Kaga-graduate lang nila ng college nang matagpuan umanong bugbog-sarado at tadtad ng saksak ang katawan ni Aaron, matalik na kaibigan ni Eman. Pero hindi kumbinsido si Eman na si Aaron nga ang bangkay na ibinurol at inilibing ng ama at kapatid nito. Dahil walang naniniwala sa kanya, mag-isang sinaliksik ni Eman kung ano ang totoong nangyari sa nawawalang kaibigan - na naghatid sa kaniya sa mga kwentong nagsisimula sa dekada '50 at pinamamahayan ng mga manananggal, ng mga tagaapagtanghal ng salamangka, at ng mga lalaking basta na lang nawawala.
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.
Mas nagustuhan ko ang unang dalawang aklat ni Edgar Calabia Samar, ang Walong Diwata ng Pagkahulog at Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (kapwa 4 stars). Mas gusto ko kasi yong nagiisip ako. Yong pipigain ng manunulat ang utak ko para maintindihan ang sinasabi niya. O yong ipapasok ko ang interpretasyon ko habang ipinipinid ko ang libro dahil tapos ang ang kuwento. Para sa akin iyang dalawang ang kulang dito sa Sa Kasunod ng 909. Ibinigay na halos lahat sa dulo upang wala nang isipin pa ang mambabasa. Hindi rin nag-iwan ng interesanteng puwang na puwedeng magpagana na interpretasyon.
Dalawang story arcs o kasaysayan na sa dulo'y magtatagpo. Ang una ay naganap sa kasalukuyan. Ang kuwento ng pagkawala ni Aaron Santamaria na isinasalaysay ng kaibigan niyang si Eman.. Ang pangalawa ay isinasalaysay ng unknown narrator at tungkol ito sa panahong nakaraan (nagmula sa 1954 hanggang sa kasalukuyan, 2020). Nagsimula ang pangalawang kasaysayan sa pagkawala ni Antonio, ang tatay ni Norman habang nagtatangal sa escapist sa perya sa isang bayan sa Laguna.
Alam mong ang dalawang kasaysayan ay magpapanagpo sa dulo. At iyong ang kasukdulan ng kuwento, di ba? Kasukdulan, ibig sabihin ay iyong ang pinakahihintay. Kaso, noong mangyari 'yon, parang hindi ka ako magulat dahil nakutoban ko na. Tsaka, parang hindi na rin siya mahalaga. Anti-climactic. Yon kasing dalawang kuwento parehong interesante at habang nagbabasa, gusto mong malaman kung anong mangyayari at anong relasyon ng mga tauhan sa magkabilang kuwento. Tapos nag-peak na ang dalawang kuwento bago pa ang rebelasyon. Nanawa rin ako sa paghahanap ni Eman kay Aaron. May mga naratibo sa unang kasaysayang iyon na paulit-ulit. Nanawa rin ako sa paggamit sa manananggal bilang metaphoriya ng pagbabagong-anyo o dalawang personalidad sa iisang tao. Noong nakaraang taon, may Si Amapola sa 65 na Kabanata si Ricky Lee. Tapos itong taong ito, may Halos Isang Buhay na rin si Edgar Calabia Samar. Kahit dati pa, si Jessica Zafra ay nagkaroon din ng manananggal sa Manananggal Terrorizes Manila And Other Stories. Sana iba naman. Sabagay, sa Trese at Naermyth, ginamit na ang kapre, tikbalang, nuno sa punso o imburnal, atbp. Ginamit na rin si Bernardo Carpio sa Tall Story. Bakit hindi ang santelmo (ang bolang apoy sa ibabaw ng dagat)? O ang tikling (ang naninilong na anyong sisiw sa mga naga-agaw buhay)? o ang mambabarang (voodoo witch)?
Doon din sa pangalawang story arc, may mga patungkol sa digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Hapon. Ang dating sa akin ay kasalukuyan pang nagaganap ang digmaan at magulo pa ang mga bayan-bayan sa Laguna at Quezon kaya palipa't lipat ang karaban ni Joselito. Di ba natapos ang digmaang iyan ng 1944-1945? E, nagsimula ang naratibo ng 1954 at yang palipat-lipat na yan ay naganap ng mga 60's. Wala na ang mga hapon. Inisip ko pa nga na baka Vietnam War na ang backdrop ng istorya pero parang hindi.
Yon lang ang naramdaman ko habang nagbabasa. Masaya pa rin ako dahil may mga ganitong bagong aklat na sariling atin na nalilimbag at lumalabas. Kailangan pa rin tangkilikin ito upang mabasa ng marami. Andoon pa rin ang malikot na imahinasyon ni Edgardo Calabia Samar ang ang mga elemento ng bigla-biglang nawawalang tao (Murakami), ang metafiction element na ang karakter sa kuwento ay nagiging isa sa karakter sa totoong buhay (Calvino/Auster), ang paggamit sa panitikan upang matunton ang nawawala (Umberto Eco) at ang mahusay na paggamit ng locale para mapaigting ang kulay ng kuwento at mahabang paghahanap sa nawawala (Bolano). Parang putahe na sinangkapan ng mga pansahog na galing sa iba't ibang bansa.
Hindi na pupuwedeng maging pangit ang lasa. Garantisadong masarap.
Sa Walong Diwata ng Pagkahulog, 3 stars bigay ko, gusto ko 'yung libro. Pero etong librong 'to, Sa Kasunod ng 909, mas gusto ko. 4 stars. I really liked it!
Hindi ako gaano nawala sa istorya ng kuwento. Para sa 'kin malinaw. Malinaw pero may kalituhan pa rin.
May mga nakakalitong... 'Yung magsisimula siya sa simpleng palaisipan tapos kung saan-saan ka na dadalhin, may mga ganun pa rin, marami rin.
Sa mga oras na binabasa ko 'tong libro, pakiramdam ko nawawala rin ako tulad nila Aaron at Antonio. Napupunta sa kung saan.
Nandito pa rin si Teresa. Hindi na siya nakakabasa ng iniisip ng tao sa gabi. Pero puta pa rin siya dito sa libro. Ewan ko pero mas gusto ko si Teresa sa librong 'to. Normal kase? hmmm.
Dalawa ang istorya ng libro, salitan ng kuwento ng dalawang main character sa bawat chapter. Si Eman na hinahanap ang tunay na kaibigan na si Aaron, dahil hindi siya kumbinsido na si Aaron nga iyung inilibing. (Sa kasalukuyan nagaganap, nang mawala si Aaron.)
At si Norman na hinahanap naman ang tatay na salamangkero na si Antonio, na sa kalagitnaan ng pagtatanghal ay biglang nawala. (1954 nagsimula, nang mawala si Antonio.)
Nako, lalu na doon sa mga nagustuhan 'yung Walong Diwata ng Pagkahulog, magugustuhan niyo rin po itong Sa Kasunod ng 909.
Hindi maayos review ko. Kaya sana mabasa na ang libro ng mga matitino gumawa ng review. Hindi kayo magsisisi na binili niyo 'tong libro. Sana gumawa pa si Sir Edgar ng mga ganitong libro, 'yung "Kakaiba".
(Share lang po! Nadidismaya lang ako. Sa NBS ko 'to binili. Sa liblib na shelf nakalagay. Nasa pinaka ibaba ng shelf, katabi; It's a mens world, Ang huling dalagang bukid. Kung hindi ka talaga maghahanap baka umuwi kang luhaan sa pag-aakalang wala ito roon.)
Sino'ng makapagsasabi na si Aaron Santamaria ay hindi si Edgar Calabia Samar? O si Edgar Calabia Samar si Aaron Santamaria? Maaaring hindi nga sila iisang tao tulad ng sinabi ni Clarissa Pamintuan pero maaari din na sinabi lang nya iyon kay Eman dahil iniisip nyang ititigil ni Eman ang paghahanap sa kaibigan dahil dito.
