"Kahit kasi hindi mo sabihin, ipinadama mo na sa akin na mahal mo ako."
Simple at tahimik ang buhay ni Neliel. Mayroon siyang maayos na trabaho, magandang relasyon sa kanyang pamilya, at higit sa lahat ay mayroon siyang longtime boyfriend na mahal na mahal niya—si Chino. Wala na siyang mahihiling pa.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya si Galen. Ito ang nagparamdam sa kanya ng kakaibang klase ng pagmamahal na hindi niya naramdaman kay Chino. She felt treasured and loved. Hanggang sa napansin na niya ang kakulangan ni Chino bilang isang nobyo. All of a sudden, si Galen ang naging batayan niya sa pagkakaroon ng "ideal boyfriend."
Nakipaghiwalay siya kay Chino sa pag-aakalang ang anumang namamagitan sa kanila ni Galen ay totoo. Ngunit nagkamali siya. Ang lahat ay isang palabas lamang pala; ang lahat ng namagitan sa kanila ay parte lamang ng isang script na hinabi nito...