Noong bata pa si Intoy, problema niya lang kapag may nakikialam sa kanyang pag-iisa. Noong elementary, kung kanino pa siya makapanghihiram ng komiks, at kung paano niya imamasaker ang mga langgam sa bakuran nila. Noong high school, problema niya kung paano ibuod ang bawat kabanata ng Noli at Fili nang hindi magagalit ang mga teacher niya kasi nagdaragdag siya ng kwento; at ang relasyon ng coordinates, Cartesian plane at chemical bonding. At noong college, kung paano mapapagpasensyahan ang mga prof niya, mapagkasya ang baon, at ang pagbili ng secondhand books. Saka si Jen—ang pinakamasaya't pinakamaganda niyang pinroblema.
Ngayon: kaligayahan, katahimikan, trabaho, kaopisina, boss niya, boss ng boss niya, si Tina, at syempre si Jen at... sige na nga, world peace.
Quiz: Get 1/4 sheet of pad paper. Pangatwiran kung alin ang di dapat kasama sa mga nasa sumusunod: Atlantis, Lemuria, Alien, Benson, Global Warming, End of the World, 2012, Hen, Tina at Into.
Isulat ang sahot sa likod ng isinauling sulating pormal. Lakipan ng papel ng shawarma. Ihulog sa tambyolo sa pinakamalapit na tinadahan. Ang mapalad na mabubunot, gagawing official representative ng planet Earth para sa Search for Ideal Intergalactic Personality.
Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award. Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang “Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino, Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa Center for Creative Writing and Studies.
The only two good things that this book has are: its nice catchy youngish title and the art on its cover. Well, that Tagalog part of the title, Bakit Hindi Pa Sakupin ng mga Alien ang Daigdig sa 2012 means "Why Don't the Aliens Invade the World in 2012." Very hip. I also find the colorful graffiti art on the wall so cool and looks fun. The young man standing is Edgar Allan Guzman, a local indie actor, who played the part of Intoy in the movie adaptation of this trilogy's second book entitled Ligo na U, Lapit na Me (Take a Bath, I am Near). Guzman is now very popular with young girls and gays as he is dubbed to be the next Coco Martin.
Other than the above two reasons, this book is almost like garbage to me. But I am not rating this with 1 star because: first, the two things I liked that I mentioned above; second, I am not the target reader of this book and lastly, there are those small snippets in the narration that Professor Eros interjected and they are interesting because they show either the extent of the professor's scope of imagination (limited, as it seems to me) as a writer or his betrayal of his true self. What I mean by the latter is that by reading those snippets about life, politics, environment, unemployment, etc. I had this feeling that he wanted to write a more mature story and share his sensible, logical and relevant thoughts on things that really matter in life. However, those thoughts don't sell in the market. The young people do not want to hear sermons because they have enough of those from the parents and teachers. What they want is entertainment and albeit temporarily, they would like to escape from the realities of their harsh lives. What the local market currently patronizes is garbage entertainment and that is what this book is mostly about.
I think the current generation of young Filipino readers is not to be blamed. I think each generation chooses a set of idols who they can identify with and call them their own. In local literature, for example, our generation had Liwayway Arceo in the 80's, then she was followed by Lualhati Bautista in the 90's, then Bob Ong in the 2000's. I think the 2010's belong to Professor Eros if he gets his acts together. Having these idols is like marking the generation's territories as if saying something like you belong to Bob Ong, leave Professor Eros to us please.
The book is about the continuation (and hopefully the last book) of the life story of Intoy who looks like the better-version and alter ego of the professor. The reason why I say this is that the narration is in first-person narrative and Intoy's life story is similar to that of the professor's: they are both graduates of education-literature, currently doing works in advertising, their parents are some kind of religious missionaries, both of these guys are now living-alone bachelor, etc. The only difference is that the actor, whose image appears on this book's cover and who played Intoy in the movie, is still very young and handsome. A friend of mine saw the professor in real life and she said that the professor looked shockingly very old and she was surprised. She probably thought he looked like somebody like Edgar Allan Guzman because she read the first two parts of this series where Intoy enjoyed the friendship-with-all-the-benefits with the beautiful Jen. The "benefits" means sex, endless hot sex.
That brings me to the main selling point of this book: sex. Intoy is lusting after his beautiful boss, Tina who turns out to be a lesbian and is having an affair with Jen who used to have this casual hot sex with Intoy in the first two books. So, towards the end of this third book, the three get into several orgies. I am a 48-year old man and no longer have raging hormones so I found the sex scenes pathetic. I also abhorred the repeated swearing, cursing and cussing in the dialogs like anak ng bakang bakla (son of the gay cow) or hindot (fuck), etc. I found them contrite, pathetic, unnecessary and sad. Why? The professor is a educator by training, has a masteral degree in literature and is currently associated or teaching in a prestigious oldest university in the Philippines. Unlike when Norman Wilwayco does those things in his books, I feel that given his background of being a bad boy , i.e., a loose canon or the only non-academe writer, of the Philippine Literature, he has all the right to use those words. For the professor, it feels like a big put on.
In short, I feel sad realizing how low the professor should get to sell himself. He is constrained by what sells in the market so he has no choice but to prostitute himself. Too sad to realize that a highly educated man is constrained by what the market dictates. Too sad that the generation of today let this brilliant professor being smothered by commercialism.
