Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ang Paboritong Libro ni Hudas

Rate this book
-Marami ka ngang alam, pero tila yata hindi mo alam ang pinaka importanteng bagay tungkol sa libro.
-Ano?
-Pagkatapos mong basahin ito, mamamatay ka.
-HA?!?!
-Surprise!
-Sandali... alam ko biro lang ‘yon, diba?
-Depende.
-Hiram lang ba ang kopya mo ng libro tapos hindi mo na ibinalik sa may-ari?
-Hindi ah!
-Shoplifter ka?
-Lalong hindi!
- Tinapos mo lang bang basahin sa tindahan ang libro at hindi mo binili?
-Hindi rin!
-Nagpa-xerox ka?
-Ba’t mo alam?

175 pages, Paperback

First published May 1, 2003

408 people are currently reading
7921 people want to read

About the author

Bob Ong

14 books2,376 followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3,600 (37%)
4 stars
2,861 (30%)
3 stars
2,193 (23%)
2 stars
676 (7%)
1 star
191 (2%)
Displaying 1 - 30 of 283 reviews
Profile Image for Jerecho.
396 reviews51 followers
September 9, 2019
Ano nga bang meron sa librong Ito? Hindi ko na matandaan... Hahanapin kong muli ang aking sipi upang ito'y mabasang muli...
Profile Image for kwesi 章英狮.
292 reviews743 followers
February 23, 2011
Masasabi kong ito na yata ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng isinulat niya, di naman kagandahan pero sobrang kadamakmak ang nilagay niyang barberong kwento, paumanhin, kwentong diyablo pala. Wag mo akong pangunahan, wala akong sinabing pangit, talagang ayaw ko lang talaga ang aklat na ito. Kung tutuosin mga sampu lang yata ang pahina na matatawag mong may akma sa paksa ng kanyang aklat at hindi pa ako sigurado kung sampu lang talaga o kinulang o sobra ang pagkakasabi ko. Hindi ko alam kung san niya nakuha ang mga pinaglalagay niyang mga chismis, mali pala, mga nakakalokang nakakamanghang mga pangyayari sa kanyang buhay.

Pero namangha ako sa galing niyang gumawa ng mga barberong usapin, pero di naman ako natawa at di ko alam kung kailan nga ba talaga ako natawa sa mga pinagsusulat niya. Bakit namangha? Eh, kahit isang linya lang ng kanyang libro ay di ko man lang tinawanan, biro lang. Ito'y dahil maganda ang pagkagawa niya ng sarili niyang salin sa kanyang mga naging karanasan at ganap itong ibinahagi sa mga mambabasa ng kanyang aklat, para bang semi-biography ang kinalabasan ng kanyang aklat. Kalahating fiction at kalahating nakakatawang di ako natawang non-fiction.

May isang araw at nagtanung ang aking guro sa Filipino, kung sino raw ang nagbabasa ng Bob Ong matapos niyang itanong kung sino raw ang namangha sa mga aklat ni J.K. Rowling. Sobrang saya ko at itinaas ko ang aking mga kamay pero nung itinanung na niya si Bob Ong, biglang tumahimik ang maliit na slid-aralan sa gilid ng walang pangalang bundok sa Maynila. (Ngayun mo lang yata narinig na may bundok ang Maynila, oo, meron, di mo lang napapansin sa sobrang lalakihan ng mga gusali. May height pollution na yata sa Pilipinas at ako ang unang nakaimbento nito.) Sabi niya, na henyo raw ang nagbabasa ng mga aklat ni Bob Ong kasi henyo rin daw ang manunulat. Malay ko naman, pero ngayung araw ko lang nalaman kung ano ba ang gusto niyang iparating. Sa aklat ni Bob Ong, ginagamitan niya ito nag tinatawag na Fluid at Crystallized Intelligence. Fluid, dahil binibigayng pansin niya ang kanyang mga natutunan at kinatwiran ang mga ito. Reasoning for short at Crystallized, dahil ginamitan niya ng mga karanasan niya sa buhay o tinatawag na Experience. Kung babasihan, mababa ang paggamit ng mga tao sa kanilang Fluid Intellegence at masasabi kong pantay lang ang pagkagawa ng aklat ni Bob Ong at di magtagal maging isa na siyang ganap na Pilosopo. Wag kang mag-isip ng iba ang gusto ko lang ipahiwatig ay isa na siyang Philosopher!

San ko naman nakuwa ang barberong usapin na henyo si Bob Ong? Mag balik-aral ka sa Sikolohiya o Psychology, wag mo akong sabihang gumagawa lang ako ng sarili kong salin sa nakakalokang aklat niya. Di dahil matalino siyang manunulat (para naman sa akin lahat ng manunulat ay henyo) bibigyan ko na ang kanyang aklat ng matataas na grado. Ano ba ang nagpursigi sa akin na bigayn lang ng 1'ng kendi ang aklat niya? Dahil pwede mo ring ihambing ang kanyang mga isinulat sa sleeping pills, di mo na maamalayang mag-isa ka na lang sa mundo pagkagising mo. Di naman ako nagbibigay ng grado dahil sa Entertainment Value ng libro pero di ko namang inaasahang iiwan ako ng mga kaklase ko na mag-isang nakatulog at may samang laglag laway.

Pinapasalamat ko siya sa may kapal dahil ginampanan niya ng maayos ang hiniling ko na dapat meron nang kabanata ang kanyang mga aklat pero di niya naman ginampanan na lagyan ng banghay ang kwento niya. Di niyo ba napansin na sobrang ka-weird-uhan ang mga pamagat ng kanyang kabanata, san mo naman makikita ang mga salitang ito; Veny, Geran, Depir, Ventocoseuss, Tuls, Gynottul at Holts? Akalain mo ginawa niya akong bobo dahil lamang sa mga salitang iyan? Nagtanong pa ako sa kapatid ko kung ano ang kahulugan nun? At sabi niya naman baka raw pangalan ng mga demonyo, loko para na rin pala siyang Lady Gaga pero nagbabalat lalaki at manunulat. Bigla ko na lang nalaman ang sagot sa aking tanung nung binanggit niya ang 7 Capital/Deadly Sins sa pahina 666 este nakalimutan ko na kung saan at di ko na kailangang i-decode ang mga slitang iyan kundi mawalang bisa ang kapangyarihan ni Bob Ong

Malapit ko na ring makalimutan ito, ang librong ito ay tungkol sa pagdedebate kung totoo ba talaga ang simbahang Katoliko o Christianity dahil sa sobrang dami na ng mga relihiyon na labas-pasok sa Pilipinas at sa mundo. Balang araw meron na ring Alienity na tinatawag, malay mo maging isa ka sa mga kasapi nila.

Ang Paboritong Libro ni Hudas, ay ganap ng sinapi-an ni Bob Ong, ang multo sa tabi ng ilog Pasig a.k.a Comfort Room. Sabi ko na nga ba siya talaga yung nakita kung multo kahapon habang naglalakad sa Quiapo at bigla pang natusok ng BBQ stick ang kanang paa ko at biglang napasigaw ng Chuvachuchu (Ang pagkakasigaw ay ganito, Chu. Va. Chu. Chu!) may echo at sayaw pang kasama. Biglang dinala sa hospital at nagpapasalamat na lang sa multo sa Pasig.


Sinamahan pa ng bilog ang 7 Deadly Sins, kung nabasa niyo na ang ang Divine Comedy malabong di niyo alam ito. Payong kaibigan lang, kung malapit na kayung mamatay wag kalimutang mag pa Sacrament of Reconciliation na kayo sabi ng propesor ko sa Sacraments. Di ko namang hiniling na mangyayari yan sa inyo, bwahahaha!

Grado - Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong, 1'ng Kendi at sinamahan ng mainit na pandesal na may palamang aklat. (Sa sobrang katamaran kong magbigay ng pagsusuri nung sabado at linggo, ngayun na lang muli ako gumawa ng walang saysay na pagsusuri. Salamat pala sa UP (Unibersidad ng Pilipinas) sa pinakita nilang galing kahapon sa duladulaan nila. Di ko talaga makakalimutan ang araw na yun. Sa susunod Marquis of O na naman ang idudula niyo at manonood ulit ako.)

Mga Hamon:
Pang-29 na aklat sa taong 2011
Pang-18 na aklat sa Off the Shelf!


