Jump to ratings and reviews
Rate this book

Aves

Rate this book
"Taglay ng mga berso ni Gracio ang kapangyarihan ng mga naratibong pumupugod sa puso ng ating karanasan bilang mga mortal—tayong matagal nang nakaamba sa paghihintay, o simpleng nakatingala lamang sa kawalan, at namamangha sa kung paano ang espasyong atin, pero hindi natin maabot ay payapang binabaybay ng mga may pakpak—silang mga bumihag sa imahinasyon ng makata. Sa ikalawang aklat ni Gracio makakaasa tayo ng mga panibagong pagdulog sa mga mito at salaysay na muling tutuka, huhuni, at mananaghoy kasabay ng dahan-dahang paglagas ng mga balahibo katulad ng kay Icarus o ang muling pagpapaimbulog ng wakwak sa karimlan, upang hanapin tayong mga nagpupuri at nag-aabang na mambabasa,na sa pagtatapos ng bawat tula ay tila mga birhen tayong binisita ng anghel na naghatid ng ebanghelyo ng ating pagbubuntis sa nakakabaog na panahon."

— Kristian Sendon Cordero

88 pages, Paperback

First published January 1, 2009

4 people are currently reading
61 people want to read

About the author

Jerry B. Gracio

8 books35 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
14 (38%)
4 stars
11 (30%)
3 stars
10 (27%)
2 stars
0 (0%)
1 star
1 (2%)
Displaying 1 - 2 of 2 reviews
Profile Image for Maecy Tiffany.
63 reviews2 followers
June 30, 2024
"Kumutan mo at patulugin na nang mahimbing ang iyong takot."

May kakaibang tayog ang bawat paglipad ng pluma ni Jerry Gracio sa koleksiyong ito. Parang may anghel na dumaan sa aking tabi habang nagbabasa.
Profile Image for Mark Anthony Salvador.
189 reviews11 followers
September 18, 2021
Circa 2015 pa nang mabasa ko ito. Isa ito sa mga pinakagusto kong kalipunan ng tula.

Ang koleksyon ay naglalaman ng mga tula na pawang tungkol sa mga nilalang na may pakpak at sa mga bagay na may kaugnayan sa mga nilalang na ito.

Ang pagbabasa sa tula ni Gracio ay parang pag-uwi sa nayon. Naririnig ko ang huni ng mga ibon. Nakikita ko ang kanilang paglipad.

Isa pang kahanga-hanga sa kalipunan ay ang siste ni Gracio. Papaano niya nagagawang magpatawa sa tula?
Displaying 1 - 2 of 2 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.