Jump to ratings and reviews
Rate this book

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?

Rate this book
Bakit hindi ka crush ng crush mo? Ang aklat na ito ay kailangan mo sa buhay pagkatapos mong matugunan ang food, clothing, security at iba pang nasa pinaka-ibaba ng Maslow's Hierarchy of Needs. Bago ka umibig, at para maabot ang self-actualization, magbasa-basa ka muna. Thank you.

"Walang gamot sa katangahan. Prevention lang -- wag umibig <3" -Ramon Bautista

127 pages, Mass Market Paperback

Published September 1, 2012

668 people are currently reading
10690 people want to read

About the author

Ramon Bautista

5 books503 followers
"Ang pinagpalang misyon ko sa mundong ito ay magpasabog ng kaligayahan sa pamamagitan ng pag-ibig at gandang lalake." -Ramon Bautista

Ramon Bautista is a self-proclaimed internet action star and next boyfriend material. He took up Film and Audio-Visual Communication in the University of the Philippines as his undergraduate course and pursued graduate studies in the same field. He is a university teacher, radio DJ, TV show host, film producer and commercial model.

From Ramon Bautista's "About the Author Page" in his first book

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2,059 (42%)
4 stars
1,090 (22%)
3 stars
1,083 (22%)
2 stars
406 (8%)
1 star
227 (4%)
Displaying 1 - 30 of 402 reviews
Profile Image for Phoebe A.
339 reviews112 followers
August 9, 2016
The self-proclaimed internet action star and next boyfriend material Ramon Bautista made his way in a new direction--publishing a book. His first book was mostly an extract from his internet love trapezoid Tumblr-Twitter-Instagram-Formspring. He made a humor based on relationships. Sometimes it becomes satirical or sarcastic but all the same helpful. He did not wrote the book with special style or profound design. But why would you buy or read it?
1) humor [because we need to smile, laugh & get a little loose once in a while]
2) self-help [because sometimes even if the answers we're looking for only need our common sense, people have the need or tendencies to have someone to tell them right in their faces]

You don't need a reason if you're a fan of Ramon Bautista. You will really like his usual humor. But if his humor doesn't float your boat (or if you're too serious), I guess you wouldn't appreciate it.
I like his humor so I enjoyed reading this. It can be read in one sitting. And there's a free notebook! 90s style like the ones with artists like Jolina Magdangal, etc. lol

Here are some of his quotes:

"Spoiler alert: ikaw tsaka ako, happy ending"

"Sir, anong gamot sa tanga?
Wala p*cha! Prevention na lang...Huwag ma-inlove."