Pero ang masasabi ko lang ay hindi ako patutulugin ng mga tanong na iniwan ng librong ito sa akin. Mga tanong na nabawasan dahil sa mga rebelasyon sa huling bahagi ng libro pero nag-iwan naman ng ilang bagay na hindi nabigyan ng linaw. Kagaya ng anak ni Clarissa. Ng panahon kung saan naroon si Aaron. Ng kung sino ang mga bangkay na nakita nila Ta Sally at ng ibinurol at inilibing ni Jan at ng tatay nya.
mahusay magsulat si edgar calabia samar. nakakahikayat sa pagbabasa dahil nagiging bahagi ang tagabasa sa takbo ng kwento at paghahanap ng paliwanag tungkol sa pagkawala ni aaron. magaling syang magtahi ng mga salita sa tagalog. kahit minsan ay gumagamit sya nga malalalim na salita, hindi naman ito naging balakid para patuloy na makasakay ang mambabasa. magaling ang estilo sa paglalahad ng dalawang parallel na kwento na gaya ng inaasahan ay magiging magkarugtong. malikhain ang pagsasalarawan sa buhay ng mga nagtatanghal. may ilang kwentong puede namang itapon na lang at naroroon pa rin ang buod dahil di malinaw ang kaugnayan nito sa punto ng kwento (hal. ang relasyon lalaki sa kapwa lalaki na nangyari noong unang panahon sa pagkawala/pagkatulog ni Norman at sa pagkagising nito. Matatanong tuloy natin, bakit walang panaginip si Aaron noong siya ang nawawala?). Malapit sa pagtatapos, naging boring at nakakainip ang paglalahad ng pangunahing tauhan tungkol sa kanyang sarili at sa kanyang relasyon kay teresa at ang kanyang sariling pagkakatali kay Aaron. Di rin naipaliwanag kung bakit mas matanda ang hitsura ni Norman kay Antonio, gayong nawala rin naman ang una ng mahabang panahon at dapat ay di rin nagbago ang kanyang hitsura nang muli syang magising matapos ang martial law para ma-offset ang tanda ng pag-usad ng panahon sa kanyang katawan kumpara sa kanyang ama.
sa pangkalahatan naman ay napukaw ang aking kagustuhang basahin ang ilan pang akda ni edgar. sana walang butas gaya ng nakita ko sa librong ito para di naman makadismaya sa bandang huli.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Isa sa mga epekto sa mambabasa ng pagkamuhaling sa panitikan ay masukismo. Gusto niyang masaktan sa sarili niyang buhay paminsan-minsan. Gusto niyang maranasan ang sakit na naranasan ng tauhan sa kuwento o nobela na binasa, kalakip ang pagsubok kung matitiis at malalagpasan ang sakit na hinayaan niyang gawin sa kaniya, o sakit na mismong siya ang gumawa. Habang binabasa ang Sa Kasunod ng 909 (USTPH, 2012) ni Edgar Samar, gusto kong masaktan, mailayo ang sarili sa paulit-ulit na timbang ng mga pangyayari. May pagnanasang iwanan ng mahal sa buhay at ngatngatin ang manggas ng sariling kamiseta. Nais na masaksihan ang pagpunit ng kumot na nakabalabal sa pagtulog, mapakinggan ang mabilis ngunit matalim na tunog ng pagpunit, at mabanaag sa katiting na liwanag ang mukhang may ngiting mahalay at marahas.
Masasabi kong mahilig ako, o sadyang nahumaling dahil sa mga suhestiyon na babasahin ng mga kaibigan at eksperto, sa mga nobela na umiikot sa paghahanap ng tauhang bigla nalang nawala, samantalang ang isang tauhan ay gugugulin ang oras sa paghahanap at pagtuklas ng mga kaligirang misteryo. Nariyan ang Rant ni Chuck Palahniuk at Sputnik Sweetheart ni Haruki Murakami. At heto ngayon, sa nobela ni Samar, muling nagising sa mahimbing na tulog ang halimaw sa akin, ang halimaw ng paghahanap.
Nasa kamay ni Samar ang kampeonato ng detalye. Marubdob at kumplikado ngunit malinaw at nakakaaliw. Binibigyan tayo ng iba't ibang interpretasyon sa mga senyales tungkol sa pagkawala ng kaibigan ni Eman na si Aaron. Mula sa tatlong dahilan hanggang sampu at hindi na mabilang pang mga posibilidad at argumento. Hawak niya tayo sa leeg, mahigpit na pagkakahawak ngunit nagbibigay ng direksyon kung saan tayo lilingon, tititig, at magsisirko. Ang pagbabasa ng nobela ay isang anyo ng masukismo: gusto kong makulong sa kaniyang mundo, mundo na puno ng mga kuwento ng kagila-gilalas na nilalang at mundong malayo sa kasalukuyan at katotohanan. Mundong wala akong papel kundi tumitig sa lahat ng dadaan at mangyayari at saksihan kung anumang karumal-dumal ang sadyang magaganap. Patalbugin kung saang lupa man ako dapat mahulog at lumipad.
