Book #12 for 2013: Maganda tong idea nya na magkalap ng mga "eulogy" sa mga kaibigan at kakilala nya para daw malaman na nya ngayon anong tingin ng mga tao sa kanya. Wala nang sense di ba kung namayapa na sya? Di na nya malalaman.
Tulad ng marami, nakilala ko si Tado sa Strangebrew. Fuman-girl na din ako sa kanya two years ago sa Rock the Riles. Pero dahil sa librong ito, nalaman ko na there's a deeper side to Tado. Hindi lang sya komidyante. Aktibista pala sya. Iba mag-isip. Makabayan. Di lang yun. Entrepreneur din sya at tumakbo syang pagka-konsehal sa Marikina (sayang natalo. I would've voted for him). Si Tado ay parang Transformers. More than meets the eye.
Favorite lines:
Beauty is skin deep but breaking free is hardcore (p. 74).
Paborito nya sina Pablo Neruda at Rio Alma. Pero ang maganda 'pag may poetry reading, nanlilibre siya ng fishball, hehe (p. 109).
Binasa ko ang pahina 29 hanggang 160 sa Jeep. Isa lang ang masasabi ko kay Tado: Siya ay isang huwaran at may matibay na prinsipyo sa buhay.
Sayang nga lang at hindi siya nanalong konsehal ng Marikina. Gayunpaman, ang dating pagkakakilala ko na komedyante lang sa aking isipan ay isa palang talenTADOng tao. Astig ito! Sana mabasa ko na 'yung librong isinulat niya.
Kahit puro kalokohan ang karamihan sa nilalaman nito eh may kapupulutan pa rin na aral at realisasyon sa buhay. Naiingit ako at parang gusto ko na din gumawa ng eulogy habang ako'y buhay pa...mautak talaga 'tong si Tado. Kaya lang, on second thought, baka magaya ako na bigla din ang pagkamatay. Anyway, malaki pa rin respeto ko kay Tado! Isa syang epitome ng kasabihang, "Don't judge a book by its cover".
Interesting ang konsepto, at may kalungkutan rin dahil sa sumunod na kaganapan:
Koleksyon ng mga sanaysay tungkol kay Arvin "Tado" Jimenez, mula sa kanyang mga kakilala't kaibigan. Nailathala bago pa man siya pumanaw, kaya naging pawang nagbabadya, "ominous," ang aklat na ito.
Medyo maraming typo. Sana maglabas ng bago't mas edited na bersyon ang tagapaglathala (at para na rin ma-update yung factual errors sa kontribusyon ko dito, due to poor memory). Eniwey, para background na rin sa librong ito, i-share ko sa ilalim verbatim itong mula sa blog ko. Pasensya na't may kahabaan.
"Hindi ko na matandaan kung last quarter of 2012 o first quarter of 2013 ako kinontak ni Tado noon. Sumulat daw ako ng kahit ano tungkol sa kanya, isasama daw niya iyon sa isang libro na koleksiyon ng mga ala-ala ng mga kakilala niya kung sakaling namayapa na siya. Natuwa naman ako sa konsepto. At bilang kaibigan, mabilis din naman akong nakatugon sa request niya. Dahil mahina ang memorya ko, may mga kasama kami sa student movement noong 1990's na nakalimutan ko na ang mga pangalan, kaya mali ang pag identify ko sa isa sa kanila doon sa unang kopya na sinabmit ko kay Tado. Pagtapos kong magtanong-tanong at napa-alala ulit sa akin ang tamang pangalan, inedit ko ang draft at nagsabmit ng second at final draft. In-acknowledge naman niya ang huling kopya. Kaya bagamat proud naman ako noong makabili ng kopya ng aklat niyang Bio-Eulogy, may disappointment din ako at di niya pala naihabol yung pangalawa't pinal na anecdote ko -- yung may maling first draft ang na-publish. Pabirong may hinanakit na sinita ko siya noon, pero natawa na lamang siya at nagsabi na, "Mabilisan na, eh." Mabilis naman talaga si Tado sa maraming bagay, kasama na doon ang guerilla publishing, hehe. Eniwey, tunay na karangalan pa rin naman sa akin na masama doon sa anthology, at malagay pangalan ko doon sa back cover. Ang sumusunod ang di naihabol na final draft ng aking anecdote kay Tado (sa ibang salita, "This it how it should've appeared"):
Ang Masunurin at Responsableng Apo ng Kanyang Lola (Alangan Namang Siya’y Apo ng Kanyang Nanay)'
"Tag-init ng 1996 noong makasama ko si Tado nang magdamag sa isang safe house sa Subic, Zambales sa isang pagpupulong ng mga miyembro ng youth sector ng Kilusan ng Kristiyanong Kabataan (KKK). Mala-martial law ang palakad ng mga Gordon sa umuunlad na Subic noon. (Pagkatapos nilang humagulgol at maglupasay sa paghangad na manatili ang base militar ng mga Kano sa bakuran nila habangbuhay, eh kaya naman pala nilang magsarili’t paunlarin ang malawak na baybaying iyon.) At taimtim naming ipinagdarasal sa aming fellowship, na pinangungunahan ni Pastor John Bayarong, na nawa’y huwag namang makompromiso ang kalayaan sa pagpapahayag at karapatang pantao ng mga mamamayan doon, lalo na’t host ang munisipyong yaon sa 4th APEC Leaders' Summit bago matapos ang taon.'
