This book is an essential read for students of art and art history. It "charts the itinerary of the history of Filipina artists in the visual arts, from the 19th century to the present" and contains a comprehensive demonstration and discussion of how women's art-works present the female body using different media.
Bakit walang mahusay o dinadakilang babaeng manlilikha? Tanong ito ni Linda Lluch. Ganoon din si Datuin. Isang malaking diskusyon ito para sa mga peministang kababaihan sa sining biswal. Maaaring sagutin ang tanong ng aklat na ito na nakasandig sa teorya at praktika sa sining. Esensyal na babasahin ito sa mga nag-aaral ng sining at kasaysayan. Pagmamapa ito ng kasaysayan ng mga babaeng manlilikha sa sining biswal mula sa 19-siglo hanggang sa kasalukuyan. Naglalaman ito ng komprehensibong paglalatag ng diskusyon at usapan kung paano ipinapakita o ipinapahayag ng babae ang kaniyang sarili sa kaniyang sining. Kung titignan sa kabilang banda, isang pagsuporta sa indibidwal partikular na ang kababaihan upang pagalingin ang mga sugat mula sa nakaraan o sa karanasang kinasadlakan. Isa itong transformational na saliksik upang maging kasangkapan sa pagpapalaya ng sarili mula sa dominanteng sistemang patriarkal na lipunan sa pamamagitan ng pag-uunawa ng sining base sa kasarian.
Ang paraan ng epistolaryo ni Datuin ay isang “release” o pagpapalaya mula sa naipong agam-agam, katanungan, galit, marahil, mula sa nakaraan na nagbigay-dulot sa kasalukuyang estado ng sining ng kababaihan sa lipunan.