Save the professor. Buy and read his best book Wag Lang Di Makaraos: 100 Dagli (Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay). The logic is simple: his publishers ask him to write what sells so if you keep on buying and reading this garbage story of Intoy and Jen, his publishers will tell him to write more sequels or prequels. But if you read his better book(s), then the professor will be happier because he can reveal his "true" brilliant self.
Remember, it's not that complicated: You buy garbage, he will write garbage.
Sakto - Solve na solve! Sumakit ang ulo ko(sa kunsumisyon), puso ko(sa drama), puson ko(sa kakatawa), at isa pang ulo(sa init ng mga tagpo) . Pukang ama, anak ng bakang bakla talaga. Para akong nanuod ng pelikula ni Gwen Garci (uncut). Ipapag-pray over ko talaga si Eros. Kung anu anu naiisip. Parang si KID.
Astig ka K.I.D (Karl/Intoy/Dude). Nakadali ka na naman.
Napakagandang sequel. Yung nga lang mukang required basahin ang pre-requisite nitong libro - 'Ligo na U, Lapit na Me' . Dapat kasing malaman mo muna ang kwento ni Intoy at Jen. Para maunawaan mo kung bakit walang Facebook si Jen, kung bakit naging tubig ang kape, at kung anu ang lihim ni John Lennon.
Kung ikukumpara sa Ligo na U, nag-improved si Mr.Eros Atalia. Mas maganda na ang daloy ng kwento ngayon. Mas detalyado ang paglalarawan sa mga karakter, mas detalyado ang pagsasalaysay sa mga pangyayari lalo na sa paborito kong bed scenes. Mas mainit, mapusok, at nakakadala ng bugso ng damdamin ang mga salita at deskripsyon. Mapapansin din na konti na lang ang mga pa-segue o ang mga pahapyaw na diskusyon sa mga kung anik-anik. Pero hindi na masyado sa lipunan nakasentro ang mga patutsada, tinira na rin pati relihiyon at ibang paniniwala. Nakakalibang basahin, pag nasimulan mo na, hindi mo mamamalayan tapos na pala. Hindi kasi ganoon kakomplikado ang paraan nya ng pagkukwento.
Speaking of kwento, maganda ang naging simula, nagkatrabaho si Intoy, ang mang-uto ng mamamayan.Nakilala niya si Tina ang boss niya, at hindi ko na itutuloy baka sabihin mo spoiler na. Sabihin na lang natin na kwento ito na nagkukumpara sa taong mahal mo at sa taong gusto mo. Anu nga ba ang mas matimbang ? Yung mahal mo o yung ginusto mong mahalin. Anu man ang sagot, hindi na mahalaga. Lalo na kung hindi naman ikaw ang mahal nila. Tama?
Bakit nga ba hindi pa sasakupin ng Aliens ang daigdig sa 2012? Simple lang madidisappoint lang kasi sila. Parang pagbabasa lang yan ng libro ni Eros, madisappoint ka man , atleast nag-enjoy ka.
Maraming pwedeng tanggalin na parte na hindi makaka-apekto sa kabuuang kwento ng libro. Maraming erotic scenes. Pero anong ieexpect mo kung ang pangalan ng author e Eros?
At higit sa lahat, ayoko nung twist. Nainlove ata ako kay Tina. <*hikbi*>
May nagsabing basura daw ang librong 'to. Pero walang librong basura. Manunulat din ako; mahirap magsulat. Mahirap mag-isip ng isusulat. Mahirap maglabas ng bayag para makasulat at magbenta sa publishing house. Ang madali ay ang manghusga sa kung trip mo ang libro o hindi. May natutunan ba o wala. Madali ding sabihin na basura ang pinaghirapan ng iba.
Ganoon din kadaling maging kritiko. Pero mukhang mahirap tumuntong sa sapatos ng iba.
Mas masaklap pa nangyari kay Intoy kesa sakin a? Parang its complicated. Hehe! Ewan ko para inexpect ko na may ganung mga mangyayari. For the nth time, bigo na naman si Karl Intoy Dude. Ewan. Bat pati ako affected? Haha! Para rin kasing nangyari sakin yung ganun eh. Well ganun talaga.
Okay, thing is - for a sequel to Ligo Na U, Lapit Na Me, which for the record was a good book already. I have to say that this one came up a little better than I expected it to be. Not that I'm saying I expected less, they're actually both equally brilliant books but the way the story progressed on this one was more interesting for me.
Intoy is such a great character and the way Eros S. Atalia writes his story makes him a little more captivating. The depth and growth of the said character was appealing to me and however his story went down, however lonely and sad it came to be, it's the thought of having all these weird and odd ideas to himself that makes him so loveable. I can't really tell you how it went down to avoid spoiling the fun for you right? All I can say is that, you'll learn to love his character and a few bit side characters like Benson.
This book picks up on where the first book ended and from there, it moves gradually into a more complex and intricate plot. Which speaks a lot for Atalia's writing style really, I'm pretty sure it's quite hard to keep your reader absorbed to your material and Eros did it magnificently. Everytime I get to reading bits and pieces of this book, it nudges my interest and makes me want to read it more just to see where it goes from there. The imagery and detail to every little emotion and scene that Eros wants you to feel and see, you could actually feel and see. The few bits of humour and satirical quips about something that's a bit of a sensitive matter like politics and religion were well placed. I would say it's actually very consistent to the first book, the writing style I mean. It's quite a good read really and I always appreciate good reads.
