up with a family falling apart as the backdrop. Whenever I think of it, my mind always wander back to the image of a young girl eating porridge that tasted nothing like food but mother's tears.
Profile Image for Ranee.
81 reviews5 followers
January 20, 2013
Gusto kong maging bestfriend si Bebang. Ipapakilala ko sya ke Embong at ke Barang. At buong araw magtatawanan kami tungkol sa aming pakikipagsapalaran, in short, ikwekwento ang aming buhay. Barkada ko sila na nakilala sa medschool. Pare-parehong letter P ang umpisa ng aming apelyido, sabi nila, tandaan namin ang pagmumukha ng mga ito, sila ang aming groupmates sa loob ng 4 na taon, di nila sinabi, mga potential friends for life pala mga ito. Ewan ko ba pero nag-click kami agad, palibhasa'y pare-pareho kaming mga babaeng bakla, mga jologs. Nagpumilit mag-ingles sa akala naming Koreanong classmate na kasama sa grupo, yun pala maputi lang talaga at na-nosebleed sa ka-grupong Fil-Am kahit kulay Ilokano ito. Noong nauso ang F4, kami ang nag-uunahang makipanood ng tv sa ka-dormate, kapag may exams, sila din kasama ko sa cramming. At lumaki na nga ang aming grupo, andyan na si Shawi, si Iamtot, Uds at si Chachi. May normal din naman ang pangalan tulad ni Kaye at ni Weng (na tawag namin ay Baronessa).

Babagay si Bebang sa aming barkada. At dahil sa librong ito, pakiramdam ko'y kilala ko na sya. Hindi kasi madaling ikwento ang bawat dagok ng buhay, lalo pa kung isisiksik ito sa ilang pahina ng nobela. Madugo talaga. Pero makikinig ang aking barkada, may mag-na-nag, may susuporta basta lahat, may pakialam. Kung gusto nya ng bubblegum, di nya kelangan sumikretong kumuha, magaambag-ambag kami ng piso hanggang makabili nito para sa kanya. Hahatian din namin sya sa strawberry shake. Paborito ito ni Embong, wag lang ng chicken, pero kung si Barang ay kasama, iiwas muna ako at baka pilitin nya akong kumain muli ng papaya. Kami na rin ang makikipaglaro ng tong-its kasama ng kanyang nanay para kung matalo man sya, ibabalik na lang namin ang pera ke Bebang. Kami rin ang kikilatis sa boypren, daig pa ang NBI kung maghanap ng sikreto at makapagtanong, ewan ko lang kung makapagsinungaling pa ito. Pero may kanya-kanya din namang dagok ang aming buhay, may tatay na na-kidney transplant, may ilang beses din nakunan bago nakapagsilang, may nabuntis, may niloko ng lalake, naghabol ng lalake at nang-iwan ng lalake. Di man kami magkakasama ngayon, ramdam namin ang bawat isa. At kung nagkikita-kita, eh parang walang buwan o taon ang lumipas, pareho pa rin ang samahan. Pare-pareho din kaming tamad magtext.

Sa pagbabasa ng librong ito, ramdam ko na naguumapaw ang aliw factor. Ang mga emosyon, "raw". May pisil sa puso at kiliti sa batok. Minsan, di maiwasang maalala din ang panahon ng pagkamusmos at inosente. Noong nagkamens na rin at natutong lumandi, ganun din ang panahon na natutong tumayo sa sariling paa at magpasan ng ibang kapamilya. Di ko rin maiwasan maalala nga ang aking barkada. Tulad kasi ng istorya ni Bebang, kaming lahat ay di nawalan ng pag-asa. Natuto kaming sumabay sa agos nito at kung may alon mang sumalubong natuto kaming magsurf. At kung kinakailangang sumisid, may nakahandang SCUBA gear. Basta sa dulo ng bawat unos ng buhay, may bahagharing magshi-shine.

Kung corny ang jokes, gumawa ng binatog, kung cheesy ang lines, magdala ng pandesal at ipalaman ito. Kung sh*t happens, bring a kleenex. Kapag may problema, tawanan ito tapos maghanap ng solusyon. Basta tandaan, laging may pag-asa. Kung hirap na talaga, may lifeline ka, call a friend ika nga.

Now everybody sing- Shine bright like a diamond...
Profile Image for Christine.
49 reviews37 followers
May 3, 2012
Naghahanap ka ba ng babaeng version ni Bob Ong? Puwes, hindi ito ang aklat para sa'yo.

Una kong nakilala si Bb. Bebang Siy noong undergrad pa ako. Akala ko din noon, yung ang pseudonym nya dahil patok na patok si Bob Ong non. Yun ang tinatawag kong "Curse of Bob Ong." Sa panitikang Pilipino, sa genre ng kakatwang sanaysay, sinumang manunulat ang malimbag matapos kay Bob Ong, madalas sa hindi ay makukumpara... at matatalo. Ngunit ang aklat ng mga sanaysay ni Bb. Bebang ay HINDI DAPAT ikumpara at makukumpara.

Ang "It's a mens world" ay koleksyon ng mga personal essays ni Bb. Bebang sa mga nakaraang taon. Karamihan sa mga ito ay pagbabalik-tanaw sa kanyang pagkabata at pagkadalaga. Sa unang dinig, akala mo wrong grammar lang yung title, pero kapag nagets mo na...