Isang pagsubok ang magbasa ng nobela na may parallel narratives o intertwined histories, tulad ng The Storyteller at Aunt Julia and the Scriptwriter ni Mario Vargas Llosa. Ngunit, taliwas sa istruktura ng dalawang nobela, nagtipan at naging isa ang dalawang naratibo sa Sa Kasunod ng 909. Hindi naging hadlang ang pagitan ng panahon ng dalawang kwento (1954-2006). Ang pagkawala ni Aaron at biglang paglaho ng salamangkerong si Antonio ay hindi magkabilang-dulo ng isang uniberso. Bagkus, pinag-isa sila ng pangungulila ng mambabasa.
Pinagtibay ng huling dalawang kabanata ang pag-iisa ng sanga-sangang kasaysayan. Nabigyan na ng resolusyon ang mga pagkalito. At ito ay banayad na inilatag ng nobelista. At ito ang nais ng masukistang mambabasa, unti-unting latay, panaka-nakang laslas habang butil-butil ang dugo na umaagos sa balat. May melodiya, hindi nagmamadali. Ngunit tulad ni Eman, hindi pa rin titigil ang mambabasa sa paghahanap ng tunay at ganap na solusyon. Mananatiling isang lagalag sa kadiliman, hahayaang ang mga espasyo sa pagitan ng mga salita at buntung-hininga at ang nakabibinging katahimikan ang maghusga at pumaslang sa aswang na nananahan sa pagkahumaling sa binabasa.
Sa unang buklat ko pa lang ng libro, may tanong na agad ako sa talaan ng nilalaman. Kung paano pinili ang bawat pamagat sa bawat kabanata at makikita din na hindi mawawalan ng numero sa bawat pamagat. Na parang nagsasabi na may katiyakan na nga sa bawat kabanata at hindi malilito sa panghuling pahina.
Makikita din na may intertekstwalidad sa libro, makikita ito sa pagsusuri ng porma gaya nga ng text messages, maikling kwento, logbook, komiks at iba pa. Sa paggamit ng intertekstwalidad, makakabuo tayo ng isang kuwento na kayang tumayo mag-isa pero binuo siya ng iba 't ibang kuwento. Nagpaparamdam din ang Walong Diwata ng Pagkahulog sa daloy ng kuwento. Kung saan makikita natin ang karakter ni Teresa at ibang teksto na may kinalaman sa nasabing nobela. Kahit papaano may koneksyon sila sa isa 't isa pero hindi talaga sila konektado.
Sa dalawang magkaibang timeline, masusuri natin na wala pa sa gitna ang mga karakter, nasa bingit pa lang sila ng kanilang buhay. Naratibo ito ng kasalukuyan at nakaraan, si Eman at Norman. Parehas na nawawala pero sa magkaibang paraan. Si Eman, nasa bingit ng katiyakan at walang katiyakan. Si Norman, nasa bingit ng pagkawala at pagtatagpo. Habang nabubuhay sila sa mundo ng meron at wala, natatanggalan din tayo ng nosyon ng katiyakan. Saan nga ba tayo madadala?
Ano ang ganap ni Clarissa, Teresa, at Tonyo sa naratibo? Pwedeng sila ang mga susi sa tatlong pagbabagong buhay ni Eman, na hindi naman totoo dahil habang may nakikilala siya, bumabalik din siya sa paghahanap kay Aaron. Bakit umalis si Norman sa teatro? Siguro dahil may katiyakan sa walang katiyakan na kanyang tatahakin kaysa sa teatro na may tiyak na paroroonan pero di-tiyak sa tinatahak niya.
