Inirereto si Sari ng kanyang ina kay Cesar Trillo, CEO ng isang malaking kompanya, abogado, bilyonaryo, at ubod ng guwapo—samantalang siya ay ordinaryong tao lang na may mababaw na kaligayahan. Gayunman ay inalok siya ni Cesar ng trabaho sa TV station na pag-aari ng pamilya nito. Sinunggaban niya ang pagkakataon sapagkat pangarap niyang maging isang batikang reporter. Agad siyang na-promote at inakala niya sa ilang sandali na bumilib ito sa husay niya. Hindi pala. Mayroon palang kapalit ang lahat ng iyon—ang makipag-date siya sa kapatid nitong bading. Nakipagkutsaba siya sa kapatid nito at nagpanggap siyang hindi niya alam na bading ang lalaki dahil sa kanyang labis na inis kay Cesar at sa pag-aray ng kanyang pride. Ang kaso, bakit kahit iniisip nitong may involvement siya romantically sa kapatid nito ay nagtatangka itong hagkan siya?
Territorio is my favorite series. And i am grateful Vanessa decided to continue the series using the son and daughters of the previous batch' characters.
This volume is her struggle of going back to territorio delos hombres. It was sti good, but there it lacks something that i cannot identify. However, Vanessa was able to return the beauty of this series in the next volumes. (: