Jump to ratings and reviews
Rate this book

Pseudo Absurdo Kapritso Ulo

Rate this book
MULA SA BABALA

Hindi mo 'to dapat na mabasa sapagkat ang nilalaman ng dyornal na ito ay hilaw. Ayaw kasi namin na gumawa ng mga akda na over-cooked at over-kill sa mga rekado na ready to eat na isusubo mo na lang. Nais kasi namin na ang bawat magtangkang mambabasa ay makisabay sa pag-himay at pag-luto ng mga kaluluwa at esensya ng bawat akda-akdaan sa shit na 'to. Ayaw naming maghain ng mga putaheng-luto na nakasanayan mo nang lantakan, 'yun bang pagkasubo mo ang masasabi mo lang ay "ummm delecioso", "amen", at "sir yes sire". Sinasabi na namin sa'yo ngayon pa lang na mahirap matunaw ang mga hain dito. Bahala ka. Binalaan ka na namin, kung gusto mong basahin 'to ng hilaw na hilaw pa ay bahala kang magsuka.

Binabalaan ang lahat ng mga buso na busog (sa dunong) na 'wag basahin ang shit na ito dahil baka isuka niyo lang lahat ng kinain niyo na di pa natutunaw sa mga sikmura niyo—alam naman namin na empatso na kayo sa katalinuhan niyo. Mas mainam itong basahin ng mga batang gutom. Oo! as in patay-gutom. Mainam para sa kanila dahil baka pagkatapos nilang mabasa 'to ay mawalan na sila ng gana kumain at mag-jakol na lang. Di ba nakatipid pa sila?

At sa mga kritiko ng tradisyunal na literatura, 'wag mo nang basahin 'to dahil di mo na naman kailangan pa. Para sa'n pa? eh estilo at paraan lang naman ng pagkukuwento ang alam mong birahin. At 'wag mo na ring itanong kung sino ang impluwensya namin dahil wala naman, di namin kailangan nun. Di require sa'min na magbasa muna ng maraming akda bago sumulat. Sapat na 'yung mga munti naming karanasan at mga nakikita sa daan at tabi-tabi, doon naman talaga nahahagilap ang lahat ng shit. Ika nga, praktika muna bago ang teorya.

'Wag mong basahin ito kung hindi ka isang ungas!

PLSSSS........ Huwag mo itong basahin pakiusap lang. Huwag mong basahin. Unawain mo.

82 pages, Paperback

First published January 1, 2012

4 people are currently reading
60 people want to read

About the author

Ronaldo S. Vivo Jr.

12 books189 followers
Ronaldo Soledad Vivo, Jr. is the author of the Dreamland Trilogy—'Ang Kapangyarihang Higit sa Ating Lahat' (The Power Above Us All), 'Ang Bangin sa Ilalim ng Ating mga Paa' (The Abyss Beneath Our Feet), and 'Ang Suklam sa Ating Naaagnas na Balat' (The Loathe Within Our Rotting Flesh). He is an award-winning author, having been a finalist for both the Madrigal-Gonzales First Book Award and the National Book Awards for novels, and a recipient of the Gawad Bienvenido Lumbera for short fiction. He is the founder of UngazPress, a collective of writers from the town of Pateros. As a musician, he operates Sound Carpentry Recordings, which releases music on cassette, CD, and vinyl for worldwide distribution. He also serves as the drummer for bands such as Basalt Shrine, Abanglupa, The Insektlife Cycle, Dagtum, and Imperial Airwaves, among others.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
18 (37%)
4 stars
18 (37%)
3 stars
6 (12%)
2 stars
5 (10%)
1 star
1 (2%)
Displaying 1 - 15 of 15 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 16, 2012
Gusto kong bigyang puwang sa library ko ang mga independent o self-published Pinoy authors. Kaya noong sinulatan ako ni Ronaldo na kung puwedeng umiskor ng rebyu para dito sa journal niya, sabi ko "bakit hindi?" Noong nakaraang taon, mayroon ding isang author na humingi sa akin ng ganitong pabor. Ingles ang gamit niya at may isang short story (e-book) na gusto nyang ipa-rebyu sa akin. Kaso, nakapinid pa ang utak ko sa ganitong mga bagay. Sabi ko sa sarili ko, di ko pa nga nakakalahati ang 1001 books, aabalahin ko ang sarili ko sa sinulat mo at ni hindi kita kilala, eh mahalaga ang sandali sa buhay ko lalo na't sandamakmak pa ang puwede kong basahing libro sa bahay. Wala rin akong e-book reader at walang tiyagang magbasa sa screen ng computer. Kaya't tumanggi ako. Okay lang naman sa kanya. Makaraan ang ilang buwan, namatay na sya sa sakit na AIDS. Nakonsiyensya ako kahit paano. Isang simpleng kwento lang, di ko man lang nabigyan ng oras para basahin.

Kaya't pinagbigyan ko itong si Ronaldo. Hindi ko pa rin siya kilala ng personal. Ngunit ano ba ang ilang araw kung ang kapalit ay isang kaaliwan o maaaring isang kaibigan. Maikli lang ang buhay para ipagdamot sa gustong umamot.

Hindi naman ako nagsisi. Sariwa ang atake ng librong ito sa pamamaraan ng pagsulat. Masusi ang ginawang estratehiya. Sa panimulang mga mensahe nina Marc Angeles at Jack, may babala na na kung ang hinahanap mo ay iyong mga nakasanayan mo nang kuwento, hindi sa iyo ang aklat na ito. Kung iniisip mo na ang pagsulat ay magagawa lamang ng taong marami nang nabasang aklat, hindi para sa iyo ang aklat na ito. Kumbaga, gustong basagin ng mga kwentista rito ang mga nakaugalian na ng mga mambabasang Pinoy. Gusto nilang umiba sa kombensyong pang-akademiya.

At nagtagumpay sila. Para sa akin, ito ang pagalagwa sa mga akda ng mga Pinoy na manunulat na karamihan ay nasa akademya at sinusunod ang mga reglamentong tinuro sa kanila ni profesor ganito at ni profesor ganoon sa kursong malikhaing pagsulat sa unibersidad na ganito at unibersidad na ganoon. Iniba naman nila. Ungaz na kung ungaz. Kung ang ibig sabihin ng ungaz ay pagsalungat sa agos at pagkakaroon ng bagong at mas progresibong istilo, ungaz na rin ako.

Ang titulo ng libro ay may akronim na PAK U! Parang galit na tumatawag ng pansin. Di mo alam kung paandar lang o totoong galit na. Di mo alam kung gusto lang maiba o talagang may kayang patunayan o sa kalaunan ay kayang suwagin o buwagin.

Alam ko galit na sila. Alam ko kaya nilang ibahin ang agos. Alam ko kaya nilang bumuwag. Dahil nabasa ko ang 17 maiikling kuwento at labis labis kong naibigan ang marami sa mga ito:

P - PSEUDO

1) Iglesia ng Red Horse ng mga Disipulo ng Emperador: Ang gabi ng pagsamba ni Kristal Magdalena ni Christian de Jesus. 4 STARS
Kuwentong lasing o kuwentong parang sinulat ng isang lasing. Titulo pa lang alam mo na ang ibig sabihin dahil sa brand ng beer (Red Horse) at brandy (Emperador) na pawang mga nakalalasing. Ilagay mo pa ang kristal na lalagyan ng alak at ang Magdalena na isang makasalanang babae naging kaibigan ni Lord. Maganda ang pasok ng kuwento: "Simula na ng misa." Kakaiba. Dahil galing ka sa magulong introduksyon at ngarag ka at super curious na sisimulang i-try basahin ang libro. Parang sinabi biglang "Tumahimik ka. Magsisimula na tayo." Galing ng pasok!

2) Sana Gisingin ako ni Catherine ni Danell Arguero. 5 STARS
Aha! Anong sinasabi ng librong ito na hindi siya nakakahon? Hahaha. Sunod ito sa formula ng short story writing pero... NAPAKAGANDA! Alam ko na nang mangyayari dahil kababasa ko lang ng koleksyon ni Ricky Lee na "Si Tatang at Mga Himala ng Ating Panahon" partikular na yong huling kuwento roon. Pero yong rebelasyon sa dulo ng kuwento, grabe! Pero sana, huwag masyadong lumihis sa ekspektasyon ko na mala-Ultraviolins (meaning: kakaiba) ang aklat na ito at hindi drama.

3) Room Six-o-Three ni Ronaldo Vivo Jr. 3 STARS
May angst. Teenage angst. Bukod doon, yong aksidenteng naganap, napanood ko lang mga dalawang buwan ang nakakaraan sa TV series na "Borgia" kaya hindi ako nagulat. Di ko lang maisip, bakit hindi man lamang sa hinarangan ang bukas na pader. Ang nagustuhan ko rito ay yong pagkakaibigan ng tatlo at yong malinis (halos walang typographical errors) ang pagkakasulat.

4) Pre-Frontal Lobotomy Ronnel Vivo. 4 STARS
Di ko masyadong ma-gets. Pero ito ang ekspektasyon na binuo ng introduksyon kaya nagustuhan ko. Kumbaga, inihanda ako ng introduksyon na ganito ang magiging karanasan ko sa aklat na ito kaya 2-3 beses kong binasa ito. Hindi ko pa rin gets at di ako nagagalit dahil ganoon talaga. Lumipad ang diwa ng nagsulat at pumailanglang akong kasama niya.

A - ABSURDO

5) Catcher ni Ronaldo Vivo Jr. 5 STARS
Nagustuhan ko yong rebelasyon sa dulo. Parang pelikula lang na biglang ipinasok ang totoong nangyari. Di ko na hulaan. Isang maganda paala-ala sa kasamaang idinudulot ng droga. Masarap basahin dahil hindi preachy. Nakakapanglumo lang na kahit sobrang hirap, nagagawa pa ng pobreng mama ang bumili at gumamit ng droga. Mahusay ang pagkakalarawan dahil parang naaamoy ko habang nagbabasa ang baho sa bilangguan at ang baho ng pangunahing tauhan. Puwede itong ihilera sa mga akda ng Agos boys.

6) Batang Hamog ni Christian de Jesus. 3 STARS
Hindi ko gusto, hindi rin ayaw. Kakaiba ang sulat. Absurd pero konti lang. Pero hindi lang nag-marka kumpara sa #1. Parang mas kulang ang shock factor kung iisipin dapat mas matindi ang "absurd" kaysa sa "pseudo."