"Sir Mon, anong payo mo sa mga estudyanteng tamad mag-aral like me?
Wala akong payo sa mga tamad mag-aral. Pananakot meron."

~~~***~~~~
MIBF 2012

I placed a sticky note with my name in his book. When it was my turn, I said to him, “Nabasa ko na”. He said, “Nabasa mo na?”. “Oo, ang haba ng pila eh!”, I said. Then he noticed the sticky note and said, “kaya ko naman iispell ang pangalan mo ah…” I just laughed. And then he signed P-O super FAIL!! but I did not tell him that, I just laughed.
description
description
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
November 24, 2012
Hindi ko binasa ito para basagin. Hindi ko pa rin narating yang blog ni Ramon Bautista na tinatawag na "Formspring." Hindi sa dahil ayaw kong puntahan pero hindi talaga ako mahilig magbabad sa internet. Exception lang itong Goodreads, YahooMail at paminsan-minsang Facebook. Sa Facebook, ginagawa ko lang ay tumingin ng pictures at mag-like. Minsan hindi dahil gusto ko talaga ang nakikita ko pero gusto ko lang magparamdam sa mga kaibigan ko na tinitingnan ko ang mga pino-post nilang kung anu-ano.

Ako'y isang ama ng isang disi-siyete anyos na isang kolehiyala. Hindi mo siya mapababasa ng Ramon Bautista book na ito dahil wala siya talagang hilig (o di kasinghilig ko) sa pagbabasa lalo na kung Tagalog. Sa high school, ako ang pinababasa niya ng mga librong Tagalog at pinakukuwento na lang niya. Open (o minsan iniisip ko lang hoping na open nga) ang communication namin sa isa't isa. Ang basehan ko rito ay nasasabi nya sa akin kung sino ang crush nya sa school at hindi nya tinatago kung may nakita syang biglang guwapo at kinikilig habang nasa tabi ko. 17 na sya pero NBSB (no boyfriend since birth). Pareho sa kadalasan, ang mga ipinakikita nyang crush nya o yong nagwa-gwapuhan siya ay *ehem* parang ako lalo na noong kabataan ko.

Sinasabi ko ito sapagkat parang si Ramon Bautista ang nagiging ako (ama) ng mga kabataang bumibisita sa blogsite (base sa mga siniping problems-advices na nasa librong ito) at humihingi ng payo. Hindi masama ang pakay ng blogsite. Hindi masama ang librong ito. Binasa kong mabuti ang mga payo ni Bautista at logical naman lahat. Karamihan nga ay common sense lang. Bakit di ka crush ng crush mo? Mas madalas sa hindi, wala sa iyo ang katangiang hinahanap niya sa dhowa (ganito ang spelling sa libro at hindi "dyowa" at hindi ko alam kung bakit). Ano ang katangiang hinahanap niya sa dhowa? Subukan mo kayang i-stalk ang nanay o tatay niya. Kung close sila, malamang yong younger version ng parent niya ang hinahanap niya. Wala yan sa listahan ni Bautista. Sa akin galing yan.

Hindi ko rin sinasabi na huwag bilhin at basahin ang librong ito. Ang two stars sa Goodreads ay katumbas sa pagsasabi ng "It's okay" na ang saktong ibig sabihin ay hindi ko ayaw, hindi ko gusto. Hindi ko ayaw dahil may sense naman at walang masamang ini-influence sa pagkatao ng kabataan si Bautista. Prangka nga at minsan at brutal na ang kanyang payo. Kagaya ng mga pagbagsak sa math, sabi lang niya: "Bawasan ang kaibigan at mga binibisitang sites at study harder." Sentido kumon lang, di ba? Salamat na may isang Ramon Bautista na nagpapaala-ala ng ganito sa mga kabataan dahil sa sobrang bilis ng panahon, daming distractions at sa sobrang impormasyon sa paligid minsan nakakaligtaan o nakakatamaran na nating mag-isip.

Hindi ko rin talaga gusto, dahil parang ang simple ng libro lalo na kung iko-consider ng professor sa University of the Philippines ang sumulat. Mataas kasi ang pagtingin ko sa university na yan. Wala halos laman ang libro kundi yong mga ganoong sentido-kumon na payo. Parang sayang ang pera at resources na sanay naibigay na lang sa mga librong mas may katuturan. Ingat din na baka magamit sa ibang gawain ang sobrang kasikatan ni Bautista. Sa mga huling pahina ng libro ay may mga balak na siya kapag siya'y nahalal sa kongreso. Pag sobrang sikat, baka may political agenda na. At ang mga kabataan, may natural tendency na dahil hopeless na sa sitwasyong political at economic ng bansa, kahit ano na lang. Mayroon rin hindi nagiisip at dahil si Bautista ang madalas na nakikinig sa kanila, iboboto kahit walang malinaw na agenda kundi ang street light na kapag nag-green ay patay ang WiFi. Ewan ko.

Yon lang. Bow pa rin ako sa librong ito. Wasak.
Profile Image for twstrfries.
136 reviews12 followers
July 27, 2016
Wala talaga akong balak bilin at basahin 'to, pero dahil ang tagal ko sa Fullybooked at matapos kong guluhin yung mga planner nila, masama narin tingin sa akin ng isa sa mga store assistant nila dun, binili ko na.

Una sa lahat, akala ko dalawang libro siya. Yun pala blank notebook yung isa. Pero sana, hindi na mukha ni Ramon Bautista yung nandun diba? Nakakawindang naman kasi. Parang mga notebook na binibili sa Divisoria. Okay pa naman yung pages. Ayan tuloy, babalutin ko na lang ng lalaking me abs para magamit ko siya. Hahahaha. (P160 din 'to noh)

May mga bagay-bagay na kailangan mong intindihin bago mo basahin 'to:

1. Wag kang pa-deep. Kasi ambabaw niya. Kung seseryosohin mo lahat ng mababasa mo dito, oh well, basag ka.

2. May sense naman. Sarcastic nga lang. Pero dahil maldita ako, naaliw ako sa kanya.

3. Anlakas tawa ko lang sa mga pambasag na sagot niya. Kasi totoo naman eh. Yung iba nga common sense na lang.

4. Naaliw ako sa mga pictures niyang ewan dun. Lalo na dito:


5. Tama naman siya. Nagbabago ang panahon. May mga bagay na hindi na katulad ng dati, like the kids today. Hindi ko naman sinasabi na dapat tanggapin na lang. We still have to guide them. Matalino narin ang mga kabataan ngayon. They would choose who to believe. Pero, ipilit mo yung paniwala mo dati, magkaclash lang kayo. Opinyon ko lang naman. Siguro, liberal lang ako mag-isip.

6. Kung pikon ka at natataman ka, maasar ka sa kanya. Sabi nga nila, "Bato bato sa langit, ang tamaan may bukol." Hahaha.

Ika nga ni Ramon Bautista:
- "There is more to life than love."
- "WALANG GAMOT SA TANGA."
- "Study hard kung ayaw mong maging taong grasa."
- "Tandaan, daig ng malandi ang maganda." (Pero TAMANG landi ha?"
- "Hangga't hindi siya nag-a-aylabyu, wag bigyan ng malisya ok?"(Translation: WAG KANG ASSUMING)
- "Huwag mag-BF for the sake of having one." (Kebs kung NBSB)
- "Move on."
- "Practice safe sex."
- "Your mind is your weapon."
In a way, nagwork siya sa akin, kasi binasa ko ba naman siya sa gitna ng halo-halong amoy sa MRT. Buti na lang bagong libro at dahil reader ako (excuse eh no?), sinubsob ko na lang mukha ko sa libro at inamoy-amoy ko siya. Kesa naman pagtyagaan ko ang nakakahilong air pollution sa loob ng MRT.

Challenges:
Book # 177 of 2012


****
Check my other reviews @ Off the Wall.
Profile Image for Karen Castillo.
24 reviews11 followers
November 14, 2012
Ang libro na ito ay para sa mga taong nangangailangan ng simpleng advice mula kay Ramon Bautista. Isang tanong, isang sagot. Walang paligoy-ligoy, walang anu-ano...

Kung gusto mong malaman kung...

1. ayaw na niya sa'yo
2. paano mag-move on
3. magwowork-out ba ang LDR (Long distance relationship)
4. paano sasabihin kay mommy na bagsak ka
5. paano lumandi
6. bakit NBSB ka parin hanggang ngayon (No boyfriend since birth)
7. bakit hindi ka crush ng crush mo
8. anong solusyon sa premarital sex (Ayon kay sir RB)
9. paano ganahan mag-study
10.how to live an awesome life

At kung...
Hindi mo pa nababasa/sinusbaybayan ang formspring ni Ramon Bautista...

Ito ang librong nararapat sa'yo. :)



"Life is fun if you just find out how."


"90 percent ng problema mo ay imbento lang."


Kudos to the free notebook! Hihiii.
Profile Image for Cam.
16 reviews18 followers
June 24, 2013
The truth is, I got curious when I first saw this book launched during the Manila International Book Fair. Armed with a spark of hope that this book may come "handy," I bought it.

Ramon Bautista, who is popular on the Internet, gained respect to most people through his somewhat "gigolo appeal" and witty humor. He now conquers the printed word by compiling most of his Q and As from his Formspring account.

"Wait... a compilation? But I thought this is a quick-tip guide book on how to make your crush reciprocate his/her feelings for you?"

Yes, you heard it right, folks. It's a compilation of his Formspring Q and As. Nonetheless, categorized in situational manners and matters, though.

The book got me off with its typos, especially on its first few pages. But generally, it somehow amused and gave me some dose of the Internet Action Star's comic.

Overall, kudos to Ramon and Psicom! I still liked it. I'll still read it during idle times at work. Just for fun. :)
Profile Image for Sembel.
11 reviews
December 10, 2012
Isa lang ang masasabi ko SIR RAMON BAUTISTA, CRUSH NA CRUSH NA KITA

grabe! laptrip ako sa self-help book na ito, ang dami kong tawa ang dami ko pang natutunan!!!

dahil........

“Happiness is self-achievable. 90 percent ng problema mo ay imbento lang.

"Bored ka lang kaya mo iniisip na may kulang o may kailangan ka na hindi mo makuha…..Wag ka mag-dwell sa problema, i-solve mo!”

"Walang gamot sa katangahan. Prevention lang — ‘wag UMIBIG"

“Kung hindi mutual ang feelings natin, pwes, gagawin kong mutual. Ayaw ko na din sayo.”


"may pa move on move on ka pang nalalaman.bakit? naging kayo ba??"

“Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soul mates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo.”

"Pag bata ka masyado kang madrama. Pagtanda mo, saka mo mari-realize na ang corny mo."

"Kasi naman ang buhay ay hindi cheesy at romantic tulad sa TV at pelikula. Mapait ito at masakit. At sinasabi natin ‘yan kung pano natin nararanasan.”

at kung anik-anik pa
Profile Image for Jülie.
10 reviews
March 3, 2013
"Hindi ako naniniwala sa fate, destiny at soulmates. Ang mundo ay binubuo ng mga pangyayaring random na kaganapan. Bahala ka sa buhay mo." - Mang Ramon

****

This book is basically a compilation of FAQs about love from Mang Ramon's Formspring Account.

His book gives funny, logical, smart and oftentimes, sarcastic answers to bothered and usually stupid questions like:

****

Q: Sir, may problema po ako. Naipahiram ko po sa dati kong ka-MU (na ngayon ay may girlfriend ng iba) yung modem ko po ng prepaid broadband. Ayoko na pong magpakita sakanya eh kaso hinahanap na po ng Nanay ko yun. Ano pong gagawin ko?

A: Ito na yata ang pinakamabigat na problemang idinulog sa akin dito. OMG. Naiiyak ako kakaisip.

****

Q: Ano ang best way to get over a break up? Nanghihinayang ako, 3 years din yun eh.

A: 3 years versus the rest of your life. Ano ang mas sayang kung hindi ka magmu-move on?

****

Q: Para sa mga wasak ang puso't damdamin sa mga oras na to, anong step-by-step process ang maibibigay mo sa mga taong kailangan ng mag move on?

A: STEP 1: Isipin na there is more to life. Tapos!

**** Another..

Q: Sir, bakit kaya ganun? After namin mag "afternoon-date" nung guy-friend-na-crush-ko, hindi na nagparamdam sa'kin?

A: May ginawa ka sigurong hindi likeable like ordering 3 extra rice FOR YOURSELF ONLY. Remember girls; don't order extra rice on the first date.

^ LOL

**** And even to school queries like..

Q: Wala ho ba sa school ang pagiging successful?

A: Wala. Kakilala power, face value, husay sa pambobola saka lakas chumamba. Pwede rin sipag at tyaga.

****

Ate Anne and I became instant fans of Mang Ramon just last night, while we're chatting, talking 'bout, what else but ~LOVE~. Haha! I suddenly remembered reading a tweet that says, "Uso yung Reverse Bittering, try mo." I got curious so I searched for its meaning over the internet, and then I came across this book. I told Ate Anne to read it, and then, we started laughing coz we kinda liked (and somehow relate to) the idea of "Reverse Bittering." It’s actually an effective way to move on easily. x))

