Madaling-araw na subalit nasa deck pa rin ng yate niya si Renz Navarro, tired and bored to death. He had just made love to his current girlfriend and found no satisfaction. Nang mula sa kung saan ay nakita niyang sumampa sa railings ng yate ang isang… babae!
His yacht was more than a thousand yards from Manila Bay. Ang magkaroon ng hindi inaasahang panauhin mula sa madilim na karagatan sa ganoong oras ay bahagi lamang ng pagkamangha niya. What drew his breath was the fact that the woman who climbed up to his deck was wearing nothing but – seawater dripping from all over her body!
Martha Cecilia is a bestselling Filipino romance novelist who writes for Precious Pages Corporation. Many of her books have been adapted on TV including Impostor and her highly-acclaimed, Kristine Series.
Ito ang unang storya ng Kristine Series na nabasa ko. At dahil sa kwentong ito ay lalo lang akong na-inis sa pangalang Renz. Napapamura ako eh habang nagbabasa, bawat paglipat ko ng pahina hindi ko maikaila na ang bilis ng tibok ng puso ko. I was freaking palpitating! An ultimate page-turner!
Jusko! Nakakainis kung bakit hinahayaan ni Shannon na api-apihin at husgahan ni Renz ang pagkatao niya. Hindi ko lubos maisip na 'Why? Why Ms. Martha? Bakit mo pinahirapan nang ganoon ang herione mo sa storya?!'