Jump to ratings and reviews
Rate this book

Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli

Rate this book
MAGAANG BASAHIN, KUNG MATINIK AY MALALIM.

Magaang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa'y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Eros sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros--malay siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.

Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.

Bienvenido Lumbera
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan

165 pages, Paperback

First published December 6, 2011

517 people are currently reading
6789 people want to read

About the author

Eros S. Atalia

12 books545 followers
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
921 (50%)
4 stars
376 (20%)
3 stars
282 (15%)
2 stars
106 (5%)
1 star
123 (6%)
Displaying 1 - 30 of 122 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
January 8, 2012
[This review is both in Tagalog and English.]

Professor Eros, inom tayo.

Wala lang. Para kasi masarap kainuman si Eros. Nagustuhan ko itong libro nyang ito. Pang-apat niyang libro. Pang-apat na nabasa ko. First time na nagustuhan ko. Wala yong kabastusan ng nasa "Ligo na U, Lapit na Me." Wala na yong Bob-Ong-copy-cat style na "Taguan Pung" at "Peksman." Sa wakas, nage-evolve na yata si Professor at inilalabas na ang tunay nyang style. Akala ko noon, magra-ride na lang sya sa popularity ni Bob Ong para humati sa target market ng mga kabataang readers ng mga librong Tagalog.

Parang pinagtiyap rin. Nagbago ng istilo si Bob Ong sa Lumayo Ka Nga Sa Akin. Nagbago rin si Professor Eros.


This book is the fourth book by Professor Eros Atalia. This is the fourth book of him that I've read. My first time to like his work. Reason: he finally showed his own brilliancy. His writing prowess. He used to copy the style of another popular writer in Tagalog, the enigmatic Bob Ong. This other writer does not reveal his true name, his true identity. Yet, his books are being patronized by many Filipinos, mostly those who are young and shun English novels. Proof that there is a market there for these readers. And Professor Eros, in his first three books, was trying to tap this market dominated by Bob Ong.

Nagbago ang lahat. Ang rules ng game sa paglabas ng librong ito ni Professor Eros. Tinambakan ni Professor si Bob Ong ng 100 dagli (short-short stories) na parang nagbabasa ka ng splices of life ni Raymond Carver. Yong mga minutiae ng buhay. Mga tagpo na nakikita mo sa araw-araw. Kung hindi man nararanasan. Walang mga parinig o moralismong patama na makikita mong nakakubli sa mga libro ni Bob Ong kagaya ng sa "Lumayo" o "Baliktad." Dito, basta umisip lang ng mga tagpo ng buhay si Professor na malamang sa hindi ay kakikitaan mo ng sarili mo sa araw-araw ng buhay mo sa mundo. Mga paglalarawan ng mga mahihirap na Pinoy at ang mga suliraning kinakaharap niya sa araw-araw. Minsan, di na lang pinapansin. Minsan, tinititigan at madalas sa minsan, dahil wala rin lang magagawa, nagkikibit-balikat at di na lang nagtatanong. Itutuloy na lang ang mabuhay.

100 short stories similar to what you feel reading Raymond Carver's stories in What We Talk About, When We Talk About Love. I am of course, referring to the style: the splices or minutiae of daily life. His short-short stories here feels like snapshots in a camera. You like looking at them. When you look at a snapshot, some thoughts play in your head, right? He gained weight. Eww, that lipstick, again? She is aging but she surely still looks good... Sometimes you form your own stories based on what you see. Sometimes you reminisce and bring your own experiences with you.

This was what I felt reading Professor Eros' 100 short-short stories contained in this book. There are 5 that I really liked and I rated them with 5 stars:
(1) Birthday vs Death Day - two unborn babies talking to each other
(2) Ang Pinakamahusay na Kwento sa Buong Mundo - this is the best among the 100. Brilliant! Bravo! I did not see it coming, Professor.
(3) Wala 'Yan sa Tatay Ko - oh God, so short yet filled with sadness.
(4) Birthday Wish - same as #3. The last six words are just enough to make me almost cry.
(5) Manghuhula - well-told story. Longer than the other 4 but it is taut and the scene that this creates in your mind is just scary. Yet it can happen to anyone.


Professor Eros Atalia finally delivers.
Profile Image for Ayban Gabriyel.
63 reviews64 followers
January 23, 2012
Maaaring may spoilers at mga bagay na hindi mo dapat malaman at iyong pagsisihan sa huli kung ito'y iyong matutuklasan at mga bagay na walang kinalaman sa libro at lalo na sayo.

"100 Dagli(Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)" ayan ang nakasulat sa ibaba ng titulo ng pabalat ng libro. Teka, anu nga ba ang dagli?