Bottomline, it's a book that's fairly good and with a little bunch of typos from here and there. Which is actually normal if you think about it. HAHAHA. Learn to see past that, and focus more on the storyline and what it actually wants to tell you, you'll like it. I did. ;)
Marahil makukumpara ko ito ng bahagya sa Fifty Shades of Grey, kaso tagalog version. Siguro maganda ito na indie film kase karamihan na rin naman ng indie film ng Pinoy kelangan laging me sex sa usapan.
But nevertheless, hindi ako nadisappoint ni Eros. I had good hearty laughs and approving nods sa mga pinagsasabi nya dito. Actually, mas naenjoy ko yung mga snippets ng wisdom na binahagi nya kesa sa story.
Nirerecommend ko 'tong basahin ng mga taong nagdadalawang isip kung gusto nilang basahin itong librong ito. Gow Sagow na agad. It's a satisfying quick read.
Pagkatapos kong mabasa tong book na to, ang masasabi ko ay.. "Ayos!"
Ang pinaka natawa ko ay nung sa part na banat ni Intoy kay Tina nung sinabi nyang "sabi dito sa horoscope nyo ma'am".. Hehehe... Tamang pahiya lang si Tina...
Tama nga naman si Eros, di natin klngan ng ending kasi di naman tumitigil ang kwento buhay, nagiiba-iba lang ng tema. Sumilip lang tau sa isang bahagi ng buhay nina Intoy at Jen dun sa unang book, and dito sa pangalawa may kasama pang bonus... si Tina...
Ang importante sa pagbabasa natin ng librong ito ay kung ano ba ang natutunan natin. Oo nakakatawa ung mga banat ni Intoy kasi kakaiba.... Mapapasabi ka ng 'oo nga naman'... Pero ngaung iniisip ko kung ano ba ung pinaka magandang aral na napulot ko... parang wala pa kong maisip o maalala... Klngan ko pa atang basahin ulet para makapiga ng gintong aral...
Pero sa aspeto ng entertainment/libangan, para sakin ok tong book na to... Kung gusto nyong magbasa ng comedy kesa manood sa tv, pasok tong book na to sa banga...
"Masakit sa puson." Yan ang naramdaman ko matapos kong mabasa ng buo itong libro.
Hindi ko aakalain na mabibitin ako sa pangyayari. Na mas mag-cracrave ako na malaman ang susunod na pwedeng maganap kesa makita ang boyfriend kong 3 years ko ring hindi nakita.
Mala-adobo ang sulating ito, may asim, alat, anghang na kapag napagsama-sama'y hahanap hanapin mo at paniguradong mapapa-extra rice ka pa.
“The best books are those which tell us the things that we already know.” – George Orwell
Noong nabasa ko ito ang sabi ko sa sarili ko, ano namang katangahanan ito na magbabasa ka para malaman ang alam mo na? Kaya ka nga nagbabasa para matuto at may malaman ka eh. Ang malaman na mula ito sa kilala, magaling at idol kong kwentista ay isang malaking kabaliwan at panloloko. Naturn-off akong bigla sa kanya.
Pero nung mabasa ko itong It’s Not That Complicated ni Sir Eros dun ko lang nagets ang ibig sabihin ni George.
Hindi ako ganon kasigurado kung alam ko nga talaga ang mga pinagsasabi ni Sir Eros sa librong ito, pero sigurado ako na ramdam ko yung ilang bagay na gusto niyang iparating sa mga babasa ng gawa niya.
Ang It’s Not That Complicated ni Eros ay hindi nga ganon kakumplikado basta wag mo lang siyang seseryosohin kung hindi baka mabaliw ka sa kakaisip sa mga pangyayari at sa mga tumatakbo sa utak ng bida sa kwento.
Tulad ng mababasa sa panimula (na sa tingin ko ay warning ni Sir Eros), “wag seseryosohin” ito.
Hindi ko nga ito ganon sinersoyo at hinayaan ko lang ang sarili ko na malunod sa kwento. Pero heto ako ngayon, tapos ko ng basahin ang libro, pero parang natrap ako sa buhay ni Intoy. Iniimagine kung paano siya nakasurvive sa buhay at tadhana niya. At minsan natutulala na lang ako at iniisip kung ano nga kaya ang nangyari pagkatapos matapos ng libro.
Nagets ko kung bakit hindi pa nga sasakupin ng mga alien ang mundo. Malinaw kong naintindihan yun. Ang lagay eh, parang ang utak ko naman ang sinakop ng mga alien. Nakakaloka.
Pano kasi, hindi ko lang binasa yung libro, dinala ako nung libro dun sa mismong mundo nito.
Yung paglalarawan na ginawa ni Sir Eros sa lugar, sa kilos, sa isip at sa lahat ng bagay na ginawa ng mga karakter, ramdam na ramdam ko din.