Laking Maynila si Bb. Bebang ngunit may panahon ding nanirahan siya sa probinsya. Natuwa ako habang nagbabasa dahil sa mga pagkakatulad at pagkakaiba ng aming mga karanasan. May mga binabanggit syang brands na uso at kinahuhumalingan ng mga bata noon ngunit wala na ngayon.

Humagikhik ba ako nang malakas? Hindi. Pero hindi ito isang bawas na puntos ng libro. Bawat isang sanaysay ay may dalawang mukha: ang inosenteng mukha at ang seryosong mukha. Sa likod ng mga kakatwang kwento ay may masakit na realidad, at sa dulo ng sanaysay ang biglang tama at bagsak.

HINDI DAPAT ikumpara si Bebang kay Bob Ong. Siya ay may mukha at pangalan sa isipan ng mambabasa (may mga maliit na retrato nya bilang bata). Bawat kahihiyan, kasamaan, kabutihan, kababawan na mahihinaho sa mga sanaysay nya ay babalik sa imahe nya. Bawat pangookray at pambabara sa mga kamag-anak at kaibigan ay maituturo sa kanya. Mahirap ang ganoon, nangangailangan ng katapangan at kabuuan ng loob at pagkatao. Kaya saludo ako kay Bb. Bebang.
Profile Image for Monique.
514 reviews
September 12, 2013

Originally posted here.

Matagal ko nang batid ang tungkol sa aklat na ito ng (noon ay bagong) manunulat na si Bebang Siy. Nanalo kasi ito sa kauna-unahang Filipino Reader’s Choice Awards na kaakibat ng Filipino Reader Conference noong 2012 sa kategoryang Essay Anthology. Agad akong naghanap ngunit naubusan na raw ng kopya nito ang mga bookstores na malapit sa amin. Nakiusap pa ako sa aking kaibigan na isabay ako sa kanyang pagbili nang siya ay makakita ng ilang kopya sa kanyang sariling paghahanap.

description

Ang It’s a Mens World ay koleksyon ng mga sanaysay at kwento na halaw sa buhay at mga karanasan ng manunulat nito na si Bebang. Karamihan dito ay nangyari noong mga taon ng kanyang kabataan, hanggang sa siya ay magka-edad at nagkaroon ng mas malawak pang pang-unawa sa mundo at mga bagay na nagpapaikot dito. May mga kwentong nakakaantig ng puso, may mga kwentong nakakatawa, at meron ding ilan na makapagpapaalala sa iyo ng isang bahagi ng sarili mong buhay – marahil dahil personal mong naranasan ang nasa kwento o di kaya nangyari ito sa isang taong malapit sa iyo.

Sa lahat ng mga salaysay na nakapaloob sa akdang ito, mayroong dalawa na nagdulot ng kirot at kalungkutan sa aking puso: ito ay ang Sa Ganitong Paraan Daw Namatay Si Kuya Dims at Ang Lugaw, Bow. Sa kwentong Sa Ganitong Paraan Daw Namatay Si Kuya Dims, isiniwalat ng manunulat ang isang matapang at matatag na bahagi ng kanyang pagkatao. Hindi lahat ng tao – babae man o lalaki – ay magkakaroon ng lakas ng loob na tanggapin at, sa pagkakataong ito, ilantad ang isang maselang karanasan na nangyari noong siya’y isang bata pang walang muwang. Naiisip kong isang paraan ito ng catharsis o paglalabas ng mga natatagong hinanakit, ngunit napakahirap ring isipin na ito ay isa ring paglalantad ng pasumandaling dumilim na saglit noong kanyang kabataan. Wari ko ay wala akong lakas ng loob na isulat ang ganoong pangyayari sa buhay ko, at dahil sa kanyang katapangan, nagpupugay ako kay Bebang.

Sa kabilang dako, naalala ko naman ang aking pumanaw na ama sa kwentong Ang Lugaw, Bow. Katulad ng tatay sa kwentong ito, laging inuuna ng aking tatay – ang tawag ko sa kanya ay Daddy – ang mga pangangailangan naming magkapatid bago niya intindihin ang kanyang sarili.

*

Ang pagkakasulat ng mga akdang ito ay maihahalintulad sa isang liham na isinulat para sa isang kaibigan – hindi pormal ang mga terminolohiya na kadalasan ay Taglish, at mayroon ding pabalbal na mga salita o mga salitang-kanto. Sa aking palagay, ito ang dahilan kung bakit malakas ang hatak o charm ng aklat na ito sa ordinaryong Pilipinong mambabasa –  prangka, tapat, walang halong kiyeme, at walang pagbabalat-kayo ang bawat salaysay at ang paraan ng pagsasalaysay. Sa aking personal na opinyon, at dahil na rin siguro sa hindi nalalayo ang aking edad sa (naiisip kong) edad ng manunulat, nakaugnay ako sa ilan sa kanyang mga kwento – katulad ng Chiclet na usong-uso noong 80s at naging paborito ko ring kainin, ipinagbawal man ng mga magulang ko ang pagkain ng mga chewing gum. Pamilyar din ang mga lugar na binanggit sa akda – ang maliit na komunidad sa bandang Ermita, Manila na kalapit ng Ermita Shrine at Ermita Catholic School na isang tawid lamang ay Manila Bay na. Dahil kabisadong-kabisado ko na rin ang lugar na ito, hindi ko mapigilang makita sa aking isip ang mga bagay na ikinukuwento ng manunulat.