****

You don’t have to be broken-hearted to read this book. If you’re in for some entertainment, this book is a good read. ;)
Profile Image for Inah (Fueled By Chapters).
500 reviews116 followers
November 5, 2012
Kung nagtataka ka kung bakit hindi nagkakagusto sa iyo ang crush mo, maari mong makita dito kung ano ang mali sa iyo. Kung tingin mo walang mali sa iyo, kung ako sa iyo maghanap ka na lang ng ibang magugustuhan. Malay mo?

Pero maipapayo ko ang isa sa mga natutunan ko sa librong ito:
"Kung alam mong pre-emptive supalpal lang ang aabutin mo, wag ka nang umasa."

Profile Image for Panganorin.
39 reviews56 followers
June 9, 2014
Kung nabasa ko lang 'to dati pa, nasagip sana ako. hay, there's more to life.

June 8, 2014: Bakit ko ba nasabi 'yon sa librong 'to? Ewan.
Profile Image for Jamira.
27 reviews9 followers
February 18, 2013
Akala ko kung ano, copy+paste lang pala sa Formspring. Ok
Profile Image for Lym.
2 reviews5 followers
December 6, 2012
Nakakaaliw basahin; kayang matapos habang wala ang propesor mo sa klase o kaya habang may pinag-rereport ang propesor mo sa klase. Huwag na lamang pansinin ang mga typographical error dahil ang pinakamahalaga ay ang katas ng nilalaman at kabaliwan ng mga sagot sa mga tila baliw din na mga tanong.

Isa na namang libro tungkol sa pag-ibig? Self-help book ba ito? Ano ba? Basahin mo na lang dahil marami ka ring mapupulot na aral na nakatutuwa na "nakatatanga" rin.

Hindi lamang tungkol sa pag-ibig ang munting aklat na ito. Nakapaloob din dito kung:
- PAANO SASABIHIN KAY MOMMY NA BAGSAK KA
- PAANO GANAHAN MAG-STUDY
- HOW TO LIVE AN AWESOME LIFE

Ang mga nabanggit sa itaas ay tila pampabalanse sa mga baliw na tanong at sagot hinggil sa pag-ibig, pagpapapansin sa taong gusto mo (paano ba lumandi?), at pre-marital sex. At ano pa nga ba ang pampabalanse sa librong ito bukod sa mga larawan ni Ramon Bautista na may kasamang quotes sa ibaba? Simple -- ang isang libreng notebook na walang guhit at may larawan ni Ramon Bautista (na alanganing mukhang song hits, alanganing kwaderno ng mga sikat na artista).

Payo lamang sa mga may gustong basahin ito na tila sarado-[insert religion/philosophy here], basahin agad ang GLOSSAY OF TERMS para maka-relate sa ibang terminolohiyang maaaring hindi pamilyar sa iyo at siyempre, pag-aralang mabuti ang mga BAWAS WASAK TECHNIQUES na talaga namang naka-aaliw dahil self-explanatory na ang mga ito kahit na may caption.
Profile Image for Caroline Turla.
180 reviews23 followers
November 4, 2012
"Your mind is your weapon. Pagyamanin natin ito at magiging handa tayo sa gulo na dulot ng paghihimagsik ng puso at bird." - RB

Ramon Bautista is a famous internet "action" star. He is known in his formspring, twitter and tumblr account and with his witty answers and opinions he always share, he gained more and more fans and lovers. And of course! He is intelligent; graduated from UP and and now, teaching in the said University. This book -written by the handsome guy- simply shows how we should face silly problems with the reality itself. The book contains different questions from unnamed people, asking advice and opinion from the "great" Ramon. Quoted from the book Fablehaven (that I haven't read yet) "Smart people learn from their mistakes, but sharper ones learn from the mistakes of others", the book itself will give you such experience because that is the purpose of the author. You learn from his opinion and also from the problems faced by those people with questions. It is very entertaining and will give you many realizations about things - big or small. RB truly brings entertainment and smart opinions on and reality itself.

Okay, a good start for Ramon Bautista as an author! Hooraaay, idol!
Profile Image for April Avelino.
71 reviews20 followers
November 18, 2012

WO-WO-WOW! I truly enjoyed reading this book.

At first I thought Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo? was all about reasons why your crush doesn't like you back and techniques on how to make them notice you. But This book contains questions of people seeking advice to Ramon Bautista with different kinds of issues (Studies, Love, Pre-marital sex and How to live an amazing life) and His answers. Though it wasn't what I'm expecting, I really loved this book!

Ramon Bautista is a self-proclaimed internet action star and next boyfriend material( I believe you really are. 100%! hehe). You are my new Idol. A Very witty man. Loving all your answers to people seeking your advice, even though it seems that your answers are very funny and others might think that you are not taking it seriously but all the things that comes out to your mouth has a point. Loved your book! Hope you'll make a lot of books and without a doubt gonna read it.


**SPOILER ALERT!!!!**

My Favorite Q & A/Lines in the book:

~ Trying to forget someone you really love is like trying to remember someone you never met.

~ If you can't move on. Move on some more.

~ Life is fun if you just take time to find out how.

~ Q: Idol, for you..what is the key to happiness?
A: Lowering your standards

~ Premarital Sex: Think before you get some

~ Sabihin mo sa crush mo, 'Ang first stage ng pagka inlove sa akin ay denial' Mag agree man siya o hindi, kikiligin ka HIHI.

~ Q: Why is life so unfair?
A: Alam mo yung balance sheet? Gawa ka nun. Sa kaliwa, isulat mo yung mga positive things at sa kanan yung negative. Mapapansin mo na mas maraming entries sa kaliwa. 'Pag mas marami sa kanan, you're taking the good stuff for granted.'

~ Q: Ano ang best way to get over a break-up? Nanghihinayang ako, 3 yrs din yun.
A:3 years versus the rest of your life. Ano mas sayang kung di ka magmu-move on?

~ Q: Sir ano po ba ang ibig niya sabihin if he says "I need some space?"
A: "Wag ka muna magulo, manchi-chicks muna ako"


And My TOP 2 Favorite Q&A in the book:

~~~ Q: I was a fan until I read your responses to your followers. I just want you to know that you "indirectly" promote discrimination and "cyber bullying" with your responses. Please answer constructively. It won't make you less of a person.

A: Edi i-unfan mo sarili mo.

You can't stop cyber bullying. What I promote is strength of character. If they bully you, I encourage you to stand up and say "so what?! I'm enjoying my life, walang basagan ng trip." It's a mean world out there. The internet's a similar world where they weed out the emotional and mental weakling like you. If you can't handle it, stay out of my internet love triangle and just follow Paolo Coelho and other positivity-charged teen soul chicken soup websites. Or better yet, go offline and find sanctuary in the comfort and safety of your parents.

And yes, right now I'm discriminating and cyber bullying you. Now give me that "so what?! I'm enjoying my life, walang basagan ng trip" Attitude. It won't make you less of a person



~~~ Q: How will you show the world that its fun in the Philippines?

A: Good evening. Thank you for that wonderful question.

The Philippines has many natural calamities, the streets are very dirty and corruption is everywhere. People are poor and not very healthy. Education is bad too. But then, when in the Philippines, one's perspective changes. These negative attribute becomes reminders of how much we should cherish life. How we should make every minute fun while we're at it. Thank you very much and Mabuhay! *flying kiss*

Profile Image for Ligaya.
153 reviews10 followers
December 27, 2012
Una kong nakita itong libro na ito, sa poster ng National Bookstore in Trinoma “Book signing of Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo? ..at iba pang technique kung paano makaka-move on sa wasak na puso by Ramon Bautista”. Sayang, the date coincided with my clinic day…sayang din ang clinic day. So pinalampas ko na lang. Pero still, naiintriga pa rin ako sa libro. Of course, lumabas sya dito sa Goodreads, so it means di lang ako ang nakapansin. Sikat nga and very appealing yung naka-sulat sa back cover page. So I attempted to ask this book as a gift for me sa exchange gift (yes, inaamin ko, nasa kuripot mode ako then).

The 1st attempt, di sya mahanap ng nakabunot sa akin…out of stock na raw. I thought “Huwhat?!?”. 2nd attempt naman, I posted this as a wish list in facebook, in the hope na may papatol at reregaluhan ako. Lumampas na ang Dec.25, wala pa rin. 3rd attempt, may get-together kami ng highschool kabarkada ko (3 na lang kami, the rest nasa ibang bansa na). Kinapalan ko na mukha ko to ask for this gift. Then my friend called me and said “Sure ka ito ang gusto mo? Ang mura naman. Nabasa mo na ba yung Fifty Shades of Grey? Yun na lang ang bibilhin ko sa iyo.” Syempre, mas mahal ang FSOG, so I said yes.
So finally, Dec.27, I was in National Bookstore in Marquee Mall, Pampanga...buying some supplies I need, when I remember that I don’t have this book. Wala akong matanungan, so I saw the security guard there and ask “Sir, meron po ba kayo nung Bakit Di Ka Crush ng Crush mo?” Lo and behold, si manong guard pa ang kumuha sa shelf… alas! Meron na ako!

Wala pa ata 1 oras, natapos ko na basahin ito. Maganda. Witty. Intelligent writing, responses and compilation of thoughts. Honest and true to the core. Sa sobrang ganda niya, I will give this as gifts to my friends…lalo na dun sa mga single hehe. Marami akong favorite quotes from this book. One of them:
What’s your formula for success?
Sipag, tiyaga, saka backer.


One more:
Tama ba ang kasabihang “Money can’t buy happiness?”
Mali. Bumili ako ng electronics, sumaya ako. Extra rice, nag-Boracay, nanlibre, sumaya ako. ‘yung mga hindi makabili ng happiness, hindi mahanap kung saang tindahan titingin.


True diba? Ako, Masaya nga ako pag nakakapag-shopping, nakakapag-deposit sa banko and may pang-gas sa kotse ko. ;)
Ang dami pa, pero I won’t be able to finish if isusulat ko lahat.
So for those who haven’t read this yet, wag na kayo mag-tipid…yes, I know. 160 pesos lang naman. Besides IT WILL BE TOTALLY BE SO WORTH IT! Promise! Winner pati yung free notebook na cover si Ramon Bautista (pero sa totoo lang, san ko naman gagamitin ito? Aha! Maraming kids na walang pambili ng notebooks…see, may patutunguhan din!).

Now wish ko na lang is may book signing uli… this time I will make time at para mapa-sign ko ito mismo kay RB (feeling close). ;)
Profile Image for Binibining `E (of The Ugly Writers).
480 reviews42 followers
October 23, 2015
Who would ever thought na magkakalibro ang isang Ramon Bautista?

For one, i really can't imagine na magugustuhan ko basahin itong librong to. Sobrang laughtrip pero there really are lessons sa mga sagot nya sa mga tanong.

Second, i think every person who has read this book somehow relates sa mga stories na nandito. Personally nakarelate ako dun sa title mismo hahaha!! well definitely tama naman ung mga sagot kung bakit hindi ka crush ng crush mo, so move on move on lang din pag may time.

Nakakaaliw siya basahin and I hope there would be a second book for him. All the while i thought sobrang puro kalokohan lang tong librong to but it really has a sense to it, i love how he encourages students to strive and study hard para sa future nila at para hindi sila maging taong grasa, makes sense to me. And i know na may mga bashers sya like in one part of the book na sinagot niya na "eh di i-unfan mo" haha sobrang woah! but we all know that Ramon Bautista is RAMON BAUTISTA di ba? i like him he's one tough guy, ung level of confidence nya? ibang klaseng to the highest level eh, ung bravado nia may umph eh.. i dont know maybe it's just me pero wala akong nakikitang yabang sa kanya i find him intelligent..

this book tackles different topics hindi lang puro lovelife, merong about school and sa family, studies na lahat naman ng tao nakakarelate.. so on a personal note, naenjoy ko sya at hindi natin masasabi maybe yung mga advices dito magamit din natin sa personal issues natin sa buhay.. at some point tama naman din ung mga advice nia eh..

so ayan 5 stars sya for me cause the book was as good as he is. :)))
Profile Image for Maj.
68 reviews
November 22, 2012
Para sakin, yung binayaran mo lang sa libro ay yung mga pictures niya, yung dedication, yung notebook na may picture ng artista, at mga "quotes" niya. Kasi yung halos laman ng libro ma-a-access mo naman sa internet. Punta ka sa formspring niya, sroll down, nabasa mo na yung buong libro niya may bonus pa. Punta ka sa blog niya na posibleng naroon yung ibang nakalagay sa libro na wala sa formspring, posible ring nandoon yung ibang photos na nasa formspring. Baka nga nasa sites niya lahat eh, pinili niya lang ang mga nararapat na ibahagi sa mundo at pinagsama-sama para makabuo ng isang libro.

Pero NAKAKAALIW yung libro at si Sir Monra. Kung fan naman ako ni Sir bibili talaga ako ng libro, libro na yun eh. Hindi rin naman mabigat sa bulsa. Relate konti sa NBSB part. HAHAHA! At natapos ko yung libro na mahuhulaan ko lang ang totoong ibig-sabihin ng FUBU at MOMOL. Mahirap pala kausap si Sir Ramon lalo na pag simpleng tanong lang itatanong mo. Nevertheless, gusto ko pa rin ma-experience maging estudyante niya. Ang awesome niya kasi eh.
Profile Image for Yum.
127 reviews24 followers
September 14, 2012
Super funny & real. I love the free notebook. Marry me RB♥
Profile Image for Ninoy Baltazar.
13 reviews1 follower
September 17, 2012
Ayun oh! lumabas na! haha sa goodreads! astig ng mga advices niyo rito..
sulit kasi may FREE NOTEBOOK ka pa! panalo!
love it! hihihi! :))
Profile Image for Nina.
52 reviews29 followers
January 1, 2016
"Spoiler Alert: Ako tsaka ikaw, happy ending."
Profile Image for Tina.
444 reviews486 followers
December 2, 2012
Susulat ko dapat ang review nito sa blog ko, pero naisip ko parang di bagay. Saka mas maganda isulat ang review nito sa Tagalog/Taglish kasi ganun din naman yung libro. :)

So. Binili ko ang librong ito kasi fan ako ni Ramon Bautista at ang kanyang mga online na pakulo. Aliw na aliw ako sa kanya (pati kay Tado, kay Lourd de Veyra at sa barkadahan nila), at tuwing napapagod ako sa opisina eh titignan ko lang ang twitter nya. Aliw na aliw din ako sa web series nya na Tales from the Friend Zone kasi nakakatawa. May kurot, pero nakakatawa -- yung tipong pag napanood mo, matatamaan ka kasi alam mo na nangyari na yun sayo or may kilala ka na nangyari yung ganun o baka nangyayari yun sayo sa panahong iyon, pero tatawa ka pa rin kasi ang kulit ng pagkagawa nila. Ang paborito kong payo galing sa kanila? Lalandi ka na nga lang, sagarin mo na. :P

Nung binasa ko ang librong ito, ang dami, dami, dami kong tawa. Nakakahiya nga kasi ang ingay namin sa opisina nung binabasa ko to. Karamihan nito sagot lang nya sa mga tanong sa kanya sa formspring nya, at karamihan din ng sagot nya dun, common sense lang din ang sagot. Medyo nakakatawa na ang daming halos pare-pareho ang tanong lang tungkol sa pag-ibig, so parang pare-pareho lang din yung sagot. Siguro kasi talaga pagdating sa mga ganun, medyo nababawasan ng common sense mga tao. Hindi ko sinasabi na di rin nangyari sakin yun -- lahat naman ata tayo naging tanga at some point dahil sa pag-ibig. (Yoooown) Umamin!!! :D