Yung feeling na mag-isa sa bahay, yung feeling na makipagsiksikan sa jeep sa kasagsagan ng ulan, yung feeling ng nasa beach kahit na hindi pa ko nakapunta ng Boracay, yung amoy ng sabon at ng noodles, yung tilaok ng manok ni Mang Pedro, yung pakiramdam na makipagusap kay Benson, yung mapagkamalan si Dimples na si Jen, yung pag-iisip kay Jen, pati na din ang pagnanasa ni Intoy kay Tina. Lahat ng iyon ramdam ko, at kapag naaalala ko ang lahat ng ito, parang sasabog ang ulo ko sa sobrang gulo.
Gusto kong tumakas, pero kahit na natapos ko na yung libro nabahiran na ko ng buhay ni Intoy.
Kahit na nakakabaliw, masarap pa din itong basahin at balik-balikan.
Nakakasar kasi nakakaadik.
Si Karl-Intoy-Dude (KID)
Si Intoy ang repleksyon natin. Ipinapakita niya yung “tayo” na nakakulong pa din sa nakaraan.
Ramdam ko si Intoy. At marahil ramdam o naramdaman din siya ng ibang nakabasa na ng librong ito. Dahil hindi lang kathang-isip si Intoy. Si Intoy ay buhay. Si Intoy ay tayo. Parte natin si Intoy. At parte tayo nito.
Ramdam ko si Intoy sa paraang paghanap-hanap nito sa kanyang nakaraan, kay Jen. Lahat tayo ay may nakaraan, mga nakaraan na gusto nating balikan at ulitin ulit o baguhin kung maaari. Pero kahit na bumalik na ang nakaraan, o bumalik na si Jen sa buhay ni Intoy, at nasa harapan na niya ito, hinahanap pa din niya ito, o mas eksaktong sabihin, hinahanap pa din natin yung tao na naging tayo nung kasama nating ang taong mahal natin gayun na din ang mga nakaraan na nakasama natin ito.
Pero gaya ng sinabi ni Eros, ang nakaraan ay para lang alalahanin at hindi dapat balikan. Ang hinaharap ang siya dapat nilolook forward at pinapangarap.
Hindi ko din sigurado kung ako lang ba o sadyang may pagkakataon na si Intoy ang nagsasalita o si Eros o pareho since siya naman ang writer at kwento niya ito.
May mga pagkakataon kasi na harurot lang ng harurot si Intoy sa pag-iisip na kung minsan nag-iiba na yung tono at karakter niya o sadya lang atang may ADHD si Sir Eros. Peace!
Pero ganon pa man, klaro naman ang bawat eksena at ideya. Yun nga lang wag kang paliligaw at wag mo na ding seryosohin ang pag-iisip.
Ang bahay ni Intoy
Alam kong hindi ko na dapat palakihin ang issue tungkol sa bahay ni Intoy. Pero sa lahat ng mga lugar na nadescribe sa libro, sa bahay lang ni Intoy ako nalilito ng bonga.
Ito ang pinakaunang libro na nabasa ko na gawa ni Eros (though mas nauna at kasalukuyan kong binabasa ang “Wag lang di makaraos”) kaya hindi pa ako ganon kapamilyar kay Intoy (pero kung babasahin ko yung iba pa niyang libro malamang masolve itong problema ko sa bahay niya) pero magkaganon pa man, si Intoy ito sa librong “It’s Not That Complicated” kaya sasabihin ko padin itong issue ko.
Noong una ko kasi tong nabasa akala ko maliit lang itong apartment, kung san higaan lang ang meron. Pero sa succeeding events, biglang nagkakaroon ng mga appliances, tapos two-storey pa pala. Tapos hindi lang pala ito apartment, bahay pala talaga ito nila Intoy na nasa subdivision pa, hindi tulad ng inimagine ko na sa may kanto-kanto lang.
Siguro imagination ko lang ang problema, kasi klaro naman yung ibang settings eh. At magkaganon man, ok na ko, kasi natapos ko na yung libro at nasagot na din yung mga tanong ko sa apartment este bahay ni Intoy.
Pangyayaring out-of-the blue
Pagkatapos magkita sa hindi inaasahang pagkakataon ni Jen at Intoy sa Bora, sabik ako kung ano na ang susunod na mangyayari at paano ito magtatapos. So basa lang, basa lang ng basa. Pero nalito na naman ako dun sa bandang parte na bigla na lang napunta si Intoy sa Divisoria bumubili ng dvd, nanonood ng mga sinasaniban sa Quiapo, nagpapalipas ng oras sa manghuhula, considering na alam kong nasa Boracay pa siya kasama si Tina at Jen. (Title ng chapter na ito, ok lang magunaw na ang mundo).
So inassume ko na nakabalik na silang Maynila, pero hindi, after ng chapter na yun nasa Boracay na naman si Intoy at nagpatuloy pa din ang plano ni Tina at Jen.
Talo ang powers ni Madam Auring
Winarningan na ko ni Sir Eros sa umpisa ng librong ito na ang kwentong ito nagdedefy ng conventional na pagsulat kung saan hindi nito sinusundan ang normal na pattern ng pagkukuwento na may simula, gitna at katapusan. In short, mahihirapan akong mapredict ang katapusan ng kwento.
Nastress ako nung mabasa ko to. So hindi ko alam kung paano magiging possible ang lahat. So sige basa lang ng basa.