Profile Image for Shxrxn.
415 reviews
February 13, 2010
MAY MGA BAGAY DAW SA MUNDO NA TINATANGGAP BA LANG NATIN BILANG KATOTOHANAN KAHIT WALANG PRUWEBA O PALIWANAG.
- page 125

Pero tanging ang utak lang ng tao---sa buong kalawakan --- ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili n'ya. Nakakatawa nga kung iisipin ang damdamin mo, pagkatao, ala-ala, at isipan, ay nagmumula lang pala lahat sa maliit na karneng nasa ulo mo.
- page 45

Medyo napagod rin ako kakaikot. Doon ako nagpasyang tumigil muna at gawin ang tanging bagay na hindi ko pa nagagawa: mag-isip. Naisip kong sumigaw at humingi na ng saklolo, kaso hindi ko ginawa dahil baka may makarinig. Isinisigaw lang dapat ang saklolo pag wala na sa'yong makakarinig.
- page 57
Darating lang ang pagbabago kung pagod at sawang-sawa ka na sa kawalan ng control, handa ka nang harapin at pasinungalingan ang boses na nagsasabi sa 'yong "Hindi mo kaya!"
- page 81

Kaya mo bang ngayong ilarawan sa isip mo kung anong klaseng lugar pwedeng maging ang mundo kung ang lahat ng tao ay nagmamahalan at walang makasarili?
- page 138

At maraming bagay ang mahal pag wala kang pera.
- page 154

At katulad ng sinasabi nila sa buhay, tingin ko totoo ngang mas importante ang "journey" kesa sa destination."
- page 166

Parang eskuwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.
- page 171

Dahil sa kabuuan ay iisang Diyos lang din naman ang sinasamba ninyo, nagkakaiba-iba lang ng paraan.
- page 171
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 29, 2010
Pang-apat na libro ko ni Bob Ong. Sorry, pero di ko talaga nagustuhan. Ginawa ko ang lahat na may makitang maganda at pinagpuyatan ko kagabi pero wala talaga. Sa "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" (2 stars), naka-relate ako sa karakter sa unang bahagi ng kuwento dahil tumira rin akong kasama ang mga pinsan noong naga-aral pa ako sa kolehiyo. Sa "MacArthur" (3 stars), nagustuhan ko ang pulidong pagkakasulat ng kuwento: ang apat na durugistang naliligaw ng landas pero may positivo at nababanaagan ng pag-asa na ending. Sa "Stainless Longganisa" (2 stars), may mga natutunan ako.

Batung-bato ako sa kapangitan ng pinagtagpi-tagping mga walang kawawa-ang karanasan ni Bob Ong. Parang naupo lang sya sa harap ng computer nya at nagisip ng kung anu-ano. Nilagyan ng kuwanti ay conversation ng Diyos at ng karakter ng sarili nya (ala-Conversations with God na sikat na libro noong 90's?). Ang kanyang pagpunta sa Baguio (doon ako nag-aral ng kolehiyo kaya hindi ito interesado sa akin), ang mga naging guro nya sa paaralan (iginagalang ko ang mga guro ko at di ako kagaya nya na pagtalikod ay nagsasalita ng negatibo kahit sa guro o sa ibang tao), ang pagpatay nya sa mga ipis (hindi ba sila naglilinis ng bahay? bakit di nya ipa-screen ang mga bintana?), ang mga kuwentong barbero (susme, natawa ka ba?), ang paulit-ulit nyang pagsasabi ng tanga ako sa direksyon habang nasa Baguio (kailangan pa bang ipangalandakan ang katangahan mo? nakakabilib ba? napupuyat ako para lang malaman ko na tanga ang awtor ng librong binabasa ko?), ang paggamit ng "Tanging Yaman" bilang pagpapatawa (maganda yang pelikulang yan at di hamak na may katuturan kaysa sa librong ito). At ang higit na kinakainisan ko ay ang paga-assume ni Bob Ong na di ko naintindihan ang huling parte ng usapan niya (bilang patay na karakter na pinababalik sa mundo) at ng Diyos (na inakala nyan si Lucifer). So sobrang katangahan ng karakter na yon, di pa sya naniwala sa sinabi ng Diyos.
Ngayon din ay magbalik ka sa lupa. Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng itim na librong walang kuwenta (buti alam mo) at hindi mo maintindihan (hah? assuming!)
Yan ang hirap kay Bob Ong. Ina-assume nya na ang lahat ng magbabasa ng libro nya ay miyembro ng Bobong Pinoy!

