What do you think?
Rate this book


186 pages, Paperback
First published December 11, 2011
"Higit sa mga prestihiyosong pagkilala, mas kailangan ng libro ng mga mambabasa."
“Yon ang mali sa tinatawag na 'cool factor.' Para maging 'in' ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“Isa pa, pwede nga ring yung TV talaga ang may sumpa. Dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. Isipin mo, bakit isa ito sa mga unang-unang pinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? Kasi malaking tulong ang telebisyon para lumimot. Para tumakas sa realidad.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“Tatawa lang sila. Tatawa lang sila at sisisihin ang sistema. Ang laging bida at walang kamatayang sistema.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
"Meron talagang mga basurang pelikula, kanta, libro, magazine, at kung ano-ano pa na nagpipigil sa pag-unlad ng sining sa bansa. Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din ang walang sense of humor at may diperensya. Siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba."