"Masyado kitang mahal para hayaan kong mawala ka sa akin."
Malinaw at simple lang ang plano ni Belle kung bakit umuwi siya sa Pilipinas—ang makapiling ang kanyang ama na nawalay sa kanya sa loob ng walong taon. Pero mukhang may ibang plano ang tadhana dahil mula nang sunduin siya ng driver ng daddy niya na si Mateo Cornedo ay parang lumilihis ang plano niya.
Unang engkuwentro pa lang nila ni Mateo ay hindi na naging maganda ang karanasan niya habang kasama ito. But slowly, she found herself falling for his charm. Binura ng pagiging sincere at sweet nito sa kanya ang maling impresyon niya rito.
Nakahanda na sana niyang aminin dito na mahal niya ito pero bigla itong umalis—at walang katiyakan kung babalik pa ito.
I actually read her other book “ unexpected yet meant to be,” but it’s not on here. Nahanap ko itong libro when I was 22 and it’s just soo fun reading in Tagalog idk what is it but it just hits deeper. Parang dahil sa storya nilang dalawa unti unti akong na niniwala talagang merong tao na ginawa si God talagang para lang sayo. Na walang sense to question him kase, talang mangyayari pag d mo hinahanap. Ugh my filo/hopeless romantic side is coming out ugh. Anyways book slump is over finally 😮💨