Madaling basahin at intindihin ang aklat na ito, ngunit naisip ko na kung walang kalakip na katapangan o katapatan ang mga salaysay na nilalaman nito ay magiging isa lamang itong ordinaryong akda na kayang ibalangkas ng kahit sinong may kakayahang magsulat at may mga katulad na karanasan. Sa aking aba at hamak na opinyon, hindi ko maituturing na hindi pangkaraniwan o exceptional ang It’s A Mens World sapagkat wala naman itong iniaalay na kakaiba sa aking panlasa. Maaaring napatawa ako nito sa ilang kwento o nakapagdulot ng kalungkutan sa iba, ngunit ito ay hindi nag-iwan ng matinding impresyon sa akin upang ituring ko ito bilang isang pambihira o natatanging akda.


Profile Image for Miguel.
222 reviews15 followers
December 15, 2023
My Mom and I were having lunch at Tokyo Tokyo, and she started recounting her childhood, going back and forth from Manila to Quezon City as a student. How she would spend her meager lunch money to print handouts; how she would arrive during exam day without settling her tuition, how she would knock on her older brother's door for money; how she never really had a big dream set in life other than to finish college. "Marami akong hindi naranasan." As she told me this, in between bites of her California maki rolls, I could see clouds forming in her eyes. But they weren't the stormy kind; they were just announcing their presence. That anytime the rain would fall, but it also probably wouldn't—for today, anyway. Then I told her she was a lot like the narrator of this book. "Oh weh?" she said.


this is a great memoir bebang is a gem!
Profile Image for ely.
99 reviews4 followers
July 23, 2024
actual rating: 5 stars

sobra kong na-enjoy basahin to! as someone na hindi masyadong nakakapagbasa from local authors, kay bob ong ko pa lang maihahalintulad yung writing style and humor niya, because her writing really reminds me of bob ong. naaalala ko nung nabasa namin yung abnkkbsnplako, relate na relate ako kahit hindi naman fully naabutan yung ibang bagay na nabanggit dun (nutribun). i also got the same feeling nung binasa ko to, kahit hindi naman ako taga-maynila at kahit na hindi ako umuuwi ng pangasinan at hindi ako kumakain sa rosie's.

almost everything she mentioned was so universal. lalo na sa Ang Piso . naaalala ko nung nasa PUP pa ako nung first year college ako, dun ko natutunan yung halaga ng bawat sentimo na lumalabas sa bulsa ko. kung dati na 7 pesos lang ang pamasahe ng studyante, makikipag-matigasan talaga ako pag siningil ako ng 8 pesos, kahit na linggo pa yan lmao. lalo na kapag 10 pesos yung ibinayad ko talagang makikipag-singilan ako kapag malapit na akong bumaba at hindi pa rin binabalik yung tres ko hahah. pero syempre hindi naman na ganun ngayon (siguro).

favorite essays/chapters:
▪ Kwits
▪ So Ayaw Mo Sa Palayaw Mo?
▪ Super Inggo
▪ Ang Aking Uncle Boy
▪ Sa ganitong paraan daw namatay si Kuya Dims
▪ Milk Shakes and Daddies
▪ Ang Piso
▪ BFF x2
Profile Image for Ben.
95 reviews21 followers
June 27, 2015
It's A Mens World - the title itself
Bebang Siy - the author herself
Ronald Verzo - the cover artist himself
Soft bound, 173 pages

Mga Nilalaman:
Introduksiyon - Dalawa ang nag-intro. Iyong una ay manunulat na nanay. Iyong pangalawa ay nanay na manunulat.

Talaan ng Nilalaman - Isang pahina na hinati sa dalawa. Iyong itaas na kalahati ay sketch ng mapa, gabay papunta sa bahay ng awtor. Iyong ibabang kalahati naman, iyon na talaga ang "Talaan ng Nilalaman". Bawat pamagat may katapat na icon. Kaya mukha itong touchscreen.

Mga Sanaysay - Dalawampung sanaysay na ang tema ay mga kuwentong karanasan ng awtor, simula noong siya'y bata pa hanggang sa siya'y nanay na. Lahat first person POV maliban sa "Emails". Special participation ang "Marne Marino" na isang kuwentong pambata. Hindi ko na iisa-isahin ang mga sanaysay. Talakayin ko nang konti iyong top 5 favorite ko:
1. Ang Lugaw, Bow - Tatay, Kinidnap ang mga Anak. Mga Anak, Nagpakidnap. Oo may ganun. Ang istoryang ito ang magpapatunay na may ganun. Nalungkot ako sa kuwento. Natawa ako sa ending.

2. Sa Ganitong Paraan Daw Namatay Si Kuya Dims - Puwedeng pamagat. Puwede ring unang pangungusap sa kuwento. Iyong di maipaipaliwananag bigat ng loob na dinala niya sa loob ng 20 taon ay naglaho noong mabalitaan niya na namatay si Kuya Dims. Dito may isang kuwento na mas masahol pa sa isang horror story.

3. It's A Mens World - Isang kuwento ng batang babae na magtutwelve na desperadong magkaregla. Sa palagay ko ito ang pinakanakakatawa sa lahat.

4. First Date - Dito matutunghayan ang mga tips at mga pananaw ng awtor patungkol sa first date. Sa bandang huli ng rebyung ito malalaman niyo kung bakit sobrang natuwa ako sa kuwentong ito.

5. Ang Piso - Isang babae sa bus ang sinapian ng espiritu ni Gabriela Silang. Inaway ang bus driver pati ang kunduktor. Partida may bitbit pa siyang anak. Magandang halimbawa na ang babae kahit walang bayag, lumalaban.