7) Buhay Artista, Taping, at mga Gawaing 'di Alam ng Audience ni Erwin Dayrit. 1 STAR
Wala halos laman. Mga kung anu-ano lang na nabasa ko na sa ibang libro. Wala halos absurd kundi yong ginagawa noong mga artista pagkatapos ng shooting. Sana naglagay sila ng background music na "Careless Whisper" (kung saan ang naganap ay mas absurd kaysa rito).

8) Live Show ni Ronaldo S. Vivo Jr. 2 STARS
Hindi kakaiba. Mahilig lang nanay niya at ang absurd dito ay yong nagawa yang tigasan sa panonood sa nanay niyang nakikipag-threesome. Pero hindi ako nagulat dahil sa puntong ito ng aking bagbabasa nauna na yong mga mas nakakagimbal na tagpo. Parang lame na ang isang ito.

K - KAPRITSO

9) MOLOTOV ni Ronnel Vivo. 3 STARS
Bakit "kapritso?" Dahil mayayaman yong isang side? Nagustuhan ko ito, dahil hindi pinahirap kagaya noong #4. Konting adjustment lang ng turnilyo ko, kuha ko na ang kaweirduhan na gustong ipakita ng sitwasyon. Na-amuse naman ako pero yon, hanggang amuse lang. Hindi naman realistiko kung iisipin mo.

10) Kalimutan mo na si JC ni Edwin Dayrit. 2 STARS
Ang istilo yata ni Edwin Dayrit ay minimalist storytelling. Okay lang sa akin dahil mas maikli, mas maganda pero dapat hindi ma-kompromiso ang laman. Halimbawa ang #2. Maiksi pero buo at walang sinayang na salita. Perfect storytelling. Parang mahihiya yata akong kausapin itong si Edwin hahaha. Sana bumawi ang "Zhay" na siyang anchor story ng libro. Anchor, normally maganda kung di man pinaka-maganda dahil yang ang pinakasariwang kuwento sa isip ng mambabasa pag sinara na nya na ang aklat sa huling pagkakataon.

11) HIN-DOT COM ni Christian de Jesus. 5 STARS
Naawa ako doon sa bata. Ako na wantusawa ang paggamit ng FB, GR, YM at kung anu-ano pa. Tapos heto ang batang titipirin ang baon sa tatlong araw para lang maka-FB. Tapos... tapos... (ayokong magbigay ng spoilers). Basta ito yong unang kuwentong binasa ko pagkabangon ngayong umaga at di ko naisip na ito si Christian de Jesus na sumulat ng #1. Malikot ang imahinasyon ni Christian de Jesus sa #1 pero aantigin nya ang puso ninyo para sa isang bata (o binatilyo dahil marunong nang magdyakol) hehehe. Unang pagkakataon din na nabasa ko sa isang kwento ang halos araw-araw kong mga ginagawa ko sa computer. Panalo.

12) Mga Santo sa Impyerno ni Danell Arguero. 4 STARS
Ito yong tinatawag kong Alice-in-the-Wonderland na kuwento. Yong high na high ka na tapos yon pala eh Doon sa diskusyong ng PRPB sa librong ito, pinaliwanag ni Christian de Jesus ang pagkakaiba ng kwentista sa manunulat. Kwentista lang daw sila, ang Ungaz boys. Okay, kung ganoon, 4 stars talaga ito. Otherwise kasi, gasgas na ang mala-Carol Lewis na teknik pero kung ganito kagaling ang kaibigan kong nagkukuwento, talagang mapapalatak ka dahil nadadala ka sa kuwento ng may nababasag na bungo, sumasargong dugo at nagliliparang utak. Di mo ring maiiwasang makinig dahil pasigaw ang dialogo at namumutiktik ang murang may halong berso mula sa bibliya.

U - ULO

13) Ilang Eksena sa Isang Coca-Cola Commercial ni Ronnel Vivo. 3 STARS
Di ko mailarawan ang ilang kuwento o hindi ko maintindihan ang pinupunto. Ang pamagat ay nagpabalik sa akin ng ibang mga nagdaan nang Coke commercial pero di ko mai-relate sa mga nabasa ko rito. Wala ring nag-marka pero nagustuhan ko yong word play at yong paggamit ng actual na handwriting sa halip na typewritten lahat. Mas naging reyalistiko.

14) Imbakero ni Ronaldo Vivo Jr. 4 STARS
Uy, nayari na naman ako. Biglang nasa dulo ng kuwento ang payanig. Biglang naroon ang urge na balikan ang mga nangyari sa unahan ng kuwento kung bakit napaikot ni Ronaldo ang utak ko na di ko namalayan na ganoon pala yon: Maganda ang atake. May pagka-speculative fiction partikular na ang Orwellian flavor nito o ang pakikialam o paniniil ng pamahalaan sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan hanggang sa pagpapalit ng mga nakasanayan kagaya kung sino ang manganganak at kung hanggang kailang maaaring pigilin ang bata sa sinapupunan. Hindi ko na lang isasalaysay ngunit ang kuwentong ito ay sobrang kakaiba at halatang pinagisipan.

15) Obrang Maestra ni Christian de Jesus. 4 STARS
Narito sa kuwentong ito ang isang linyang lubha kong naibigan: "Hindi masusukat ng kahit anong pamantayan ang tunay na gilas ng isang tao. May medalya nga ng karangalan ngunit walang karangalan ang medalya. Ang tao mismo ang siyang may dangal kaya't sarili niya ang dapat na isinusuot higit sa ano pa man." Totoo naman ito. Maraming meda-medalya'y nakuha lang sa pamumudmod ng pera o sa pagmememorya ng mga aralin sa paaralan. Hindi sukatan ng narating o ng galing ang pagtatamo ng medalya. Ito pa: "Ang buhay nila'y parang tutang may sukat at tugma ngunit walang haraya. Hindi lahat ng natututunan sa buhay ay napag-aralan. Hindi sila ang tunay na maalam dahil kung baga sa itlog, sila'y bugok, batihin mo man nang batihin at lutuing maigi ay abnoy pa rin ang labas." Parang ito na ang inasahan kong cerebral dahil sa Ulo ito kasama. Ulo ang may utak at ang kuwentong ito ay maraming sinasabi.

16) A Complex E[soterik]rotik Reality ni Ronaldo Vivo Jr. 3 STARS
Sige na nga. Bangag kasi. Mukhang bangag kasi ang mga karakter kaya nagagawa ang mga hindi dapat magawa. Karugtong ito noong #8 "Live Show" na hindi ko na lang pinansin dahil parang hindi realistiko. Ngunit sabi ng kaibigang kong si Paolo na taga-Marikina, possible raw mangyari ito. Di lang siguro ako exposed masyado kaya't hindi ko maisip. Pero itong #16, pinalala pa ang pangyayari. Pero nagustuhan ko na ito kumpara sa #8. Bakit? Dahil may realisasyon na yong karakter na mali ang nangyari. Susunod na siguro ang pagsisisi at harinawa'y ang pagbabago.

17) Zhay ni Erwin Dayrit. 5 STARS
Sabi ko na nga ba! Tangina this story. Hah! Excuse the language. Inayawan ko ang #7 at pinasang-awa ko lang ang #10 ni Erwin Dayrit pero itong isang ito.... SABI KO NA NGA BA! Bakit ito ang anchor story?!? Dahil ito lang ang nakakatawa para sa akin. Ihit ako ng tawa na dalawang beses. Una doon sa "nahihilo" na yong bida dahil sa daming naglalarong mga imahen ng mga babae sa kanyang utak. Eh, ako laging nahihilo rin (sa puyat sa kakabasa) kaya tawa ako ng tawa. Pangalawa, doon sa "mga uhaw sa pag-ibig" dahil naala-ala ko ang mga mahilig sumama sa book club na di naman talaga mahilig magbasa. Gusto lang maka-meet ng posibleng papa. Kagaya sa libro: "assorted - bading, tomboy, girls, boys" marami sa book club (hindi PRPB) ang isang libro isang buwan o taon ang binabasa pero panay ang attend sa book discussion. Primero unong dahilan: makipagharutan hahaha. Tawa rin ako ng tawa rito dahil sila ay taong mga uhaw sa pag-ibig lang hahaha.

Tapos sa dulo biglang kambyo ang kuwento. Biglang seryoso. Parang buhay lang. Minsan sobrang tawang tawa ka. Tuwang tuwa kaya tawang tawa. Pero maya-maya nama'y biglang darating ang problema kaya't ikaw nama'y lumuluha sa lungkot. Tindi lang talaga ang huling kuwentong ito. Tamang tama dahil ipipinid mo ang libro na may bahid ng ngiti ang iyong mga labi.

Salamat sa isang magandang papasko, Ungaz boys.

Hintay ko ang mga susunod na labas ng dyornal ninyo.

Mabuhay ang Panitikang Filipino! Mabuhay kayo!
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
January 2, 2013
Matapos kung basahin ang aklat na ito ako ay napa-pakyu, napa-suka sabay napa-iyak,napa-tawa sa sarili!,napa-tae sabay napa-ihi sa tuwa,napa-tooooot?!,nakapag-isip ng malalim na halos malunod sa kahibangan at nagising sa katotohanan at kamalayan.

Malaman sa impormasyon at tumatalakay sa realidad na pangyayari, masarap basahin,siksik liglig,matapang,asteeg,.Champion kasi totoo!,walang halong biro kasi puro BIROTAN haha!..Sheyt!..maGanda! para akong nanuod ng Superman 1,2,3, upto the (Ken)Tenthtuten power haha!..Sabog Wasak..Swaberap!

Guys!..naka-anim akong putok! Swabeee!.. Putok na putok hanggang sa sumambulat sa mukha ninyo maderfakers! Tulo uhog! burat! luga! hahaha!.

Mga tsong tsang tsenis basahin niyo na ang tatalo sa pag-Gangnam ng todo todo kapag nabasa nyo ang PAK U mapapa-Gangnam ang burat nyo! At kaisipan sa lawak ng imahinasyon na totoo kasi realidad sila as in walang pantasya purong swabeee!

Ito na ang rebyu ko sa walang kapares na aklat ng PAK U,..

Handa na ba kayo?..i-ready na ang Molotov, Goodbye Bading, Pacman, Ampatuan, Coke in Can, dahil sasambulat sa inyong mga mukha ang swarap na rebyu as in!..sagaddd agad agad kayong tatamaan!

