Jump to ratings and reviews
Rate this book

Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila

Rate this book
Binibigyang-linaw ng Babae, Obrera, Unyonista: Ang Kababaihan sa Kilusang Paggawa sa Maynila (1901–1941) ang mahalagang papel ng kababaihan noong panahon ng mga Amerikano sa Pilipinas sa pagsusulong sa mga kahilingan ng manggagawa para sa mas mataas na sahod, karapatang mag-unyon, dagdag na benepisyo, at ang paghapag ng mga partikular na isyu ng kababaihang manggagawa tulad ng hiwalay na palikuran, maternity leave, pasilidad para sa day care, at paglaban sa seksuwal na pang-aabuso. Sa proseso ng partisipasyong ito, lumitaw ang mga lider na kababaihan tulad nina Pilar Lazaro at Narcisa Paguibitan na nagtaguyod ng mga kahilingan ng mga manggagawa at ng makabayang kilusan para sa kalayaan sa naturang panahon.

Ang aklat na ito ay ambag sa patuloy na pagsisikap, sa loob at labas ng akademya, na wakasan ang pagsasantabi sa kababaihan, lalo na ang kababaihang anak-pawis, sa kasaysayan ng Pilipinas.

188 pages, Paperback

First published January 1, 2011

7 people are currently reading
60 people want to read

About the author

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
5 (41%)
4 stars
4 (33%)
3 stars
1 (8%)
2 stars
1 (8%)
1 star
1 (8%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Mark Anthony Salvador.
188 reviews11 followers
September 3, 2021
Ang pagtalakay ni Taguiwalo sa naging ambag ng mga babaeng lider-manggagawa sa kilusan sa paggawa ay esensiyal na bahagi ng pag-aaral. Malaking patunay ang mga ito sa kakayahan at naging papel ng kababaihan sa paglaban para makamit ang higit na mabuting kalagayan. Mahihiram ang mga halimbawang ito para mas makita sa kasalukuyan ang maiaambag ng kababaihan sa pagpapatalsik sa diktador, paglaban sa di makataong mga lider sa kumpanya at iba pang layunin ng pakikibaka. Isa sa mga pangunahing tinalakay ni Taguiwalo ang naging ambag ni Narcisa Paguibitan, na magiging inspirasyon sa mga makababasa ng pananaliksik. Sa diyaryo, sa kabila ng ulat na pinaghahahanap ang mga lider-manggagawa, nagawa pang dalawin ni Paguibita sa Philippine General Hospital ang sugatang kasamang welgista at nagbigay ng tagubilin na mag-ingat, at kung ano ang sasabihin kung magkaroon ng imbestigasyon. Ito ay kakikitaan, hindi lamang ng tapang ng kababaihang manggagawa, kundi maging ng talino sa kabila ng panahon ng pandarahas, bagay na taglay rin ng mga lalaki. Sa maiksing sabi, ito ay patunay na hindi nakahihigit ang lalaking manggagawa sa babaeng manggagawa.

Tingnan natin ang paglalagom ni Taguiwalo sa ambag ng kababaihan sa kilusang paggawa: "Sa proseso ng paglahok sa kilusang manggagawa, ipinamalas ng mga babaeng obrera ang militansiya at determinasyong ipaglaban ang mas mataas na sahod, mabuting kondisyon sa paggawa, at karapatan sa pag-oorganisa kasama ang kalalakihan. Hindi sila nangiming magpalaot sa lansangan, maging bahagi ng mga welga, at matapang na makipagharap sa mga armadong pulis at konstabularya, at sa proseso ay naging bahagi ng paglikha sa kasaysayan ng militansiya ng kilusang paggawa sa Pilipinas sa panahon ng kolonyal na paghahari ng mga Amerikano."
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.