Pasasalamat - Isang baranggay ang pinasalamatan ng awtor dito kasama ang isang LOSER.

Patungkol sa Awtor - Napadpad sa maraming lugar. Wala raw siyang balak gumawa ng mapa ng Metro Manila. Gusto lang daw niyang isalaysay kung gaano kadugo ang ganitong uri ng mundo.

Bakit binigyan ko ng 5 stars ang aklat na ito?
-Gusto kong magkuwento si Bebang. Effortless. Simpleng simple. Madaling maintindihan. Ang kulit at may tunog pa: "Toingk!", "Pak!", "Bram!". Ganun din kasi ako magkuwento. At babasagin ako ng mga kaibigan kong tagapakinig. "Maniniwala na sana kami kaya lang may sound effect.". Ayos lang yun kasi alam ko deep inside naenjoy ang mga mokong sa kuwento ko.

-Oo nagkukuwento si Bebang ng kanyang karanasan pero kasabay niyon ay may natatalakay siyang isyu na dapat maging aware din ang mambabasa.

-Maraming beses akong natawa. May mga oras na nalungkot. Nagalit sa mga abusado. Na-inspire, na-inform, na-educate.

-Heto. Napabilib ako ni Bebang dito: siya ay sumasampalataya sa prinsipyo ng 50-50 sa unang date. Ito talaga ang nagpa-five stars sa libro eh. Habang binabasa ko ang sanaysay na iyon, amen ako nang amen. Haha.

Tapos ang rebyu.

Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
June 11, 2012
Ang It’s A Mens World ay koleksiyon ng mga sanaysay ni Bebang Siy tungkol sa kanyang kamusmusan. Dadalhin ka niya mismo sa kanyang sitwasyon dahil magaang itong basahin. Sa librong ito mababasa ang obserbasyon ng isang batang paslit sa kanyang ginagalawang mundo. Nakakaaliw din siyang basahin dahil simple ang pagkakasulat ng librong ito na para bang nakikipagkuwentuhan lang sa iyo ang awtor. Ang pagbabasa ng It’s A Mens World ay maaaring maihantulad sa aksidenteng pagkadiskubre ng isang personal na diary (personal dahil may ilang mga rebelasyon si Bebang Siy dito tungkol sa kanyang buhay noong bata pa siya).

Taliwas sa titulo ng libro, ang It’s A Mens World ay hindi lang naglalaman ng mga sanaysay tungkol sa mga nakatutuwang karanasan ng mga babae sa kanilang buwanang dalaw o mens. Oo at merong sulatin si Bebang Siy patungkol sa buwanang dalaw pero sa umpisa lang ito ng libro. Parte lang ng kamusmusan ng isang pangkaraniwang babae kumbaga. At dahil na rin siguro catchy ang “It’s A Mens World” ay ito na rin ang ginawang titulo sa kabuuan ng libro. At hindi porke’t tungkol sa buwanang dalaw ang una mong mababasang sanaysay ay hindi na makaka-relate ang mga kalalakihan. Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata kaya naman nakatitiyak akong mag-eenjoy ang sino mang magbasa ng librong ito.

Minarapat kong bigyan ito ng apat na bituin (o ika nga sa Goodreads ay “I really liked it”) dahil talaga namang nagustuhan ko ang librong ito. Isa kasi sa mga paksang gustong gusto kong basahin (at madalas ay i-blog na rin) ay ang iba’t ibang mga alaala ng kamusmusan o childhood memories, na madalas ko na ring isulat sa aking blog (bisitahin ninyo ang blog kong Sulyap sa Nakaraan. Hanep sa simpleng promotion. Salamat!).

Isa sa mga dahilan kung bakit mahilig akong magbasa ng ganitong klaseng libro na tipong nagbabasa ka ng isang simpleng blog ay dahil dito mo malalaman na kung isa ka ring simpleng blogger na tulad ko (o kahit wala kang blog basta’t mahilig kang sumulat), maaaring matupad ang pangarap mong magkaroon ng libro kahit gaano man kaganda o kapanget sa paningin ng iba ang mga sulatin mo. Hindi mo na kailangang maging kahanay ang mga batikang manunulat tulad nina F. Sionil Jose, Ricky Lee, Domingo Landicho, Liwayway Arceo at iba pa.

Makapagpasa na nga ng manuscript sa Anvil Publishing at sa Visprint at baka sakaling mahilera ako kina Bebang Siy at Eros S. Atalia. Joke lang (pero puwedeng seryosohin). Ano daw?
Profile Image for Eliza Victoria.
Author 40 books338 followers
August 31, 2012
Parang (baliw) matalik na kaibigan lang si Miss Bebang na nagki-kwento sa iyo ng mga kakaibang karanasan niya: noong naunang magka-regla sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid (“It’s a Mens World”), noong “kinidnap” siya ng sariling ama (“Ang Lugaw, Bow”), noong akalain ng kanyang mga kamag-anak na nasugatan niya ang pekpek niya (“Hiwa”). Oo, pekpek. Diretsong magkwento si Bebang (o di ba parang close na kami). Walang hiya-hiya. Marami akong naalala habang binabasa ang mga sanaysay niya. Tulad niya, hindi rin kami mayaman. Pero hindi siya nagsusulat ng poverty porn (siguro medyo porn lang hehe). May kaunting muni-muni, kaunting hindsight, pero sa huli, gusto lang niya sabihin sa iyo ang naramdaman nya noong nangyari ang mga pangyayari. Ganun naman yun e; kapag bata ka, hindi mo naman maiisip na kawawa ka. Maiintindihan mo na mahirap kayo, oo, pero masaya ka pa rin. Na para bang lahat e laru-laro lang.
Profile Image for Tricia.
115 reviews7 followers
Read
September 16, 2012
I only now realized that this Bebang Siy is the same Beverly Siy (with Sir Ronald) I met during a writing workshop around early last year with CYWA in Cavite. Funny lang. I think hindi pa published tong book. All I know, she's one of the editors of Monster Press.