Mga Ungaz .. “U PAK me really!...which means
U-uncanny, P-powerful, A-amazing, K-knowledge!

...“Don’t judge the book by it’s cover”...
-Eto ang masasabi ko kasi sa biglang tingin tila mapangahas at matapang na sinasabi ng naka-drawing na bagay (fetus na naka-ngarat in your face!). pabalat pa lang eh tatamaan na kayo ng mala-goodbye philippines o Ampatuan dahil sa ugaling dapat na natin iiwan sa 2012. Sa Paunang salita, Pasasalamat, Babala..eh talagang tatamaan ka na at magsisilbing inspirasyon na hindi biro ang pagsusulat ng PAK U.

KRISTAL MAGDALENA
-maganda ang simbolismong ginamit.Tinitira nito ang mga Banal na Aso at Santong Kabayo haha!.Mag-ingat! sa mapagkunwari at pekeng tagapangaral dahil tiyak na Breaking Dawn 2 ang labas ninyo.Ang anak ng pinagsanib ng makapangyarihang hunghang!.

GISINGIN AKO NI CATHERINE
-maganda ang pagkakagawa.Isang panaginip na nagparamdam si Catherine.Sana ay huwag tularan si Allan dahil sa pagsambulat ng kanyang katangahan eh napeligro ang kanyang syota dapat sa kanya ay kunin na ni Catherine para sa Heaven na sila mag-asembol ng marami haha! at kapag isinilang pa ang anak nila eh bugbog sarado ang aabutin ni Allan sa anak niya haha!

ROOM SIX O THREE
-mga magkaibigan nauwi sa kapahamakan dahil sa biruan.Minsan ang taong kaaway mo ang siyang magliligtas sa iyo ika nga “Love your enemies” baka kasi bumalik ang karma sa iyo.Minsan hindi masama ang bumalimbing! oh ha! whe!

PRE FRONTAL LOBOTOMY
-para itong “Eternal Sunshine of Spotless Mind” at "Disturbing Behavior" na pelikula.Totoong nangyayari eto sa paggawa ng thesis na tipong makikisama ka para makapasa kahit labag sa iyong kalooban.Hindi eskwelahan ang huhubog sa talino ng tao kundi ang tao ang makapangyarihan kaysa eskwelahan.

CATCHER
-itinuturo nito na mahalin natin ang ating sarili at ang hayop sapagkat ito’y nilikha ng Diyos upang tayo ay mabuhay ng maunlad at may kasaganahan.Ang lahat ng sobra ay masama.Huwag malululong sa masamang bisyo.Dapat ay kilala mo ang sarili mo,kung sino ka at saan ang limitasyon mo.

BATANG HAMOG
-lahat ng lihim ay mabubulgar at may balik na karma ito.Basurang itinapon mo ay babalik sa iyo!

BUHAY ARTISTA
-minsan ang maliit na bagay ay mas may pakinabang at mas makapag bibigay ng saya kaysa malaking pangarap ng ubod ng stress at pressure! na pati puri mo ay siguradong magiging manhid.

LIVE SHOW
-nakakatawa dahil ang sa akala mo’y masama eh ikaw din pala ang siyang gagawa.Mag-isip muna bago ilabas ang galit.Dahil baka sumambulat sa iyo ang kahihiyan mo!

MOLOTOV
-nakakatawa dahil kabaligtaran ng tunay na pangyayari mayayaman laban sa mahihirap subalit ang mayayaman din ang gumagawa ng sariling multo nila.Tao ang lumilikha ng problema hindi basta basta lumilitaw ang problema.

KALIMUTAN MO NA SI JC
-minsan mas pipiliin mo ang hindi mo gusto pero mahal ka niya kaysa mahal mo pero hindi ka naman niya mahal.Pwde rin “walang panget sa titing galit”!haha. yan ang sa inyo maderfakers!

HIN-DOT.COM
-ang buhay bata ay dapat intindihin.Hindi dapat sila imulat sa maagang paghahanap buhay sapagkat sila'y bata na dapat pasayahin hindi dapat pahirapan.May mga bagay kang sinasakripisyo para sa sariling kasiyahan mo na kahit gutom pagod, luha, ay handang tiisin.

MGA SANTO SA IMPYERNO
-maganda ang kwento at istilo isang panaginip na nangyayari sa kasalukuyan dahil sa kahirapan at materyal animo'y banal ngunit “Pera” ang Diyos nila.

COCA-COLA COMMERCIAL
-nakakatawa! Mga impormasyon sumisimbolo sa katotohanan kumbaga pikon ang unang maasar haha!

IMBAKERO
-para sa akin eto ay sumisimbolo sa pagpapalaglag,pagpapalahi, panliligaw, panunuyo na pwedeng idaan sa santong paspasan na sa huli ay pagsisisihan.

OBRANG MAESTRA
-mala scene sa “Spiderman” ang kwento sapagkat natulungan ni Spiderman iyong holdaper na bumaril sa kanyang tatay.Sa OBRA naman ay iyong bagay(kutsilyo)na mula sa kanyang kaibigan ang ginamit na panaksak na pumatay sa Obra Maestra niya.

A COMPLEX ESOTERIKIROTIK COMPLEX
-ito ang nakasusulasok o nakadidiring pangyayari subalit laganap sa mga taong nakakaranas ng hirap at pagkawala ng pag-iisip sa dami ng problema.Ito marahil ang solusyon sa animo’y mainit na kemikal na naghahalo sa loob ng katawan sabay pa ng pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.Magkahalong hirap at sarap, ikaw? Mapaglalabanan mo ba ang sarrraaaap!...back to the bullball game! Haha!

ZHAY
-maganda ang pagkakasulat.Dapat nga lang ay magsama-sama sila hahaha! Kasi naman ang babae ay minamahal at hindi tinatadyakan o pinagbubuhatan ng kamay.Mag-isip ng maraming beses bago gumawa ng hakbang lalo't maselan ang mga pangyayari.Subalit sabi nga ni Gat. Jose Rizal “ang kabataan ang pag-asa ng bayan’! kaya hindi suicide ang solusyyon sa problema kundi harapin ito ng may tapang at Bullball! Hahaha!

Oh! Nabitin kayo noh?!..ilabas na ang Ikalawang PUTOK!...Sa kabuuan umaatikabong "5 STARS" ang rating ko..MAHUSAY!..MATAPANG!.. MAY SINING at IBUBUGA ang aklat na eto!...The Best of 2013! Boooom!...kung hindi mo pa ma-gets ito eh salubungin mo ang mala-HULK na suntok ni Markissed ng swaberraappp!..I shall rise!..sabi ni Pokman. Mabuhay kayo mga UNGAZERS!...

Para kila;
Ronaldo Vivo Jr.
Danell Arquero
Erwin Dayrit
Ronnel Vivo
Christian De Jesus


Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
November 18, 2012
Oh Gawd, Please forgive me.

Mapapatawad pa kaya ako ni Papa Gawd dahil dito? Anu na lang ang sasabihin ng mga magulang, kaklase, kaibigan, kainuman at ng nililigawan ko. Magugunaw na raw ba ang mundo?(malapit na) At bakit daw ba ako nagbabasa ng ganito?

Nag-isip isip ako. Teka, tangina! anu bang naging kasalanan ko? Anu bang alam nila sa mundo? Ni hindi nga sila nagbabasa ng libro, tapos kukwestyunin pa ang pagbabasa ko nito.
What the heck!


Hoy ungas, answered prayer ang dyornal na 'to. Hulog ng langit (plakda) para sa mga anak ng diyos sa labas. Para sa mga taong mas gusto ang abot kaya, bagsak presyo na realidad na mundo kaysa sa mamahaling puro magic na libro.
Para sa bukas na isip.
Para sa isip na naiinip.

Naglalaman ng katotohanan. Nagbibigay ng mga problema, hindi ng mga kasagutan. Walang moral, na itinuturo sa paaralan. Puro aral ng malungkot na lipunan.

Tara na at makipag-one-night-stand sa literatura. Para mabuntis at manganak ng mga bagong manunulat na babago sa tradisyon ng pagsusulat. Tara na at simulan, problema mo kung ikaw ay mabastusan.

Simulan na natin. Wala nang backspace 'to.


Pseudo Absurdo Kapritso Ulo (PAK U), unang issue ng UngazPress. Mga ungas na nagbabaka sakaling basahin mo ang kanilang dyornal. Baka lang naman.

Isa ako sa mga naunang makaiskor nito. Di ko alam kung bakit. (Na-voodoo ata ako) Naingganyo ata ako dahil bagsak presyo daw. E basta, iniisip ko pa rin ngayon kung bakit ako umorder.


Naglalaman ng labing pitong maiikling kwento na kaungasan, sex, rape, droga, alak, at kung anu-ano pang kawirduhan.


Nung unang kita ko, sabi ko mukhang mala-Responde siguro ito ni Norman Wilwayco. Pero pagkabasa ko ng mga naunang kwento, mali pala ko. Hindi sila katulad ni Iwa. Iba ang istilo nila. Iba-iba. Hindi ako sigurado kung meron nga ba talagang istilo o wala. Basta kakaiba ang paraan nila.

Limang may-akda. Nagsama-sama para sa isang dyornal. Nagkampi-kampi para bunuin ang labing-pitong kwento.

Rolando Vivo Jr.

ROOM-SIX-THREE (5shits) - Panalo ang kalokohan. Nagiging deadly nga lang paminsan minsan.

Catcher (4shits) - Wasak talaga. Ayoko lang nung paulit-ulit sa dulo.

Liveshow (3shits) - Digs lang. Tamang pangparaos.

IMBAKERO (2shits) - Ayos lang ang kwento, di ko lang talaga digs ang magulong fiction.

A Complex E[soterik]rotik Reality (5shits) - sequel ata ng Liveshow. Wasak talaga. Nakakakilig.


Danell Arquero

Sana Gisingin Ako ni Catherine (5shits + 10saludo) - Nagulat ako sa pasabog. Nalungkot sa kwento. At humanga. Di talaga inaasahan.

Mga Santo sa Impyerno (5shits) - akala ko panalo na, talo pa rin pala.


Erwin Dayrit

Buhay Artista, Taping at mga Gawaing di alam ng Audience (2shits) - Bitin. Nakakaungas lang.

Kalimutan mo na si JC (4shits) - Para sa mga bitter.

Zhay (3shits) - Ungas lang.


Ronnel Vivo

Pre-frontal Lobotomy (3shits) - Di ko digs. Labo.

MOLOTOV (1shits) - Magulo.

Ilang Eksena sa Isang Coca-Cola Comercial (2shits) - Magulo din. Di ko din digs.


Christian De Jesus

Iglesia ng Red Horse ng mga Disipulo ng Emperador: Ang gabi ng pagsamba ni Kristal Magdalena (3 shits) - Tamang tama lang para sa patikim na kwento.

Batang Hamog (4stars) - Kawawang bata. Kahabag-habag.

HIN DOT COM (4stars) - Ramdam na ramdam ko Romer. By experience.

Obrang Maestra (5stars) - Wasak. Pwedeng ituloy na pang-nobela.



Profile Image for Mara.
24 reviews
January 2, 2013
Unang rebyu para sa bagong taon.

Bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat sa aking Itay K.D sa pagpapadala ng kopya. Labis akong natuwa ng matanggap ko ito.Nung una kong nakita ang cover ang aking nasambit ay "oh,fcuk!" - wasak na agad! haha..

Ayon sa babala, wag daw basahin.. WAG BASTA BASAHIN, INTINDIHIN mo. Bigla ako na-curious sa babalang ito. Kaya sinimulan ko na agad. Eto ang ilan sa mga nagustuhan ko:

Sana Gisingin Ako Ni Catherine ni Danell Arquero (5stars)
Pagkatapos makita si kristal Magdalena at makipaginuman sa mga disipulo, agad kong binasa ang istorya na ito. Dito ako labis na tinamaan. Ito ay paulit ulit kong binasa. Ang ganda ng kwento. (OA yata ako) pero naluha ako. Ang saklap. Gusto kong sigawan si Al dahil sa nangyari kay Kate, pero gusto ko din syang damayan dahil naramdaman ko ang sakit, lungkot at pagsisisi nia.

Room Six-O-Three ni Ronaldo Vivo Jr. (4stars)
Gusto ko kwento ng pagkakaibigan ng tatlo. Ibat ibang karakter. Nakakalungkot lang ang nangyari kay Jake. Di ko inaasahan.Bakit ba kasi walang harang yung ginagawang pader?!? naisip ko na lang baka wasak na din si manong karpintero, tinamaan na din ng sumisipang pulang kabayo kaya di man lang naisip na lagyan ito ng harang.

Catcher ni Ronaldo Vivo Jr. (5stars)
Para akong masusuka habang binabasa ko ito. Naiimagine ko yung mga nababasa ko, lalo na nung nasa kulungan si Dante. Kakaiba din ang naging ending ng istorya na ito, maganda. Siguro magaling na maninisid itong si Dante. Haha

Mga Santo sa Impyerno ni Danell Arquero (5stars)
Nakakarelate ako sa kwentong ito. Madaming ganyan dito sa lugar namin. Kunwaring taong simbahan, pero sila pa ang mga nangunguna sa tsismisan at pakikipag-away. Talaga naman! Pagpasensyahan na lang natin sila Ambet!

Obrang Maestra ni Christian De Jesus (5stars)
Maganda din ang istorya na ito. Karaniwang nagyayari pag nasa kolehiyo,mahirap talaga pag pinipilit. Nawawalan ng gana. Nangyari sakin kaya nakakarelate ako, nagpalit tuloy ako ng kurso. Awa ng Diyos, nakatapos naman ako. Nakakalungkot lang nangyari sa pagiibigan ni Minyong at Lina.

Zhay ni Erwin Dayrit (5stars)
Karaniwang nangyayari pag may inuman. Sa sobrang kalasingan kung ano-ano na ang nagagawa. Maganda ang istorya, malungkot ang ending. Sadyang laging nasa huli ang pagsisisi. Zhay, sana'y napatawad mo ang boypren mo.

Tama nga, kung hindi mo iintindihin, hindi mo talaga magugustuhan ang mga nakasulat dito. Dahil kagaya nga ng sinabi ng isang nagbigay ng rebyu sa dyornal na ito, parang mga lasing lang ang nagkwento. Medyo magulo, maraming mura, pero kung iintindihin mo, may kalaliman ang mga ito. Ang ilan ay inulit ko pang basahin para lubos kong maunawaan. Ang iba naman ay inulit ko din dahil labis kong nagustuhan. Hanggang sa susunod na dyornal!

Profile Image for Clare.
76 reviews9 followers
September 12, 2015
Jeezas, have mercy!

Commercial.
(Nung naipadala sa bahay yung journal)
Ako: Ma, asan yung pinadala sakin ni Kuya Doni?
Mama: Ayan, nasa itaas ng bookshelf. Ano ba yan?
Ako: (Tinanggal sa balot.) OMG! OMG! Yeheeeeey! PAK U Journal po, ma.
Mama: Ay juskoh, ano yan Clarence?! Anak, may problema ka ba? Kung meron, andito naman kami ng papa mo eh. Wag ka naman sanang magrebelde. We love you anak.




Syempre joke lang yun. Eto talaga nangyari.


Ako: Ma, asan yung pinadala sakin ni Kuya Doni?
Mama: Ayan, nasa itaas ng bookshelf. Ano ba yan?
Ako: (Tinanggal sa balot.) OMG! OMG! Yeheeeeey!PAK U Journal po, ma.
Mama: Ayos. Peram ako pagkatapos a.




Refreshing para sa'kin ang pagbabasa netong journal sapagkat masyado akong pinag-isip. As in. (O masyado ko lang talagang dinamdam?)Gaya nga kasi ng sabi sa babala, hilaw ang nilalaman neto. E nasanay na'ko sa spoonfeeding na uri ng pagbabasa. After kong basahin to, di ata ako natunawan. Impacho ang labas.

Nakakatuwa rin na makabasa muli ng gantong mga journal,you know mahilig ako sa mga maiikling kwento. Lalo pa yung mga ganto. Di na'ko nagugulat sa mga gantong gawa pero, NAMAN OOOOH. Parang di na imagination eh, parang eto nga yung pinakanakikita ko sa araw araw na di kinering ipakita ng mga nobela, drama sa radyo tska mga teleserye. Saka kada akda may tao akong naalala, mga nakaraan. (Naks.) Babanggitin ko lang muna yung mga gawang nagustuhan ko't di ako pinatahimik for 2 weeks?

Sana Gisingin Ako ni Catherine Danell Arquero 5Stars

Maganda yung pagkakagawa. Astigin story turned into melodramatic churvaness. This proves na may mushy(?)side ang mga lalaki. Pero di naman yun nakababawas sa pagkalalaki nila no. Cute nga eh. Nakakarelate ako kasi... PM ko na lang sa mga may gawa. haha! Basta, nakakagulat lang yung ending. Eh.

ROOM SIX-O-THREE Ronaldo Vivo Jr. 5 stars

Ganda ng pagkakalahad. Yung phasing, eh. Di ako makatigil sa pagbabasa kasi baka pag tumigil ako mawala na'ko. Sarap basahin. Di ko rin magets yung pakiramdam habang binabasa ito. Natatakot din na baka mangyari din yun sa akin. Haha! Naiimagine ko yung classroom, corridor, mga studyante. Paksyet! May mga pagkakataon nga naman na kahit gaano mo kamahal ang isang tao (chuvachuchu man o isang kaibigan), masasaktan mo pa din sila kahit di mo sinasadya. (Sa kaso nina Jake.. OA sa di sinasadyang pagsasakitan. Kinamatay pa. Yuhu.) Galing galing.

Catcher Ronaldo Vivo Jr. 5 stars

Eto talaga. Super hindi ako pinatulog neto e. Sama. Huhuhu. Bakeeeet. Bakit si Brawni paaa. :( Anyways, naalala ko dito yung Macarthur ni Bob Ong. Pero mas brutal to. Mas shocking ang ending. Gulantang teh. Iniwan akong nakanganga't tulala. Over eno. Akala mo alam mo na kung sino ang may sala ganun ba. Akala mo alam mo na ang lahat, hindi pa pala. Iba talaga nagagawa mo, drugs. Araykopo.


Kalimutan mo na si JC Erwin Dayrit 3 stars

Parang Tales from the Friendzone ang drama. Eh..With bitterness. Di makamove on. Typical love story sa college. Sinong di dumaan dito? May kutos.

HIN DOT COM Christian De Jesus 3 stars

Aha. Nakita ko mga studyante ko sa katauhan ni Romerson. Kahit magutom, oks laaaang. Makapaginternet lang. Magpupumilit manuod ng porn kahit pinagbabawal sa com. shop, o malike man lang picture ng mga crush nila. Onga naman. Kumalam talaga aking sikmura habang binabasa to.

Mga Santo sa Impyerno Danell Arquero 5 stars

Yiheee. Congrats talaga sa kwentong ito. Nalinlang ako. Hahaha! Yung tipong nagdiriwang ka na dahil nasampolan yung mga taong relihiyosong hindi naman halata sa kanilang gawa't pananalita tapos... tapos.. argh! Panaginip lang. Anobayon. Bitin. Pero maganda. Aprub. Na-wow mali ako, oo.

A Complex E[soterik]rotik Reality Ronaldo Vivo Jr. 4 stars

Eto. Nalungkot talaga ako. May ina kasing involve. Mother-son. Mother-fucking-son. Haaaay. :( Alam kong posible to. Nakakagulantang lang na may nangahas na magsulat neto. Tapang much. At alam kong mas malala pa yung gantong sitwasyon in real life. I know.

Zhay Erwin Dayrit 3 stars

Taranta yung kwento. Dama ko. Dama ko ang kawalang direksyon sa buhay ng bida, nagkameaning dahil kay Zhay at downfall din dahil sa katangahan nya. Pucha. Ganun naman ata talaga pag napangungunahan ng galit. Di rin naman madaling nguyain sa utak, pero umayos naman. Oks na din.


Nasasabik na'ko sa ikalawang putok ng UngazPress. Sana'y makadaupang palad ko rin ang Ungaz boys. *wink* Nagkakaintindihan naman siguro tayo. Onaman. Ungaz ang gumawa, Ungaz din bumasa. Mabuhay oyeah.
Profile Image for Rise.
308 reviews41 followers
January 4, 2013
The five authors of PseudoAbsurdoKapritsoUlo would have us believe that what we are about to read are stories of the rawest form, like sashimi. That what we have in our hands are stories almost as good as plotless, or half-baked, being far from "overcooked" tales with "overkill" plot. The preface was entitled "Babala: Bakit Hindi Mo Dapat Basahin ang Dyornal na Ito" (Warning: Why You Shouldn't Read This Journal), parts of which were reproduced at the back of the book. It didn't mince any words.

Ang lahat na kuwento rito ay siguradong pag-bali sa mga utos ng hari, pang-dura sa mukha ng pyudal mong erpats, pang-sampal sa nagmamarunong mong guro at lahat ng ito ay istorya ng mga anak ng diyos sa labas. Wala kang mga bida o super characters na aantabayanan dito dahil ang mga kuwento mismo ang siyang bida at lahat ng tauhan ay mapang-antag.
...
At sa mga kritiko ng tradisyunal na literatura, 'wag nyo nang basahin 'to dahil di n'yo naman kailangan pa. Para sa'n pa? e estilo at paraan lang naman ng pagkukuwento ang alam niyong birahin. At 'wag mo na ring itanong kung sino ang impluwensya namin dahil wala naman, di namin kailangan nun. Di require sa'min na magbasa muna ng maraming akda bago sumulat. Sapat na 'yung munti naming karanasan at mga nakikita sa daan at tabi-tabi, doon naman talaga nahahagilap ang lahat ng shit. Ika nga, praktika muna bago teorya. 'wag mong babasahin ito kung hindi ka isang ungas!

(All stories here surely disobey the king's wishes, spit on the face of your feudal pops, slap your pretentious teacher, and all are the stories of children of god out of wedlock. You will not root for any protagonist or super characters here because the stories themselves are the protagonists and all characters are full of angst.
...
And to the critics of traditional literature, don't try reading this because you don't need to. What for? eh, the only ones you know how to slam are the style and manner of telling stories. We are not required to read a lot of books before we could write. Our short experience, as well as what we see in the roads and waysides, is enough. Indeed that's where you could find all shit. As what they say, practice first before theory. so don't you dare read this shit if you're not a complete nitwit!)

Forewarned is forearmed. That acrimonious tone was already set by the book's cover showing a fetus sucking its left thumb and displaying a dirty finger on its right. The back cover showed two dogs having sex. And the title was deliberately worded to spell PAK U in contraction. As if these weren't enough, there's a blurb by one Jack Alvarez and an introduction by the activist poet Mark Angeles. Their very tones will offend any wide-eyed Bible reader.

The "Ungaz boys" would have us believe then that what we have is something like a swearword, something obscene, taboo, a transgressive work. Something that pushed the boundaries of fiction to something the devil (and god) may care. In short, something that went against the grain of traditional Filipino literature because its very source materials were the things hidden from the civilized smiles of political correctness.

I couldn't help but dig the attitude. The deep-seated antagonism. But did the Ungaz boys actually deliver the goods on Third World deep shit?

Well, yes and no. It turned out the authors are one hell of a bunch of tricksters and jesters. They were most unreliable, inconsistent, and in total deep (literary) shit. For one, they really could write strings of sentences and end them with punctuation marks. Some stories were so good I wonder if all that marketing and packaging were necessary. What we have are stories premised on shock value but nonetheless are stories that do respect the dignity of a person, that captures the seedy reality of existence. That's reality with a lowercase "r" for they were mostly the lives of lowlifes, drug addicts, frustrated individuals, drunks, and sentimental lovers. All that the escapism of science fiction and urban fantasy wanted to escape from. The sorrows of young Werthers, Oedipus complexes, and portraits of the hunger artists as young men.

The stories in PAK U were conceptualized as works that upend existing modes of expression set by the canons and high priests of Filipino literature. They posed themselves as anti-establishment. And for the most part they were. Some stories were riddled by typos and misspellings one wouldn't dare contest the fact that they are of the rawest sushi form. In fact, the typos were like honorable badges gained after a long night of fighting the demons in the head. The visible scratches and wounds of frustrated writing. Some proper names were not capitalized, as if their lowercase status grant them the right to look the reader in the eye and say, I defy you. I am not sic (sic).

The four sections "Pseudo", "Absurdo", "Kapritso" (Caprice), and "Ulo" (Head) were each introduced by an epigraph and tattoo-like drawing. The very epigraphs belied the fact that the writers were not big readers or were not influenced by some philosopher (Freud! Nietzsche!) or rock band (Pink Floyd).

Stories ranged from flash fiction fillers to send-ups of social realist stories in the mold of Mga Agos sa Disyerto (Streams of the Desert), the 1960s counter-movement in Tagalog writing which sought to oppose the perceived desertification of the local literary landscape. The pieces were rife with wordplays and puns, not to mention the rich vocabulary of a pottymouth, and often punctuated with a punchline so strong it knocked the hell out of the counterpuncher (as in Ronaldo Vivo Jr.'s "Catcher" which caught me off guard I wanted to howl through the long night in utter despair).

The Ungaz boys were right. The stories were the main characters. They attracted attention to themselves. As with the very first story "Iglesia ng Red Horse ng mga Disipulo ng Emperador: Ang gabi ng pagsamba ni Kristal Magdalena" (Iglesia of Red Horse of the Disciples of Emperador: The night of worship of Kristal Magdalena) wherein the holy mass was taken as a template for something like an all night drinking session. Or perhaps a creative writing workshop over the holy spirit of bottles. One thing was sure. There was something close to a consecration (or desecration) to this congress of the faithful.

My favorite writer in the anthology is Ronaldo Vivo Jr. who displayed a mature handling of narrative structure, as in the anticlimactic yet still moving ending of "Room Six-O-Three". The narrator of this story reminded me of Murakami Ryū's in Sixty-Nine. In fact, I was also reminded of "the Other Murakami" in the unadulterated thrill and the sick atmosphere of most stories here. But the most obvious literary model had to be Norman Wilwayco, the leading Filipino writer of transgression.

Perhaps what made PAK U an exciting collection was its satirical bite and versatility. We have, for example, "A Complex E[soterik]rotik Reality", about well, that complex unnameable and titillating reality, reminiscent of the transgressive movies of a master filmmaker like Peque Gallaga. We also have, for example, the commentaries of Manong Google (Big Brother Google) in Christian De Jesus' story "Hin-Dot Com" (a play on the word hindot, which is slang for fucking). Big Brother Google is the ubiquitous author of the artificial happiness in the ICT age.

*Manong Google: Pilit na hinahanap ng mga tao ang mga alternatibo ng araw-araw na pamumuhay sa espasyong walang tiyak na lalim, lawak, agwat at taas, na kung tawagin nila ay cyber space at internet. Nakalikha na sila ng birtwal na mundo na sila rin ang mga diyus-diyosan. At ngayong nagtagumpay sila sa pag-gawa ng mga artipisyal na rekurso ay pinipilit naman nilang magmukhang totoo at tunay ang mga nasa loob nito (3D). Ang mga tao, pilit na itinakwil ang tunay na mundo at natural na mga gawi, gumawa ng kunwa-kunwarian at artipisyal na mundo at mga tao, ngunit pilit namang pagmumukhaing totoong mundo at tunay na mga tao ang mga ito. Ginagawang kumplikado ang lahat. Mga Ungas!

(*Big Brother Google: People search hard for substitutes to their daily lives in a space of indefinite depth, width, distance and height, in what they call cyberspace and internet. They have created a virtual world where they themselves are demigods. And now that they succeeded in creating an artificial recourse, they did their best to make real and true its interior walls (3D). The people, trying their best to shun the real world and their natural ways, crafted an earth and people of imitation and artificial make, but they also tried hard to fashion out of these a real world and a breathing people. They complicated everything. The dimwits!)

Oh hail, zeitgest! The story was simply about a boy who was addicted to the pleasures of the Internet. I'm not going to romanticize the concept but here we have the cyberspace in the age of make-believe, the age of borrowed or second-hand reality. Cyberspace artificiality bred the addictive zombie state of attention deficit, the infinitesimal attention span of a mouse click exploding in the face of our Copy-Paste Generation. For me, the story typified PAK U's intended or unintended effect as a balm and antithesis to all the garbage wrought by shit-noise and shit-talk all around the hyperspace.

It was a science fiction world we live in, and PAK U was here to revive readers after waking up from this beautiful nightmare. Poverty and drug addition and teen angst were here depicted in all their loud realities.

Any publicity is still publicity and so I could appreciate how the PR machinery behind PAK U tried to project notoriety, if not infamy. The journal functioned as its own marketing device to test the reader's incredulity.

And of course, the journal did not live up to all the hype proclaimed by its marketing apparatus. Plotless? Half-baked stories? Uninfluenced writers? Who are we kidding? The journal (apparatus) knew it could never anticipate the reader's or critic's reaction. The apparatus was there to distract the reader from the complex esoteric/erotic reality, to jolt the literary critics of tradition out of their pastoral literary reverie, to inject dark comedy to light comedy. We've been had.

The medium is not the message. The work behind the medium is the essence, as what "Obrang Maestra" (Master Work) by Christian De Jesus (almost too good a name to be a pseudonym) would say:

"Ang pag-aaral na sinasabi niyo ay siyang nagtuturo sa akin upang makisakay sa masalimuot na kultura ng pag-angat sa antas ng buhay. Tinuturuan akong maging makasarili at bulag sa totoong kulay ng lipunan. Wala along natututunan pagka't ninakaw ang aking emansipasiyon sa pagtalakay ng bagay-bagay. Nay, huhulagpos ako at iguguhit ang sarili kong kapalaran. Makulay, matingkad, malaya. Isang obra na walang sinuman ang makabubura. Ang sining ng buhay ang siyang pinkamabisang guro sa mundong ito. Ang obra ang siyang maestra."

("The schooling that you prescribe is the one teaching me to ride on the complicated culture of a well-off life. I am taught to be selfish and blind to the true color of society. I learn nothing because I am prevented from freely discussing ideas. Mom, I shall break free and draw my own destiny. Colorful, bright, free. A piece of work no one could erase. The art of living is the most efective teacher in this world. The obra is the maestra.")

So sincere, epigrammatic, word-playful. I dig the frivolous, offensive, and sincere wordplays in this book. They make the language richer and lustier.

I will end with blurb-ready statements. (I've heard the UNGAZPress is collecting them as a marketing device for its "ikalawang putok"--second explosion, second issue.)

PAK U is a brave new collection for a braver new world, a visceral and scintillating cosplay of blood, semen, sweat, and gore, worthy of real conversation over hard drinking sessions and wasted nights. This debut offering of UNGAZPress is transgressive fiction at its fucked up best.

Five out of five dirty fingers.



First posted in my blog. Thanks to K.D. and to UNGAZPress for the copy of PAK U.

Profile Image for Levi.
140 reviews26 followers
April 15, 2020
Sa simula't sapul pa lang malaki na ang interes ko sa panitikang transgresibong Pilipino. Sino ba naman kasi ang hindi mauumay sa tila'y xinerox na tono at kinalamay na sentimiyento ng mga pa- 'high-brow' na Pilipinong manunulat na, bagama't talaga nga namang mahusay at matatas, ay wala nang pampang na nararating maliban sa resikladong mga epipanya, at diyusko, mga 'eksperimentong' makasining na walang ibang gamit maliban sa patabain ang mataba nang self-esteem.

Sa kabilang banda, anti-intelektuwal ang panitikang trangsrebibo. Ngunit hindi ito bobo. Ang locus ng transgresibong panulat sa Pilipinas ay nagmula sa periphery ng mga tinuturing na sentro ng intelektuwal na aktibididad. Labas sa saklaw ng mga institusyon at malalaking unibersidad ang karamihan sa mga nasabing panulat. Anti-intelektuwal hindi dahil isinasawalang-bahala nito ang intelektuwal na kapasidad ng ito ngunit dahil kinikilala nitong hindi lamang sa mga institusyon at paaralan lumalagi ang kaalaman. Umusbong nang walang kinalalang magulang, natutong mamuhay ang nasabing panulat sa kalsada.


Kaya naman nang naging maigting ang pangalan ni Norman Wilwayco dahil sa kanyang mga nobela, napansin kong umusbong kaliwa't kanan ang mga bagong mga manunulat na nagkaroon ng lakas ng loob upang ipakilala ang kanilang mga panulat na labas at hindi tanggap sa sagradong koridor ng panitikang Pilipino. Ilan sa mga nabasa ko na ay ang Ang Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan, Pektus, at ilang mga zine/chapbook ng mga grupong may kaparehong panlasa. Nito nga ay nabasa ko itong Pseudo Absurdo Kapritso Ulo or PAK U, una (at sana'y hindi huling) dyornal ng Ungazilization Press. Sa puntong ito, naging niche na ba ang genreng ito? O higit na mas mahalagang tanong, maituturing na ba itong genre? Kung genre man ito, pano ito naging transgresibo kung mayroon na itong mga sinusunod na mga patakaran, estetika at pananaw-sa-mundo (wordlview)? Hayaan niyong ilahad ko ang aking mga pananaw sa nasabing dyornal at sa transgresibong panitikang Pilipino sa kabuuan.

Ultraviolence, at lagpas pa

Galing sa peysbuk ng Ungazilizalization
Naalala ko nung una kong nabasa ang Mondomanila at Gerilya, maya't maya ay napapatigil ako at napapausal ng 'tang-ina, ano to,' bago tatawa dahil sa tuwa. Ganuon din ng mabasa ko Ang Kwento ng mga Supot sa Panahon ng Kalibugan. Marahil malaking dahilan na lumaki ako sa halos ganitong setting, kumbaga e maralitang lungsod. Malapit sa puso, sa pantog. Nga lamang, ipinag-alala ko kung mauuwi ba ang panitikang ito sa fetishization, isa sa mga kinasadlakan ng mga pelikulang binansagang poverty porn tulad ng kay Brilliante Mendoza at nang karamihan sa mga independent na mga filmmaker. Masusukat lang ba sa simpleng shock value ang panitikang ito? mananatiling pagkaskas lamang (at hindi pagbasag) sa mga nanlilimahid na reyalidad ng tagpuang urban Manila?

Sa intro pa lang ng Pak U ("Iglesia ng Red Horse ng mga Disipulo ng Emp.."), pansin na agad ang estetika at ars poetica na mga manunulat. Ang proseso ng pagsulat ay hindi isang meditasyong romantika ("romantic sensibility) o konsiyus na paghagilap ng mga epifanya. Malinaw ang mga metapora: ang pagsusulat ay pagkasabog; sa pagkasabog (literal man o metaporikal) lamang makikita ang tunay na itsura ng psyche ng tao. Tulad ng kinalulugarang lipunan ng isang manunulat na Pilipino, hindi malumanay ang sikolohiya ng tao; batbat ito ng dahas, mabuway ang hunos-dili, nanggigitata sa libog. Naalala ko bigla ang ideyang "systematic derangement of the senses" ni Arthur Rimbaud.

Sa pagdaloy ng mga pahina, mauulit ang mga temang wasak sa iba't permutasyon. Kung sa paghabi ng mga makatotohang arkitektura ng mga imahe, pinakamasinsin si Ronaldo Vivo Jr. Natunghayan ko sa "Catcher" ang isa sa mga pinakadugyot na eksena sa panitikang Pilipino (medyo hindi nga lamang convicing ang ending; hindi yata makatotohanan na kalagan ng nars ang isang pasyenteng may rabies; maaring sadyang tanga lang ang nasabing nars; o baka pagtuligsa rin ito sa estado ng edukasyon sa Pilipinas? ewan). Walang sinanto ang namamayaning bantot at lungkot sa " A Complex E[soterik]rotik Reality," pinausad ng balintuna ang kwento; mabigat ng luhang iniluha ni nanay matapos chupain ang anak. Sinong mag-aakala na magiging ganuon kalakas ang pagtulak na nagyari sa "Room-Six-O-Three:"

Oo putangina, sasabihin kuwentong barbero na naman, bola, talkshitan. Pero putangina, 'yon talaga ang nangyari. Sobrang bilis. Gano'n ang ikinamatay ng tropa naming si jake.


Hindi makatotohan, tokis, ngunit oo, ganyan namatay ang tropa kong si jake: isinulat ito na para lamang may nahulog na tuyong dahon mula sa matandang puno ng sampalok, at walang namatay na kaibigan. Ito mismo ang makina ng black humor na nagpapagana sa nasabing kwento. Hindi na ito ang maka-lumang ultraviolence. Nagkaroon ng bagong dimension ang naratibo, hindi na ito purong reyalismo. Hindi ko akalain na magsasama ang ultra-reyalismo at unreliable narrator sa maliit na dyornal na ito. Kaya naman nang humupa ang climax ng istorya at isang mahabang flashback ang naganap, walang sinumang may puso ang hindi kikibot sa nostalgia at kapanglawan pagkabasa ng ending na dukha sa sentimentalismo at kaartehan.

Lumabas kami ng room. May sumitsit sa aming likuran. Yung lalakeng sumalo kay jake.
"Shot tayo mga tol?" anas nito.
Nagkatinginan kami ni jake.
"Leopoldo nga pala. Poldo na lang." Sabay abot ng kamay n'ya sa'kin, nakipagkamay ako at nagapir naman sila ni jake.
Sabay-sabay kaming bumaba ng hagdan.


Wika, salita, lagpas pa

Hindi na siguro kailang bigyang-diin pa kung anong uri ng lengwahe ang ginamit ng mga manunulat dito. Malinaw ang formulang ito na ginamit sa "Batang Hamog," "Live Show," "Molotov" at sa halos lahat ng mga kwento. Ngunit marahil ay pansin ng marami ang iba't-ibang 'dating' ng bawat kwento, tanda ng ilang paghulagpos hindi lamang sa mga formula't kumbensyon ng transgresibong pag-sulat kundi maging sa kabuuan ng wikang Filipino.

Dream sequence ang moda ng "Sana Gisingin Ako ni Catherine" ni Danell Arquero. May pagka-William Burroughs ang dating ng "Imbakero"; surreal pero sadyang nakapanlalagkit-anit. Nakakaaliw din ang wordplay. Bluetooth sex? Isang galon ng kupal? Magnetik-jutes? Palakpakan machine? Pansin din pagiging burador nito (automatic writing ba ito? spontaneous writing?) Shot pa.

Isa naman sa mga paborito kong kwento ang "Molotov" ni Ronnel Vivo (Mag-asawa ba sila ni Ronaldo? Mag-tatay?). Naalala ko ang mga parable o talinghagang nobela ni Jose Saramago. Bagamat payak ang pagkakabaligtad ng elemento (satirical ang nais gawin ng kwento), nakakaaliw ang malinaw ngunit malikot na pagkakasulat. Sino ang hindi kikilabutan sa ending na ito:


Happy Ending para sa mga naaping elite.
Sa huli nagkantutan ang dalawang subdivision at agad agarang nag-anak ng ilang daang maliliit
na subdivision.


Ngunit hindi lang usapin ng mga device and technique ito. Pinakamatingkad, para sa akin, ang swabeng pagkagamit ng mga salitang balbal na tanda ng konsiyus na paghangad na mabigyang hustisya ang milieu na sub-urban. Batbat din ito ng neologismo at kakaiba, ngunit popular, na mga istrukturang gramatika (anyare?) Mayroon pang bahid ng concrete poetry sa malikhaing paggamit ng typography:


Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team...

Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team...

Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team...

Ng Mga Residenteng Elitista ng Pennesse Residency at ng mga Tauhan sa Demolition Team...


sinulid ng kabit-kabit na mga simbulong pangmatetika

+++++++______________=___+_+_+++++++++++++++++++

mga dayalogong naka-bullet sa ibat' ibang mga character

(*)Tsk, tsk. Putang-ina! Hindi tayo napaghandaan ng mga elitistang 'to! - sabi ng napakamot sa ulo na sheriff.
(#)Chief! Anong gagawin natin? Kaunti lang tayo tapos pusa lang ang dala nating makinarya, sila may buwaya at tigre pa! - sabi ng hindot na nagmamagaling.
(*)Tang-ina mo! Tumawag ka ng back-up at magpadala ng artilleries! Sabihin mo magpadala ng isang dosenang laser-gun-equipped tank, ultra fast jet plane, yung mayroong plasma death ray, cloak machine at dagdag na tropa ng sundalo, pulis, navy, lahat na! Tang-ina mo talaga! - Sabay ang pagdura ng malagkit at hinug na hinog na plema sa pagmumukha ng nagmamarunong na tauhan.
(-) Napahindot ang nilapastangang pulis. Ngunit sa unconscious mind nya lang iyon nasabi. Tindig na tindig at posturang postura pa siyang nagsabi ng Yes sir! habang umaagos pababa sa kanyang mukha ang plemang tila isang linggong naimbak sa lalamunan. Nalanghap niya pa ang amoy nitong nakakasulasok.


at iba pang simbulo at emotikon. Sa kwento namang "Ilang Eksena sa isang Coca–Cola Commercial," na paborito ko rin, pinasok ni Ronnel Vivo ang teritoryo ng flarf at maiging bumuo ng isang piyesang kasing-dumi ng panitikang transgresibo ngunit nagpapasilip din ng New Weird. Kunsakali mang magkaanak ang transgresibo at ang barok na uri ng postmodern (tulad ng kay Thomas Pynchon, "pagsanib ng low-brow- at high brow"), at nag-threesome sila kasama ni Norman Wilwayco, ito siguro ang kalalabasan. Sobrang ayos.

Sa tingin ko ay mahalaga ang aspetong ito, lalo na't pinatutunayan nitong buhay pa rin ang kagustuhan ng mga manunulat na ito na maghanap ng mga bagong midyum ng pagpapakilala ng kanilang kani-kaniyang reyalidad maliban sa pagmumura, seksimo at iba pang kumbensyonal na technique sa transgresibong panitikan.

Pagmumura, mala-xerex na lengwahe, mga typo error-- ikinagulat ko rin na kahit itong mga naituring nang SOP at palasak na sa ganitong panulat ay hindi rin susundin ng isang kontributor dito. Mahinhin na black sheep ang piyesang "Obrang Maestra" ni Christian de Jesus. Tradisyunal ang pagkakwento nito, may pagka-"Catcher in the Rye" ang moda at angas nito, lalo na't nasa first person point-of-view ang kwento. May ilang mga punto kung saan tila nanenermon na ang narrator. Nangangamoy teen spirit kumbaga. Ngunit ang malaking ikinatuwa ko sa nasabing kuwento ang kung gaano kalambing ang wika nitong tila panghele ang pagkatatas. Kutson ang daloy ng mga pangugusap at parilala dito, na naging isang epektibong backdrop upang lalong maging matingkad ang mga hindi kaaya-ayang detalye. Naalala ko si Mishima. Lalo na ang kakabasa ko lang na Steps ni Jerzy Kosinski. Hindi tulad ng ibang kwento kung saan garapal at magaspang na agad ang wika, dahilan upang hindi maging masyadong nakakabigla ang mga marahas na mga eksena, matalas ang contrast ng payapa, lungkot at dahas sa kwentong ito. Hindi naman pala kailangang nagmumura para maging transgresibo.

Ilang tala
Mayroong blog dito sa blogspot na sumubok na bigyan ng presensiyang online ang transgresibong panulat. Nakapagtataka lamang na kapag sinearch mo ang "transgressive fiction filipino" sa google, ang artikulong ito ni Marguerite Alcazaren de Leo ang unang lalabas. Ayon sa kanya:

Transgressive fiction is dying. But it isn’t because the desire of today’s writers to put forth as much sex and violence and whatever other form of depravity they can scrape off of our rank, tired cities in the name of catharsis has dwindled. No. It is the opposite. We’re choking on this shit. Those smelly little gems of pure adulterated Wrong that we had had to unearth from a few particular writers—Chuck Palahniuk’s blood and guts and shame floating to swimming pool surfaces, say, or Irvine Welsh’s nasty, creamy brown toilet stalls, or Hubert Selby Jr.’s gangrenous, holey heroin’d arms—have become so profuse in today’s literature that they have somewhat lost their luster. Throw some ultra-mega-extra-hardcore pumping into your fiction (or a beheading, curbing, double-penetration, whatever), and realize that to see this scene register, to see it elicit shock and revulsion and maybe some of the more vomitrocious reactions from its readers, now takes a bit more wishful thinking. Life’s a bitch.


Namamatay na raw ang transgresibong panulat, at tadah! 2008 pa nailathala ang article na ito. Kasalukuyang inactive ang nasabing blog. Nakapagtatakang ang mga kontributor sa blog ay mga kilalang pangalan na sa panitikan.

Sa kabilang banda, pinatunayan ng PAK U at iba pang mga manunulat na nabubuhay sa xerox at newpaper print na ang panulat ay hindi lamang nababase sa uso tulad ng fashion at musikang pop. Lalo na sa transgressive fiction, hindi ito mai-aanthologize. Hindi lamang absktraksyon ng mga ideyang pampanitikan ang pagsusulat. Higit sa lahat, nagmumula ang enerhiya nito sa mga kundisyong sosyal na bumubuo sa halo-halo ng mga identidad sa kontemporaryong lipunang Pilipino.

Malaking pagkakamaling sabihin na ang pinakaesensiyal at pinakabuod ng rebelyon sa transgresibong panulat ay nasa maruming lenggwahe, sa walang patumanggang kabastusan (hindi hamak na mas ungaz, bastos at brutal ang mga panulat ng libertino at ultra-hindot na si Marquis de Sade; panoorin din ang A Serbian Film para sa dagdag na kaalaman). Hindi ito sa pabarubalan ng wika at paglilimbag ng mga imahe ng nakadirty finger na fetus. Higit sa lahat, ang pinakamalaking rebelyon ng ganitong pagsusulat ay ang walang takot na paglalantad ng sarili, ng baho, sa isang lipunan na dinodiyos ang ilusyon at saligutsot at pinupulubi ang mga nagnanais na itala ang kanilang dinemolish na haraya't karanasan. Sa ganitong panulat, nangyari na ang rebelyon sa oras pa lang na binuksan na ang bilog at tumama na ang lapis sa papel. Saka tinapon sa malapit na tae ng aso.

------
Kung may makabasa man ditong taga PAK U, pasensiya na kung may mga harsh na shit, dapat objective e. Pasensiya na rin kung mukhang masyadong boot-licking; hindi, ayos talaga yang journal niyo, gawa pa kayo isa. O dalawa.
Profile Image for Biena Magbitang.
184 reviews55 followers
November 4, 2014
Siguro ngayon pa lang talaga ako mag-rerebyu ng komprehensivo. Hindi ko naman kasi ugaling ilabas ang mga saloobin ko tungkol sa isang libro. Siguro kasi hindi talaga ako nasanay na sumagot kung walang tanong at magsalita kung hindi naman sobrang kailangan. In short, tamad ako. Oo p're, inaamin ko.

Pero dahil heto na nga ako at sinusulat kung anuman ang pumasok sa isip ko, naramdaman ng brains ko at kung anu-ano pa. (At hindi dahil sinabihan ako ni Ronaldo na i-rebyu ko 'to ha, pero may porsyento na din yun. Ikaw ba naman kausapin ng awtor na i-rebyu ang gawa n'ya, tatanggi ka pa? Kapalmuks ka naman nun tsong. Hindi lang alam ni Ronaldo na nagkamali sya ng hiningan ng rebyu. Hahahaha. Biro lang ito. Wag seryosohin. HB ka na naman!)

Kaya tulad ng sinabi sa libro.... (Hindi spoiler 'to ulul) wala rin akong pakialam kung may typo o kahit grammatical error pa 'yan. Naintindihan mo naman aangal ka pa.

Okay. Eto na talaga.

Una sa lahat, noong nakita ko sa mga post na dyornal (journal) daw ito. Hindi agad pumasok sa isip ko yung journal as in parang literary folio na inilalabas namin noon sa school. Ano 'kamo ang naisip ko? Akala ko, diary ito. Hahaha. Oo, tala-arawan. Bakit? Wala kang karapatang mag-judge dahil uso yun ngayon. Lahat kaya halos ng libro ngayon puro ganun ang format. Yung mga binabasa mo hindi? Eh bakit ba? Puro chick lit binabasa ko eh, at proud ako dun. May angal ka na naman?

Grabe, kabibili ko pa lang nito nun sa Bookay Ukay (hinalungkat ko pa talaga kasi nasa ilalim at di masyado makita, nakaplastic kasi -- sosyal!) naghanap na agad ako ng Milk Tea place para basahin 'to. Sosyal books go with sosyal places, tsaka hipster ako. Bakit ba? Pakialam mo ulit? Hahaha. Pero seryoso, gusto ko na talaga basahin agad. Gusto kong unawain kung bakit putol ang kamay nung fetus at kung bakit may mahalay na picture sa likod (Uyyyy, bibili na yan! --- Seryoso, Ungaz Boys... pwedeng selling point yung back cover. Hahaha. Kidding)

Pero dapat pala... di ko muna binasa. Nagulantang kasi ako unang page pa lang.

1. BLURBS

Natakot ako. Hindi sa mga blurb kundi sa fact este pak na baka may connect ang preface sa mga bagay bagay sa loob. Ganun naman talaga sa mga libro ng matatalino kailangan mo pa iconnect the dots bago mo maintindahan, eh feeling ko pang-matalino itong libro na ito kaya ayun. Binasa kong mabuti. Hindi basta scan lang. Sinapuso ko. Kaso, knowing myself, na sobrang oblivious parang goldfish, ayun. After 1 minute nakalimutan ko na agad. Joke lang. Pero next page pa din ulit. Sabi ko sa sarili ko, babalikan ko na lang yan kapag may hindi ako maintindihan. Sabi nga nila, ang di marunong lumingon sa pinanggalingan di makakarating sa paroroonan. Ewan ko lang kung may konek yun sa libro na'to pero naniniwala ako dun kaya wala ka ulit pakialam. Bwahaha.

2. IGLESIA NG RED HORSE NG MGA DISIPULO NG EMPERADOR: ANG GABI NG PAGSAMBA NI KRISTAL MAGDALENA.

Isa lang naisip ko dito.

O, yun na lang. Pinindot mo din naman yung spoiler eh. Spoiler pa lang yan paano pa kaya pag marshmallow na?

Nayanig ang Catholic upbringing ko sa wordings ng entry na'to mga tsong. Tamang tamang panggulat at panimula.

Isang spread na nagsasabing:

Pero mga parekoy, payo lang, wag niyo ipabasa sa 13 below please lang. Kahit sa 14 o 15. Mga 16 pwede pa. Kahit alam naman nating nagbabasa na ng mga literotica yang mga yan... Wag pa rin nating kunsintihin, sabi nga ng palatastas, "Rated SPG, may mga palabas na di pwede sa bata." Eto yung equivalent nun sa libro na ito.

Bakit?

Ayokong i-underestimate ang mga utak nila pero kahit na sabihin nating ma-gegets naman nila kung ano ang ibig ipakahulugan ng manunulat dito sa huli...



Nag-click ka na naman!


3. SANA GISINGIN AKO NI CATHERINE

Gustong-gusto ng mga kasama ko ang istorya na'to. Siguro kasi hindi kasing bigat ng ibang kwento ang pagkakasulat. Simple. Naiintindihan. At nalaman natin ang kwento agad-agad.

