Jump to ratings and reviews
Rate this book

Lovestruck: Singles Edition

Rate this book
"Graduate na ako sa puppy love!"

Feeling mo mature ka na kaya di ka na basta-basta mabo-brokenhearted. Nakaka-ilang MU ka na pero bakit hindi pa rin natutuloy sa totohanang relasyon? Pray ka nang pray para sa one true love mo pero paano kung napunta siya sa iba?

Worth it magmahal kahit may risk masaktan pero mag-ingat ka naman. Imagine, gusto mo ba talagang magzipline na walang harness o tumawid habang naka-go pa ang stop light? H'wag itaya ang buhay at puso mo when you're falling in love.

Seryosohin mo na kasi ang paghahandle sa lovelife mo at baka sakaling seryosohin ka na rin niya.

121 pages, Mass Market Paperback

First published September 1, 2012

94 people are currently reading
1312 people want to read

About the author

Ronald Molmisa

15 books155 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
415 (58%)
4 stars
142 (19%)
3 stars
99 (13%)
2 stars
38 (5%)
1 star
21 (2%)
Displaying 1 - 29 of 42 reviews
Profile Image for Rigel Fortaleza.
2 reviews1 follower
December 1, 2012
Graduate na ako sa Puppy Love at matagal ko nang sinuotan ng imaginary blinders ang puso ko. Gusto ko kasing ipreserve ang sarili ko dahil alam kong “the one” ako ng “the one” ko. Masyado ring mataas ang standards ko at wala akong pinapasa. Matibay masyado ang bakod ko dahil ayaw kong masaktan at matulad sa iba. Binaling ko sa iba’t ibang bagay ang atensyon ko hanggang sa hindi ko na iniisip ang lovelife ko. Dadating din yan – yan ang motto ko. Para sa akin, hindi ko ito kailangang pagtrabahuhan. Passive na paghihintay.

Marami sa aming mga singles o young professionals ang takot dahil sa commitment. Sa pag-aasawa pa lamang at kaakibat nitong mga responsibilidad ay atras na ang madami. Ang iba naman ay deny to death at ayaw aminin na gusto rin nilang magmahal at mahalin. Ang ilan naman ay sige lang nang sige at walang pagpapahalaga sa pusong dapat ding alagaan. Distorted na kasi ang “pag-ibig” sa pandinig dahil sa iba’t ibang karanasan. Kaya marami sa amin ay hindi handa at hindi naghahanda. Marami sa amin, lalo na sa mga babae ang walang makita. Nakakalungkot lamang isipin na kung kelan pwede na naming isipin ang lovelife ay saka naman ito nasisira.

Nang nabasa ko ang Lovestruck Singles Edition, parang naging pula ulit ang mga namuti kong red blood cells. Tila nakaharap ako sa salamin nung binabasa ko ang libro sapagkqt nakita ko ulit ang pagkaka-disenyo sa akin ng aking Manlilikha. Nakaka-excite! Nalaman ko rin kung paano ako lalu pang makatutulong sa aking “the one” dahil nabatid ko kung paano siya nilalang ng Diyos at paanong kami ay magkatugma. Ang ganda!

Muli kong natanaw ang totoong kulay ng pag-ibig. Sa kariktan nito’y hindi ko dapat itanggi na nais ko itong maranasan. Hindi na dapat maging in denial pa dahil nilikha rin ako para magmahal. Naging bukas ang isip ko nang nabasa ko ang libro. Mas magiging ako si ako. At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa perpekto Niyang plano. Tunay nga na mahal Niya tayo.

Ang aklat na ito ay highly recommended sa mga singles. Napakapraktikal at true-to-life ng mga natutunan ko sa libro para maghandaan ang bagay na ito. Para sa akin, hindi lang ito makakatulong kung paano ko pakikitunguhan ang aking “the one” sa future. Ngunit pati kung paano ko pakikisamahan ang mga kapwa ko singles.

Na-lovestruck ako! Ngayon, hindi lang ako passive ma maghihintay ngunit actively na maghahanda para sa magandang plano ng Panginoon. Masmakakatulong ito sa akin para maging “the one” ng “the one” ko. Salamat sa librong ito at pinalaya ako sa mga myths na inakala ko ay totoo.
Profile Image for Maria Ella.
562 reviews102 followers
October 14, 2012
Hi Cary,

Thank you for recommending this book. I really enjoyed reading it. And discussing this with Mum and Kitty (my little sister) was totally awesome.

I believe in love. I believe it to be transaparent (black or white,no gray areas, no issues) and true and it is God's will for us to be intimate. I believe for a purposeful singleness. And I believe in our will to take courage and love another person so purely with nothing to expect in return.

I believe in prayers for a fateful time. I believe in our will to take risks. I believe in faith and fate.

