Jump to ratings and reviews
Rate this book

Layb Life: Mga Kwento at Karanasan ng Isang Librarian

Rate this book
Ang mga bagay na nakalathala sa aklat na ito ay batay sa karanasan at pananaw ng may-akda. Hindi nito nais na makasakit sa sinuman. Layon lang nito na maimulat ang lahat ng magbabasa sa mga pangyayaring karaniwan na sa buhay ng isang librarian at sa buhay ng isang manggagawa.

BAWAL ANG PIKON. BATO-BATO SA LANGIT, ANG TAMAAN, HUWAG MAGRE-REACT!

ANG PIKON AY GUILTY!

150 pages, Paperback

First published January 1, 2012

2 people are currently reading
15 people want to read

About the author

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
2 (40%)
4 stars
0 (0%)
3 stars
0 (0%)
2 stars
1 (20%)
1 star
2 (40%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 24, 2012
Kaya ako nagbabasa ng Pinoy books ay dahil mahal ko ang Panitikang Filipino. Nguni't hindi ito nangangahulugan na lahat na mga akdang lokal na mabasa ko ay gugustuhin ko at bibigyan ko ng mataas na marka dito sa Goodreads. Hindi ko lolokohin ang sarili ko at ang mga kaibigan kong nagbabasa sa mga rebyu ko. Masaktan man ang sumulat ng libro. Magpakatotoo tayo.

Nakita ko ang aklat na ito Layb Life: Mga Kuwento at Karanasan ng Isang Librarian sa NBS Harrison Plaza noong Sabado. Na-intriga ako. Parang bagong Bob Ong. Tagalog ang medium. May mga cartoon images na pambata. Malinis at maayos ang pagkakalimbag. Impressive ang short resume ng may-akdang si Michael A. Pinto: A.B. Political Science (University of Saint Louis, Tuguegarao, Cagayan); B.S. Secondary Education major in Library Science at Masters of Public Administration (University of Saint Louis in Baguio) at kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Education major in Educational Management sa parehong school. Noong 2006 ay No. 8 siya sa Licensure Examination for Librarians at sa kasaysayan ng Pilipinas ay siya raw ang pinakabatang naging Director of Libraries sa edad na 25 noong 2007.

Okay. Binili ko ang libro: P395. Mas mahal pa ito kaysa sa alin mang akda ni Bob Ong. Pero, K.D., malay mo maganda naman? sabi ng aking konsensiya.

Bago ang aklat na ito ay nakabasa na ako ng 227 na libro mula noong Enero 2012. At ito, ang Layb-Life ang pinakapangit sa lahat! Sorry, Michael pero sabi ko nga, sa totoo lang. Ito ang mga dahilan:

1) Bully ka. Director ka na't lahat, ginamit mo pa ang libro para i-depensa ang sarili mo laban sa mga naka-engkuwentro mo sa pagiging Director of Library mo. Ikaw na may kakayahan na maglimbang ng libro, sinamantala mong ipaalam sa buong Pilipinas na mas tama ka at ang iyong sariling paniniwala laban sa mga kasamahan mo sa library. Paano na makaka-depensa ngayon ang mga katunggali mo? At... interesado ba naman kami?

2) Ingat sa Bararila. May editor ba ang libro ito? Di ka gumagamit ng panghalip (pronoun), paulit-ulit ang mga salita sa mga pangungusap na nakapaloob sa isang paragraph. Nakakainis basahin. Tapos ang gamit ng "din" at "rin." Kapag vowel ang ending ng sinusundang salita, "rin" at kapag consonant, "din." Tapos, marami pang typographical errors.

3) Sobrang pang-tanga. Masyadong detalyado ang pagkakasalaysay mo ng mga buhay sa library kahit na yong masyadong obvious. Kahit naman sinong nakapag-aral kahit elementary ay nakatungtong na sa library. Kaya di mo na kailangang gutay-gutayin ang mga kalakaran doon.

at ang pinakamalaking turn-off:

4) Hindi si Rowlings ang sumulat ng LOTR. (p. 115) Ito ang sabi mo:
"Kung hilig naman ay ang mga pantasya, patok ang mga serye ng Harry Potter. Bago pa lumabas ang pelikula sa takilya, alam na ng maraming mahilig magbasa. Kasama na rin dito ang akda ni Rowlings na "The Lord of the Rings"."
Sampol lang itong paragraph na ito. Bukod sa si J. R. R. Tolkien ang sumulat ng LOTR, ang takilya ay ang lugar kung saan ka bumibili ng tiket para papasukin ka sa sinehan. Sa sinehan lumalabas ang sine.

Dyoskopo.
Displaying 1 - 3 of 3 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.