Madami na akong nabasa na romance story with the same plot pero itong novel na ito ay totoong nakakakilig dahil sa story ng grandparents nina Damon at Lettie. Nakaka-kilig kung paano pa din patuloy na minamahal ng lolo ni Damon at lola ni Lettie na si Kristina kahit na sumakabilang-buhay na ito.
Napagkasunduan ng dalawang matanda na ang mga apo nila ay magkakatuluyan sa paglaki nila. Ang arranged marriage ay naging meaningful at blessing dahil sa kabila na hindi naman nila kapwa kilala ang bawat isa sa umpisa ay naramdaman na lamang nila sa pagdaan ng mga araw na unti-unti na nilang minamahal ang bawat isa.