Napagisip-isip ko, lahat ng libro ni Bob Ong ay lumabas mula 2001 (ABNKKBSNPLAko?) hanggang 2010 (Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan). Nahalal na Presidente ng Pilipinas si Erap noon 1998 dahil naka-relate ang maraming tao sa kanyang mga sine at sa paga-akalang mabuti ang di masyadong matalino na hinaylight ng nakakatawang mga Erap jokes na tungkol sa katangahan ni Erap. Nagkaroon ng ideya si Bob Ong: "Ah, gusto pala ng Pinoy ang ganoon!". Nagkaroon ng Bobong Pinoy at tuwang-tuwa ang mga tao: Ang saya-saya, may Erap jokes, may Bob Ong books pa!Nawala sa puwesto ni President Joseph "Erap" Estrada noong 2001. Nguni't nanatili pa rin si Bob Ong. Sa "Hudas" (2003) at "Stainless" (2005), may mga patama sya sa nagi-inggles na Presidente (si Gloria yon! si Gloria yon!). Di tumalab ang impreachment kay Gloria, wala nang maibato si Bob Ong (dahil mas matalino sa kanya si Gloria). Ngayon, wala na yata syang mai-kuwentong magandang karanasan bukod sa napapanood nya sa TV at ang pagsakay nya sa eroplano o ang pagpunta nyang first time sa Baguio, kaya nag-try syang magsulat ng drama "MacArthur" noong 2007 at "Kapitan Sino" (drama rin yata) noong 2009 at ngayong taong ito naman ay sinubukan nya ang horror, ang "Mama Susan."

Sampung taon nang binabasa natin si Bob Ong. Ilang taon pa kaya bago siya malaos? May bagong pumapasok ngayon, si Prof. Eros S. Atalia (isang Carlos Palanca awardee) na awtor ng ""Peksman, Mamatay ka Man Nagsisinungaling Ako" and "Lapit na me, Ligo na u" pero si Atalia ay nagpapakita at isa siyang professor sa UST. Ayon sa Wiki, ang istilo nila ay magkatulad pero kung babasahin mo ang mga sinulat ni Prof. Atalia, magkaiba sila kaya siya at si Bob Ong ay di iisa.

Mabasa ng next year yang si Prof. Atalia. Hmmm.
Profile Image for May.
35 reviews25 followers
July 26, 2008
Dropped the book halfway...I know, I know...You're now asking "WHY?" (note the caps lock)...

A brief background: This is the first (and still the only) Bob Ong book I had read...And unfortunately, unlike many people, I didn't find it a fun read...At the risk of sounding defensive, I believe I have a sense of humor. In fact, I easily get amused. Okay, so there were some amusing parts in there, too...but I swear, the book bored me! Maybe, I just didn't get Bob Ong's acerbic wit?

Perhaps, Bob Ong's style is not just my cup of tea. No, I have no problem with his informal style of writing. Yes, I have an idea of what he's talking about, especially with regards to our today's society. No, I didn't find this particular work as philosophical and "intellectually-stimulating" as many seem to think. Why? Well basically, almost everything he had written, you can already see, feel, taste, hear, experience, and think about first hand. I mean, do we really need someone else to spell it all out for us? And NO, I don't find our society's condition something to joke about anymore. Sorry if I sound way too serious, but I've long became tired of all this "joking" around just to "escape" and to lighten up the harsh realities of our country's condition. I mean, our society's already in a "terminal" state, and we still find it amusing? Duh!

Okay. Stop. I think I'm talking big right now - way bigger than myself. But hey, maybe it was just disappointment talking? For how could I not be? Before I started reading the book, the glass was half-full (thanks again to the MANY positive feedbacks about it), but I came out of it with a cracked glass...

OR maybe, it's just me?

