"Ikaw lang ang hinangad ko mula noon hanggang ngayon. Hindi humupa ang bugso. In fact, lalagablab pa ito."
Namatay ang mga magulang ni Cliff sa isang malagim na pangyayari maraming taon na ang nakalilipas, isang pangyayari na nagpabago sa kanyang kapalaran at naging dahilan upang siya ay maging isang immortal.
Ang buong akala niya ay nag-iisa lang siya, unique sa kanyang paraan dahil kalahating tao at kalahating bampira siya. Pero nagkamali siya.
Sa isang archaeological digging kung saan may nakitang mummified remains ng pinaghihinalaang mga bampira, naaalarmang pinapunta siya roon ng kanyang ama para mag-imbestiga. Doon niya nalaman na tatlo silang magkakatulad—mula sa isang pamilya at galing sa iisang ina.
Ang pagkakatuklas sa mga mummy na iyon ang naging dahilan para makilala niya ang kanyang tunay na pamilya, ang mga kaibigan at kaaway ng mga ito, at higit sa lahat, ang misteryosang babaeng hindi niya makalimutan ang magandang mukha.
Maraming hiwaga ang kanyang buhay. Pero isa lang ang gusto niyang malaman: Sino ang babaeng iyon?
Camilla is a bestselling Filipino romance writer famous for the series Lukaret, Ambisyosa and Task Force Kapayapaan. She writes for Precious Pages Corporation.