Oo nga nagsimula nga ito sa pinakagitna, walang pagpapakilala ng mga karakters, bira na agad sa kwento, diretso. May pagkakataon ding may konting flashback dito, flashback don.
Pero ang maganda sa librong ito, eh yung iiwanan ka niya ng tanong sa pinakasimula, at papatikimin ka niya konting clue sa gitna, hanggang maadik ka na sa kakahanap dun sa sagot. Hindi mo din mapepredict ang mga mangyayari, kasi nga hindi ito nagsimula sa normal na simula kung kaya’t malamang hindi din ito magtatapos sa normal na katapusan.
Dahil nga ganito yung katapusan inexpect ko na baka matapon ko yung libro kapag natapos ko ito. Pero hindi nakangiti ako. Nakangiti kong binasa yung huling part. Parang saving grace sa lahat ng komplikasyon na nangyari.
Isa pa sa pinakagusto ko sa librong ito ay mabigat ang kwento, mabigat ang problema at komplikado ang conflict pero hindi mo mararamdaman yung bigat, hindi mo mararamdaman yung komplikasyon kasi mageenjoy ka sa kakabasa at mapapaisip ka na lang na sana may makita kapang libro na magbibigay sayo ng ganitong pakiramdam.
BUOD:
It’s Not That Complicated ay kwento ni Intoy at kung paano niya hanapin ang taong pinakamamahal niya na si Jen na bigla na lang nawala. Halos mabaliw na ito sa kakahanap, habang pinipilit mabuhay ng normal at nagtatrabaho bilang part ng creative team ng isang ad agency.
Kasama niya sa kwentong ito si Tina na kanyang boss na laging nagpapasama at nagpapatulong sa kanya para sa research niya tungkol sa mga atheist. Sa kanyang pagsama sa kanyang boss, nabuo ang pagnanasa at ang hindi niya maintindihang pagtingin dito. Hindi naman masisisi ni Intoy ang sarili na maramdaman ang ganito, dahil maganda, mayaman at perfect talaga si Tina. Suplada nga lang at parang tigre na ready kang lamunin pag nagkamali ka ng kilos. Hindi rin naman bulag si Intoy para hindi maramdaman ang motibo na ipinapakita sa kanya ni Tina, dahil dito, unti-unti niyang nakalimutan si Jen.
Bilang kapalit ng pagtulong at laging pagsama ni Intoy kay Tina, isinama niya ito sa Boracay para magbakasyon. Pero hindi inakala ni Intoy na ang bakasyon na dapat ay paraiso ay magiging simula ng isang komplikadong set-up kung san siya ang dehado.
Bonus: Dahil sobra akong tinamaan at nagenjoy sa kwentong ito, heto ang ilang kwots na pweding papakin at ipakalat sa internet o igm sa mga kaibigan mong naaanoy na sa mga walang kwenta mong texts o posts sa fb.
“Sa buhay na ito, minsan kailangan nating mamili kahit na anuman ang mapili, talo ka pa din.”
“Sa pelikula, (ayon kay Morpheus sa Matrix) ang pagpili hindi laging nangangahulugan na may pagpipilian ka o malaya ka o ikaw ang nasa control. Depende kung sion ang gumagawa ng pagpipilian. Depende kung sino ang nagpapapili.”
“Lumipas ang maghapon. Natapos ang trabaho. Kinarir ko ang paghihintay pero kinarir ako ng career ko. Hindi o nga lang alam kung dapat kong ituring na career ang career ko. Paglabas ko sa opisina isinama ng panahon ang loob ko.”
“I would like to know, what’s behind atheism? Does a person become atheist because there is something traumatic sa pinagdaanan niya? Nagagalit lang siya sa Diyos kaya dine-deny niya ang existence ng God? Or nirarationalize ng mga intellectual ang concept ng God kasi ayaw ng matatalino na may mas matatalino pa sa kanila.” Tina
“Ngayon ko lang napagisi-isip, kung si Rizal ay pinahamak ng kanyang panulat, ako malamang ay ang tamang pagsagot sa tamang tanong sa maling pagkakataon at sa harap ng mga taong pikon.”
“Hindi porke’t hindi ako nag-uusisa, hindi na ako magtataka, at tatanga-tanga na ako.” Intoy
“Sa simpleng aritmetik: gusto is want. Mahal is need. Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo ito gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.”
“Nakakalibang kasi na alam mong binobola ka. Pero mas nakakalibang na kapwa niyo alam na nagbobolahan lang kayo pero kunwari’y hindi niyo alam na alam niyong nagbobolahan lang kayo. Gumagastos lang naman din ang tao sa mga bagay na alam niyang binobola siya at nambobola siya, dapat, yung sulit ang bayad.”
“Natangay o nagpatangay? Baka naman nagpatangay kasi gusto o natangay kasi ginusto.”
Kung ikukumpara kay Bob Ong, parehas sila ng way ng pagsulat pero siguro more on family-oriented si Bob Ong eh, si Atalia medyo complicated ang pagsulat noya bagama't isa pa lang ang nababasa ko sa kanya. Ang galing ng librong ito, well lahat naman ng libro haha!
Patapos na kong basahin ito nang marealize ko na series pala ito at sa kamalas-malasan ay panghuli na pala itong It's not that complicated. Anak ng bakang bakla. Naisahan ako nitong si Eros! Pero ayos lang, kahit hindi niyo nabasa iyong unang libro, maiintindihan niyo pa rin naman ang istorya. Makakasunod pa rin kayo.
