“Walang pasubaling orihinal na ambag ang nobelang ito sa tradisyong makalipunan sa nobelang nasusulat sa wikang Filipino. Pinagtangkaan, at sa aking palagay ay pinagtagumpayan ng awtor ang ilang mga bagay na masasabing naiiba, kundi man nagpapauna sa pagkamalay, pagdama at pagsasalaysay ng “totoong” buhay at karanasan ng mga OFW sa nobelang ito.” -Dr. Rosario Torres Yu, PhD
Luna Sicat-Cleto was born on January 29, 1967. She completed her AB in 1990 and her MA in 1999. The daughter of distinguished writers—Ellen Sicat won important awards while the late Rogelio Sicat remains to be one of the most remarkable fictionists in Philippine literature—Luna has garnered several literary awards of her own, including the Carlos Palanca Memorial Award for her short stories, essays, poems, and stories for children; the Gawad CCP for one-act play; and the Gawad Chancellor for her literary work. In 2005, she won the Madrigal-Gonzalez Best First Book Award for Makinilyang Altar, published by the University of the Philippines Press. Her works have also been recognized as integral to the development of the tradition of women's writing in the country.
She is a professor at the Department of Filipino and Philippine Literature at the University of the Philippines, Diliman, where she is currently working on her Ph.D in Malikhaing Pagsulat.
Kuwento ng mga Pinoy na nagtratrabaho sa Dubai. Sinubukan ko lang kung paano magsulat ang isang Luna Sicat Cleto. Siya ang anak ni Rogelio Sicat at Ellen Sicat na parehong mahusay na manunulat. May bias lang ako sa kanyang mga magulang o nag-expect ako ng mataas kay Cleto kaya parang ko masyadong nagustuhan ang nobelang ito. Professora kasi siya sa Literature at Creative Writing sa UP at syempre mas bata naisip ko mas makaka-relate ako. Pero yong lyrical prose ng tatay nya, wala sa kanya. Yong mas relax at yong-ramdam-mo-ang-sincerity na pagkukuwento ng nanay niyang si Ellen Sicat, parang di nya namana. Bagkus, ang prosa ni Cleto, parang nakakahon sa kung paano magkuwento ng tama. Para bang yong tumitikim ka ng ulam at sinabing apritada yon at noong tikman mo, apritada nga. Mas gusto ko yong parang edgy - yong parang di sigurado kung apritada o menudo tapos masarap. May sorpresa. May delight habang nagbabasa.
Nakakaumay kasi pag parang may recipe: mga OFW, tapos yong kaliwaan kasi nalulungkot sa Dubai, tapos hahaluan ng konting kuwento ng gerilya, tapos yong setting na Dubai kailangang may matutunan ang mambabasa. Kailangan yong parang navi-visualize nila yong Dubai. Tapos lagyan mo ng backstory yong buhay ng mga tauhan noon nasa Pilipinas pa sila o buhay nila pag pumasyal sila sa Pilipinas. Tapos, para mas intellectual ang dating gawin mong shifting ang narratives: backstory-present-backstory-future-present. Kasi kung straightforward narration eh baka boring. Tapos lagyan mo ng katakot-takot na metaphors: ang screwdriver parang si Amang ang pinakamatandang manggagawa sa shop sa Dubai. Ang tool box, parang si Antonio na nilininis na mabuti ang maiiwang mga gamit sa trabaho bago magdesisyong lumipad sa Dubai. Parang mga iniingatan niyang mga mahal sa buhay na iiwan upang kumita ng mas malaki. Tapos haluan mo ng mga kuwentong pamilya para maka-relate ang mga mahihilig sa kuwentong drama. Idagdag mo pa ang nanay ni Mitoy na na-budul-budol.
Maayos naman. Mapipilitan kang tapusin ang libro dahil gusto mong malaman ang dulo dahil "nabuhay" na ang mga karakters na ito sa isip mo. Pero pag natapos mong basahin, parang ilang linggo lang alam mong makakalimutan mo na rin sila. Parang wala rin lang.
Ang "prodigal" sa pamagat ay ang mga Pinoy na umalis at babalik rin. Di naman sila nagwaldas ng mana at pumunta sa Dubai upang magpasarap. Sa katunayan, hirap ang lungkot ang dinanas nila roon bago sila nag-desisyon na bumalik. Ang pagbalik ang nag-justify sa title. Pagbalik sa ama ng prodigal son sa Bible. Pagbalik sa Pilipinas ng mga OFW kapag matanda na sila at di na kaya ng katawan ang magpakasakit sa buhay sa isang disyertong bansa na gaya ng U.A.E.
