Jump to ratings and reviews
Rate this book

Halina sa Ating Bukas

Rate this book
Sa kauna-unahang nobela ni Macario Pineda, pinagtibay niya ang reputasyon niya hindi lamang bilang isang walang-kapantay na manlilikha ng buhay sa nayon. Ipinamalas din niya sa mahabang naratibo ang malalim na kamalayang panlipunan na nagtampok sa mga pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa iba't ibang mukha ng karahasan at kawalang-katarungan upang sikaping makamit ang isang kaaya-ayang kinabukasan.

Pinatutunayan ng nobelang ito ni Macario Pineda na mahalaga ang naging papel niya sa pagpapayabong ng nobelang Tagalog, sa pagpapaunlad ng sining ng nobela, at sa pagpapatuloy ng dayalogo sa pagitan ng nakaraan at ng kasalukuyan, ng kasalukuyan at ng kinabukasan. Isang higanteng tanikala ang nagkakawing sa mga bahaging ito ng ating kasaysayan at lipunan.

Ang Halina sa Ating Bukas ay isang paanyaya upang bigyang-buhay pa ang mga posibilidad na bumuo sa ating buhay at karanasan bilang mamamayan sa isang partikular na lipunan. —Mula sa Introduksiyon ni Soledad S. Reyes

136 pages, Paperback

First published January 1, 2012

9 people are currently reading
171 people want to read

About the author

Macario Pineda

7 books26 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
30 (51%)
4 stars
11 (18%)
3 stars
9 (15%)
2 stars
3 (5%)
1 star
5 (8%)
Displaying 1 - 3 of 3 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 12, 2015
Unang libro ni Macario "Kayong" Pineda. Pangalawang nabasa kong sinulat nya. Una yong The Gold in Makiling: A Translation of Ang Ginto sa Makiling (5 stars). Pangalawang nobela ito ni Macario Pineda na isinalin sa ingles ni Soledad S. Reyes. Nagustuhan ko pero dahil nabasa ko sa ingles, di ko sigurado kung gaano singganda noong orihinal na nobela. Kaya isinunod ko itong Halina sa Ating Bukas.

Kung susuriing mabuti, ang Halina sa Ating Bukas ay may plot na romance. Ngunit sinangkapan ito ng socio-political theme. Ang plot ay tungkol sa pagiibigan ng isang mahirap na sundalo noong World War II na si Jose o Pepe at ang mayaman ay si Maria Luisa na anak ng panginoong maylupa na si Kapitan Tomas. Mayroong napupusuan si Kapitan Tomas na ipakasal kay Maria Luisa, isang abogado, pero hindi pinalawig ni Pineda ang punto ng love triangle at sa halip ay nag-focus siya sa tunggalian ng mayaman at mahirap sa panahon ng piyadalismo at pabrika. Ang huli ay iyong pupunta ka sa isang madawag na lupaing walang nagmamay-ari. Tatabsan mo ito. Hahawanin. Tapos doon ka magtatayo ng bahay at sasabihin sa sarili mong, iyo ang lupang iyon. Hindi pinangalanan ni Pineda ang proceso, ngunit natatandaan ko na ganoon ang tawag sa Quezon sa kalakarang yon noong panahon na aking mga ninuno.

May naaamoy akong kaberdehan sa pagkakaibigan ni Pepe at Berto lalo na doon sa tagpong kinukumutan ni Pepe si Berto habang sila ay magkatabi sa higaan. Marahil noong panahong ito ay lumabas na serye sa Aliwan Komiks mga taong 1945, hindi ganoon ang dating dahil maraming sundalo ang naging tunay na magkaibigan dahil sa digmaan. Yong tinatawag na brotherhood solidarity pero sa panahon ngayon di na siguro ito papasa. Kapag ang dalawang lalaki ay namuhay na silang dalawa lang, malamang sa hindi, aalagwa ang mga dila ng kapitbahay.

Pero sa kuwento dito sa nobela, mahirap mong isiping ganoon dahil sa: (1) na-establish ni Pineda na ang matinding pagmamahal ni Pepe kay Maria Luisa. Yong climax ng nobela kung saan ay nakatitig na lang sa kawala si Pepe ay patunay ng "kontrol" ni Pineda. Mararamdaman mo yong lungkot ni Pepe at parang gusto mong umiyak para sa kanya; (2) na-establish din sa umpisa pa lang ang matibay na pagkakaibigan nina Pepe at Berto. Ipinakita rin na totoong lalaki si Berto dahil sa pisikal nitong anyo: brusko at malakas kumain; at (3) ginawang katatawanan o walang "emo" kung silang dalawang lalaki ay mag-usap. Hindi sila nagtatawagan ng "pare" o "bro" o "dre" o "pre" kundi sa kanilang mga pangalan. Pero dahil sa tatlong kadahilanang nabanggit ko, mahirap isiping may namamagitan sa kanilang homosexual relationship.

Ito yong hugot ko dahil di pa rin ako nakaka-get over sa kuwento nina Gaudencio at Celso sa nobela ni Dean Francis Alfar na Salamanca. Sabi ni Dean, "I leave it up to you. Sa inyo na ang interpretasyon." Samantalang kung buhay pa at makakausap ko si Kayong Pineda, sasabihin niya, "ang dumi ng isip mo, K.D."

Profile Image for fooleveunder.
159 reviews
January 9, 2025
Nahirapan akong unawain ang malalalim na salitâng Tagalog. Gayumpaman, nairaos din. Medyo nakulangan lang ako pero gusto ko ang mga binibitawang mga salita rito.
Displaying 1 - 3 of 3 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.