Ayon kay pareng WikiFilipino,
Ang Dagli ay isang uri ng anyong pampanitikan sa Tagalog na maitutumbas sa maikling paglalarawan ng bagay, tao, o pangyayari, at karaniwang ginagamitan ng talinghaga, siste, o satira. Ayon kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli noong panahong sakop ng Espanyol ang Filipinas, at maging tampok sa mga pahayagang Espanyol ang mga artikulong tinaguriang Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang gayong padron mula sa Espanyol, dahil hindi pa noon malinaw kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Magkakaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng siglo beynte, at mula rito'y lalong sisigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat. Sumulat si Alejandro G. Abadilla ng mga dagli, ngunit kahit siya'y mag-aalangan sa taguri niyon, kaya magkakasiya na lamang siyang tawagin iyong "kaunting tula at kaunting tuluyan."

Sa madaling sabi ang Dagli ay isang maikling prosa o kwento na may daang salita o higit pa. Hamak na mas maikli pa sa isang maikling kwento.

"Magaang basahin, matinik kung matinik at malalim. Ayan ang agad mong mababasa sa likod ng libro." ayan naman ang agad mong mapapansin sa likod ng pabalat. Tapos sa likod ng likod ng pabalat naman ay ang mga pasasalamat ng awtor. Ang nasa likod naman ng harap ng pabalat ay ang mga blurbs at paunang salita tungkol sa kanya at sa likha niya. Tapos nun yung pinag dedikaha nya ng likha nya, tapos--- teka nga,napapasarap ang pagta-type, bumili ka na lang at basahin mo.

Tama na ang paligoy-ligoy. Ito ang ika-apat na libro mula kay Eros ang una ay ang "Taguan-Pung" na inilabas ng UST Pub, tapos sumonod ang "Peksman", "Ligo na U" at itong huli ng Visprint. Ikalawang libro ko palang ito ni Eros. Ang unang libro kong nabasa mula sa kanya ay ang "Ligo na U" pero hindi ko nagustuhan yung librong yun. Nung lumabas itong bagong libro, medyo alangan ako, pakiwari ko kasi hindi ko rin matitripan tulad ng unang libro kong nabasa na katha nya. Buti na lang may isang magandang review ang librong ito, kaya nung may pagkakataon, bumili na ako.

Gaya nang sabi sa libro, madali raw basahin, totoo, maikli lang kasi, pwedeng-pwede basahin kahit saan, kahit basang-pasingit-singit lang ng ilang pahina swak-na-snak kung ikaw ay nasabyahe, naghihintay sa interviewer, nagiintay ng jeep o naglalabas ng sama ng loob sa kubeta.

Para sa akin bumawai si Prof Eros ngayon, bagaman hindi lahat ng dagli na laman ng libro ay nagustuhan ko, marami rin naman na tatatak sa isip at puso mo. May mga telanovela, tulad nung "Birthday wish" pero tingin ko wala namang kwemto dito na pupukaw at aantig sa puso mo para magdrama ka, OA na yun, mga moments na mapapa-shit ka lang. May mga nakakatawa, tulad nung "Tuhog", may pang katatakutan din na hindi ko binasa habang nagpapa antok sa kama, dahil baka lalo akong hindi makatulog, kaya kinabukasan ko sya binalikan.

Hindi ito ang unang beses kong makapagbasa ng mga dagli o maikling maikling kwento, ang librong "Pagluwas" ni Zosimo Quibilan ay ganito rin ang konsepto, pero mala-dagli na mala-novela ito dahil nagka-ugnay ang mga kwento sa huling bahagi ng istorya, ang "Fast Food Fiction" ay lipunan din ng dagli tulad nito ang kaibahan lang ito ay ingles. Kung susumahin at kikilatisin ang kabuuan. Magandang Libro.


---Nung sinumulan kong basahin ang libro, bigla kong naalala ang dagli na nabasa ko na sulat ni Eros sa Panitikan.com.ph. na nanggaling sa una nyang libro.



Eros S. Atalia
Nang Lapastanganin Sina Asyang Aswang at Minyang Manananggal


Magkatabing nagpapahid ng langis sina Asyang at Minyang sa pusod ng sagingan. Nagkubli na parang nahihiya ang buwan sa nasasaksihan.

“Peste… talaga oh, akalain mo bang sa ganitong paraang pa tayo mabubuntis?” habang hinihimas ni Asyang ang tyan ng langis, “hanggang ngayong buwan na lang tayo pwede makapanila… masyado ng malaki ang tyan natin, mahihirapan na tayo.”

“Bwaka ng anghel na buhay talaga ‘to. Eh, akalain mo bang may magkainteres pa sa atin?” habang unti-unting humihiwalay ang pang-itaas sa pang-ibabang katawan ni Minyang na binibitbit ng kanyang malalapad na pakpak.