Awesome lang hehe

(Review to follow nalang)
Profile Image for Ivy Bernadette.
137 reviews49 followers
December 30, 2014
No it’s not a typo. It’s really a world of “mens”. A collection of essays, this book tackles the life of Miss Bebang as she grows up with her family, her struggles and challenges told in a humorous way. I could really relate with this book as I was reading this. I even made my sister and niece read it! I highly recommend this to everyone.
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews438 followers
February 15, 2024
Tinapos ko ang libro na 'to ng less than 24 hours at ang gusto ko dito ay parang nakikipag-deep talks lang ako dito kay Miss Bebang about her childhood, family, and struggles in life.

Ang saya din magbasa ng essays in tagalog. Very mundane lang ng pakiramdam. Here are my fave essays from this book:

✨Super Inggo - dahil pinapakita nito ang reyalidad sa pagiging mag-asawa. At gusto ko ring kung paanong pinakita dito ang pagiging dedicated ng tito ni Miss Bebang sa routine at trabaho nito bilang bantay ng kanilang groseri.

✨Milk Shakes & Daddies - Malungkot pero relatable. That last line, "Dad, for the milk shakes, thanks but no thanks." PANALO!

✨BFF x 2 - Ang relatable din para sa akin dahil may mga kaibigan din akong katulad ni Josephine.

✨1Love - Ugh, the sweetness and pureness of first love.

✨Emails - This is sweet. Ang sweet mawitness ng glimpse of catch up nila sa email? Haha!


It's a good one, the narration is good, I also applaud the braveness and vulnerability na pinakita ng awtor sa "Sa Ganitong Paraan daw Namatay si Kuya Dims."

This made me want to read more tagalog essays!

Maraming salamat, Isang Balangay Media Productions at kay Sir Ronald para sa librong 'to. Naenjoy ko!
Profile Image for BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books).
52 reviews1 follower
January 3, 2015
Handog na tula para sa Kasal ni Bebang at Poy at matagumpay na aklat niya.

KASAL NI BEBANG AT POY

Si Bebang…
Siya daw ang babaeng Bob Ong?
Ngalan niya’y Beb Ang?
Siya’y kalog at maasikasong totoo!
Lagi kang pasasayahin parang nanalo sa lotto!

Siya’y super cool at matalino
Sigla’y walang pressure pero todo
Kutis niyang sing-sarap ng singkamas na may bagoong
Kinis ng balat niyang sing-sarap ng sinigang sa labanos.

Hindi ko alam kung anong sikreto?
Sa angking kagandahan mala-Birhen ang rebulto
Sadya bang dahil sa lahi o swerte?
Pero bakit pati puso’y laging naka-ngite!

Si Poy…
Diba hawig niya si Raymond Bagatsing?
Kung hindi maniwala, baka hawig niyo’y isang Matsing!
Siya’y simpleng tao pero misteryoso
Ngunit responsible at masarap magluto.

Estilo niya’y teknikal pero kikiligin ka sa kanya
Parang dinuduyan ka sa langit nang mga bisig niya
Maraming kakayahan parang “All in One”!
Pero sa puso niya’y Bebang…”is the Only One”!

Tahimik ngunit magaling makisama
Hindi mo akalain sing-lakas ni Zuma
Machete!... ang dating niya
Pero sing-lambot ng bulak ang pagyakap niya.

Ang Kasal…
Nawa’y maghari sa inyo ang kapayapaan at tamis ng pagmamahalan
Sa pag-iisang dibdib ay gaya ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ang Huling Paalam para sa mga humahabol na mga dalaga’t binata
Sapagkat Bebang at Poy, ikakasal sa isang dambana.

Tema ng kasalan ay mga aklat
Hatid nito’y karunungan kapag binuklat
Mga bisita’y sikat at kilalang awtor
Sa kanila’y nagpupugay at nagpapa-piktur.

Huwag sanang makalimutan sa huli
Pinoy Reads Pinoy Books…handiang sumali!
Mga modereytor sila Ms.Jho at Kuya Doni
Kasama ang mga katoto at P.R.P.B.!

Bumabati sa inyo ng Maligayang Bagong Kasal!
Lagi namin kayong ipagdarasal
Humayo kayo at magpakarami
Para mga sinulat niyong aklat ay dumami.


Hindi makaka-ila na nagbunga ang pagsisikap ng awtor sa napaka-kulay at magandang kinahinatnan ng kanyang mga kuwento dahil naging saksi ako sa kanyang kasal noong nakaraang Disyembre 30, 2013 na siyang kasabay din ng Rizal Day. Animo'y naging mala-cinderalla ang kanyang kuwento dahil napalitan ng tuwa't saya ang mga hinagpis at kanyang kalungkutan sapagkat sa ngayon ay nasundan pa ng isa pang aklat na Marne Marino.


