"I tried to fight this feeling but it was all in vain. Patuloy pa rin akong lumalapit sa `yo."
Walang masabi si Phillice sa boyfriend niyang si Aldriel. Lahat na yata ng katangian ng lalaki na gugustuhin ng isang babae para maging nobyo at asawa ay taglay nito. Wala na sanang problema hanggang sa nakilala niya si Ravesquall dahil kay Aldriel. Kung warm si Aldriel ay siya namang cold ni Ravesquall.
Kaya bakit todo ang kaba niya at kulang na lang ay kumaripas siya ng takbo para makalayo rito kapag malapit ito sa kanya?
Jacqueline Miranda is a Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. She wrote the series My Bestfriend's Love Trilogy and several other novels including Desire of My Heart and For The Love of Sendo