“Kasi ba naman… bakit ba naman eh. Nung iwan ko itong kaputol ko sa kamalig nina Mang Ute, di ko akalaing pakikialaman ito ng anak niyang sinto-sinto. Lapain ko tuloy sa galit.”

“Buti ka nga at kahit sinto-sinto eh tao ang ama ng anak mo. Eh ako?” gigil ang tinig ni Asyang samantalang lumilitaw na ang makakapal nitong buhok at balahibo, mahahabang mga pangil at matatalim na mga kuko.

“Ha? Bakit… sino ba ang ama nyan?” ang nguso ni Minyang sa sinapupunan ng kaibigang aswang.

“Noong hinahabol ako ng ronda, nagsa-aso ako at agad na pumasok sa bakuran ni Kapitan… Akalain ko bang sangkatutak ang mga Doberman doon?”


XD



Profile Image for Junix Jerald.
52 reviews13 followers
April 9, 2012
Wag Lang Di Makaraos is Eros S. Atalia’s latest work. It is a collection of a hundred daglis. A dagli is a form of literature in Filipino which is usually short and is written with depth, sarcasm, and satire.

Eros Atalia’s initial plan was to have three hundred and sixty-five daglis, but he ended up having a hundred only, because it was really hard to write. He said that it took him years to finish this publication, as compared to his novels which took him three to four months to complete.

The book has ten themes, namely: (1) KAMATAYAN, (2) SA DAKO PAROON, (3) MGA KWENTONG MALI, (4) DE KAHONG BILOG, (5) E, KASI, BATA, (6) SENIOR CITIZENS, (7) OKASYON, (8) TRABAHO LANG, (9) COMMERCIAL, and (10) MGA KWENTONG DI PAMBATA. Each theme has ten daglis, and these daglis revolved around the theme in which they belong to.

Out of all the themes, I personally liked KAMATAYAN, DE KAHONG BILOG, SENIOR CITIZENS, OKASYON, and TRABAHO LANG.

Wag Lang Di Makaraos is a light read, but is full of sense if you try to comprehend what each dagli is really about.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
June 8, 2012
Walangya, ginawa tayong parausan ni Eros.

'Wag Lang Di Makaraos' isang minadaling libro. Sinabi ni Eros na 365 dapat ang mga dagli (maikling kwento) na dapat isusulat niya sa pang-apat niyang libro (pangatlo kung sa Visprint) , pero dahil kulang na siya sa oras at siguradong aabutin siya ng syam-syam kung pipilitin niya pang-bunuin ang orihinal niyang kota, nagpasya na lang siyang gawin itong isangdaan. Siguro unti-unti na ring nauubos ang ideya niya. Hahahah, lakas din kasi ng tama ni Eros, 365 na kwento sa isang libro, maski ata si J.K Rowling o si Rizal siguradong mahihirapan sa binabalak niya.

Sa kabuuan ng naging produkto, hindi naman ganap na naging maganda ang kinalabasan, hindi rin naman naging na basura, medyo-medyo lang, patas lang, kwits lang kumbaga. Merong may sense, merong wala, merong mapapaisip ka talaga, merong sobrang obvious na, merong pinag-isipang isulat at meron din namang basta may maisulat lang.

May paraan siya ng pagkukwento na mahahalata mo pa lang sa mga unang kwento ng libro. Mga detalye sa unang bahagi ng kwento at ang punchline sa katapusan. Lagi kang hahamunin ni Eros sa dulo ng kwento na mag-isip kung naintindihan mo talaga at kung nakuha mo ang gusto niyang iparating ay mapapangiti ka na lang.

Merong sampung tema o paksa ang libro at tigsasampung kwento bawat tema (10 x 10 =100) . Bawat tema ay naglalaman ng mga kwentong sumasalamin sa lipunan. (As usual, pag galing Visprint ang libro hindi pwedeng hindi sinasalamin ang alinman sa lipunan, gobyerno, relihiyon, sistema, paniniwala, at kung anu-anong isyung pangmasa, gaya na lang ng mga libro ni Bob Ong at mga komiks ni Manix). Isang napakagandang pampalipas oras.

Masarap din basahin ang libro ng may kasama, lalo na kung makikita mo na nakakunot ang mukha ng mga kasama mo bawat kwento. Wala kang magagawa kundi ipaliwanag ang mga kwento at mamamalayan mo na lang ang sabay sabay nilang "ahhhhhhh" o kaya "oo nga no" , "ganun pala" at kung anu-ano pang pagkamangha. Di nga lang ako sigurado kung kanino sila namamangha, sa akin ba o sa libro.

Isa lang ang reklamo ko sa libro. Wala siyang Talaan ng Nilalaman. Kadalasan ang hirap maghanap ng kwento na gusto mong ipabasa sa kaibigan mo (dahil hindi nga lahat ng kwento ay may sense, hindi masamang pumili ka lang nang gusto mong ipabasa) . At dahil buklat dito, buklat doon ang daling malaspag ng libro.







Profile Image for Math Teacher.
14 reviews5 followers
June 16, 2012
Mas nagustuhan ko ang atake ni Eros sa mga dagling napabilang sa librong ito. Muli, napatunayan ang personal kong hinala na mas magiging nakaka-aliw ang porma ng kanyang panitikan kung hindi ito magiging napakahaba (na tulad ng Ligo na U, Lapit na Me). Sa anyong ito, mas nadama ko ang kanyang indibidwalidad bilang manunulat, kung anong klaseng pag-iisip ang taglay ni G. Eros Atalia.

Pinatunayan rin ng akdang ito kung gaano kalaki ang kaibahan ng paraan ng pagpapatawa ni Eros kay Bob (sorry na, nabanggit ko na naman si Bob). May sarili siyang istilo, na kung ipapapatuloy nya, sa palagay ko ay isang potensyal na maaring magluklok sa kanya sa parehong liga ng tagumpay na nakamit ni Ong.

Marami akong naibigan. Maituturing kong personal na umangat para sa akin ang kanyang "Si Maam Kasi" na tumalakay kung paanong madalas ay pinaniniwalaan natin kung ano lang ang mga nais nating paniwalaan at ang "Birthday Wish" na sa aking palagay ay papasang bagong commercial ng McDo sa taglay na kadramahan.

Dahil dyan, napabili tuloy ako ng bago nyang libro sa NBS kanina, ang IT'S NOT THAT COMPLICATED.


Irerekomenda ko ang librong ito sa aking mga kaibigan. hihihihi
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
January 8, 2012
Sa isang blog ko unang nalaman ang bagong libro ni Eros S. Atalia. Inaamin ko, sa cover pa lang ng libro eh naengganyo na akong basahin ito. Nobyembre pa lang (yata), inaabangan ko na sa website ng Visprint kung kailan ito ilalabas sa bookstores.

Una sa lahat, hindi ko talaga alam ang kahulugan ng "dagli". Pero dahil na rin sa nabasa kong libro at pagsasaliksik sa internet (naks parang dalubhasa), ang "dagli" pala ay tumutukoy sa maikling paglalarawan ng tao, bagay, lugar o pangyayari na karaniwang ginagamitan ng talinghaga o satira (satire). Pagdating naman sa libro, nahahati ito sa sampung kabanata, at bawat isa ay may sampung maiikling kwento o dagli kaya tinawag itong "100 Dagli". Sabi pa ng awtor, 365 dagli talaga ang inisyal niyang plano. Pero baka daw dumating na ang mga alien ngayong 2012 at hindi pa niya natatapos ang libro. Ito na daw kasi ang pinakamatagal na librong ginawa niya. Inabot ng isang taon. Madugo daw kasi ang pagsusulat nito.

Malaman at simple lang pero iba ang atake ng bawat kwento. Maaaring matawa, matakot, mainis, mapaisip o magtaka ka sa bawat isa nito. Akmang akma din ang titulo ng libro. Ito ay naglalaman ng iba't ibang kwentong pasaway, paaway at pamatay. May mga kwentong sobrang ikli, may hanggang apat na pangungusap lang pero matatawa ka. Pinakamahaba nang kwento 'yung dalawang pahina na hindi pa punuan.

Halos karamihan sa kwento ay nakakatawa. Pero dahil sa sobrang ikli ng mga ito, maaaring makalimutan mo agad ang mga ito na para bang walang partikular na eksenang tatatak sa isip mo, 'di tulad ng Peksman Mamatay Ka Man Nagsisinungaling Ako at Ligo Na U Lapit Na Me. Gayunpaman, kahit paano ay may isang kwentong nakapagpatawa sa akin. Ito ay ang <*spoiler alert!*> tungkol sa "Buwan ng Nutrisyon" kung saan gumawa ng mga slogan ang bida tungkol sa mga pagkain. Subalit nagalit ang guro dahil ilan sa mga slogan ay:

Kaunting ulam sa maraming kanin
Ang mahalaga, may kinakain.

Para sumarap ang lutuin
Damihan lagi ng betsin.

Mantika, toyo at kalamansi
Ihalo sa kanin ang bistik kunwari.

Ang mani ni ma'am ay nakakatalino
Lahat ng bumili, mataas ang grado.

Kapag libro talaga ng paborito mong manunulat ang pag-uusapan, kahit gaano ka-boring at ka-walang kwenta ito para sa iba, pagdating sa iyo eh hindi mo pa rin ito kayang bitawan dahil nag-eenjoy ka kahit paano.