"Sa kalagitnaan ng aming bible study, ay bigla na lamang sumirit sa pagsinga ang sinisipon na si Tado sa laylayan ng kanyang suot na t-shirt. Kaya naman siya’y napuna ng aming sister na si Jojo Arias, na noo’y kasalukuyang chairperson ng PUP-Sta. Mesa student council.'
"Sister Jojo: 'Hoy, Tado! Ang laki-laki mo na, sumisinga ka pa sa damit mo. Kadiri ka!''
"Brother Tado: “Noong bata ako, pinagbabawalan ako ng aking lola na suminga sa aking damit, ngayong malaki na ako, pwede na!'
"Ayan si Tado, magalang sa nakatatanda, at patunay nito ang kanyang pagiging masunurin sa kanyang mahal na lola. Ngunit, siya rin ay lumaking responsable at independiyente, na kayang magdesisyon para sa kanyang sarili nang hindi na kailangang gabayan ng ibang tao.'
"Iyan ang magiging aral at pamana ni Tado sa kabataang Pilipino, sa mga susunod na henerasyon ng ating magiting na lahi: Ang kalayaang makapagsarili at magdesisyon kung sisinga sa suot na damit—o hindi.'
"Tulad ng Subic na ngayo’y malaya’t tinatamasa ang kaunlaran paglipas ng dalawang dekada noong nilisan ito ng dating mala-sipong lagkit at kapit ng dating Subic Bay Naval Base."
Yung sobrang bittersweet lang ng librong ito. Probably because it was meant to be a not really serious eulogy but yung pakiramdam na pagtapos nitong librong to eh namaalam na talaga si Tado which made me think na maybe this really is it. I’ve always liked his humor and he has me captivated sa mga kanal jokes nya together with Erning and Ramon Bautista that is why I bought his books as well as Ramon’s.
In here malalaman mo yung mga activities nya and all. I never thought na tatakbo din sia sa politics yung nga lang di pinalad. Yung talas ng isip nya iba sobra. Also, ang humble nya. Iba yung talino Nya eh
Isang wais na paraan para kumita ka, gagawa ka ng isang libro, ipapangalan mo sa iyo (siyempre), pero ang mga magpapakahirap magsulat ay ang mga kakilala mo. Ayos diba?
Nakilala ko si Tado (sa tv lang naman) bilang isang komedyante, pero hindi lang pala siya ganun, isa rin siyang aktibista, manunulat, rakista, mang-aawit, negosyante, isa siyang taong napakasimpleng tingnan pero kapag nakilala mo nang lubusan ay napakalalim rin palang mag-isip. Pero higit sa lahat, isa rin siyang butihing ama at asawa sa kanyang pamilya.
Maganda rin naman ang ideya ni Tado ng isang bio-eulogy, ang punto niya ay ganito, paano mo pa malalaman ang gusto nila sabihin sa iyo kung patay ka na. Kahit papaano, bago siya nawala sa mundong ito, ay nabasa na niya ang mga gustong sabihin sa kanya ng mga tao sa buhay niya.
Hindi ko nagustuhan ang libro. Oo na, maganda at bago ang konsepto. Pero libro ba talaga 'to? Binili ko 'yong libro dahil fan ako ni Tado at gusto ko 'yong humor niya. Akala ko nga sulat niya 'yong mababasa ko rito pero hindi pala. Compilation ito ng mga mensahe ng mga kaibigan at kakilala ni Tado. Para may mababasa na si Tadong mga mensahe na dapat ay para sa eulogy niya. Nabasa ko na bago pa man siya mamatay. Goosebumps lang ang dating na namatay na nga si Tado at nakagawa siya ng ganitong libro. Astig! Mabalik tayo sa libro. Ang sulat lang ni Tado rito ay 'yong introduction yata. Basta hindi ko gusto 'yong libro. Ang daming typo kasi PSICOM ang publisher. Ang pangit ng sulat ng ibang nagmensahe. Napaka-amateur ng dating ng librong 'to. Nevertheless, gusto ko 'yong idea na 'to ni Tado. Kailan pa ba natin dapat marinig ang mga gusto nating marinig kundi habang buhay pa tayo.'Di ba?
Very Gus ang peg ni Tado sa librong ito. Oo nga naman, paano mo malalaman ang eulogy sayo ng isang tao, kung wala ka na naman sa Earth upang mapakinggan ito. May mga parte na korni, merong tagos sa puso, pero sa lahat sigro ang paborito ko yung ginawa ni Empoy. Magandang konsepto, parang gusto ko din ng ganito.
The concept is smart: Present an 'autobiographical' account that would end up as though people would eulogize your existence. Some of the humor, though, are outdated, and some thoughts ramble repetitively. Almost a good read, still.