Ang paggamit ng mga halimaw sa konteksto ng Filipino ay nagampanan nang maayos. Nakita ko ang salamangkero at manananggal para maibahagi pa ang ibang takot at bagong mukha ng mga halimaw. Na pwedeng hindi lang sila ang katakutan at may ibang mahika na pwedeng sumira ng natural na buhay.
Siguro dahil Sa Kasunod ng 909 ang pamagat dahil 911 yung address ng library na kung saan nakita niya si Clarissa Pamintuan. Sinabi niya na odd numbers lang yung mga numero at doon sa 911, nakita niya ang mga binabasa ni Aaron. Pero balik tayo kung bakit nag-comment si Aaron dun sa blog or website nila Teresa. Siguro bago mag 911, yung 909 ay ang lugar kung saan nagaganap ang mga booking nila Teresa at si Eman na ang nagiging 910 dahil siya ang pumapagitna sa mga ito. ('di ako sure pero nag-assume lang ako)
Sa kabilang banda, si Norman naman ay nasa gitna ng hinaharap at nakaraan. Ang pinsan niya na si Miguel at ang lumitaw niyang tatay na nawala for 15 years.
Sa pangwakas ng nobela, makikita natin na may koneksyon sa dalawang timeline . Naging isa sila at nabuhay sila sa kalagitnaan ng mga bagay. Ngunit hindi pa rin mabibigyang lunas ang iba 't ibang tanong na lumalabas sa katapusan ng nobela. Kasi kung iisipin natin, hindi naman talaga natapos. Katulad ng Walong Diwata ng Pagkahulog binibigyan ka ng laya mag-isip. Hindi natatapos ang pag-iisip sa pagtagpo ng dalawang naratibo.
Siguro dala na ng emosyon tong 5-Star rating na to, kasi sobrang tagal na mula nung ma-amaze ako ng sobra sa Binabasa ko to the point na napapamura ako sa ganda. Yung parang pag natapos na para kang lumulutang. Ganun. And right after I finished this book, kinuha ko yung kopya ko ng Walong Diwata ng Pagkakahulog at nag-backread ng konti. It gave a whole new dimension/framework dun sa Walong Diwata, na parang hmmm..si parang HOMGHOMGHOMGAng galing. Hassle hahaha!!!! Tapos nag-calisthenics pa yung utak ko sa dulo kasi trina-try kong i-connect kung taga-Tagkawayan ba yung tatay ni Eman
Also I guess I like these more than the Janus Silang series even though halos parehas sila ng elements - i.e. Old Klassik Komiks, Diwatas, Tiyanaks, Disappearing people kasi mas may lalim, mas may isip (?) - may elucidation ng mga bagay gaya ng Pag-kakaibigan, Pag-likha at kung ano pa. Parang naiindulge ang intellectual part ng utak ko. Plus yun nga, nakaka bale-balentong na yung utak ko in connecting everything and it's just mindblowing. Ang saya, ang saya ng librong to.
This entire review has been hidden because of spoilers.
isa sa mga reason kung bakit interesado ako sa mga libro na ganito sa title pa lang makucurious ka na (kung bakit ganyan ang title?). medyo na dismaya ako sa dulo where in na solve na ung "ibang mga tanong". isa sa mga question pa rin sa kin kung ano ang kuniksyon ni aaron kay teresa at kay clarisa? at bakit pangalan nya ung nakalagay sa photo blog na "sa kasunod ng 909". hindi rin naging klaro kung san nagmula ung sumpa na tuwing sasapit ung 22 taon ng lalaki sa pamilya at kung naging si batohan si norman? sa bawat pag kawala ba ng mga lalaking nasa pamilya nila tuwing sasapit ang 22 taon nila napupunta ba sila sa ibang panahon, ibang lugar at ibang pag katao? kung nasagot ito sa libro na hindi ko napansin. hanga ako kay mr. edgar.sa kabilang banda humahanga ako sa pagiging totoo ng bawat salita sa librong ito medyo sensored pero totoo. maganda and librong ito. hindi ko pa nababasa ung dalawa pang libro ni mr. edgar interesado na ko sa dalawa nya pang libro lalo't na may ediya na ko sa gawa ni mr. edgar. Mga aswang puta at manunulat.