Pero 'yun din ang nag-iisang bagay na napuna ko sa istoryang ito. Alam na natin agad. Yung tipo ng kwento ay parang isinulat ang buod tapos hindi na dinagdagan ng iba pang mabubulaklak na salita para antigin man lang ang mga damdamin natin. Masyadong straight to the point. O siguro yun ang istilo ng writer. Ewan ko lang.

Siguro, kaya ko nasasabi 'to kasi nasa umpisa pa lang, alam ko na ang nangyayari, mangyayari at nangyari. Parang isinulat kasi ang isa na ito para maging script sa isang short film, mas effective kapag nakikita natin na may umaarte sa harap natin kasi wala namang tinatago ang awtor, umpisa pa lang, binigay na nya ang pangarap nating jackpot.

Ewan ko kung sasang-ayon kayo pero, para sa akin kasi, hindi ko sinasabing tinamad ka tulad ko, Danell ha. Peace tayo. Hehe. Pero, may kulang. Kahit ibinigay sa atin ang hamburger ng buong-buo, iniwan niya sa kanya ang patty. Ayoko pa naman ng gulay, kaya mayonaisse na lang kinain ko. (True Story. Di ako kumakain ng halaman.)

Gets mo?

PUTOL
Di ko na makita yung sumunod. Uulitin ko na lang. Hehehe.

P.S.

trip na trip ko na 'Impact' yung ginamit niyong font sa title. In love ako sa font na 'yun!
Profile Image for BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books).
52 reviews1 follower
January 15, 2014
Ito na ang rebyu ko sa walang kapares na aklat ng PAK U,..

Handa na ba kayo?..i-ready na ang Molotov, Goodbye Bading, Pacman, Ampatuan, Coke in Can, dahil sasambulat sa inyong mga mukha ang swarap na rebyu as in!..sagaddd agad agad kayong tatamaan!

Mga Ungaz .. “U PAK me really!...which means
U-uncanny, P-powerful, A-amazing, K-knowledge!

...“Don’t judge the book by it’s cover”...
-Eto ang masasabi ko kasi sa biglang tingin tila mapangahas at matapang na sinasabi ng naka-drawing na bagay (fetus na naka-ngarat in your face!). pabalat pa lang eh tatamaan na kayo ng mala-goodbye philippines o Ampatuan dahil sa ugaling dapat na natin iiwan sa 2012. Sa Paunang salita, Pasasalamat, Babala..eh talagang tatamaan ka na at magsisilbing inspirasyon na hindi biro ang pagsusulat ng PAK U.

KRISTAL MAGDALENA
-maganda ang simbolismong ginamit.Tinitira nito ang mga Banal na Aso at Santong Kabayo haha!.Mag-ingat! sa mapagkunwari at pekeng tagapangaral dahil tiyak na Breaking Dawn 2 ang labas ninyo.Ang anak ng pinagsanib ng makapangyarihang hunghang!.

GISINGIN AKO NI CATHERINE
-maganda ang pagkakagawa.Isang panaginip na nagparamdam si Catherine.Sana ay huwag tularan si Allan dahil sa pagsambulat ng kanyang katangahan eh napeligro ang kanyang syota dapat sa kanya ay kunin na ni Catherine para sa Heaven na sila mag-asembol ng marami haha! at kapag isinilang pa ang anak nila eh bugbog sarado ang aabutin ni Allan sa anak niya haha!

ROOM SIX O THREE
-mga magkaibigan nauwi sa kapahamakan dahil sa biruan.Minsan ang taong kaaway mo ang siyang magliligtas sa iyo ika nga “Love your enemies” baka kasi bumalik ang karma sa iyo.Minsan hindi masama ang bumalimbing! oh ha! whe!

PRE FRONTAL LOBOTOMY
-para itong “Eternal Sunshine of Spotless Mind” at "Disturbing Behavior" na pelikula.Totoong nangyayari eto sa paggawa ng thesis na tipong makikisama ka para makapasa kahit labag sa iyong kalooban.Hindi eskwelahan ang huhubog sa talino ng tao kundi ang tao ang makapangyarihan kaysa eskwelahan.

CATCHER
-itinuturo nito na mahalin natin ang ating sarili at ang hayop sapagkat ito’y nilikha ng Diyos upang tayo ay mabuhay ng maunlad at may kasaganahan.Ang lahat ng sobra ay masama.Huwag malululong sa masamang bisyo.Dapat ay kilala mo ang sarili mo,kung sino ka at saan ang limitasyon mo.

BATANG HAMOG
-lahat ng lihim ay mabubulgar at may balik na karma ito.Basurang itinapon mo ay babalik sa iyo!

BUHAY ARTISTA
-minsan ang maliit na bagay ay mas may pakinabang at mas makapag bibigay ng saya kaysa malaking pangarap ng ubod ng stress at pressure! na pati puri mo ay siguradong magiging manhid.

LIVE SHOW
-nakakatawa dahil ang sa akala mo’y masama eh ikaw din pala ang siyang gagawa.Mag-isip muna bago ilabas ang galit.Dahil baka sumambulat sa iyo ang kahihiyan mo!

MOLOTOV
-nakakatawa dahil kabaligtaran ng tunay na pangyayari mayayaman laban sa mahihirap subalit ang mayayaman din ang gumagawa ng sariling multo nila.Tao ang lumilikha ng problema hindi basta basta lumilitaw ang problema.

KALIMUTAN MO NA SI JC
-minsan mas pipiliin mo ang hindi mo gusto pero mahal ka niya kaysa mahal mo pero hindi ka naman niya mahal.Pwde rin “walang panget sa titing galit”!haha. yan ang sa inyo maderfakers!

HIN-DOT.COM
-ang buhay bata ay dapat intindihin.Hindi dapat sila imulat sa maagang paghahanap buhay sapagkat sila'y bata na dapat pasayahin hindi dapat pahirapan.May mga bagay kang sinasakripisyo para sa sariling kasiyahan mo na kahit gutom pagod, luha, ay handang tiisin.

MGA SANTO SA IMPYERNO
-maganda ang kwento at istilo isang panaginip na nangyayari sa kasalukuyan dahil sa kahirapan at materyal animo'y banal ngunit “Pera” ang Diyos nila.

COCA-COLA COMMERCIAL
-nakakatawa! Mga impormasyon sumisimbolo sa katotohanan kumbaga pikon ang unang maasar haha!

IMBAKERO
-para sa akin eto ay sumisimbolo sa pagpapalaglag,pagpapalahi, panliligaw, panunuyo na pwedeng idaan sa santong paspasan na sa huli ay pagsisisihan.

OBRANG MAESTRA
-mala scene sa “Spiderman” ang kwento sapagkat natulungan ni Spiderman iyong holdaper na bumaril sa kanyang tatay.Sa OBRA naman ay iyong bagay(kutsilyo)na mula sa kanyang kaibigan ang ginamit na panaksak na pumatay sa Obra Maestra niya.

A COMPLEX ESOTERIKIROTIK COMPLEX
-ito ang nakasusulasok o nakadidiring pangyayari subalit laganap sa mga taong nakakaranas ng hirap at pagkawala ng pag-iisip sa dami ng problema.Ito marahil ang solusyon sa animo’y mainit na kemikal na naghahalo sa loob ng katawan sabay pa ng pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.Magkahalong hirap at sarap, ikaw? Mapaglalabanan mo ba ang sarrraaaap!...back to the bullball game! Haha!

ZHAY
-maganda ang pagkakasulat.Dapat nga lang ay magsama-sama sila hahaha! Kasi naman ang babae ay minamahal at hindi tinatadyakan o pinagbubuhatan ng kamay.Mag-isip ng maraming beses bago gumawa ng hakbang lalo't maselan ang mga pangyayari.Subalit sabi nga ni Gat. Jose Rizal “ang kabataan ang pag-asa ng bayan’! kaya hindi suicide ang solusyyon sa problema kundi harapin ito ng may tapang at Bullball! Hahaha!

Oh! Nabitin kayo noh?!..ilabas na ang Ikalawang PUTOK!...Sa kabuuan umaatikabong "5 STARS" ang rating ko..MAHUSAY!..MATAPANG!.. MAY SINING at IBUBUGA ang aklat na eto!...The Best of 2013! Boooom!...kung hindi mo pa ma-gets ito eh salubungin mo ang mala-HULK na suntok ni Markissed ng swaberraappp!..I shall rise!..sabi ni Pokman.


Mabuhay kayo mga UNGAZERS!...

Para kila;
Ronaldo Vivo Jr.
Danell Arquero
Erwin Dayrit
Ronnel Vivo
Christian De Jesus



Matapos kung basahin ang aklat na ito ako ay napa-pakyu, napa-suka sabay napa-iyak,napa-tawa sa sarili!,napa-tae sabay napa-ihi sa tuwa,napa-tooooot?!,nakapag-isip ng malalim na halos malunod sa kahibangan at nagising sa katotohanan at kamalayan.

Malaman sa impormasyon at tumatalakay sa realidad na pangyayari, masarap basahin,siksik liglig,matapang,asteeg,.Champion kasi totoo!,walang halong biro kasi puro BIROTAN haha!..Sheyt!..maGanda! para akong nanuod ng Superman 1,2,3, upto the (Ken)Tenthtuten power haha!..Sabog Wasak..Swaberap!

Guys!..naka-anim akong putok! Swabeee!.. Putok na putok hanggang sa sumambulat sa mukha ninyo maderfakers! Tulo uhog! burat! luga! hahaha!.

Mga tsong tsang tsenis basahin niyo na ang tatalo sa pag-Gangnam ng todo todo kapag nabasa nyo ang PAK U mapapa-Gangnam ang burat nyo! At kaisipan sa lawak ng imahinasyon na totoo kasi realidad sila as in walang pantasya purong swabeee!
Profile Image for Tricia.
115 reviews7 followers
October 4, 2013
Siguro dahil hindi ako ungas. Sorry #notreally
Profile Image for Mayk Alegre.
3 reviews3 followers
December 12, 2012
soon...rather, next year pa pala...para gunaw na ang mundo. Mas wasak 'yon! :D
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
June 23, 2022
'Yan ang kuwento! Sobrang ungas talaga. Pinakanagustuhan ko sa koleksiyong ito ang "Catcher." Hirap maka-move on sa kuwento, 'tol.
Displaying 1 - 15 of 15 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.