I believe in love, Cary. I believe that maybe all these heartaches were life lesson on how to deal with life, on how to resolve our personal issues, and how to be be hopeful for the moment.

I believe that God is grooming my man to be man enough to face me and take the road we both longed for. :)

This is so Joshua Harris. A man-friend / superfriend that pats me in the back and tells me that it is okay to cry and ponder. And much much easier to restart your life and be back on the road. There maybe linger on some instances or memories that you cannot "just turn them off", but you know that you can do some things because there is more to life than what you are now.

Thanks again, Cary. We shall wait for our partners when the time comes. :)
Profile Image for ABYbliophile.
113 reviews12 followers
January 3, 2016
Super galing talaga magsulat ni Pastor Ronald. Yes, this book is all about singles, but it doesn't mean that he'll just focus about his advice for single persons. May mga topics din about marriage, heartbreak, and etc. It's all in here! What's great in this book is that he also added bible verses within his love advice. Mapapasabi ka na lang ng: "OO NGA NO?"
Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
September 19, 2012
Nasagot na rin ako sa wakas!

Di ko inaasahan na ganun ang magiging laman ng libro. Kumpleto. Naisali lahat ni Pastor Ronald Molmisa ang lahat ng gusto kong malaman nung unang Lovestruck pa lang. Mas maganda talaga siya sa nauna. Mas may laman. Siksik ang laman. Wala ng kung anu-ano pang pahaging. Nadiscuss niya lahat simula sa pagiging single, ligawan stage, MU, Bf/gf na, break up, hanggang sa pagpapakasal. Hindi na ko magtataka kung wala ng kasunod na Lovestruck. Damay na lahat e.

Foreword pa lang (o pasasalamat) tuwang tuwa na ko. Biruin mo saktong nangyari sa libro kong puti yung sinabi niya. Kulay puti hanggang sa manilaw muna at naging brown na at nagkatupi tupi ang mga pahina. Yan ang kinahinatnan ng puti kong Lovestruck pagkatapos pagpasapasahan ng ibat ibang salinlahi at mapasakamay ng sandosena. Ngayon, hindi pa rin nakakabalik sakin yung libro. Natutuwa naman ako dahil maraming binabagong buhay yung librong yon.

May mga napansin akong pagbabago. Una wala na yung mga quotable quotes na kadalasan ay nakabox. (siguro hindi na siya naglagay ng ganun dahil sobrang dami baka kumapal ang libro) Pangalawa, hindi na siya mini bible, di gaya nung naunang Lovestruck at Pass or Fail. Puro dedication na lang kay God pero wala ng bible verses. Isa sa pinakanagustuhan ay sobrang dami niyang bagong terms at words pagdating sa pag-ibig na angkop na angkop sa panahon ngayon. Gustong gusto ko pa rin talaga yung mga illustrations ng libro. Simple pero artistic.

Habang nagbabasa ako sa room namin, ang daming naiintriga kung ano ang laman ng binabasa ko. Merong hihiram saglit, scan-scan ng laman tapos ibabalik sabay sabing "pahiram ha pagkatapos mo" sagot ko naman "sige, kaso medyo matagal ka pa, may nauna na sa iyo e" . Biruin mo yun hindi ko pa man tapos basahin trending na agad sa buong klase. Meron pa sabi bibili na lang daw siya baka daw kasi ugatin siya paghihintay. Nakakatuwa talaga pagdating talaga sa lovelife hindi magpapahuli ang mga kaklase ko. Ngayon napahiram ko na yung libro at magbibilang na ko ng buwan bago makabalik sakin yun. Sana lang may cover pa siya pagbalik matapos mapasakamay ng sandosena.

Salamat. Nasagot na ang tanong ko. Ngayon, hindi ko pa masasabi na siya na nga. Pero malay natin pagdating ng panahon masabi ko na ring siya na nga.

Alam ko na ang gagawin ko. Alam ko na ang iiwasan ko. Alam ko na rin kung paano. Pero may problema pa rin ako. Kelan? heheh bahala na.



May isang lovestory din pala ang libro na nasa bandang hulihan. Ang kwento ng buhay pag-ibig ni Teofilo. Simple lang ang kwento, wala masyadong twist. Kaya napaisip ako, bakit maglalagay ang author ng isang simpleng lovestory sa libro,? Unless espesyal ito sa kanya. Kaya malakas ang kutob ko Lovestory yun ng author. Lovestory ni ginoong Ronald Molmisa. ( Mang Onad pakisabihan na lang ako kung tama ang hinala ko)




Profile Image for bookishpoetess.
623 reviews75 followers
December 1, 2015
"Ang pagiging single ay hindi isang sumpa na kailangang ikalungkot, iwasan o katakutan. Ganundin, do not despise marriage. Kung may kakayahan kang mag-asawa, go for it."