Kung tatanungin niyo ako kung nagustuhan ko ba ang librong ito, isa lang ang sagot ko diyan: "It's complicated." May pagkakataong napangiti, napakilig, at napaisip ako ng librong ito ngunit mas maraming pagkakataon na sa sobrang inis ay parang gusto kong manapak ng kung sino lang. Yung tipong gustong gusto ko nang lamukusin yung libro pero nanghihinayang ako kasi ang ganda ng cover. Sayang.
Ayos naman ang kwento. Kwento ito ni K.I.D. (Karl/Intoy/Dude), ng mga babae sa buhay niya at ng kanilang, err... misadventures. In-between ng love story ay ang mga obserbasyon at pagmumuni-muni ni Intoy tungkol sa mga pinaka-ordinaryong bagay sa paligid niya, mula sa karinderya ni Mang Kanor, Manok ni Mang Pedro, at asawa ni Mang Andoy. Maayos ang pagkakasulat. Madaling intindihin. Mababaw pero pilit nagpapakalalim. Ordinaryo ngunit hinaluan ng kaunting mga patutsada sa sistema ng lipunan, gobyerno at komersyalismo para masabing astig pa rin. Sabi ko nga, ayos naman. Pero hindi na kakaiba. Nagawa na ni Bob Ong ang ganitong istilo dati, mas maganda pa. Pero pwede na rin. Hindi na rin masama.
Masasabi kong nagustuhan ko iyong first half ng istorya, nung hindi pa nagbabalik si Jen. Nakakarelate kasi ako kay Intoy, especially sa buhay opisina niya. Natatawa nga ako kasi magkaugali kami ni Intoy. Pareho kaming may pagka-loner, deep thinker, at tinatamad makihalubilo sa ibang tao. sa ibang salita, feeling astig. Kung paano makitungo si Intoy sa mga kaopisina at kalaro niya, ganung-ganoon din ako. Gustonng gusto ko rin si Benson, ang medyo may sayad na bestfriend ni Intoy. Sa katunayan, ang parte tungkol sa Lemuria at Atlantis ang pinaka-paborito kong parte ng libro. Simple pero ang lakas ng dating ng chapter ni Benson. Medyo naluha pa nga ako kasi nalungkot ako para kay Benson, lalo na nung nagpaalam yung lola niya kay Intoy. Ouch, dude, tumatagos sa puso!
Ayos na sana kaso nung pumasok na ulit si Jen sa eksena, parang nagdive na sa pinakamalalim na parte ng Mariana's Trench ang utak ni Intoy kasabay ng pagkaaliw ko sa libro. Kumbaga sa english, ang daming fail moments! At yung dalawang babae dito sa libro? Si Jen at Tina? Pareho silang ang sarap i-kame-hame-wave at bigyan ng power punch sa pagmumukha. Pakiramdam ko nilikha lang sila para painitin ang ulo ko. At hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang tumawa tapos hahagulgol? Siraulo lang mga teh? Ayoko nang magsalita at baka maspoil ko pa ang buong libro. Sa tingin ko mas mabuting basahin ang librong ito ng wala kang idea kung saan pupunta ang istorya. Mas nakakaexcite kumbaga.
Binigyan ko ng tatlong star ang librong ito dahil nagustuhan ko ang ending. Maganda, makatotohanan, at aaminin ko, hindi ko inasahan. Gusto mong malaman?
"Kung sakaling darating ang mga alien dito, hindi nila sasakupin ang earth. Bakit? Walang challenge! Hindi na nila tayo dapat digmain para masakop. Kasi, tayong mga tao ang nagpapatayan, nagsisiraan at naggagaguhan sa isa't isa. Kaya ang maiiwan sa mundong ito ay mga ipis, daga at bacteria kasama ng iba pang hayop na nilalait, inaapim kinakain, at nilalaro natin/" -Intoy ------------------------------------------ Sa unang kalahati ng kwento, ay tila ba isa lamang typical na nobela kung saan nasaksihan natin ang pakikipagsapalaran ni Intoy sa buhay. Sa pangalawang kalahati ng kwento, ay tila ba naging isang erotica novel na ito.
Pero 'wag tayo masyado mag-focus sa erotica na part. Mag-focus tayo sa buhay ni Intoy at ang mga mahalagang tao/alien sa buhay niya na sina Tina at Jen. Isama na rin natin dito sina Mang Andoy at Benson. Magmula sa pagsama ni Intoy kay Tina papunta sa Atheist Sunday School para sa thesis nito, ang pagkakilala nila kay Mang Andoy lalo na sa nakaraan niya, ang diskusyon ni Benson patungkol sa mga Lemurian (na counterpart DAW ng mga taga-Atlantis), ang mga himalang nangyayari sa buhay ni Intoy na minsan ay naniniwala na siyang malapit na ang katapusan ng daigdig, ang (pukang amang) obsession ni Intoy kay Jen (na sa kwento ay iniwan siya), ang pagsama ni Intoy kay Tina sa Boracay at...ang mga sumunod na pangyayari ay magugulumihanan ka sa tunay na motibo ni Tina at Jen kay Intoy, at masasabi mo ngang Life is Complicated.
Tulad nating mga tao sa tunay na buhay, nakita natin sa buhay ni Intoy na bawat tao ay may kanya-kanyang problema, kasiyahan, kalungkutan...iba-ibang kwento ng buhay ika nga. Nandiyan din ang pagdating ng mga aliens sa buhay natin na susubok sa ating pagkatao, paliligayahin, at palulungkutin tayo. May darating at mawawala...at meron namang mawawala na bumabalik t mawawala ulit. Pero patuloy pa rin ang buhay. Malaki ang mundo natin na naghihintay na magalugad. Life is complicated, but that is one aspect that makes us human, right?
P.S. Ang tagal ko nang natapos ang librong ito kaya hindi na ako makapag-isip pa ng mas maayos pang review.
P.P.S. Ang sarap magbasa ng isang kwento kung saan ang setting ay sa lugar na ginagalawan mo, Pilipinas, yun bang may mga lugar na nakasaad sa libro na napuntahan mo na (tulad ng Quiapo, Boracay) at naiimagine mo nang maayos. At isa ring interesadong karakter sa akin si Intoy, isang Pilipino na may simpleng buhay at gusto lamang maranasan ang buhay.
(Dahil Tagalog ang pagkasulat dito, Tagalog din ang review ko. Lol.)
Okay naman siya. Madali lang basahin at akma naman sa edad dahil may target audience talaga ang bihasang propesor slash manunulat, subalit wala pa ring tatalo syempre sa unang libro nito na Ligo Na U, Lapit Na Me.
Hindi ko talaga alam, pero pakiramdam ko na ang mga ganitong kwento ay dapat hindi na dinugtungan pa. Sana hinayaan nalang nila ang mambabasa na gumawa ng sarili nilang ending. Hindi ba't mas nakakaexcite kung hindi natin alam? Pagaganahin nito ang mga utak natin para makapagconduct ng posibleng explanation sa likod ng pagmamahalang(?) Intoy at Jen.
Tsaka, biruin mo 'yun. Ang liit nga naman ng mundo. -_- Ewan ko. Naaliw naman ako kahit papaano, may natutunan naman ako, at syempre, mas lalong lumawak ang isip ko tungkol sa kamunduhan at kung ano pang kagaguhan. Medyo iritado nga lang ako kay Tina sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Gustong-gusto ko pa din talaga ang pananaw ni Intoy ukol sa buhay at sa kamundohan, pero kahit gaano ko gusto malaman ang mga kasagutan sa kanyang mga tanong ukol kay Jenny at ang biglaan nitong pagkawala na parang bula, hindi na talaga ito dapat sinagot, e! (Paulit-ulit ako haha) Ang dating tuloy, parang medyo pilit na ang mga karakter at kwento. Parang ipinilit sila masyado na masyado nang hindi makatotohanan. -_-
~Hindi nauubos ang gusto. Ang bawat isang gusto na nakamit, isang trap sa paghahanap pa ng mas gugustuhin.
~Kung emo at senti mode ka dahil ginawang bopis ng taong mahal mo ang puso mo, madaling bumili ng pansamantalang kaligayahan o paglimot.
~Iba ang gusto sa mahal. Isang simpleng aritmetik: gusto is want. Mahal is need.
Ito ay ilan lang sa mga pangungusap na nakaagaw ng pansin ko habang binabasa ko ang librong ito. Totoo nga naman. Sino nga ba ang taong nakontento. Never ending nga yata ang gusto nating mga tao. Sa pangalawa naman "madaling bumili ng pansamantalang kaligayahan o paglimot." Madali nga naman, pero alak ang una kong naiisip sa pangungusap na 'to. Alak na gamot sa paglimot. Ang huli, "Iba ang gusto sa mahal". Pwede din namang Like lang ang gusto at Love naman pag Mahal. Magkaiba nga naman ang dalawang ito, hindi porket sinabihan ka ng I LIKE YOU eh mahal ka na din nya... Iba ito sa I LOVE YOU!
Kakaiba mag-isip si Sir Eros S. Atalia, weirdo pero natutuwa ako. Hindi lang pala ako ung taong weird mag-isip. Kaya kadalasan hindi ko nalang sinasabi kung ano ang isinisigaw ng weirdo kong utak.
Eto ang sequence ng 'Ligo na u Lapit na me' kaya naman talagang bumili agad ako pagkalabas na pagkalabas. Andito na 'yong ending ng friends-with-benefits relationship ni Jenny at Intoy.. turn into friends-with-so-much-benefits-and-heartbreak- relationship nila. Andaming twists at talagang mapapaisip ka sa mga bagay bagay. Kesyo kung bakit nagkaganon at kung paano sila nagkakilala. Eto na rin yung part ng buhay ng isang binata na 'Say goodbye to the halls and the classes, Say hello to a job and the taxes' kung saan madami ng manggugulo sa buhay ni Intoy at sasakop sa mundo nya.
Masaasabing 'It's not that complicated' talaga ang buhay kung minsan.. lalo na kung hindi mo daramdamin kaso tao tayo, may puso, may pakiramdam, nasasaktan. aw! Ganun lang! Basahin nyo ang 'Ligo na u Lapit na me' para masundan nyo to. Pramis! Panalo!
