Jump to ratings and reviews
Rate this book

Soltero

Rate this book
This book contains the screenplay of the movie Soltero, which won in a screenplay-writing contest sponsored by the Experimental Cinema of the Philippines. This book also contains reviews of the movie, and an English translation of the screenplay.

159 pages, Paperback

First published January 1, 1985

18 people want to read

About the author

Bienvenido M. Noriega Jr.

5 books9 followers
Bienvenido M. Noriega, Jr. (1952–1994), also known as "Boy Noriega," was a highly acclaimed Filipino playwright and technocrat who was known for his ability to write compelling drama in a remarkably short lifetime. His work, which was frequently performed in the Philippines and internationally, often explored complex issues of Filipino identity and the individual's pursuit of happiness.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
1 (25%)
4 stars
1 (25%)
3 stars
1 (25%)
2 stars
1 (25%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 of 1 review
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
April 29, 2014
"Ang lungkot ng buhay ko!" umiiyak na sinabi ni Crispin matapos nyan di ituloy yong pagtalon mula sa 27th floor ng condo na tinitirhan nya.

Ang Soltero ay isang movie script na nanalo sa patimpalak ng Experimental Cinema of the Philippines noong 1984. Pangatlo ito sa sineng inilabas ng ECP Productions. Nauna ng Himala at Oro, Plata, Mata. Sinulat ito ni Bienvenido M. Noriega, Jr. na kapatid ng boss ko noon na si Butch Noriega. Pero napanood ko yong movie noong 1984 at graduating ako noon sa college. Nagustuhan ko yong kuwento kaya noong makita ko itong book na sale sa book fair, binili ko agad. Makapag-reminisce nga, sabi ko sa sarili ko.

Ang kuwento ay tungkol kay Crispin (played by Jay Ilagan) 30 anyos at binata. May mahal sya, si Cristina (played by Rio Locsin). Dati silang magkasintahan kaso kumalas si Cristina dahil na-inlove ito sa isang lalaking may-asawa. Minsan, nag-do sila. Tapos noong bumalik si Crispin para dumalaw. Ito yong dialogue:
CRISTINA: Alam mo, noong matulog ka rito, nandiri ako sa sarili ko. Kasi ginamit lang kita. Magdamag man kitang kapiling, siya nang siya ang nasa isip ko.

CRISPIN: Maari mo akong gamitin hanggang gusto mo, bale wala sa akin.

CRISTINA: (Pagkaraan ng ilang sandali) Hindi naman ako ganoon kalupit -

Katahimikan
Dati masaya sila. Kaso nag-drift away. "Masyado ka kasing mabait" sabi ni Cristina kay Crispin. Si Crispin naman kasi yong tipo ng lalaki na di kayang magfling-fling. May eksena rito na niregaluhan sya ng kaibigang si Edwin noong birthday nya ng GRO para sipingan kaso ayaw nya. Di naman bakla, ganoon lang talaga sya. Di nya kayang makipag-do sa babaeng di nya mahal.

Kuwento ito ng kalungkutan ni Crispin. Di na sya mahal ng mahal nya. Tapos nag-migrate pa sa Canada ang pamilya ng ate nya kasama ang autistic nyang pamangkin na mahal na mahal nya. Tapos na-inlove sya sa boss nya na si Roberta (played by Chanda Romero) kaso lesbian pala. Then namatay ang nanay nya. Noon nya naisip na magpakamatay sa pagtalon mula sa balkonahe ng unit nya sa condo. Sa huling tagpo, nakatingin sya sa audience, nangangako na iibig muli. 30 years old. Sigurado naman yon.

Di ko alam ba't ako naka-relate dito noong bagong graduate ako sa college eh 19 years old pa lang ako noon. May scene kasi rito na nagmamakinilya si Crispin at noong panahong yon, wala pang computer kaya makinilya rin ang gamit ko sa paggawa ng papers sa school. Di naman malungkot ang buhay ko dahil may GF ako noon.

Maayos ang pagkakasulat ng script. Malinis ang pagkakabalangkas ng plot. Nagmarka sa isip ko yong mga karakters kahit yong mga secondary ones. Madaling maka-relate ang manonood kasi lahat naman tayo madalas sa hindi, malungkot eh. Lagi tayong parang may hinahanap kahit lahat ng kailangan natin sa buhay e nasa atin na.

Ang tanging pintas ko lang ay yong Tagalog medyo malalim para sa isang Ateneo graduate na yuppie gaya ni Crispin. Tsaka sana kinulayan ng pulitika ang backdrop dahil sa First Quarter Storm ang panahong sinusulat ito ni Noriega. Para tuloy di masyadong makatotohan ang milieu.

Tsaka yong "masyado ka kasing mabait" na sasabihin ng isang babae para sa isang lalaki na kamukha ni Jay Ilagan, may matatag na trabaho, mabuting anak, may kotse, may condo, boss sa opisina para ipagpalit sa isang may asawa? Parang kalokohan. Hehe. Affected raw ako.

Yon lang. Basta maganda yong kuwento. Teka, matandang binata na ba ang 30? 29 ako nag-asawa eh. Feeling ko noon bata pa ako. Kahit hanggang ngayon, bata pa rin naman ako. Feeling lang ha.
Displaying 1 of 1 review

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.