The book, as I see it, is something people should spare a time in reading. Though it is "Singles Edition," anyone can gain knowledge about the process of marriage. The author shared his wisdom about singlehood, courtship, dating and marriage and how God is involved among them. It is a good read, indeed. It made me feel good being single. That it is not a sin and something I shouldn't be ashamed of. And I guess, I won't be marrying anyone soon.
Profile Image for Mhell Reyes.
1 review14 followers
October 15, 2012
Really fun stuff to read! Dami kong natutunan at narealize na mga maling ngawa ko in the past at my mga nagawang tama din! Tlgang dpat tlga let God decide ur best lovestory!
Profile Image for Claire, The Slow Reader.
377 reviews3 followers
March 5, 2024
Natuwa ako sa paggamit ni Molmisa ng mga lokal na sanggunian at humor na talagang nakaka-relate ang mga Pilipino. Itinuturo niya na ang pagiging single ay hindi lamang isang yugto ng paghihintay, kundi isang panahon ng paglago at paghahanda para sa kung ano man ang mayroon ang hinaharap para sa atin.

Ang Lovestruck: Singles Edition ay makapagbibigay sa mga mambabasa ng inspirasyon na yakapin ang kanilang kasalukuyang estado sa buhay at gamitin ito bilang isang oportunidad na mag-focus sa kanilang personal development, spiritual growth, at pag-abot sa kanilang mga pangarap. Sa madaling sabi, ito ay isang libro na magpapalakas ng loob at magbibigay ng bagong sigla sa sinumang single na naghahanap ng direksyon at kahulugan sa kanilang buhay. Highly recommended para sa lahat ng singles out there!
Profile Image for Angel Mae.
11 reviews
June 6, 2015
“If God is all you have, you have everything you need.”

Hindi talaga ako mahilig sa mga ganitong uri ng libro. Napilitan lang akong basahin kasi ang tagal niya ng nasa bookshelf ko at hindi ko pa din nababasa. Hiniram ko kasi ‘to sa kaibigan ko noon sa hindi malamang kadahilanan. Nasimulan ko na ‘to dati pero nakalimutan ko na kaya inulit ko ulit. Pero hindi ako nagsising binasa ko ‘tong libro na ‘to. Ang dami kong natutunan. Ang dami kong narealize sa buhay lalo na tungkol sa “love” na yan. At ang nakakatuwa pa, Lalaki yung author ng librong ‘to. Nagulat nga ako nung narealize ko na lalaki pala yung nagsulat nito habang nagbabasa ako. Wala lang. Hindi ko lang ine-expect na sa isang lalaki manggaling yung mga nabasa ko. At habang binabasa ko ‘tong libro na ito, Damang-dama ko yung pagmamahal ni Mr. Author sa asawa niya. Ang nipis lang ng librong ‘to pero natagalan ako sa pagbabasa. Paano ba naman kasi everytime na may maganda linya, tina-type ko sa tablet ko. Wala lang. Ganun talaga ako eh. Ang hilig kong i-type yung mga magagandang linya mula sa libro para i-tweet o kaya naman minsan sini-save ko lang talaga sa notes sa tablet ko. Kaya ayun, Patigil-tigil ako sa pagbabasa. HAHA! Pero all in all, Maganda talaga ‘tong libro na ‘to.
1 review
November 11, 2012
one of the most beautiful book i ever read...
this could be one of those books worth reading...
things change and even the way i think, it exceptionally change about me...lahat andito na... mga bagay na alam mu na peru hindi pa pala...akala mu tama peru hindi pala... it's all in here.. this book say it all...
maybe, i could make my bitter layf better this taym...
after reading this book, napapa-'oh, ah, ganun?, o nga...peru... siguro...shocks, tagos... mygali, this is me!...awww, sakit nun...at yess, i know now!' and emote ko...
i laugh, i cry, and i feel so relax after i read this book. kasi, tinamaan ako...kasi, isusupalpal talaga sayo ng libro ang totoong katotohanan...dahil habang binabasa mu to, naanjan si Lord sa tabi mo., pinapakita sayo ang isang bagay at pinaparamdam sayo ang isang pakiramdam na tanging sa kanya mu lang mararamdaman...
as we say, GOD is love... so, we should let him write a love story for ours to have... wag tayo manguna at wag tayong aggressive makuha ang hindi naman talaga atin... let him be in control... He knows best better than ours...
i appreciate this book so much... WORTH IT. :)
Profile Image for Aubrey Zarina Gagto.
37 reviews17 followers
January 27, 2014
Talagang nakaka Lovestruck ang libro na ito!!!Sobrang nakaka-amaze si Lord kung paano nya ginamit si Pastor Ronald para malaman ko kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Sa panahon ngayon marami sa aming mga kabataan ang may maling pananaw sa pag ibig,lahat nagmamadali sa pakikipagrealsyon kahit hindi pa tama ang oras.Kaya tuloy sa heartbreak din ang ending ng lahat lahat.

