Jump to ratings and reviews
Rate this book

Alamat ng Gubat

Rate this book
Welcome to the Jungle!

Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisadong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat.

Ang Librong Pambata Para sa Matatanda!

93 pages, Paperback

First published January 1, 2003

288 people are currently reading
7407 people want to read

About the author

Bob Ong

19 books2,373 followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2,474 (31%)
4 stars
1,975 (25%)
3 stars
2,322 (29%)
2 stars
834 (10%)
1 star
233 (2%)
Displaying 1 - 30 of 263 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 30, 2010
Isa sa mga nagustuhan kong sinulat ni Bob Ong. Kuwento ng mga hayop sa gubat na umiikot sa paghahanap ni Tong Talangka ng mahiwagang puso ng saging na makagagaling sa kanyang amang hari na may karamdaman. Sa kanyang paghahanap ay nakilala nya ang iba't ibang klase ng hayop sa gubat at nagkaroon ng kamalayan sa kung ano ang kalakaran dito: sino ang mga makapangyarihaan (na kumakain ng ibang hayop o insekto) at sino ang nagi-ilusyong may kapangyarihan (naghahari-harian lamang nguni't walang totoong kapangyarihan).

Noong 2003, nalimbag ang librong ito na siyang ang pang-4 sa ngayon ay 8 mga nobela ni Bob Ong. Ang taong iyon ay sakop ng unang termino ng dating Pangulong Gloria Arroyo. Maraming kumukuwestiyon sa kanyang pagkakaluklok sa pamamagitan ng People's Power 2 na nagpatalsik sa sinundan niyang si Presidente Erap Estrada. Sa pagkapanalo pa lang ni Erap noong 1998, sinasabi ng iba na ibonoto lang sya ng mga walang pinag-aralan (na mahahalintulad kay Tipaklong sa kuwento na pulos langaw lamang ang bumoto kaya't walang karapatang manalo bilang hari ng mga hayop sa gubat). Habang nakaupo naman si Gloria sa kanyang unang termino, 2001-2004 at tinutuligsa sya dahil ang nagpaupo raw sa kanya ay yong mga mayayaman dahil sya ay isa ring sa kanila (na puwedeng ihalintulad kay Aso na kumakain ng sariling suka). Noong manalo si Gloria sa 2004 sa kanyang pangalawang termino, pinagbintangan syang nandaya, ang Hello Garcia scandal (na maaaring ihalintulad kay Kuneho na nagpalabas ng tae na dinagsa ng mga langaw ni tipaklong).

Yan ang isa sa mga masasabing satire dito sa librong ito. Marami pa akong naala-ala habang binabasa ko ito pero masyadong magiging spoiler ang rebyu ko kaya tama na.

Gustong-gusto ko kasi ang mga kuwentong maaaring magkaroon ng maraming open na interpretasyon. Sabi nga ni D.H. Lawrence, kapag ang mensahe ng istorya at natukoy mo na agad sa iyong unang pagbabasa, ang kuwentong yon ay nawawalan na ng saysay kaagad. Alam mo na eh. Pero kung sa iyong paulit-ulit na pagbabasa ay nagiiba ang iyong interpretasyon, yon ang maganda at dapat hangaan ng kuwento. Yan ang dating sa akin ng Alamat ng Gubat. Pati na ang open-ended na dulo, nakakapagpana ng isip. Pero kung tamad kang mag-isip, problema mo na yon at labas na roon si Bob Ong. Para tuloy di ito pang-batang libro kahit totoong nakakaaliw rin ang makukulay na mga drowing.

Nagustuhan ko ang "MacArthur" sa kanyang drama. Nagustuhan ko ngayon ang "Alamat" sa malikhaing paglalahad ni Bob Ong. Di ko nagustuhan ang "Stainless" at "Hudas" na parehong mas non-fiction. Siguro, mas epektibo ang dating sa akin kapag fiction ang sinusulat ni Bob Ong. Huwag lang ang "Mama Susan."

Gusto ko rin yong nakalagay sa loob ng likod na pahina: "Royalty from the sales of this book will go to National Center for Mental Health, 9 de Febrero, Mandaluyong City. Tel No. 531-9001. http://ncmh.gov.ph." Ngali-ngali kong tawagan para i-verify pero siguro naman totoo ito. Ngayon, naniniwala na ako ng tumutulong si Bob Ong sa kawanggawa.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 10, 2012
Welcome to the Jungle!

Kwentong mukang pang-bata pero deep inside ay isang kwento na sumasalamin sa bulok na sistema ng lipunan. Isang kwento na nagbibigay ng clue sa mga mambabasa kung anong sistema ang nararanasan natin ngayon.

Umpisa pa lang ng kwento ay nahalata ko na ang gustong ipahiwatig ng kwento kaya ko na bigyan ng ibang karakter ang mga gumanap sa kwento na inihalintulad ko sa mga karakter nang kasalukuyang lipunan.

Tong - bida na gusto nang pagbabago.

Haring Talangka - Opisyal ng bansa na nagbubulagbulagan sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Buwaya - Pinuno ng bansa na pagkatapos kunin ang mga pinaghirapan mo ay lalapain ka na lang ng buhay.

Maya - taong walang ginawa kundi sumipsip sa mga politikong buwaya para lang mabuhay.

Palaka - magnanakaw

Bibe - pulis na nililigawan ng magnanakaw para kunsintihin.

Leon - Pinuno na walang awa kung pumatay.

Daga - Sidekick

Mga Hayop - mga matataas na opisyal ng bansa.

Mga Insekto - mga mamamayan.

Tipaklong - taong walang trabaho at walang alam gawin kundi magprotesta at magreklamo.

Langgam - Negosyanteng apektado sa bulok na sistema.

Langaw - mga taong ayaw makialam sa problema ng bayan. Makialam man lagi namang wala sa katwiran.

Paru-paro - mga nangibang bansa na hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

Bulate - taong nangangarap din mangibang bansa.

Ipis - nagfefeeling

Ulang - Politikong binabayaran para gumawa ng wala. Mga taong masabi lang na may ginagawa kahit wala naman talaga.

Manok - mga taong walang ginawa kundi magparami.

Pagong -mga tao at politikong nagpapabagal sa sistema.

Aso - matino sanang pinuno, kaso mangmang at nasusuhulan.

Kuneho - politikong nanunuhol at makasarili.

Katang - kapatid ni Tong. Mahilig maghiganti.

Matsing - Economic Expert , Psychologist , External Adviser , Papa Jack ng gubat.


Yan ang mga naisip kong karakter ng mga hayop, at dahil dyan madali kong naisapuso ang kwento.

Maraming sistema ng gobyerno ang panis na ngayon ay pinagtyatyagaan pa rin natin.

Kailan kaya ito magbabago?

Siguro mababago lang ito kung kailan huli na ang lahat. Kung kailan ay nalason na tayo ng bulok na sistema. At kung kailan hindi na natin mapapakinabangan ang isa't isa.

Kailangan na natin ngayon ng panibagong mga kusinero ng bansa na ipagluluto tayo ng bago at maayos na sistema. Para mabuhay ulit ang pag-asa ng bawat tao na pinatay ng nakaraan.


Nais kong basahin ulit ang kwentong ito. Mga sampung taon siguro mula ngayon, at ikukumpara ko ulit ang kwento sa kung anu mang sistema meron sa mga panahong iyon.

Sana may pagbabago.

Sana mabuting pagbabago.


Profile Image for kwesi 章英狮.
292 reviews743 followers
March 26, 2011
Di ko sana babasahin ang aklat na ito kasi ang nakasulat sa likod ay, Ang Librong Pambata, Para sa Matatanda! Hindi naman ako ganun katanda para magbasa ng mga librong para sa matatanda, bata pa ako at may gatas pa ako sa labi. Nagdadalawang isip ako kasi unang una sa lahat di ako matanda; pangalawa, may mga cute na larawan sa loob; pangatlo, pag-aari ng kapatid ko at nasiyahan raw siya sa aklat na ito at ang panghuli, dapat ko nang tapusin ang mga akda niya bago matapus ang pasukan para mabasa ng isa ko pang kapatid.

No choice, malaking bagay kasi sa akin na sabihang matanda, katulad sa pangalawang aklat niya, sinabihan pa akong matigas raw ang aking ulo dahil binasa ko ang di dapat basahin. Pano naman kasi nakasulat sa aklat niya at sayang lang ang limang pahina kung di ko babasahin. Mga Pilipino talaga, mapilit sa lahat ng bagay. Pero sabi naman ng kapatid ko para daw to sa mga isip bata at bagay sa akin, napangiti na lang ako pero sa kalooblooban gusto kung itapun ang aklat sa mukha niya. May-point naman talaga siya, ayun, wala akong magawa sa sinabi niya.

Alamat o Legend nga sabi sa pamagat ng aklat, mahilig talaga ang mga Pilipino sa alamat. Kahit nung bata pa ako puro na lang mga alamat ang kinikuwento sa loob ng silid-aralan kahit man sa loob ng bahay at para na akong na-lamat sa kakakinig paulit-ulit. Ang alamat o legend, ay koleksyon ng mga kwentong nagpapahayag ng mga aral ng isang tao, pangkat at komunidad. Kahit maikli man o mahaba ang alamat, ito'y isang magandang sandata upang maka-inpluensiya ng mga tao.

Sino ba tong mga hayop na to na sumisigaw sa harap ng kober at mga hayop naman na siga sa likod nito? Alam naman yata natin ang kwento ni pagong at koneho, si unggoy at ang alitaptap, ang manok at ang buaya, ang tigre at daga at marami pang iba. Lahat ng mga tauhan sa mga nabanggit na alamat ay isinama at inisa ni Bob Ong sa isang kwento. Alamat nga ito ng gubat pero pwede rin itong ikumpara sa kalagayan ng Pilipinas at ang mga hayop na naninirahan sa gubat ay ang mga taong sabik sa kapangyarihan.

Kwento pala ito ni Pagong o tinatawag nilang si Tong, kinakailangan niyang umalis sa dagat para maghanap ng lunas sa sakit ng kanyang tatay. Noon uso pa ang friendster, ngayun, di ko lang alam kung sino pa ang gumagamit nun. Ayun, naglakbay siya patungong kagubatan para hanapin ang puso ng saging. Of course, di maging masaya ang isang libro kung walang mga ibang tauhan. Nakilala niya ang iba't ibang hayop sa kagubatn, kung sino ba sila at ano ang gusto nila sa puso ng saging. Naniniwala kasi silang nakakapagbigay hiling ang puso ng saging, sa kutob ko gawa gawa lang yun ng unggoy.

Ayun, dahil lang sa puso ng saging nagaway-away ang mga hayop at insekto sa kagubatan. Mga walang utak talaga tung mga insektong ito akala nila kaya nila, e ang liliit nila masyado at nagaaklas na di man lang nagiisip. Ayan ang mga langaw, uto-uto, binigyan lang ng tae ni Kambing. Wala talagang patunguhan tong mga hayop na to.

Sa huli nakita nga niya ang puso ng saging pero ano ang nangyari, akala mo happy ending, di pala. Nauto rin siya ng unggoy, napaiwan siya sa kagubatan dahil naniwala siya sa mga salita na binanggit ni unggoy. Kawawang hari, namatay na lang. Tama ba ang ginawa ni Tong? Wala na akong masabi pa dun, sa kasalukuyan ito'y nangyayari talaga kahit baliktarin mo man ang mundo ayaw ko na lang sabihin ang lahat at baka ma shut ang mga account ko sa internet. Salamat sa lahat ng aklat ni Bob Ong, ito ang pinakanagustuhan ko! Kasi isip bata raw ako!