Naintriga sa rebyu ni Po:

It's A men's World ni Bebang ay naglalaman ng kuwento ng kanyang simula, mga karanasan, mga naudlot na pag-ibig, at mga ginintuang aral. Parang simpleng kwento pero tumatatak sa puso't damdamin ng mambabasa. Simple pero malalim ang mga kahulugan at ibig ipakahulugan nito. Mga istorya na magkahalong katatawanan, saya, kirot, hapdi, silakbo ng damdamin, at mga aral na magiging inspirasyon upang ikaw ay magtagumpay sa iyong mithiin sa buhay. Mga karanasan na magpapatibay sa iyo ng loob at damdamin upang kaharapin ang mga pagsubok sa buhay na sa huli ay parang masasabi mong "wala lang!?" mga dinaanan lang ng buhay. Hanga ako sa katapangan at memorya sa pagtatanda ng kanyang mga karanasan. Mga istorya ng ating karanasan o napagdaanan kaya lahat tayo ay may kinalaman at bahagi ng kanyang kuwento. Ipinapakita rin dito ang relasyon ng isang Ama sa kanyang anak na babae, ang unang niyang crush, ang kanyang First Date, ang kanyang BFF na lalake, at sa huli ang nagpatibok ng kanyang puso at kanyang inspirasyon sa pagsulat nito. Istorya ng isang babae ng mag-dalaga'y umikot sa mundo ng mga kalalakihan bilang inspirasyon, pag-ibig, sakripisyo, balakid, pagsubok, at pagtatagumpay. Dapat basahin ng mga kalalakihan upang malaman nila na ang buhay ng isang babae ay higit pa sa sakripisyong alay nila. Ang babae ay marupok, mahina, sensitibo subalit matapang, masipag, at likas na mapagmahal
Profile Image for Josephine.
Author 4 books79 followers
November 25, 2014
Sobrang natuwa ako dito sa It’s a Mens World. Pagkarinig ko pa lang kay Bebang sa speech nya sa Readercon, alam ko na agad na matutuwa ako sa aklat nya. Ipinabasa ko ito sa aking kaibigan at tawa rin sya ng tawa habang nagbabasa.

Nagustuhan ko ito dahil kahit seryoso ang tema ay may humor na kalakip. Na para bang sinasabi na ganun talaga ang buhay, nangyari na, what's important is that after the pain is gone, that we can look back and be able to smile or laugh at ourselves for our antics. But that at least, now we know better.

It's a Mens World. 5 Stars
Natawa rito, hindi ko alam na may mga ganun palang mga kwento tungkol sa mens.

Nakaw na Sandali. 5 STARS
Nagustuhan ko ito, may kurot sa puso ang kwento.

Asintada. 2 STARS
Okay lang para sa akin, di kasi ako naka-relate masyado kaya ganito ang rating ko. Hindi ako curious na bata.

Kwits. 5 STARS
Ang kulit ng kwentong ito, ironic. LOL.

Pinyapol. 5 STARS
Haha, tawa ako ng tawa rito. Ang kulit lang. Bata pa ako ay talagang bawal na akong kumain kung saan-saan, ayaw ng Lola ko, lalo na yung bibili ako sa labas. Dapat sa bahay lang kumain, ayun. Stories like this make me realize why. ^_^

Ang Lugaw. 5 STARS
Nagustuhan ko rin ito… malungkot…

Bayad-Utang.
Sa totoo lang, di ko maalala ang kwentong ito. Kasalukuyang nasa hiraman ang aklat ko. Babalikan ko na lang.

Shopping. 5 STARS
Nagustuhan ko rin ang kwentong ito… praktikal ang Nanay nya… nakakarelate ako kasi ganito kami ng ate ko.

Hiwa. 5 STARS
Tawa rin ako ng tawa rito, ang kulit lang kasi. Tipikal na pamilyang Pinoy, I guess. Wala ng kahihiyan ang bata haha. Pero kasi nag-aalala sila… ganun talaga.

So Ayaw Mo ang Palayaw Mo? 4 STARS
Haha, ang mga palayaw ko rin, paiba-iba.


Super Inggo. 5 STARS
Ito ba yung story tungkol sa uncle na sobrang sipag? Gustong gusto ko ito pero malungkot para sa akin. Parang feeling ko kasi, doon na lang talaga sa work nya umikot ang mundo nya.

Ang Aking Uncle Boy. 5 STARS
Natawa ako rito… noong malaman ko kung bakit tuwang tuwa ang nanay ni ate bebs haha. Amusing ang kwento pero at the same, malungkot.

Sibuyas. 5 STARS
Naloka ako sa ale, nakaka-dishearten sa bata ang pangyayari.

Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims. 5 STARS
Nakakalungkot pero uso talaga ang ganito, kawawa ang mga bata, ang mga biktima, in general. Minsan kasi, hindi naman kailangang maging bata o babae para mangyari sa kanila ang ganito.

Nakapagtatakang Nagtaka Pa.
Di ko rin maalala ang kwento nito. Babalikan ko na lang.

Milk Shakes and Daddies. 5 STARS
Nagustuhan ko ito in the sense na, ipinakita kasing tao lang din ang tatay… nasasaktan, may mga hinaing din… may shortcomings…tumatakbo sa anak na para bang naghahanap ng kakampi. Kaso lang, hindi nya na-factor in ang epekto sa anak.

First Date. 4 STARS
Ito ba yung nagbibigay ng payo si Ate Bebs tungkol sa date? Nanghihinayang pa rin ako na di ako nakarating sa date ng PRPB. Haist.