Which is which? You decide...
Profile Image for Tyler D..
5 reviews4 followers
December 12, 2009
Bob Ong is my favorite Filipino writer. He's also the only Pinoy writer I've read. His writing style (especially in this book) is very tangental (in a good way.) While there is a story--consisting entirely of dialogue--that goes through the novel, most of the piece is made up of humorous rants on pretty serious subjects. Ong does an incredible job of looking at Filipino culture fairly and unflinchingly. He doesn't try to make bad things seem better, nor does he throw a pity party for all of the injustice in the Philippines. Furthermore, he sees humor in everything, which (for me) is the strongest aspect of his writing. Sa palagay ko, dapat itong basahin ng bawat Filipino. Sana nga lang, may translated edition para sa mga kabansa ko (Americans) para mas maintindihan ng mga kano yung Pilipinas.
Profile Image for Marbs.
1 review
April 19, 2008
hmm.. Eto ung first book na nabasa ko written by Bob Ong. Nkita ko lng xang binabasa ng isa kong kaibigan nung 1st year colej ako. then nkita ko sa mukha nya na while he is reading this black book, nakangiti xa!! Edi nagkainteres din ako, kaya sinabi ko sa kanya na pag tapos nyang basahin baka pwede kong maihiram. Itong book na to bale, karamihan ng mga nakasulat dito eh tungkol sa mga nangyari sa buhay ni Bob ong, ung mga kalokohan nya at kalokohan din ng ibang tao na nasaksihan nya na patuloy padin ntin nkikita ngayon sa mga kababayan natin.. Meron din part dito na parang piece sa duladulaan, may dalawang main character, ung isa eh si "<'>" at si "<.--.>".. Oo sila ung tauhan sa Libro kung saan lumalabas bago matapos ang isang chapter. Basta masaya to, para kang nagbabasa ng biography ng ibang tao.. nkakatuwa. hehe.. parang chismoso na kala mo wlang kwenta mga sinasabi pero sa bawat chapter na mababasa mo masasabi mo sa sarili mo "OO nga noh".ü
Profile Image for Efram Cortes.
89 reviews7 followers
November 4, 2022
Ang Paboritong Libro ni Hudas' whimsy rate of coded five stars portrays my strong recommendation for its entirety. This must be read by every Filipino - reader or non-reader. Its relevant usage of the seven deadly sins in association with some daily situations that every Filipino is experiencing will completely resonate. My high recommendation is for the youth and students for they are still in the molding progress of their own values.

The strengths of the book are its easy and convenient writing approach making it such a splendid companion for a short read, impressive usage of humor to balance the critical effects that the reader will gain from the roots of the seven deadly sins, accomplished referencing of known Filipino icons from Cardinal Sin to Marvin Agustin, and lastly, is its overall relevance to today's generation. The weakness I found is the union of ideas that can overwhelm the reader due to its lacking centrality.
Profile Image for Yuki.
42 reviews33 followers
April 9, 2011
No book has ever made me laugh so much until I read this. I enjoyed it so much that I just kept turning the pages even if my teacher was already discussing (Yes, I read it secretly in school--whether it be during classes or breaks.). I even kept reading on my way home.

He wrote his hilarious misadventures with so much wit to capture his audience. What more would you expect from the genius that is Bob Ong?

Definitely a must-read.
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 9, 2012
Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang librong ito? Kahit si Hudas nga naging paborito ito e. Aaminin ko kahit ako paborito ko na rin ang librong ito. Kung gayon ako na ba si Hudas? BWAHAHAH . . .

Kung ang 'Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?' ay naglalahad ng mga problema ng mga Pilipino, mga katanungan naman tungkol sa relihiyon ang tinira nitong libro.

Ang lakas ng amats ng dialogue nung dalawang di ko malaman kung kaluluwang ligaw o kung anu mang hindi ko maipaliwanag na nagtatalo kung may Diyos ba talaga o wala. Maganda ang tema nila, tanungan nang tanungan, sagutan nang sagutan na wala namang kinalaman sa tanong, pero unti unti ring nasasagot ng mga pa-deep at pahapyaw na tugon. Hindi ka magsasawa kahit alam mong walang patutunguhan ang pag uusap nila.

Nakakatuwa rin yung ibang mga kwento ng buhay niya (may akda) na sequel siguro ng dalawa niyang naunang libro. Nandun pa rin ang mga walang kupas na opinyonadong artikulo niya na kapupulutan talaga ng aral.

Mahirap mang aminin ngunit isa ang librong ito na nagpatibay at nagpabago sa paniniwala ko. Alam ko may pagkakaiba iba ang paniniwala ng mga tao sa mundo, at isa ako doon. Katoliko ako at ito ang naging pundasyon kung anu mang paniniwala ang meron ako. Pero hindi lahat nang tinuturo sa simbahan ay sinusunod ko. Meron akong dahilan at isa na rito ay ang mga katanungan na patuloy na gumugulo sa isipan ko.