Sino ba si Rizal? Di ko talaga siya kilala, artista ba siya, manghuhula ba, manunulat ba o talagang di ko lang talaga siya kilala? Biro lang. Ang pagkaka-alam ko ang unang guro niya ay ang kanyang nanay at may kinuwento sa kanya ng kanyang nanay ang kwento ng Alitaptap at ang Nanay. Di lang ako sigurado sa pamagat at madami pa. At yung mga kwentong alamat ng Mayon na ikinuwento sa kanya ng kanyang yaya.

Grado - Alamat ng Gubat by Bob Ong, 3'ng Kendi at ang mga kabalbalan ng mga hayop at insekto sa gubat, tumahimik nga kayo! (Salamat pala at natapus ko na din tung rebyung ito, sa totoo lang nung isang buwan ko pa tong nasimulan at ngayun ko lang natandaan. Pero sa lahat ng mga rebyu ko si Bob Ong lang talaga ang masarp bigyan ng rebyu kasi di ko na kailangan pang mag English, Tagalog lang, madali at kahit di ko pa kabisado ang spelling ok lang.)

Mga Hamon:
Pang-31 na aklat sa taong 2011
Pang-19 na aklat sa Off the Shelf!


Profile Image for Dawn Tagala.
53 reviews2 followers
February 5, 2008
i really love how bob ong writes. there is meaning behind all the humor that he presents. and the way he tells a story is very casual. There are a lot of symbolisms in this one like: gubat=Philippines; Leon (who was abusive)= tax evaders, political clans, illegal vendors, etc.; hari=politicians (Bulag-bulagan, bingi-bingihan...they know the presnce of poverty but they do not do anything about it). There is also the presence of Filipino stereotype: matsing=smart, he was almost like Pilosopong Tasyo. It also reveals the problem in Philippines regarding elections wherein there is bribery, foul play(presence of the oppressive, and the voting of the people with no proper reason. True to the style of Bob Ong he reveals the point at the end of the book (tong:) that the Filipinos should aim for change and do something about it.
and as usual I love the humor and the format of the story-it really was like telling a story to a kid with uncomplicated characters. simple but meaningful.

IS BEING NOT BAD, BEING GOOD ALREADY?
Profile Image for Apokripos.
146 reviews18 followers
January 16, 2009
Sabi satirical tale daw ito ng bansang Pilipinas ngunit sa mangailang beses kong binasa ang akdang ito ay wala akong nakitang satirical.
Dahil siguro bobo lang ang nagbabasa.
Profile Image for Alyn.
330 reviews
November 25, 2008
Ang ikatlong libro ni Bob Ong ay naglalarawan sa paglalakbay ni Tong (isang talangka) sa loob ng gubat. Ang kanyang pakay ay para kumuha ng puso ng saging na mabisang gamot para sa kanyang amang hari.

Sa una, pag-iisipan mo na ito ay isang librong pambata. May mga makulay na larawan, simple at madaling intindihin na kuento. Ngunit habang nakikilala ko ang mga hayop sa gubat, napansin ko na ang mga karakter ay representasyon ng bagay sa ating lipunan: ang mga likas na ugali ng mga Pilipino gaya ng crab mentality... ang panlalamang at pagsasamantala sa mga ibang di gaanong nakakaintindi... ang di lubos na pagtuturo sa mga mamang upang habang buhay silang umaasa at maloko ng mga taong mas nakakaintindi, ang pagnanais na makamit ang kapangyarihan at impluwensya.

Isang simpleng kuento na sa aking palagay ay nais pumitik o gumising sa ating natutulog na lipunan.
Profile Image for Mark.
303 reviews7 followers
August 27, 2015
4 stars out of 5. The contemporary book Alamat ng Gubat follows the adventures of an ocean-dwelling crab named Tong who was given by his queen mother to get the magical banana bud from the mountains to cure his ailing father. Along the way, in search for the cure, he meet different animals of different traits and characters who each has a different story.

Published in 2003, Alamat ng Gubat (Legend of the Forest) is the fourth book published by Bob Ong. Bob Ong is a Filipino writer known for his works depicting Filipino life, culture and society. His books are always a reflection and commentary of the past and current Filipino setting. The book is written in Tagalog and uses some deep
and complicated Tagalog words.

The characters in the book includes the Crocodile, who extorts bribe before giving help; the Frog, who forces himself to be with Duck just because the latter is rich; the Lion who seems to be a good-hearted fellow but eventually reveals her true identity, that he only used Tong to track down the other animals in the forest who's hiding from them because of fear of being eaten; Ant and Grasshopper who argues whether to continue their planned uprising (with some other insects) against the animals, with the former afraid that that what they'll do will affect all his investments while the latter is not afraid because he's got nothing to loose; Lobster, who assumes that he's being paid just by doing nothing; Chicken and Tortoise, whom Rat stole eggs from that Tong returned; Dog, who's known to vomit and eats his vomit and repeats the cycle and the one who helped Tong to look for the cure; Rabbit, who challenged Tong, Dog and Tortoise in getting the bud for his personal use; Katang, Tong's brother who betrayed him as a form of revenge because of their unresolved issues in the past; and Monkey who exposed Tong to the realities about Tong's father's ailment and talked to Tong about making a change in the society. Aside from Tong looking for the cure, the book also features the characters of Tong's father, Crocodile, Lion, Dog, Rabbit, Tortoise and Grasshopper all claiming to be the true king.

The book ended with Tong eventually getting the magical banana bud with the help of Monkey and with him Tong also found out his father's true ailment. That is, his father acts numb about the true poor state of his kingdom and he'll use the bud to continue being so. The bud acts as like the painkiller that numbs senses so that one won't feel anything good or bad. At the end, Monkey was able to make Tong eat the bud, making him to not also care about the realities around him.

Before reading this book, I thought that Bob Ong finally decided to branch out to young readers since that book itself has this colorful illustrations and the title itself seems to be like how a children's book is like. But then again, while reading it, it's not. The book has this allegorical references to Philippine society. The author used the animals to portray the current context of the Philippines. He used the insects to represent the masses, who are always oppressed, and the animals as the superior elites in the country. The book talks about the inefficiencies of the Philippine government and the politicians. Their lack of action and concern towards the real cause of the problems are the deep reasons why the Philippines continue to struggle.

Despite just being a short read, the book gave enough depth to its characters. The book is unique on it's own. The plot is presented well. The book is also fast paced and a quick read (only a hundred pages which already includes the illustrated pages). I like the author's unconventional approach in taking serious matters in presenting it in a way that's not that intimidating to read. There are symbols hidden in every character, situation and conversation.

The books also has this nice balance of humor and morals. The book discusses that of the Philippine society, culture and politics. The book talks about the society, the Filipino society in particular, on how most of the time we go numb towards the known problems of our society. On how despite the fact that we can do something for change but we still choose not to act. We find comfort in our own world without taking time to notice what's happening around us. The same cycle happens every time, that's why progress and development seems unattainable. The book is an eye opener to its readers. It challenges us, readers, to be a hero in our own way whatever the situation, or forest, that we are in and that we should not be afraid to challenge the system.

I can recommend the book to the fans of George Orwell's Animal Farm which also involves struggle for power and is a political satire.

