Isa lang ang pangalan ng bagong koleksiyon ng tula ni Rebecca T. Añonuevo, at ito ay Sining. Mahirap tumbasan ang tindi ng kanyang imahinasyon at hapdi ng kaniyang dating sa mambabasa. Hawak niya hindi lamang ang wika kundi ang katotohanang kasangkapan ng Banal na Kalikasan. Subukin ninyong sumisid sa dagat ng sining na napapaloob sa aklat na ito, at tiyak na, pag-ahon ninyo, hindi na kayo kayo.
- Isagani R. Cruz, The Philippine Star
Rebecca T. Añonuevo is our poet of diversity. With the earthly as lyric fundament and the astral as oneiric aspiration, hers is a range whose elan vital speciates desire into an infinity of metamorphoses. That her voice now speaks of a name so precious that its passing can only be intoned within that auspicious interval between resonance and silence reminds us that mourning must remain an exceptional resilience, even when the metonyms of grief almost always intimate what has ended as becoming end-less. In this ritual perpetuity,Añonuevo turns into the ardor and the sufferance of one's most singular poet.
- J. Pilapil Jacobo, Young Critics Circle
Isa Lang ang Pangalan
Payak ang kapayapaan, abot-kamay, at naghihintay. Ito ang katuparan ng bagong koleksiyon ni Rebecca T. Añonuevo sa pag-inog ng kaniyang tinig at tindig habang kinikilatis ang mga anyo't alingawngaw ng ligalig, poot, hapdi. Nagbabalik ang mga panahon at nag-iiba. Nakikipagtuos ang mga tula, mata sa mata, at sa huli, humihimok ng pag-aalay at kababaang-loob tulad ng walang kapagurang pag-ibig ng isang ina.