Another entertaining read from Egay Samar, Sa Kasunod ng 909 is the second of an intended trilogy along with Walong Diwata ng Pagkahulog. The fantastic element in 909 is more pronounced and in-your-face that it constantly challenges the reader's belief in the story it's trying to tell - whether to suspend it and accept the book as a fantasy, or cling to it and keep reading the book as a mirror of real life, only to realize in the end it's both. 909 is a celebration of the author's unbridled imagination and his masterful storytelling; the short stories sprinkled in it surely prove so. I am in love at how excellently Egay Samar has harnessed the Filipino language to sound so beautifully, and feel so poignantly.
In the end, same as with Walong Diwata, I kept wondering again why the title? And moreso, what would I do if those things happened to me? Who is Teresa in all this? And will Eman see Aaron again?
Asteeeg! Isa sa mga da best na postmodernong nobela na nabasa ko. Hitik na hitik sa metaliteratura/metanaratibo (na isang pangunahing katangian ng mga akdang postmodern) na kapag nagpatangay ka sa agos ay ililigaw ka (kung saan mapapadpad, hindi natin tiyak). Ngunit bakit nga naman hindi papatangay sa agos kung ihahatid ka nito sa di-malay na daigdig kung saan maaari palang maging "maaari" ang akala nating hindi maaari? At isa pa, walang malay akong naging si Eman, naging si Aaron, at bilang mambabasa'y isa marahil sa naghinanakit kung bakit hindi man lamang nagkatagpong muli ang dalawa.
This is the very first book that I bought from the UST Publishing House, and it is definitely worth it. "Sa Kasunod ng 909" reminded of Audrey Niffenegger's "The Time Traveler's Wife" and of the writings of Paulo Coelho and Alain de Botton.
Ilang gabi ko rin itong binuno para basahin. Mga tatlong gabi. Tatlong gabi na ito ang nagpakalma sa binabagyo kong isipan. Kailangan ko ng mapopokusan ng atensyon bago matulog, at iyon nga ay ang paghahanap ni Eman at mga kuwento nitong sinusubaybayan na di-pangkaraniwan. Nagustuhan ko ang nobela. Masasabi ko na mas nakuha ko at nahulog ako sa nobelang ito kaysa sa una. Ngunit parehas silang may magandang bisa sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti pag nababanggit ang Barangka o Riverbanks, dahil hindi man ako taga Marikina, naging bahagi pa rin 'yon ng pagkabata ko tuwing nagbabakasyon ako sa bahay ng aking tiyuhin. Nagustuhan ko ang mga karakter na binubuo ni Sir Egay, kahit yung dapat kainisan, hindi mo maiwasang maawa kung bakit siya naging gano'n. Tila ba karakter silang buo na may rason kung bakit ganoon umasta. Hindi sila basta-basta ganun na lang na dapat kainisan o pandirihan, may kuwento na laging bitbit ang narrator. Sinususog ang kasaysayan ng karakter, ipinakikilala siya sa paraang maiintindihan siya. Hindi pa rin pumapalya ang manunulat sa pagiging adventurous ng kaniyang mga tauhan, na masaya naman akong yumayakag kasabay ng mga karakter niya sa imahinasyon ko. Hindi na ako makapaghintay sa huling libro ng Trilohiya ng Mga Bilang, ito ang pangalawa. Nawa'y hindi malayo sa hinagap ko ang paglabas ng ikatlong nobela.
Medyo bumagal habang papatapos na pero gugulatin ka ulit sa bandang last 30 pages at pagtatagpiin lahat. May mga tauhang hindi ko naintindihan kung bakit lumitaw o pinangalanan. May mga tanong pa akong hindi nasasagot: [SPOILERS] sino ang nag-a-update ng photo blog? Anong kinalaman ni Aaron kay Teresa? Hindi rin ba nawawala si Jan? Para saan yung mga akdang kinokolekta ni Aaron? Atbp.
Matagal ko na ring nabasa ang nobelang ito (2015 pa). At masasabi kong isa lang ang nobelang ito sa mga patunay na isa sa nangungunang mga nobelista ng fantasy fiction sa bansa si Samar.
Sa una, magtataka ka kung bakit magkaiba ang font style ng odd number at even number na kabanata ng libro.