This first book of poems by Miguel Paolo Celestial brings to life the years in his life that he wants to forget and leave behind but continue haunt him when he was gradually consumed by desire and completely overcome by drug addiction.
Miguel Paolo Celestial is an award-winning poet from the Philippines. His first book of poetry, 𝑆𝑎 𝐼𝑘𝑎-𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑆𝑖𝑟𝑘𝑢𝑙𝑜 𝑛𝑔 𝐼𝑚𝑝𝑖𝑦𝑒𝑟𝑛𝑜 (𝐶𝑖𝑟𝑐𝑙𝑒𝑠 𝑜𝑓 𝐻𝑒𝑙𝑙), received the Philippine National Book Award for Best Book of Poetry in Filipino and the Madrigal Gonzalez Best First Book Award. He also won Honorable Mention in Premyong LIRA in 2023 for a collection of poetry that will be part of his next book, 𝐴𝑙𝑖𝑚𝑝𝑢𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝐺𝑖𝑡𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑃𝑢𝑟𝑔𝑎𝑡𝑜𝑟𝑦𝑜 (𝑊ℎ𝑖𝑟𝑙𝑤𝑖𝑛𝑑 𝑖𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑀𝑖𝑑𝑑𝑙𝑒 𝑜𝑓 𝑃𝑢𝑟𝑔𝑎𝑡𝑜𝑟𝑦).
Hindi ko alam kung paano magreview ng tula pero gusto ko lang sabihin na noong una, akala ko hindi ako maaapektuhan ng koleksyon ng mga tula na ito.
Akala ko hindi ako ang target audience as someone na hindi nagbabasa ng poetry book.
But this book took me on a journey of lust, drugs, and addiction. Hindi ko in-expect na a poetry book can have a climax, a build up, and nakita ko na lang ang sarili ko na engrossed sa bawat tula.
Ang paborito ko ay 'yung Multo.
Babasahin ko ulit 'to in the future para mas manamnam ko.
Salamat Balangay Books for sending this my way! Thank you for introducing me to these books!
Sa pagsisimula, akala ko’y isa itong koleksyon ng mga tula tungkol sa tema ng pagiging isang bakla. Ngunit hindi lamang doon umikot ang katipunan, bagkus, may dagdag na sensitibong paksa tungkol sa adiksyon na hindi ko akalain na ito ang magiging tema ng libro.
Isa sa mga nagustuhan ko ay ang pag-ikot sa iisang paksa ng mga tula ngunit sa kabila nito, hindi magkakatulad at may sariling buhay ang bawat isa. Karugtong nito, may progresyon ang kalipunang ito, na tila nagkukwento ang may-akda.
Mabigat ngunit may katapangan sa bawat saknong ng tula, hindi lamang sa paggamit ng kung tutuusin ay mapusok na mga salita kundi dahil sa pagkakabuo ng mga ito.
Hindi ito ang inasahan kong magiging takbo ng libro ngunit hindi naman masamang masorpresa paminsan-minsan. Grabe, ang ganda.
The Devil is in the details of Miguel Paolo Celestial’s deeply personal poetry collection, Sa Ika-Ilang Sirkulo ng Impiyerno, where he exposed the debilitating influence of drugs in his life. Celestial is a keen and vivid storyteller, completely recreating the hellish disarray his vice caused to his physical and spiritual properties. The poems were filled with pictures of rotting food, discarded waste, and intoxicating sex that gave an incredibly visceral feeling of despair. He called this book “a culmination of [his] exorcism of that experience” and it felt as such. However, it was also a path, what Celestial wrote in this collection: at once, a deeper descent through hell and then his ascent upwards and out of it. “Ngayon tuluyan akong nakalabas, muling nagsisimula. / Nagsusulat na ako ulit. Sa sarili nagmamalasakit.”
Saan nga ba umabot ang panulaan ni Celestial matapos ang pagkakalimbag ng koleksyong Sa Ika-Ilang Sirkulo ng Impyerno? Umaabot ito sa puso, diretso sa buto ng mambabasa. Nasa bawat tula ang wika at sensibilidad na tanging ang mga nasa komunidad na LGBTQ+ lamang ang maaaring makaintindi. Pero hindi ko kinukulong doon ang sensibilidad na ito dahil marami sa koleksyon ay unibersal na danas gaya ng kalungkutan, pagkadarang, at maging pagmamahal.
Sino ba ang gustong manatili sa paikot-ikot na pasakit na pinamumukha ng lipunan? At sino rin ba ang ayaw makarating sa toreng-garing na nais mapuntahan ng persona sa koleksyon ni Celestial? Dala ng paulit-ulit na pagbalik sa pagkalulong, makikita na ang persona ay bumalik muli sa rehab kahit na tatlong taon ang itinagal niya doon. Sa tulang “Shrader House”, dito ko muling natutuhang may buhay sa labas ng bisyo, at sino ba ang nagsabi sa personang hindi siya buhay maging sa pagkalulong sa kaniyang naging bisyo? Malaki ang kasalanan ng lipunan sa persona sa koleksyon ng mga tula ni Celestial.
Alam kong mahusay si Sir Miguel pagdating sa pagsasalansan ng salita, pero nasurpresa pa rin ako sa pagkakawasak ng mga imaheng inihain n'ya rito. Ramdam mo lahat ng nakausli, gusot at nagkalat na abo, bote, pulutan at pawis na siniksik sa manipis na librong ito. Sulit ang latag! Mapapakapit ka hanggang dulo!