Nagustuhan ko ang libro dahil nasagot nito ang ilan sa mga yun. At dahil sa mga kasagutan na iyon kung bakit may bagong mga paniniwala ako na nakaprogram na ngayon sa pagkatao ko.


Linsiyak na buhay yan! ang sarap talaga matuto ng kabutihang asal. Hahahah . . .PI ! idol ko talaga si Bob Ong! Ang galing mo talaga magsulat , AH!!



Profile Image for Smarties.
11 reviews
November 23, 2012
Hindi nakalampas sa aking mga mata ang ibang komento.. Sa aking opinyon e parang nagkwekwento lang naman siya as a person at ang tangi mo lang gagawin ay makinig sa mga sinasabi niya.. Hindi mo maiiwasan xempre na mapa-iling at mapa-oo ka na lang na may punto siya..

Kung maxado kang seryoso siguro ay masasabi ko na hindi sa iyo ang librong ito.. Kung hindi ka mahilig magbasa ng SPAM messages sa computer mo, hindi talaga sa iyo ang librong ito..

7 kwento, hindi pede ko sabihin na 8 kwento ang nakapaloob.. At humanga ako kung panong for every "mortal sin" ay may kalakip kwento siya.. Kapupulutan mo ng aral, pero hindi mo maii-aalis sa kanya na nagbigay lang siya ng opinyon.. Nasa iyo kung tatanggapin mo o hindi.. Pero sa huli, karapatan niya ilahad ang sarili niyang opinyon..

Sa likot ng aking imahinasyon e parang nakita ko sa librong ito ang 3 pa niyang libro.. Ang alamat, ang stainless, at ang demonyo..

Para sa akin.. 5 stars ka idol..


Profile Image for Janus the Erudite Artist.
702 reviews93 followers
March 15, 2011
Ang Paboritong Libro Ni Judas opens readers to a funny but meaningful discussion of theism and atheism.

I heard this book from a friend of mine; all she said was that I should read it because it was funny. Little did I know I was in for more than just laughter. Ang Paboritong Libro Ni Judas taught me so much about faith and piety. It may be boring to some, funny to sundry people, but behind all that it opens your eyes to things you may not have realized, or maybe you do see but don’t give a damn about.

I strongly recommend this book for all the lessons you can learn through it.

For more of my reviews, please visit my blog:
The Blair Book Project @ www.theblairbookproject.blogspot.com
Profile Image for Kevin Arriola.
8 reviews4 followers
September 5, 2013
Ang Paboritong Libro ni Hudas
by Bob Ong

May mga bagay daw sa mundo na tinanggap na lang natin bilang katotohanan kahit walang pruweba o paliwanag. - Bob Ong

Faith. It is a deep understanding and complete trust in a thing or person. We are given freedom to believe in a religion and freedom to act in accordance with such belief. It's up to us who and what to believe even to those that is not based in proof.

When I first read the few pages of the book, I then realize that all chapters are divided based on the seven capital sins. Chapters are entitled as Veny, Geran, Depir, Ventocoseuss, Tuls, Gynottul and Holts. I thought that Bob Ong was only using Latin words or different terms but they are actually scrambled letters that need to rearrange to form words such as Envy, Anger, Pride, Covetousness, Lust, Gluttony and Sloth.

I really don't understand what Bob Ong wants to tell in the beginning but when I come to know the titles of each chapter as I go on with the book, I learned that its contents have something to do with the title. If only I don't get this, I probably end not liking the book which on the other hand, didn't happen.

The book is completely different from other Bob Ong's books though some part of it is derived from his previous books as mentioned. Here, he talks about religious faith about God—his purpose and his creation and Christ; unlike in his other books that I'd read that talk about school, society and politics. He also shares some stories about his journeys in life relevant to the capital sins.

I found the book entertaining however informative because of the logical instances and facts that he put in the book. I really appreciate the book for making the readers realize who really God is, who are we as his people, our relationship with him and his Son, Jesus Christ, and reasons why do some people don't believe in him-blaming him for everything. I'd also seen some parts that are irrelevant in the book.

What I love the most is the conversation between the two men who in the end revealed that the first man is the person who reads this black and senseless book, Ang Paboritong Libro ni Hudas, “Ngayon din ay magbabalik ka sa lupa. Makikita mo na lang ang sarili mo na taimtim na nagbabasa ng katapusan ng itim na librong walang kwenta at hindi mo maintindihan...” while the other man who I believe is Jesus Christ. This is something that needs reflection and/or meditation because I realize that I'm part of it.

I just want to quote a portion from the book, “Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.”
Profile Image for Hud-c.
129 reviews
July 28, 2012
Nabasa ko to nung High School. Napasok ako nun sa isang Catholic School. Pinahiram ng isang kaibigan at co-trainee sa C.A.T.

Masasabi kong naaliw ako ng husto. Oo, mababaw sya - kuwentong barbero pero pag Pinoy ka, sana'y ka sa mababaw at hilig mo ang tumawa.

I-share ko lang kahit na personal. Sinubukan kong gumawa ng isang libro kagaya nito. Ang pamagat ay - Ang Paboritong Aklat ni Hudasee. Oo ver unique at may orginality (AHEM). Anyway, gamit ang karanasan sa hayskul at mga kuwento at pinagdaanan sa CAT training. May katumbas din akong listahan ng mga terror teachers sa school. Ang dami ngang pagkatulad. Siguro nakarelate ako ng husto dahil nakasagupa ko din ang katumbas ni Padre Damaso sa kapanahunan namin (kahit na ang reincarnation niya ay babae sa aking henerasyon). Tanda ko pa ng gumawa ako ng isang parody version ng Aba Ginoong Maria para lang sa kanya. Na-post pa yun sa Friendster (oo, tama, wala pa kasing FB) at kumalat sa grade level namin. Syempre anonymous ako, ayoko ngang ma-expell. Tulad ng iba dyan.

Ngunit hindi talaga ako writer, kaya di ko tinuloy. Pero may iilan pa na nakabasa. Sa tuwing naalala ko ang nangyayari, napapangiti lang ako.

Marami siguro ang nababawan sa libro na ito. Oks lang yun kasi ako man pag binabasa ko, ganun na rin ang nararamdaman ko ngayun. Ganunpaman, kahit ganyan style ni Bob Ong kung sumulat. May idinulot na maganda sakin ang pagbabasa nito. Dahil sa librong ito, nagawa kong maipasa ang CAT training. Maging officer at makatapos ng hayskul.

Lesson learned: Laughter is the best medicine. Enjoy life, eat pork.

Eto ang paborito kong Bob Ong quote:

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na maaari namang wala sa buhay ko“
Profile Image for Jess.
62 reviews19 followers
June 25, 2013
Isa to sa mga libro ni idol (Bob Ong) na hindi ko talga binitawan ng isang araw. Pagbuklat ko palang, nacurious agad ako sa linya ng storya. yung pakiramdam na habang binabasa mo siya, unti unti mong nasasagot yung tanong sa utak mo.
Parang akong naging traveler ng isang araw. yun nga lang ambush traveler ang nangyari, wala akong kaalam alam na dinala na pala ako ng storya. hindi din ako makapaniwala na hindi ko nabitawan yung libro na to ng isang araw (Meaning,hanggang gabi ko siya binasa). tumatayo lang ako kapag feeling ko fly high na yung paa ko (pinapakiramdaman ko yung sahig.hehe)
Pero, maganda talaga to. Saludo ulit sayo idol.
akala ko pa nga nung una, puno ng kasamaan yung libro na to,(parang one way ticket to hell) sa titulo palang pamatay na eh!
Matalino,Maalam at malikhain ang libro na to.
Profile Image for Joseph Fuentes.
3 reviews1 follower
November 13, 2009
Bob Ong is probably the most lovable Filipino writer of this generation. Writing in clear, precise, conversational style, he has won the hearts of many young readers.

"Ang Paboritong Libro ni Hudas" (The Favorite Book of Judas)is his funniest book for me. Whether writing on Philippine politics, everyday life, current events, or just about anything under the sun, he never loses verve and gusto.His humor and marksmanship are always there.

Whereas Bob Ong appears to be creepily religious in his other writings, here he is funnily atheistic or anti-theistic, hurling questions to an indifferent deity, engaging him in humorous conversations, that remind me of Woody Allen.