Nagtatalo sa pagitan ng tatlo hanggang apat na bituin (three to four stars) ang rating ko sa librong ito. Isang mabilisang basa lamang talaga ito. Para lang makaraos, ika nga. Kung tutuusin, kaya itong tapusin sa isang basahan lang. Pakiramdam ko tuloy, medyo kulang pa. Sana itinuloy na ni Eros S. Atalia 'yung plano niyang 365 dagli para mas mahaba-habang pagbabasa ito.
Profile Image for Emong.
90 reviews17 followers
December 28, 2014
Ito ang unang libro ni Atalia na nabasa ko. Hindi ko alam kung masyadong mataas ang expectation ko dahil napanood ko yung pelikula na Ligo Na U, Lapit Na Me na hango sa isa niya pang libro at isama na din yung mga naririnig ko tungkol sa mga likha niya. Gusto ko yung approach niya sa pagsusulat mga pahapyaw na biro at patama. Wala masyadong pretensions at hindi nagpapapigil.

Madaming kwento ang nagustuhan ko yung ilan natawa ako, yung iba natakot, at yung iba napaisip. Pero may ilan na hindi ko nagustuhan o hindi pasado sa panlasa ko depende siguro sa taong nagbabasa.

Maganda ang libro pwedeng basahin habang nasa MRT/LRT or sa bus pauwi. Wala masyadong kailangan isipin, pang enjoy lang kungbaga.
Profile Image for Clare.
76 reviews9 followers
September 12, 2015
Pagkatapos kong mabili ito sa Warehouse sale ng Visprint, agad kong binasa sa sobrang excitement.
Mabilis naman itong basahin dahil mga dagli naman. Nasurpresa ako dahil gusto ko pala ng mga ganitong klase ng mga kwento. Mabilis pero malalim ang epekto. Sa puso at utak. Naks. Hehe. Yung tipong akala mong ito ang storya o kalalabasan ng storya tapos di naman. Parang pagkatapos mong basahin ang isang dagli, "#%@$#^$%*. Di ko inaasahan yun a." Parang plastik na mga kaibigan, mabait sayo pero tinitira ka na pala patalikod. (Uhm, tinitira means sinisiraan. Talagang nag-explain?!?) Di inaasahan.
Profile Image for E Reyes.
127 reviews
December 20, 2011
Funny. Interesting. Tackles some political issues. May matatagpuan ka ring mga eksenang alam ng lahat ngunit pilit kinakalimutan, o nakita na ngunit titingin nalang sa malayo para hindi mapansin. Salamat, Sir Eros.
Profile Image for Jane Marga.
203 reviews
February 21, 2021
Katulad ng mga naunang aklat ni Sir Eros, nandun pa rin ang atake na dadalhin niya ang ang ating atensyon sa mga 'di pansining subject na may sarili ding kwento: mga makamundong concern ng mga iba't-ibang elemento't espiritu gaya ng aswang, tiktik, tiyanak, manananggal at iba pa. Nandun din kahit sa mga senior citizens, bulag, pipi, at bingi. Hindi laging masaya at maloko. Minsan malungkot at seryoso sa katapusan. May gulat factor sa takbuhin ng kwento kahit napakaikli, ika nga.

Siguro hindi na ito ang babasahing swak sa panlasa ko ngayon. Noong una kong ma-encounter ang dagli nung kolehiyo ako, eksperimento ang tangka nang ipakilala ito ng awtor.
Target ng dagli na magbigay ng kwento sa iisang upuan o wala pa para sa nagmamadaling buhay ng tao na mas maikli pa ang attention span kaysa sa goldfish.

Mahusay naman sa paglalahad sa ibang kwentong dagli at natawa ko sa iba, pero di na kasing lakas ng impact sa inaasahan ko. Ewan ko, baka ako lang. May pakiramdam akong pinagparausan (mawalang galang) lang ako sa pagkukwento kaya siguro naging mapakla sakin ang dating kahit na may talim ang ilan sa mga dagli lalo na sa mga huling bahagi.
Profile Image for Zai Zai.
810 reviews18 followers
September 16, 2022
Wag Lang Di Makaraos read and felt inconsistent. Some of the stories here are pretty brilliant and really struck a chord. I think they can serve as writing prompts for a full story or even a movie script. Eros seems to shine in the supernatural tangential stuff. However, the more I read the more I saw the repetition of the formula, some laziness and definitely lots of filler. I guess for every three good stories there would be two duds. By his own admission, Eros wrote this collection under a deadline and plenty of times it showed.

I do not recommend this book to anyone and I will probably not read another Eros Atalia book again because I have found out something deeply troubling about his past that I can't confirm yet. I hope it's untrue.
Profile Image for Madge.
5 reviews6 followers
August 26, 2016
Ok lang. Hindi sya gaanong nag-iwan ng marka sa aking utak gaya ng ibang libro. Malalim ay may ibang gustong ibig sabihin ang bawat kwento. Hindi ko pa lubusang naiintindihan ang ilan dito. Siguro bubuklatin ko uli ito sa hinaharap.
Profile Image for Peter Gascon.
1 review2 followers
December 21, 2016
Bawat kwento napapatigil ako para magkaroon ng "awe" moment
Napapamura ako ng letter P
Sinusundan ng letter G
Hayop!
Sobra galing!

P!G!HAYOP!
Profile Image for Adrian.
35 reviews2 followers
February 15, 2019
Sa wakas natapos ko naring basahin ito. Inirekomenda itong basahin ng aming guro dati sa Filipino. Simula nang magumpisa akong mangolekta ng libro last year nanabik na akong makahanap ng kopya, yun nga lang madalang na kaya online nako bumili.

Anyway, hindi naman ako nanghinayang sa paghahanap ko. Expected naman na maganda ito, dahil nga dito pa kumuha ng mga halimbawa ang guro ko para magturo ng dagli. Sapat lamang ang 100 dagli, hindi nakakabitin, hindi nakakasawa. Bawa't dagli halata namang kung hindi pumasok bigla sa utak ni Eros ay pinag-isipan talaga. Epektibo ang mga salitang ginamit ni Eros. Dito kasi kadalasan nagkakakumplikasyon sa mga dagli dahil limitado ang salita at haba, minsan 'di narin nailalarawan ng maayos. Pero hindi ito nangyari sa Wag Lang Di Makaraos.

Mangaliw, manakot, magpahaging. Kung hindi ang tatlong iyan, ay tatlo iyan sa marami niyang gustong gawin sa mga mambabasa ng libro. Hindi rin dito nagkulang si Eros.

Hindi nga lang lahat pantay pantay ng kagandahan, may mangilan-ngilan na ayos lang pero marami namang magaganda at may konting sobrang ganda talaga.

Mahusay siguro ang desisyon ko na ito ang unang basahin sa mga katha ni Eros dahil natuwa ako sa makulit ngunit epektibong istilo niya ng pagsusulat.

3rd book of the 2019.
1st Eros Atalia Book.
Profile Image for RR.
42 reviews
June 20, 2018
Ngayon na lang muli ako nagbasa ng librong tagalog and ginamit na midyim. Ang huli ang Si ni Bob Ong. Mula sa nobela papuntang dagli. Sa bawat dagling aking nabasa. Napapasabi akong "iyon na ba 'yon?". Sa paglipat ko rin ng pahina, nais kong matapos ang pagdurusa sa pagbabasa nito. Parang pagtitipon ng mga biro at kwento ng tatay ko. Makaluma. May mga dagli na nagpapatawa, tungkol sa kabit, tungkol sa patay, tungkol sa babaeng nagnanais na habulin ng babae sa pamamagitin ng agimat ng lolo niya. Hanggang sa dalawang sundalong nagkagustuhan. Pero dapat matatawa ka pa rin.

Nakaukit na ito sa kultura ng Pilipino. Tungkol sa Diyos, malilibog na biro, laman-lupa, pamilya, biro tungkol sa ngongo, droga at sa mga kwentong nagbibigay sa atin pagkakilala dahil ganito ang mga kwento binabasa ng mga Pilipino.
Niluluwa ko na ang sistema ng mga Pilipino. Hindi lang siguro swak sa panlasa ko.

May magandang dagli. Kumukurot sa damdamin ng mga mambabasa ngunit iilan lang ito. Dapat ito na lang ang basahin niyo kaysa babasahin pa ang lahat. Ang biased ko pero totoo naman.


Marahil hindi lang para sa akin ang mga dagling isinulat niya.
3 reviews
February 29, 2020
First time kong mag-book review dito, ah.
Sa bawat dagli na nabasa ko rito, nae-excite ako. Dahil ang gaganda ng plot twists kada dagli, although some parts mape-predict mo na agad. Pero ang pinakagusto kong parts nito e 'yung stories nung medyo pahuli na. Dahil doon sa parts na yon medyo na-show off 'yung mala-"O. Henry" na pagkakakuwento dahil ang unexpected ng plot twists sa mga ending. At kada ang gaganda ng plot twists napapangiti ako at nae-excite sa mga dagli ng susunod na pages. Ayun, maaga ko tuloy natapos basahin. At first clueless talaga ako anong meron sa nilalaman nitong libro, akala ko totally may kinalaman lahat sa kahirapan ng mga Pinoy dahil sa title. Pero ayon nga, marami naman ang parts na nagustuhan ko pero pinakatanda ko talaga 'yung sa essay about white lady. Hahahaha tapos parang ewan akong tatawa-sisimangot dahil minsan natatawa nga ako sa naunang dagli na nabasa ko tapos sa susunod na dagli mej tagos sa puso kaya ayon, parang ewan akong tatawa-lulungkot.
Profile Image for Eduard Salvador.
5 reviews2 followers
March 7, 2022
DALAWANG SALITA. ANG LUPIT!!