Isa sa mga librong talagang hindi ko makakalimutan at markado na sa bookshelf ko - sa loob ng kabinet ko. :)
Matagal bago ko natapos basahin ang librong 'to (dahil sa trabaho)... Nakailang mura ako habang binabasa ko to, dahilan na rin ng pagsaway ng ermat kong nasa kabilang kwarto na "Hoy bata ka alas tres na ng madaling araw! Wala ka bang pasok? MATULOG KA NA!" dahil hindi ko na namalayan ang oras.
Bagay na bagay kami ng librong 'to... parehas kami nakakaloka. LOL Ang dami nasa utak ni K.I.D., hindi ko makeri.
Nag enjoy naman ako basahin 'to. Aabangan ko ang mga bagong ikukwento ni G.Atalia sabi nga nya sa libro eh hindi lang kwento ni Jen at Intoy ang pwede ikwento.
Nag-level up ang mala-"Xerex" na tema ni Eros. :D Gusto ko yung takbo ng kwento na naisisingit nya yung mga bagay tulad ng aliens, atheists at global warming sa buhay ni Karl (Intoy). Detalyado ang paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan ng kwento.
Ito ang pnaka-magandang libro na naisulat ni Eros Atalia para sa akin.. (so far).
Ang sarap kainin ng bawat letra ng librong ito. Napakasarap ng putaheng ito na inihanda ni Eros para sa kanyang mga mambabasa. Matapos mo itong basahin ay baka humingi ka pa ng pang-himagas.
Unang libro ko ito ni Sir Eros. May halòng katatawanan at mga rant na may katuturan. Ang istorya? Bago para sa tulad kong mangilan-ngilan pa lang ang binabása. Trip ko ang magagaang basahin pero may sense kahit papaano.
Kalagitnaan na ng libro nang pinanood ko ang film adaptation ng Ligo Na U, Lapit Na Me (wala akong libro, e). Nakuha ko na kung ano ang nakaraan ni Intoy at ni Jen, ng mga magulang niya, at iba pang mga tauhan. Medyo naintindihan ko na ang nakaraan.
Nakakatawa at masasabi mong “Oo nga, ’no! ” ang mga obserbasyon at hinaing ni Intoy. Nang tumagal, parang pansin ko, masyado nang humihiwalay sa main plot ang pagbabalik-tanaw at hinaing ni Intoy. Iyong isang kabanata hinggil kay Mang Pedro at iyong pagbabalik-tanaw sa kabataan ni Intoy.
Balík sa pangunahing istorya, may hawig sa naunang libro. Ayoko na lang magsalita ng iba pang detalye. Nakaka-relate ako sa konsepto na matagal mag-move on at laging iniiwan nang walang maayos na closure. May pagkakataon ngang kung ano ang ginagawa mong ikinalulungkot mo, ikinasisiya ng iba. Pagdatíng sa rebelasyon ng istorya, medyo nawalan na ako ng sabík. Pero sa pinakadulo ng aklat, mapapa-WTF ka na lang.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Nang mabasa ko ang librong ito, ako ay maraming beses na natawa sa mga pangyayari sa libro. Marami akong nakita na mga twist at mga kung ano-ano pa. Marami rin akong nakikita na simbolismo (Lemurian at Atlantian).
Oo, maganda ang librong ito, ngunit kung ikaw ay sensitibo para sa mga parte na alam niyo na, ikaw ay mag-iingat lamang! Marami man akong nakitang typo, pero bawing-bawi naman sa nilalaman. Hindi ko man nabasa ang prequel, pero nakaya ko naman na makipagsabayan sa pangyayari sa libro.
Babasahin ko ba ito muli? Maaari ('yun ay kung ipapahiram ng pinaghiraman ko ang librong ito ulit! Hahaha). Hanggang sa muli. Sa susunod ulit na review!
Sabi ko nga, ang gusto ko kay Eros Atalia, hindi puro laswa ang mga sulat nya. May sense, may twist, may pinaka-istorya, and yet, hindi natatakot sa salitang SEX. Sa ganoong lagay, hindi boring basahin. Nabubusog ang pantasya mo, habang hindi mo namamalayang nakikialam ka na pala sa isyu na nakapaligid sa'yo. It's not that complicated, pero ikaw ang bahalang kumumbinsi sa sarili mo kung paano nga sya naging hindi ganon ka-komplikado. Nagbabadya lang ng babala ang librong ito, na kung hindi sanay sa derechuhang usapan, wag ng basahin at baka mabigla. Dahil ang librong ito, sasabihin nya sa'yo ang gusto nya sa paraan kung paano sya natural na magsalita.
First time kong magbasa ng ganitong genre. Di ko po kasi alam na sequence ito ng "Ligo na U, Lapit na Me" kaya mas nauna ko po itong nabasa. Hindi ko inaasahan yung istorya. Akala ko simpleng complicated story lang about sa couple, pero grabe yung dinanas ko sa librong ito. Napamura ako sa totoo lang kahit di pwede magmura sa bahay.
Masaya akong naka-sisid sa malawak na kaisipan ni Karl. Nawa'y ang kwento nya sa parallel universe ay magpatuloy na makahulugan, at sana ay makatagpo na sya ng nilalang na karapat-dapat para sa kanya. ❤️