4 stars out of 5.
Profile Image for Shxrxn.
415 reviews
February 13, 2010
WALANG MANGYAYARI SA BUHAY MO HANGGA'T HINDI KA TUMITIGIL SA PANINISI SA IBA SA NAGING KAPALARAN MO!
- Langgam

Ang pinakamainam na paraan para maging dukha ay ang maging matapat!
- Bibe

Hoy, wag kang mayabang! Hindi dahil sa wala kayong pagkakataong magnakaw, matapat na kayo!
- Bibe

Natural lang na protektahan ko ang bunga ng pagod ko!
- Langgam

Wag nga kayong pasaway!
- Uod

Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.
- Tong

Ang nararanasan ng tatay mo ngayon ay kabatiran na may paghihirap sa kapaligiran niya, at ang kaalaman ito ang tinatawag niyang karamdaman. Kaya kailangan niya ng pampamanhid.
- Matsing

Hindi ko masisikmura ang ganito. Kailangan kong kumilos tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan.
- Tong
Profile Image for Fruitz.
19 reviews
Read
April 26, 2008
'don't judge the book by its cover'

this i guess is the best way to describe bob ong's writings. his works appear to be less serious but if you go another mile, you'll see that his pointing at something. the animals in this book did not exist just for mere humor but it's actually an attack to society's pernnial problem on politics and governance even to pinoys so so attitude.

Profile Image for Shiela.
22 reviews3 followers
October 6, 2012
Umiikot ito sa pakikipagsapalaran ni Tong Talangka para hanapin ang puso ng saging na magiging lunas sa karamdaman ng kanyang Amang hari.

Sa kanyang paglalakbay ay makikilala nya ang iba't ibang hayop na makakatulong sa pagtuklas nya sa realidad ng buhay sa gubat.
Profile Image for Carmela.
53 reviews18 followers
December 28, 2012
Pilit ko mang itanggi ang aking pagka dismaya sa pagbasa ko nito sa hindi tamang oras, panahon, lipunan at administrasyon, naaalala ko pa rin ang mga pangyayari na nakakatulong sa aking pag-unawa dito sa mala-Children's book ni Bob Ong. Dahil nalaman ko ang nais ipahiwatig ng estorya bago ko man napagtuunan ng pansin upang basahin mula dito sa mga koleksyon kong libro, madali na para sa aking isipin na mag settle ng sitwasyon kung saan ito na impluwensyahan, at kung para saan ang estorya ng librong ito.

Binigyang pansin ni Bob Ong ang malaking problema hindi lang sa ating gobyerno at lipunan, kundi pati na rin sa buong bansa. Ang mga karakter dito sa "Alamat ng Gubat", na puro mga hayop at insekto, ay nabigyang pansin din ng manunulat ang iba't-ibang uri ng tao na tanging nagpapalago, gumagawa at apektado ng mga problema sa bansa. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga karakter at mga sinisimbolo nila dahil gusto kong ma realize ninyo, para sa inyong sarili, kung saan kayo dadako bilang kasapi sa mga hayop na iyon, o saan mo maiihantulad ang iyong sarili bilang isang mamamayan ng Pilipinas.

Kung tatanungin mo ako, kung sino ako sa mga hayop na nandito, masasabi kong, para akong si Ulang. Kahit nga naman nag sisimbolo ang mga hayop doon except ni Tong (na nagsisimbolo sa mga Pilipino in general), sa mga tao sa gobyerno natin, masasabi ko pa ring ang buong hayop doon ay pwede ring maihantulad sa ating mga sarili, ordinaryo man o hindi.

Namulat ako sa katotohanan, at kahit sa administrasyon in span of Erap's and Gloria's nakatuon ang kwentong ito, after how many years, mag to-2013 na lang, kuhang-kuha pa rin ng kwentong ito ang mukha ng lipunan natin sa kasalukuyan. Walang nagbago. Wala talaga. Magulo, pero mapag-asa pa rin ang mga tao. Umaasa sa meron, umaasa man sa wala, makikita pa rin ang iba't-ibang klase ng mga hayop dito sa Pilipinas.

Malikhain ang pagkagawa ni Bob Ong nitong librong ito. He brought out his idea about the Philippine Government in a witty and very shallow way, yun bang maiintindihan din ng mga bata, pero iyon nga lang hindi iyong hidden message kundi iyong literal lang na storya sa libro. Maliban na sa bad words, pero ginawang slang ni BO eh, kaya pwede na rin.

Profile Image for abi rafon.
44 reviews14 followers
June 17, 2010
Sa totoo lang, nagustuhan ko ang umpisa ng librong ito. Nagustuhan ko ang characterizations, ang outline, kung paanong pinasimple ang mga komplikadong ideya at usapin sa ating lipunan, kung paanong hinaplos ang mga paniniwalang hindi napapansing niyayakap ng bawat Pilipino. Kilala man o ordinaryo.

Hindi ako Bob Ong’s fan, ang pagbabasa ko ng mga akda niya ay karaniwang pakiki-ayon lamang sa mga kapwa ko estudyanteng sa tuwina ay ibinibida siya. Not expecting much, kukuha ako at magsisimulang magbasa. At katulad ng mga nauna niyang libro na nabasa ko, sa tulong ng nakaka-aliw na sitwasyon, salita, at pagkukuwento niya, natatapos ko ito ng walang halong panghihinayang sa oras na ginugol ko sa pagbabasa.

Nagustuhan ko kung paano niyang naipakita ang sinasabi nilang crab mentality na nasa librong ito. Nagustuhan ko ang ginawang paglalakbay ni Tong. Ang bawat tauhan na nakilala at nakasama niya. ang bawat realisasyon, ang bawat naramdaman niya, ang bawat reaksyon na sa tuwina ay may tago(kung matatawag nga tago ng iba) na nais ipakahulugan.

Nagustuhan ko rin ang dulo ng kuwento. Si Matsing, ang mga salita, paliwanag at ideya niya. ang naging pagtatalo ng kalooban ni Tong. At ang naging desisyon niya.
Profile Image for bookishpoetess.
623 reviews75 followers
December 21, 2015
"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala."

Ang Alamat ng Gubat ay isang kwentong pinagbibidahan ni Tong Talangka na may misyon na humanap ng puso ng saging na tanging makagagamot sa karamdaman ng kanyang ama. Sa kanyang paghahanap ng puso ng saging, nakilala niya ang iba't ibang uri ng hayop at insekto at ang mga ugaling mayroon sila. Ngunit hindi alam ni Tong na hindi lahat ng kabutihang ipinapakita sa kanya ay totoo. Sa kwentong ito, natutuhan ni Tong kung ano ang mas nakabubuti para sa marami. Na ang mundo ay hindi lamang umiikot sa iisang tao. Na ang may mabuting puso ang pinakamahalaga sa lahat.

Ang librong ito ni Bob Ong ay para sa mga bata at matatanda. Isa itong kwento na puno ng katatawanan, aral, pagpapakumbaba at kabutihan. Isang kwento na magaan basahin at makakapag-iwan sa mga mambabasa ng ngiti at pag-asa.

(Dumugo ang ilong ko sa tagalog. Nakakaloka.)
Profile Image for Binibining `E (of The Ugly Writers).
479 reviews42 followers
October 23, 2015
Welcome to the jungle! Yan ang bungad ng librong ito na sa tingin ko sumasalamin sa lipunan at gobyerno ng bansa natin. Natuwa ako sa librong ito na sabi mukhang pambata pero pang matanda. Madame akong tawa dito hehehe mababaw din kasi ako, pero kung pagtutuunan talaga ng pansin marami itong gustong iparating sa atin. Mga taong gusto maghari-harian sa bansa natin, mga taong napunta lang sa ibang bansa o nagkaroon lang ng mabuting pamumuhay ay nakalimutan na nila kung sino sila at saan sila nagmula, yung mga taong nanlalamang sa kapwa nila at yung mga mamamayan na gusto din ng pagbabago sa ating lipunan at gobyerno. Syempre bilang ordinaryong mamamayan (naks) maraming lessons din tayong mapupulot sa kwentong ito.. nasa atin na kung pano natin iyon iaaplay sa pangaraw araw na pamumuhay natin.
Profile Image for Mykee Tan.
35 reviews13 followers
October 3, 2008
My best friend lent this book to me back in high school. It was pretty hilarious but it's not my kind of book. I felt dumb reading it. I know it's supposed to be about post-colonialism and corruption and stuff but a lot of people don't get that. Some of them think it's pure comedy and that's why they like it. I've had some people talk to me about the book and said that they loved it because it's FUNNY. Most people probably won't take reading this book seriously and I think that this book will remain just another comic book to people.
Profile Image for Smarties.
11 reviews
November 23, 2012
Ang kwentong mukhang pambata na para sa matanda..

Maxado akong mababaw na tao kaya natatawa ako sa pagkwekwento niya.. Aaminin ko rin na may portion ako na hindi maintindihan.. Particular sa dulo..

Pero hindi ako binigo na may matututunan ka..

Simula pa lang tumawa na ko sa sirena..

Enjoy!!!

(PS.. Pangatlong beses ko na tong nabasa at aaminin ko.. Nanibago ako noong una ko tong nabasa dahil bigla xang nagbago ng genre.. Pero ang tao talaga ay nagbabago.. Enjoy pa rin)
Profile Image for Joyzi.
340 reviews340 followers
October 28, 2010
Very cute, I like the drawing a lot. I also like the friendster part at the beginning that was hilarious. I love the melodrama when the lobster died and there was some kind of Unchained Melody Song in the background.

They said this book was ambiguous and implied something on Filipino Government, but I really don't understand what the heck happened at the end and it's meaning.
Profile Image for YNNA.
42 reviews
June 11, 2012
Welcome to the Jungle!

Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisdong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng gubat.

Ang Librong Pambata Para sa Matatanda!
Profile Image for Aaron Sta.Clara.
149 reviews5 followers
December 31, 2013
Nakaisip na naman ng paraan si Bob Ong sa pag eentertain sa mga masugid niyang mambabasa!
Ginamit niya ang mga hayop sa pagpapatawa,pagkukuwento at pagmumulat sa mga Pilipino patungkol sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.Ngunit nakulangan ako nang kaunti,hindi ko alam kung bakit.Hahaha.
Pero maganda!
Profile Image for Chenley Cabaluna.
166 reviews5 followers
October 17, 2012
first time to encounter a parody. i dont know that it is what you call that thing way back then. makes me laugh hard still when i remember some lines that are hilarious. usually with my BFF kristina clemente over a couple of alcoholic drinks. lol
4 reviews
August 15, 2009
it's in Tagalog, and it had pictures, so that was cool. it was funny at times. It's a really short book so it was a fast read.
Profile Image for Maria Ella.
558 reviews102 followers
February 19, 2012
Kidism in action.
Define gumagawa ng wala ang the lobster will show you. :)
Profile Image for Josephine L..
76 reviews17 followers
July 28, 2013
Funny story. I love the first part..hmm..the entire story. May bagong kaalaman na naman na ipinarating ang Author. Kudos to Bob Ong!
Profile Image for Anna Katrina.
30 reviews14 followers
August 5, 2014
Read this in one sitting.A very funny, inspiring short story about friendship and about the "gubat"
Profile Image for Gianne.
46 reviews
November 3, 2016
Ang pinaka-natatandaan kong libro na nabasa ko dati. Pero ang mga ilustrasyon nito ang pumukaw ng aking atensyon, hindi ko na matandaan ang kuwento.
Profile Image for P. Cookie.
21 reviews14 followers
July 26, 2007
Regretted getting this book. Too pre-mature for Bob to get into this kind of writing.
Displaying 1 - 30 of 263 reviews

Join the discussion

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.