TUNAY NA kalugod-lugod at hudyat ng mas masigabong pag-unlad ng kontemporaneong dulaan sa bansa ang paglilimbag ng Tatlong Dula ni Rody Vera, na binubuo ng Kung Paano ko Pinatay si Diana Ross, Luna: Isang Romansang Aswang, at Ralph at Claudia. May malaking ambag si Vera sa maunlad na dulaan sa kasalukuyan bilang isa sa mga punong-abala sa Writer's Bloc, isang grupo ng mga mandudula na regular na nagpupulong at nagpapalihan para pagbutihin ang pagsulat ng mga dula.
Sa unang paglilimbag ng kanyang mga dula, lalo niyang pinatunayan na matingkad ang kaluntian ng dulaang Filipino sa kasalukuyan. Makikilatis din ang ganitong kasibulan sa tatlong dulang bumubuo sa kanyang unang koleksiyon. Kapansin-pansin sa tatlong dula ang paggigiit niyang kumawala sa mga luma at malumot na kahon ng pagkatao ng mga Pilipino. Sa matagal na panahon, ang identidad ay nakulong sa kasariang nakalubid sa heteroseksuwal na depinisyon. Ipinakita niya ang mga nagbabagong identidad ng Pilipino sa kasalukuyan.
Rodolfo "Rody" C. Vera (born December 5, 1960) is a Filipino playwright, screenwriter, actor, and director. He is regarded as one of the most prolific and accomplished playwrights in the Philippines, having received numerous prestigious awards for his work.
This book contains Three plays by Rody Vera and were produced by a number of theater companies and organizations in the Philippines.
Included in this book is one play that I loved. It's entitled "Luna, Isang Romansang Aswang" and it was re-staged by a production group I was part of. It was also the production that made me realize that I might be interested in taking a career in performing arts and events.
A few years later after the production, I was lucky enough to work with Rody Vera and, as luck would have it, part of the event we were organizing was this book's launch.
Reading "Tatlong Dula" not only made me reminisce about my past but also made me think how many more people were inspired and touched by the plays included in it.