Salamat at may ganitong libro dito mo makikita na dapat inihahanda mo ng tama ang sarili mo para sa iyong "THE ONE",na ang pag-ibig ay hindi isang laro laro lamang...Sobra kong ipinagpapasalamat kay Lord na single ako na dati ay ikinalulungkot ko kasi alam ko na hindi pa ang handa ang lahat.May tamang timing ang lahat at andyan sya na nagmamahal sa akin.


"Let God write your love story!"




Profile Image for Jen Zeun.
2 reviews
May 12, 2013

This book is quite different from the first edition though they do have the same ground. I bought this book not because I am fan of the author or something, but I bought it because of the title, Lovestruck: Singles Edition. I thought this edition will talk about pursuing a solo flight in terms of love. Poor me because the book wasn't.

But in the end, I learned a lot from this book. ^^

Kudos to the author who was able to deliver this message packed in a cool way that teens may love it.

Glory to God :) Bless more people by recommending this.



^^
Profile Image for Odie.
20 reviews57 followers
June 8, 2014
gradweyt na ako sa puppy love!
yey.
***
mga kapatid, i tell you may romantic powers ang ube cake. take it from our author nalang, ang kanyang mga salita ay hindi lamang galing sa isang kuyang nagmamalasakit bagkos sa isang pastor na handang magbigay ng payo sa mga karaniwang isyu na kinakaharap ng mga tao sa pangkasalukuyan.
***
desperation often results in impatience. impatience leads to wrong decisions.
Profile Image for Rachele Joyce.
4 reviews8 followers
December 10, 2012
Reading the Chapter 1, it almost convince me that "It's more fun to be Single." I love the book, hope i can find the "Pass or Fail?: Paano Maging the Best Student Ever" and "Lovestruck: Love Mo Siya, Sure Ka Ba?"

More powers to Mr. Ronald Molmisa. Your love story with your Dearest Gigi is so cute <3. God Bless Sir.
Profile Image for Krizhelle.
2 reviews3 followers
February 10, 2013
Matagal ko na nilagyan ang puso ko ng shield na gawa sa titanium. Para kahit ilang ligaw na bala ang tumama sakin, hndi ako masasaktan. Matagal ko nadin nilagyan ng boundaries ang buhay pag-ibig ko dahil naniniwala ako na mas maganda ang pinaplano ni Lord para sakin. Dahil sa libro na to, mas lalong lumakas ang paniniwala ko sa mga plano Nya sakin.
Profile Image for Ara.
15 reviews
March 18, 2013
Naalala ko bigla ang "I Kissed Dating Goodbye" ni Joshua Harris. Magandang ipabasa ito sa mga taong naiinip na sa kahihintay sa kanilang 'the one', sa mga taong labis nang nasaktan at sa mga taong nagtatanong sa sarili kung may abnormal ba sila dahil hindi pa nila nararamdaman ang pagiging in-love. :)

Profile Image for Dane Icatlo.
9 reviews
Read
January 4, 2013
Straightforward, realistic and applicable to today's society. I just finished it in 3 hours kasi ayoko nang ibaba ung book. It has good advices that can really guide singles. And lastly affordable lang :p
Profile Image for Anna Paulina.
45 reviews10 followers
August 31, 2022
"This book should also be known as Relationship101: Taglish Edition. The book is OK, some parts will hit you, some parts average, and some parts are just TMI (too much info).

*thank you twin @Naomi Azarcon for reconmending & lending this book to me. :-*"
Profile Image for Maricar.
25 reviews21 followers
October 11, 2014
Not the first book from the series but this has got to be my favorite. I like the very informal style used by the author to present issues because he knows who his target audience.
This is a good read - very light yet not straying from the truths it wished to convey.
Profile Image for Kristina.
4 reviews22 followers
April 6, 2016
Masarap maging single. No limit ang mga bagay bagay na hilig mong gawin. Pero bakit ka nga ba Single? Is it a choice? o talagang hindi ka pa handa? Read Lovestruck Singles Edition and learn more.

#single #singlenomore #God'stimeisperfect
Profile Image for Anna Katrina.
30 reviews14 followers
August 5, 2014
I didn't like how this book was written. Ideas were scattered and wasn't organized well. I didn't intend to buy the other books because of this. Quite disappointed.
Profile Image for Martin Sianghio.
2 reviews2 followers
March 20, 2013
It really give a wider perspective on what, when, and how to go about looking for that "the one" when it comes to looking for someone to spend the rest of your life with.
Displaying 1 - 29 of 42 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.