Pero sakin kasi, ang librong ito ay talagang patawa lang. May mapupulot na aral din naman, pero yun nga, dinaan sa patawa. Hindi ito yung tipo ng libro na hahanapan mo ng malalim na meaning kasi hindi rin naman ata sinulat to ni Ramon para maging seryosong libro. Pwera na nga lang kung tinamaan ka. :P

So kung gusto mong matawa, ito ang isa sa mga libro na talagang hahalakhak ka ng mag-isa habang binabasa mo siya. :) Nakalimutan ko na kung ilang beses ako humagikgik habang binabasa to mag-isa. Buti na lang wala ako kasama nun, kasi baka maiyak lang ako sa kakatawa habang pinapaliwanag siya. :D
Profile Image for Ja.
216 reviews33 followers
January 2, 2013
Hindi ko alam kung bakit maraming kabataan ang na-hook kay Ramon Baustista. Sa totoo lang, hindi ko siya kilala dahil na rin hindi ako masyadong nanunuod ng telebisyon. Akala ko isa lang siyang simpleng comedian dahil nakita ko siya minsan sa isang patalastas. 'Yun pala, isa pala siyang propesor ng isa sa mga sikat ng unibersidad dito sa Pilipinas. Por favor for my lack of knowledge. -_-

Pero bigla-bigla na lang sumikat ang libro n'yang ito lalung-lalo na sa mga ka-edad ko na teenagers pa lamang. Siguro dahil swak na swak sa kanila ang pamagat dahil alam naman nating iyan ang pinaka-pinoproblema ng ilang mga kabataan ngayon. Bakit hindi ako crush ng crush ko?

Nakita ko na lang na bumibili ang mga kaklase ko nito at ang iba ay nagpunta pa nga sa book signing ni Prof. Bautista. Hindi na ko nakatiis kung kaya't nanghiram na ako sa isa sa kanila.

Okay lang naman ang libro n'ya. May mga pagkakataong nakakatawa 'yung mga comment n'ya sa mga ilang tanong doon. Pero hanggang doon lang. Masyadong simple 'yung mga tanong na kaya rin namang sagutin ng ibang kaibigan, guro, magulang at iba pang mga matatanda. Parang walang kasense-sense. 'Yung iba ngang mga tanong, nagpapakita pa ng lack of maturity. Simpleng tama at mali lang hindi pa alam. Ewan, opinyon ko lamang ito sa librong nasabi.

Mas gugustuhin ko na lang magbasa ng ilang PHR novels dahil masasabi kong ang ilang mga akda ng ilang mga manunulat doon ay mas nakakatuwa, mas angkop basahin at mas may sense pa.

Siguro, nag-expect lang ako masyado rito sa librong ito at sa manunulat mismo. Dun lang ako nagkamali.

Summary? All in all.
Bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo?

Simple lang, hindi ka n'ya gusto. Move-on. -_-
Profile Image for Amylene.
3 reviews73 followers
December 3, 2012
I was thrilled to read it dahil sa recommendation ng isa kong friend. I was interested, hindi dahil sa sawi ako sa pag-ibig. Nacurious lang masyado. Mga ganitong tipo kasi, ayoko palampasin. Haha. K watevs. Suportahan nalang mga gawang pinoy.

Sabay kami nagbasa ng boyfriend ko, nacurious nga siya bakit ko daw gustung-gusto basahin eh hindi ko kailangan ng ganyang tips. Akala ko kasi narration oh whatever na kwento. Yun pala mga sagot sa tanong. Hindi ako subscriber niya sa Formspring at never ko pa nabisita ang account niya, pagopen ko ng libro. Akala ko mga quotes lang na compiled yun pala mga tanong at responses niya sa bawat iyon. Nakakatuwa, oo. Laughtrip kami habang nagbabasa; inabot kami ng dalawang oras ata!? Sabay na rin yung tawa. Puno't dulo ng lahat ng tanong at sagot 'wag ka maging martyr. There's more to life than love. Maghanap ka ng iba. 'Wag ka magpakagago. Common sense. Yun nga lang, nagpakita siya ng mga karaniwan at may mga bago din talaga experience at reyalidad sa buhay ng bawat tao. Mga seryosong tanong na minsan common sense nalang ang sagot; self-actualization o kaya sariling pagkukukuro-kuro nalang, tapos mejo patawa o sarcastic na ang dating ng sagot niya.

Hindi man gaya ng inaasahan ko ang librong iyon, pero aminin ko natuwa ako. Nagustuhan ko. Simpleng pagsasama-sama ng mga bagay-bagay na madalas mangyari sa bawat tao, makarelate ka man o hindi mapaprealize at mapapaisip ka sa bandang huli.

P.S. Hindi ako bumili ng libro, nakibasa lang ako. Siguro gusto ko lang yung notebook(kahit may mukha niya maganda naman ang papel. lol) ayoko na bumili ng libro. Haha :)
Profile Image for Ayeh.
10 reviews
December 8, 2012
sulit yung 160 pesos mo dito may kasama pang notebook. hihi

itong book na to para siyang printed formspring ni Ramon. collection ng mga questions sa formspring ni Ramon na tumatalakay sa paghahandle ng wasak na puso, kung bakit hindi ka nga crush ng crush mo #TFTFZ, paano magmove on, paano ganahan mag-aral. basta halo halo siya hindi lang to para sa mga wasak, para sa lahat to. sabi nga ni Tado Jimenez
"Upang hindi ka maligaw, basahin ng taimtim.(Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?: At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso)"


ang galing ni Ramon kasi yung mga complicated na tanong, nasasagot niya in one line sentence. hindi yung tipong parang nagpapatawa yung sagot niya pero may sense talaga siya. nakakatuwa din yung mga terms niya hoho (nasa may bandang likod ng book)! astig yung humor niya. :D

nakakatuwa tong book na to habang binabasa mo siya mapapaisip ka, mapapa "oo nga no" ka, matatawa ka, marerealize mo na there's more to life than love. maeenlighten ka, in short. hindi nakakasawang ulit utlitin tong basahin dahil marami kang mapupulot na aral dito. Pramis!

Profile Image for Clare.
76 reviews8 followers
September 12, 2015
Dahil sa libro na ito, nagkaroon ako ng pag-asa na magkakaron din ako ng libro balang araw! :D

Medyo nasubaybayan ko naman ang formspring account ni Sir Ramon kaya hindi na bago sa akin ang nasa loob ng libro pero haaaa. As in eto lang talaga? Well, may additional naman gaya ng pictures at diagrams. Medyo naghanap pa ako ng more pero oks lang kahit wala na lang.
Ang mga nagtanong naman dito e alam naman nila talaga ang dapat nilang gawin e, gusto lang ng exposure-nakikihype-gusto lang mapansin ni sir ramon hihi. Bilib din naman ako kay Sir, may nilalaan pa syang oras sa pagsagot sa mga common questions ng kabataan. Nakakaaliw basahin, at nalalaman ko ang mga terms na ginagamit ng mga studyante ko, infair. Educational din naman pala. Nakakalungkot nga lang, ganto na nga pala talaga ang henerasyon ko. Wasak.

Basta, tumataas ang pag-asa kong magkakalibro din ako in the future.
Profile Image for Mersh Castillo.
37 reviews4 followers
December 11, 2012
i love this book two thumbs up! :""">
so so so intrigued to see this in national bookstores nagdadalawang isip pa nga ako to buy this..
but when i read it i feel excited?! i thought this book contains a corny joke or OA jokes.. but if you read it you make do what im said many laugh and sometimes nkarelate tlga ako HAHA
so many tips.. like CRUSHES seriously the reason why i bought this book its because of you know.... to those people who’ve had a terrible time with love.. :PP hoho

bakit nga ba hindi ka crush ng crush mo for me that’s like one of the most difficult questions ever.. it��s probably not even a question applicable to me.. it would only be applicable to me if my crush knew i exist.
which is rarely the case.. so have we gotten into a conclusion here.

So there's the answer people..
Bakit hindi ka crush ng crush mo? Kasi hindi niya alam na nag-e-exist ka!
Profile Image for Mirasol Quisto.
117 reviews10 followers
January 20, 2013
I'm really a fan of Ramon coz of his humor, other than that wala na :D Sorry, but I'm not like those teens who go gaga on him. But, in terms of his funny videos and some of his opinions I like those. May laman.

Now, my opinion about the book, I was expecting na it was like Bob Ong style - paragraph or in a narrative style - yun pala it was like Q&A. But it was fun to read. Hindi siya boring kasi the sequence of questions are from different situations and he made his answers even funnier. Tipong mapapatawa or mapapangiti ka na lang bigla habang binabasa mo ang libro niya. I also like his advocacy of promoting education and how he emphasized it on his book :)

Very straightforward, interesting and worth reading in one sitting ;)


Profile Image for NJ.
103 reviews
December 17, 2012
Sobrang overdue na nitong review na 'to kasi matagal ko nang natapos basahin yung libro. Ok naman siya, nakakatawa at in a way "educational" haha. Iba pala talaga si Sir Ramon Bautista. Gusto ko yung perspective niya tungkol sa mga bagay-bagay. Kung tutuusin, hindi naman kami nagkakalayo ng opinyon (BOO CAPITALISM AT NO TO MISOGYNIST DOUCHEBAG BOYFRIENDS). Hindi naman siguro masasayang ang pera niyo pag binili niyo 'to (may kasama naman daw na notebook haha). Pero since easy read lang naman siya, yung tipong isang upuan lang, manghiram nalang kayo (salamat nga pala Giselle!). Pero bilhin niyo na rin siguro, support Sir Ramon! Ang gulo ko. Kaya naman tinatapos ko na ang review na 'to. <3
Displaying 1 - 30 of 402 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.