Jump to ratings and reviews
Rate this book

Silakbo

Rate this book
Maligayang ambag sa talambuhay at sa panitikang kababaihan ang Silakbo ni Rose Torres-Yu. Napakaganda ng gamit niya sa kaniyang alaala bilang paraan ng komprontasyon sa kasalukuyan.

– VIRGILIO S. ALMARIO, Pabansang Alagad ng Sining

Rosario Torres-Yu’s nonfiction suggests that class division can be represented both as sites of veneration and resistance. Torres-Yu outshines her past by effectively constructing an aestheticism of exclusions and everyday experiences.

– JOSE WENDELL P. CAPILI, award winning poet

Sa bisa ng magaang na wika at maliwanag na pagsasalaysay, dinadala tayo ni Dr. Rose Torres-Yu sa mga nakalipas na pangyayari, kaaliw-aliw man o malungkot, Masaya o nakapagtataka. Sa mga sanaysay/salaysay na narito, matatagpuan natin ang kakaibang kapangyarihan ng wikang Filipino na sumamo ng karanasan at ilagak ito sa ating gunita.

– LILIA QUINDOZA-SANTIAGO, premyadong manunulat

Sa pagsulat ng personal na sanaysay, bitbit ni Rosario Torres-Yu ang husay sa teorya at kritisismong pampanitikan, ang malakas na paghawak sa wika at paggamit ng talinhaga, ang lawak ng karanasan bilang babae, aktibista, at guro, at ang galling sa pagsasalansan ng mga ideya at paglalahad ng damdamin. Dinadala tayo ng mga sanaysay sa iba’t ibang lunan, ipinapakilala sa iba’t ibang tauhan sa lipunang Pilipino, at ipinaparanas sa kahika-hikayat na paraan ang mga karanasan ng may-akda.

– JOI BARRIOS, premyadong mandudula

119 pages, Paperback

First published January 1, 2006

1 person is currently reading
14 people want to read

About the author

Rosario Torres-Yu

13 books51 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
6 (75%)
4 stars
1 (12%)
3 stars
1 (12%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 of 1 review
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
June 30, 2025
Una kong nabasa ang pangalan ni Ma'am Rosario Torres-Yu sa kaniyang mga tinipong akda ni Amado V. Hernandez at sa kaniyang mga pagsusuri. At ngayon ko pa lang nabasa ang Silakbo na kauna-unahan niyang aklat ng mga personal na sanaysay, bagama't magdadalawampung taon na ito sa susunod na taon mula nang ilimbag ito ng UST Publishing noong 2006.

Kahit personal na sanaysay ang aklat, tila nag-aaral ka na rin ng kasaysayan at panitikan habang nagbabasa. Bilang hindi ko na naabutan ang ilang manunulat na nabanggit dahil kailan lang naman ako seryosong nagpokus sa pagbabasa, natuwa ako. Natuwa akong malaman ang ilang kuwento tungkol sa mga hinahangaang manunulat tulad nina Ellen at Rogelio Sicat, kay Liwayway Arceo, Genoveva Edroza Matute, at lalong-lalo na kay Ka Amado V. Hernandez na malaki rin ang naging impluwensiya sa akin sa pagbabasa (at paglikha!) dahil isa sa una kong nabasa ang kaniyang nobelang Luha ng Buwaya.

Interesante rin na malaman ang kinalakhang kapaligiran ni Ma'am Rose---ang Tondo---na noong una ay tila ikinahihiya niya ngunit habang tumatanda ay ipinagmamalaki na niya dahil sa makulay nitong kasaysayan. Aba, taga-Tondo yata si Ka Amado, na naging propesor niya rin noong kolehiyo siya. Sa Tondo rin naganap ang pinakamalupet na sunugan ng aklat, sa Plaza Moriones, haha. Idagdag mo pa na sa Tondo rin nagmula ang pinakamaangas na Katipunero---sino pa, eh di si Andres Bonifacio!

Bukod sa kaniyang kinalakhang lugar, mababasa naman sa ilang bahagi ng aklat ang bansang Hapon na bagama't malayo ay naging malapit din sa manunulat, hindi lang dahil sa kulturang narito at ang angkin nitong kaunlaran, kundi pati na rin sa mga alaala at pagkakaibigang nabuo sa bansang ito. Nakatutuwa rin ang love story nila ng kaniyang asawa na nagsimulang mabuo noong Sigwa ng Unang Kuwarto---panahong hinahamon ng kasaysayan ang bayan, panahon ng pagpili at pagpanig, at sa palasak na paglalarawan, panahon ng ligalig. Pinanday ang pag-ibig nila ng panahong ito. Isipin mo na lang ang hirap noon 'tapos may karelasyon ka pa---walang-katiyakan ang bawat bukas.

Magaang basahin ang Silakbo, hindi tunog-akademya kahit nagbabahagi ng kasaysayan at panitikan. Sa lawak ng danas ni Ma'am Rose bilang babae, aktibista, at guro, tiyak akong marami pa siyang maikukuwento. Sayang at wala na akong kopya ng Sarilaysay na interbyu niya sa mga babaeng manunulat. Kung bakit ko naman kasi naibenta noon, haha. Sana makahanap pa sa sunod.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 of 1 review

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.