Definitely recommended.
Profile Image for Bryan.
114 reviews82 followers
March 19, 2015
Hindi ko gaanong nagustuhan ang librong ito dahil may mga parteng boring ang mga kinekwento niya. At syempre, 'pag boring, hindi nakakatawa. Ewan ko lang kung si Hudas magugustuhan nga talaga niya ito. Siguro kung bibigyan natin siya ng ginto.

Ang haba ng diskurso sa kada simula ng chapter. Humaba masyado 'yong ilang punto na pwede namang nabanggit ng direct to the point. Nawawala tuloy 'yong kapit ng mambabasa sa mensahe. Ang dami rin masyadong kwento na nakapalaman sa librong 'to. Sa loob ng kwento, may isa pang maliit na kwento hanggang sa sumabog na ang utak mo kasi hindi mo alam kung tatawa ka ba o ititigil mo na ang pagbabasa. Hudas! Napilitan na nga lang akong tapusin ang librong ito para hindi sayang 'yong dahilan kung bakit sinimulan ko ito—para malibang.
7 reviews2 followers
July 24, 2009
actually dito ko po unang nakilala si bob ong,, binabasa kasi ng anak ng amo ko tong librong to... eh close kame sabi nya kung gusto ko raw ba,, papahiram nya saken. eh mahilig din po akong mag basa,, nagustuhan ko sya.. simula nun hinanting ko na sa mga bookstore ang mga books ni bob ong,, bobo ako eh! pinoy ako! sa librong to ginawamg biro ang mga seryosong usapan...kung di ka makabayan at matalino ka di mo malalaman kung ano ang ibig ihatid ng kwento, o mas tamang sabihing totoong kwento sa loob ng kwento. may natotonan ako...... sken nalang yun. kung gusto mong malaman kung ano ang nalaman ko....BUMILI KA!!! READ OUT LOUD!!
Profile Image for Mia Claire.
74 reviews4 followers
January 2, 2015
Hindi ko alam kung paboritong libro ni Hudas ang binasa ko o diary ni Bob Ong. Halo-halo ang kuwento. Una, may pag-uusap kasama ang Diyos tapos may ala-horror story na sumunod na sinundan pa ng mga mistulang diary entries ni Bob Ong na nakakatawang nakakainis.

$$%)(**(&^%^&%!!!

Profile Image for Biena Magbitang.
185 reviews55 followers
December 23, 2013
Sabi ko kanina, aba tekaaaa... Ang tagal ng nakatengga sa mga to-read ko si Bob Ong, at dahil nagenjoy naman ako sa mga iba nyang sinulat, sinubukan ko ito, kasi gustong-gusto ito noon ng best buddy ko nung College na si Emerick. Pero bakit ganun bakit parang nairita lang ako? Siguro nga kasi, paboritong aklat ito ni Hudas at Katoliko Serrado ako. Ewan. Pero di naman ako dito matatapos, siguro, babasahin ko pa din ang ibang akda ni Bob Ong o kung sino man siya o sila... Basta...

Profile Image for L.
169 reviews
January 16, 2015
I had read this book almost over 10 years ago where Bob Ong was not that mainstream. And I remember when one of my young friends would ask me what book am I reading and I'm gonna reply "And Paboritong Libro ni Judas" (The Favorite Book of Judas) and they are going to look at me with that look. ry




But yeah. I missed those times.
Profile Image for Andy.
8 reviews3 followers
January 14, 2011
This is the only Bob Ong book I read from cover to cover. The stories are good and entertaining, as always. Some of us know Bob Ong by some of his quotes. I was looking for some quotables in this book but there weren't any good ones. The conversation at the beginning is crazy! Mind blowing even.
Profile Image for Joyzi.
340 reviews338 followers
December 21, 2010
Very funny and if you're like me who love Bob Ong's sense of humor you'll not regret reading this. Probably this is my second favorite, the first was the ABNKKBSNPLako?!
Profile Image for Carmie.
22 reviews7 followers
February 11, 2011
What I like in this book is that it focuses on the 7 deadly sins.. :)
Profile Image for Johanna Lomuljo.
45 reviews
April 13, 2011
Bukod sa intriguing ang cover, wala na akong masabi masyado about this book. Asan na nga pala copy ko nito?
43 reviews
May 31, 2011
Maganda to. Basta. The best si Bob Ong kapag walang certain topic na pinapaikot sa buong libro. Yung random lang? Ganon.
Displaying 1 - 30 of 283 reviews

Join the discussion

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.