Di ko naman pinagsisihan ang pagbasa nito. Siguro lang mas maganda kung yon munang Makinilyang Altar ang binasa ko dahil "internal" raw ang atake ni Cleto rito bilang parang semi-autobiographical novel nya. Ito kasing Mga Prodigal "external" na. Kuwentong external sa katauhan niya bilang manunulat.
Kung gusto mong malaman kung bakit mas gusto ko ang mga sinulat ng mga magulang nya, try mo Unang Ulan ng Mayo (3 stars) ng nanay nyang si Ellen Sicat at ang Dugo sa Bukang-Liwayway (3 stars). Halimbawa, hanggang ngayon di ko pa rin malilimutan ang daga na pinukpok ni Ellen Sicat sa inodoro ng bahay nila sa UP Village o yong pagsugod ng mga gang sa bukid habang naroroon ang pamilyang inaagawan ng lupa sa obra ni Rogelio Sikat na tatay nya. Mga eksena sa librong Pinoy na di ko malilimutan.
Nabasa ko ito dahil sa requirement sa Humanidades class ko, ang masasabi ko lang ay, isa siyang magulong libro, minsan boring... Pero realistic.
Bihira na sa mga manunulat ngayon yung makakagawa ng libro na super malapit sa katotohanan ng buhay, especially sa estado ng isang bansang tulad ng Pilipinas. Yung mga libro sa mga panahong ito, gumagawa sila ng 'imaginary worlds' para maka-relate ang tao lalo sa mga kabataan, mapukaw ang emosyon. Di naman masama yun pero minsan maganda ring tignan natin yung nararamdaman ng isang asawang naghahanap ng pagmamahal ng kabiyak, isang amang nagtitiis sa ibang bansa, isang anak na may matinding tampo sa ama. Sa huli, hahanap-hanapin parin natin ang mga kwentong ganito.. at may matututunan tayo dito.
-Hallele
P.S. Inaamin kong isa ako sa mga taong maaring hindi magbabasa nito pero hindi ako nagsisisi na binasa ko ito. :)
Sinabi niya noon, hindi na siya babalik. Dati, tila hindi niya kakayanin ang mga pamamaalam, ang pag-iimpake, ang mga pagbibilin, paghahabilin. Ang mga pag-iisip sa patuloy na takbo ng buhay, magkaagapay, ngunit tila hindi magkatagpo ang mga dulo. Ngayon, parang hindi na kailangan pang isipin ang mga rason. Kakainin niya ang binitiwan niyang salita. Babalik pala siya.
…
Kaya na rin pala niyang igpawan ang pansariling kabulukan kung kailangang magpatuloy.
Prediktable pero baka naroon talaga ang punto: ang magdamagang ugong ng makina't walang hintong pihit ng screwdriver, ibig sabihin, ang kasalukuyang kaayusan ay magluluwal at magluluwal ng mga bigong magulang at prodigal na anak. Kaya kailangan pa ring makibaka at baguhin ang mundong ito.
Filipino literature, as I have realized from my first year in UP, is greatly underestimated and unjustly treated. The stories and poems that I have read can, to my pleasant surprise, place themselves with the likes of my favorite English authors. Most of the short stories and poems that I've read (also Elmer and this book) are great, mostly beautifully written, and meaningful.
Sometimes its so full of meaning that my head explodes, especially when my teacher makes us realize it. Actually, if it weren't for her, I probably would've never seen the beauty of it all, since I don't usually read Filipino stories (but I will now).
Moving on to this book (written in Filipino btw), I should say that it is very, very challenging to read. Aside from the deep Filipino, it is also characterized by the "stream-of-consciousness" style of writing, and the progression of the story is not fluid. It can jump from past to present and to the past again, seemingly unconnected at first. The first lines characterize the whole thing.
"Tumatalon sila't lumulukso lukso..."
I had to read it twice to fully appreciate everything, like that Virginia Dalloway book I've read before. So don't be intimidated by the language (actually that's inevitable but you can do it).
In spite of this, I found it worthwhile reading it twice. There was so much I didn't see in my first read. Aside from this, it is very socially-relevant, capturing the problems of OFWs and the purging of the NPA during the 1980s.
So, all-in-all, once you get past bloody-deep Filipino language in it, it's a worthwhile read.