Ang Piso.

BFFx2. 5 STARS
Naka-relate ako rito. Friends come and go; pero may mga tao talaga na laging andyan sa tabi natin kahit na ano’ng mangyari… at least, for me. ^_^

Emails. 3 STARS
Di ko masyadong naintindihan at nagustuhan until I read Kuya D’s comments in the thread… babasahin ko na lang ulit.
Profile Image for Judie.
135 reviews7 followers
September 9, 2013
I admire people who find humor in everything. Nakakahawa eh. Maiisip mo, kaartehan lang yung dinadaanan mo kasi yung ibang tao nga mas higit pa yung problema, nahanapan ng katatawanan yung sitwasyon. Ganun ang book na ito. Binasa ko sya sa jeep ng ilang araw din habang papunta at papasok sa opisina, so madaming beses din na para akong tanga biglang tatawa ng malakas. (Kebs, 99.8% of the time wala naman akong kasakay na potential boyfriend sa ruta ng San Andres Bukid-Faura).

Anyway, I really enjoyed this book. May ilang topics na seryoso at hindi dapat na pinagtatawanan lang, pero overall, nakakagood vibes sya.

Bilang babaeng Maynila, relate na relate ako sa childhood ni Bebang. At mula ngayon, lagi ko na tinitignan yung ayon sa mapa nya sa libro, e yung bahay nila dati...7-Eleven na sya ngayon. :) -- Finally nameet ko in person si Bebang nung Aklatan 2013, at bago ang lahat, ang ganda ganda nya pala lalo pag live. At talagang she took time to point to me na mali ang 7-Eleven hunch ko. Naintindihan ko na finally kung nassan yung dating bahay nila. "Yung may tindahan ng buko juice sa tapat?" Ayun, tumpak.

Profile Image for Ycel.
87 reviews
March 22, 2013
Bebang Siy’s essays and poetry are oftentimes funny because she likes using humor to relate significant events in different stages of her life that otherwise would have turned shallow in the hands of another writer. Prude readers would be shocked by her no-holds-barred use of vulgar Tagalog words but I find it quite fitting (and effective) because in the first place, she’s telling her truth in a very personal way. I find her very courageous in Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims . Her take on this essay reminds me that it is so much more difficult to raise girls (precisely because you have to tell them early on that they need to take care of themselves and teach them how to recognize when others are taking advantage of them and yes, you have to be quite specific).

And because I am a stickler for details, I got confused when I went back to reading the essay It's a Mens World because she used the word stepmother but in the later essays she did not mention that her father remarried. Did I miss something?
Profile Image for En Villasis.
1 review9 followers
January 6, 2013
Isang paghuhubad ang pagsusulat ng mga personal na sanaysay. Hindi lamang ito pagbubuyangyang ng mga karanasan kundi paglalantad ng kaluluwa. Sa aklat na ito ni Bebang, hinayaan niya tayong kilalanin siya higit sa personal niyang pagkatao, hindi bilang makuwela, kalog, at galawgaw na babae at manunulat kundi bilang isang tao na may malalim na pinagdaanan. Higit sa anupaman, naririto ang mga sanaysay na may pait ng danas ngunit may tamis ng pag-aalala.
Profile Image for C.
114 reviews44 followers
April 10, 2017
Sa umpisa tatawa ka nang tatawa. O bahagyang tawa. O tatawa lang. Basta matatawa ka. Tapos sa bandang huli, mapapaisip ka. Matatahimik ang loob mo. O kaya bahala ka nang gumawa ng sarili mong reaksyon. At sa huli, ang masasabi mo nalang, "Aynako, Bebang! Gusto kitang pakasalan!"

Worth reading!
2 Thumbs up!
5 stars!
Highly recommended!

Ang galing!
Profile Image for Razi.
136 reviews11 followers
January 2, 2022
I tried to like this book, but it just wasn't for me. Part of it is because I can't relate, and perhaps I'm not meant to relate, to a lot of her experiences.

But perhaps a larger part of it is that I found it difficult to care about the author. The whole book feels like the author's journal and none of it was particularly interesting to me.

I generally have no problem reading about experiences outside of my own and I think that she has had interesting experiences, but her style and humor fall flat to me and I find myself thinking: even without fabricating or altering events, this book would be exponentially more enjoyable if the writing was more engaging. This style of book is similar to Bob Ong's but feels like a step down in the quality of storytelling.
Profile Image for cha-mei.
44 reviews
June 20, 2025
di ko inexpect na may kwento pala here tungkol sa cocsa oh my god 🥲☹️ 10000% relatable. bet ko yung writing style may humor na di pilit and may sarcasm din, may mga sad realities pero never once siyang itago sa likod ng pangaral!

fav stories siguro is:
Ang Lugaw Bow - tungkol to sa kung pano sila kinuha ng tatay nila tapos pagkapauwi sila lang binigyan ng lugaw na di masarap

Hiwa- yung shame na nangyayari kapag ginagamot na yung private part ng girls ang interesting lang na may research involve here

Ang Aking Uncle Boy - kasi soaper bait niya and ofc seaman rin so agad napukaw atensyon koo

Super Inggo - tungkol ulit naman sa tito and wala lang ang ganda lang ng painting ng description niya here

Sa Ganitong paraan namatay si kuya dims - 🥹 di ko na ata need magsalita kasi kuhang kuha yung point na yes nalaman mo sa pagtanda mo na di siya ever kasalanan mo but dala dala mo pa rin yung bigat

overall sa buong kwento di one dimensional yung representation ng both male and female and i love thatt sm!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for LailaBC.
544 reviews20 followers
April 29, 2013
Eto nga naman si Beverleh este si Bebang makulay mag kwento kasing kulay ng kanyang mga karanasan...a stranger yet someone so familiar to me she could be me in another life. I laugh so hard, I got sad and I got mad para yata nagka bipolar ako sa pag basa ng buhay nya. But this much is true I can honestly relate to so many things that happened in her life. For me it was brave of her to published something about that is very personal for her. What she wrote about is not uncommon but she wrote them like a comedy of life therefore a comedy of truths.
Nagustuhan ko yung kuwentong pambata nya na Marne Marino. It reminded me of The Little Prince :)
Halos kasing edad ko ang author so I am really impressed with her many accomplishments despite the many hardships, obstacles and challenges that she experienced and still going to everyday.
Ganun nga talaga ang buhay madugo din you just have to survive and be thankful for another day to live with your love ones.
I rarely read local authors especially written in tagalog, as a bisaya hindi ako fluent in tagalog so i have difficulty understanding some slang tagalog words kahit na sariling wika pa ito. Imagine binasa ko pa pati ang pasasalamat portion nya pagkatapos kong basahin ang libro.
Salamat na rin sa mga co readers ko for picking this one for our book of the month this April.

One more thing, i am very happy na kahit gaanong kabungangera ng nanay ni Bebang tanggap nya lahat ng imperfections nya bilang ina at mahal parin nya eto bilang ina nila. For me that is one of the greatest love. I have experienced a recent loss of my dear mother about two years ago, kaya I can relate kung for Bebang that there will be no other father in the world for her when he died. Cancer ang ikanamatay ng mama ko. Kung naging manunulat ako katulad ni Bebang at nag sulat din parang ganito, alam ko kung sino ang unang una kong pasasalamatan ang mama ko syempre :) Thanks for the million milk shakes ma!
Profile Image for Chris.
25 reviews
April 17, 2012
For a while, this book was out of stock at Powerbooks. (I rely on this bookstore for local titles. Fully Booked's Filipiana sections are quite disappointing.) I read a feature on Bebang Siy on The Philippine Star (Or Philippine Daily Inquirer, one of those) and immediately became intrigued.

If you think that the title is a big grammatical error, think of it this way... Bebang Siy is a woman. It's a "mens" world is short for... Yup!

"Unang nagka-mens ang kapatid kong si Colay kesa sa akin. Ten years old siya noon at ako, magtu-twelve. Sabi ng mga pinsan ko, nauna raw si Colay kasi mas mataba siya at mas aktibo sa paggalaw-galaw kesa sa akin.

"Naging sentro ng atensiyon si Colay noong araw na reglahin siya. Lahat kami, nasa labas ng kubeta, naghihintay sa paglabas ng “bagong” dalaga. Pagbukas ng pinto, itong stepmother ko, biglang pumasok. Hinanap niya ang panty ni Colay sa loob ng kubeta. Gulat na gulat si Colay siyempre.

"Bakit? Tanong niya sa stepmother namin.

"Labhan mo. Tubig lang. ’Wag kang gagamit ng sabon. Kusot-kusot lang. Tapos ipunas mo sa mukha mo ’yang panty. Tapos sabihin mo, sana maging singkinis ng perlas ang mukha ko. Ulit-ulitin mo. Habang ipinupunas mo sa mukha mo ang panty.

"Sumunod si Colay. Walang tanong-tanong. Mas matanda ’yon, e."

The collection of essays is just like the title -- it teeters between funny, trivial, and sometimes, downright serious. An entertaining read, light enough for a day of doing nothing.
Profile Image for Rigolettes.
13 reviews3 followers
June 18, 2012
Bukod sa mga nobela nila Eros at Ricky Lee, ang aklat na ito ay isa sa mga pinananabikan kong bilhin at basahin simula noong una ko ito nalaman at sa kadahilanan na rin na ang may-akda ay naging propesor ko sa UST.

Noong ito ay nakita ko sa bookshelves ng isang bookstore sa Greenbelt, wala talaga akong ka-idea-idea kung tungkol saan ang aklat ni Mam Bebang hanggang sa nabasa ko sa likod nito na tungkol ito sa regla o ang pagdadalagang tao ni Colay. Subalit ang una kong impression ay mali pala. (Infairness kay Mam Bebang, magaling siyang pumili ng pamagat. Takaw pansin sa mga mambabasa.)

Ang It's A Mens World ay matuturing kong diary ni Mam Bebang sapagkat napapaloob dito ang mga hindi malilimutang gunita niya simula noong kabataan pa niya. Nagustuhan ko ang libro pagkat simple ang pagkakasulat, hindi nakakabagot basahin, nakakatuwa at nakakatawa ang ilan sa mga pahina at paminsan minsan ay nakaka-relate ako sa aking binabasa. Kung ako'y tatanungin, ito ang kaunaunahan kong non-fiction book na binasa.

Noong matapos ko ito, mas nakilala ko ang may-akda at dating kong propesor, hindi naiiba sa iba, simple pero matapang, family-oriented, may utang na loob, may pagkamausisa at pasaway at higit sa lahat, tulad ng mga ibang babae, rineregla rin.

This is my first time to make a book review.
Displaying 1 - 30 of 98 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.