Hanep ang libro na 'to. Mula umpisa hanggang matapos tawang-tawa ako. Iba ang humor ng isang Eros Atalia. Natapos ko siya ng 3 oras nalang. Excluded ang CR break at lunch-dinner.

Ang maganda sa librong 'to yung mga twist 'di mo aasahan. Parang ligaw na bala na bigla nalang tatama sa'yo. Hindi hinog sa pilit. Mapapalatak ka talaga ng tawa. Kung sensitive ka naman 'wag mo muna basahin 'to. May ibang kwento na hindi angkop sa lahat. 2022 na nang mabasa ko 'to. So gusto ko lang naman ipaalam na may sexist remarks dito although konti lang. Di masyadong pansinin. Yung mga remarks na yun at sa tingin ko hindi na mag-fa-fly sa henerasyon ngayon.

Kung gusto mong tumawa basahin mo 'to. Kung gusto mong matakot, meron din dito. Basta ang pakatandaan mo, 'wag lang 'makaraos sa tawa. HAHAHAHA
Profile Image for fooleveunder.
160 reviews
November 16, 2025
Profile Image for Crisel Blenda Fernandez.
71 reviews4 followers
February 9, 2015
Natutuwa ako na noong nagrequest ako ng libro para sa pasko, ang librong ito ang binigay sa akin. Madalas kasi sa mga trip kong basahin ay mga nobela, Filipino man o English, sikat man o hindi, ebook man o libro. Ang tanging naaalala ko lang sigurong libro na non-fiction na nabasa ko (maliban sa mga required textbooks sa school) ay ang collection of witty articles ni Sir Lourd De Veyra sa kanyang librong This Is A Crazy Planet 1 and 2 . At tuwang-tuwa na ko sa tuwing binabasa ko ito. Kaya ng maencounter ko ang mga dagli ni Sir Eros, aba’y napakaswerte ko talaga.

First time kong maencounter ang dagli. At wala akong ideya kung anong meron sa mga ito. Maniniwala ako kung sasabihin sa akin na ang dagli ay pinauso ni Eros Atalia. Kasi kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nito, nagets ko naman ito ng mabasa ko na ang Wag Lang Di Makaraos .

So batay sa aking obserbasyon at pagbabasa, ang dagli ay mga kwentong maiikli, may iisang setting, pero buo ang kwento at may kakaibang ending. Ending na madalas ay open ended.

Sabi nga ni Jane Austen, “If a book is well written, I always find it too short.” At napatunayan ko ito sa mga dagli ni Sir Eros. Ang bawat dagli ay tila kayang tumbasan ang mga makakapal na libro. Hindi kailangan ng mahabang explanation para maintindihan. Diretso, walang arte, klaro. Pero kahit mabilis nagtatagal naman ang epekto.

Hindi lang simple ang mga dagli ni Sir Eros. Bawat dagli kakaiba. Bawat dagli may kakaibang karisma. Ito ay mga dagli na nagpapakita sa atin ng mga bagay na hindi natin normal nakikita.

Naalala ko ang sinabi ni Sir Ricky Lee, “Ang trabaho ng manunulat ay ang makakita, at ang ipakita sa iba ang nakikita niya.” At kuhang-kuha yun ni Sir Eros. Hindi ko lang nakita, naenjoy ko pa kung ano ang gusto niyang ipakita sa mabilis at maikling paraan sa librong ito.

Sa Wag Lang Di Makaraos, nakapaglakbay ako kung saan-saan. Nakilala ko ang iba’t-ibang tao, na kahit hindi ko alam ang pangalan ay naging kilala ko at naintindihan ang kanilang pinagdaraanan, kasi ang mundong kinalalagyan nila ay ang mundong kinalalagyan ko din. Hindi na ito naging kaiba sa akin.

Ang ikinaganda pa ng mga kwento sa librong ito ay ang paggamit ni Sir Eros sa mga nakalimutan na nating Filipino mythical creatures. Ang tagal ko na ding naghahanap ng mga kwento patungkol sa mga ito, ang last ko atang basa nang tungkol sa tyanak at mananangal ay kay Nick Joaquin pa. Sawang-sawa na kasi ako sa kakapanood at kakabasa ng mga bampira at lobong walang silbi. Uhaw na uhaw ako sa mga kwentong sariling atin. At hindi ko inakalang dito ko ito makikita. Salamat!

Ang nakakatuwa pa sa paggamit ni Sir Eros sa mga Filipino lamang lupa ay isinabuhay niya ito sa paghuhumanize sa kanila.


Tunay na henyo lang ang makagagawa ng ganito.

Kahit na may pagkaheretiko at sensitibo ang ilang dagli, maiintindihan mong ito ay may punto at totoong nangyayari.

Masarap papakin ang librong ito. Kung bored ka at gusto mong makaraos, sige lang pakalunod ka librong ito!!! Kasi ako nakaraos na!

Bonus:
Sa mga gustong bumasa, narito ang mga chapters/category/episodes/parts/ewan-ko-anong-tawag-dito, at konting description, ayon sa aking pagkakaintindi na inyong makikita sa libro.

Kamatayan – Parang tanga lang, hindi ka pa man nagsisimula, kamatayan na agad ang bubulaga sa librong ito. Pasaway nga talaga. Pero yun, ito ay tungkol sa iba’t-ibang persepsyon sa kamatayan. May nakakatawa at creepy pero lahat (spoiler alert) nakakabigla .

Sa Dako Paroon – Akala ko makikita ko si Sadako, hindi pala. Pero mas mageenjoy ka kasi ang Sadako na makikita mo dito, ay pinoy na pinoy. Sa bahaging ito, dadalawin ka ng mga third kind. Tapos mahihiya ang kinang ni Edward Cullen sa lakas ng dating nga mga bawat dagli dito.

Mga Kwentong Mali – Wow mali nga. Kasi naman ang ordinaryong pangyayari sa buhay natin ay binigyan ng bagong pagtingin. Kakaiba ang birada at sobrang pasaway.

Bilog na de kahon – hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Sir Eros dito, o kung anung hugis nito, or kung nageexist nga talaga ito. Basta ang alam ko lahat ng dagli dito sensitive pero maririnig mong pinagtitsismisan sa kanto. Hindi din naman kailangang ielaborate para maintindihan, basta matalino ka magegets mo.

Eh kasi bata – Sa mga dagling ito ko napatunayan na ang ilang tama at mahahalagang bagay sa buhay sa bata mo lang maiintindihan at matututunan. In short, ito ay mga kwentong bata na mas applicable pa sa mga matatanda.

Senior Citizen – kwentong matanda na kung umasal ay bata. Mga nagmumurang kamatis moments.

Okasyon – mga ordinaryong okasyon pero nagiging ekstraordinaryo dahil sa ginagawa ng mga tao.

Trabaho lang – mga problema, hirap, sanhi at bunga na may kinalaman sa trabahong illegal man o hindi. Isang pagsilip sa mga pangyayari sa araw-araw na pagtatrabaho na hindi mo aakalaing nangyayari.

Commercial – kung hindi ko lang alam ang tipo ng pagsulat ni Sir Eros iisipin kong may product placement na nangyari sa librong ito.

Mga Kwentong Di Pambata – Mga kwentong pambata na rated SPG. Self-explanatory.

Para sa marami pang book reviews: the12monthbookchallenge.wordpress.com
Profile Image for Raven.
11 reviews
January 10, 2020
Nagustuhan ko ang ilan sa mga dagli dito. Ang iba naman, hindi masyado. Dalawa ang binili kong kopya nito: isa para sakin, isa para sa guro ko sa Filipino noong Grade 8. Naalala kong tinanong ako ng kaibigan ko

“Kanino mo ibibigay yan?”
“Kay ma’am ___”
“Weh? kanino nga? Di ako naniniwalang gagastos ka para sa teacher”
Profile Image for Mark Alpheus.
841 reviews9 followers
March 29, 2021
Matagal ko nang gustong subukin ang sarili sa pagsusulat ng mg dagli. Nakaka-inspire pala kapag nakakabasa ka ng mga halimbawa ng gusto mong isulat.

Paborito ko rin kasi talaga ang panulat ni sir Eros, mula pa noong mabasa ko ang It's Not That Complicated (dalawa pa lang nababasa ko).
Profile Image for M Margolis.
14 reviews
Currently reading
August 12, 2023
A hundred stories or mga dagli. Everything is indeed easy to read. It's all about you and me and the world we know... One might not like all, and I definitely had just a few faves. But these few really stay with me. The top is Pinakamahusay na Kwneto sa Buong Mundo.
Profile Image for Yvera Crizel.
1 review
November 21, 2017
I think it's good to read.
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
January 30, 2019
Ang ganda ng mga kwento dito.mapapaisip ka nalang talaga sa dulo.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 30 of 122 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.