Jump to ratings and reviews
Rate this book

Ka Amado

Rate this book
Sa kanyang bagong akdang ito, hangad ni Jun Cruz Reyes na ilahad ang ipinapalagay niyang "bagong epiko" ng bansang Pilipinas sa anyo ng isang biograpiya ni Ka Amado. Nilayon din ni Reyes na mabasa ang akdang ito, hindi lamang ng mga akademiko at espesyalista ng panitikan na kakaunti lamang talaga ang bilang, kundi ng mga karaniwang mamayan na siya ring pinag-alayan ni Ka Amado ng kanyang sariling buhay at panulat. Gayunpama'y hindi lamang matutunton dito ang "makabagong epiko" ng ating bansa tulad ng ipinapalagay ni Reyes. Taliwas sa inaasahan, lumilitaw rin ito bilang mapa ng mayaman at malikot na kaisipan at pilosopiya ng nag-akda mismo nitong biograpiya. May mala-nobelang teknika rin na ginagamit sa pagsasalaysay ng naratibong paralel sa sariling mga karanasan bilang manunulat sa panahon ng malupit na kontra-insurhensyang Oplan Bantay Laya ni Reyes at ng mga naganap sa buhay ni Ka Amado. Sumusulpot din paminsan-minsan sa gitna ng naratibo ang ilang matalas at masisteng pamumuna ni Reyes hinggil sa kasalukuyang establisimiyentong pampanitikan. Pinapasok ng akdang ito ang maraming komplikadong usapin hinggil sa pagbubuo ng naaangkop na pagkabalangkas ng pambansang panitikan, poetika, at ng teoryang pampanitikan.... Tulad ng lahat ng matagumpay na obra ni Reyes, nakasulat ang biograpiyang ito sa isang magaan at kaiga-igayang paraan na minsa'y ironikal at madalas masiste. -- Dr. Ramon G. Guillermo

386 pages, Paperback

First published January 1, 2012

11 people are currently reading
125 people want to read

About the author

Jun Cruz Reyes

19 books141 followers
Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Siya ang SEA Write Awardee ng Pilipinas sa taong 2014.

Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na kadalasang iniimbitahan siyang maging panelist, judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize.

Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng D yaryo Hagonoy , kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Ka Amado (Talambuhay ni Ka Amado Hernandez) na inilabas noong 2012. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP.

Sa Kasalukuyan ay senior adviser si Jun Cruz Reyes ng Center for Creative Writing ng PUP, siya rin ang utak sa likod ng Biyaheng Panulat (Ang Caravan Para sa Panulat na Naghahanap sa Bayan).

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
19 (59%)
4 stars
5 (15%)
3 stars
2 (6%)
2 stars
2 (6%)
1 star
4 (12%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
March 11, 2013
Hard to put down book. Very engaging way to tell a biography.

Amado “Ka Amado” V. Hernandez (1903-1970) was a poet, novelist, playwright, essayist, news correspondent, editor, labor leader, a guerilla intelligence officer against the Japanese forces, an appointed city councilor of Manila, and at the time of his death, a college professor in the biggest state university here in the country, the University of the Philippines in Diliman. After WWII, he led the biggest labor confederation in the Philippines, the Congress of Labor Organizations (CLO) and he was arrested and indicted on a charge of rebellion with murder, arson and robbery - a complex crime unheard of in Philippine legal history. After 5 years of investigation, the government prosecutors could not find strong evidence on any of the charges against him. So on June 20, 1956, he was allowed to post bail and on May 30, 1964, he was finally acquitted. He died of heart attack on March 24, 1970 and three years after was posthumously awarded the National Artist for Literature by the then First Lady, Madam Imelda Romualdez Marcos.

This book is said to be the definitive biography for Ka Amado. Jun "Amang Jun" Cruz Reyes, another respected author in the Philippines, really put a lot of hard work in researching the life and times of this National Artist for Literature. This was my first time to read a book about a famous local author written by another equally famous author. I’ve seen this several times in foreign literature but not yet in our own. Also, this biography is not the cold history type of book. Reyes infused his writing style in brilliantly imparting what he came across in his research to his readers. I particularly enjoyed those parts where he talks directly to his reader and telling not only about Ka Amado but how his own life seems to be in parallel with his subject’s. Some readers of history might find this pretentious but for me the effect is very conversational (translation: natural). How often is it that after starting to tell a friend about some exciting news that we read on the paper or heard over the radio, we end up telling something similar to that news about ourselves? Maybe the other reason why I felt this way and I found Reyes’ prose engaging is the fact that I’ve come to enjoy his prose reading and enjoying his early works like his novel about Martial Law “Tutubi, Tutubi, ” the diaspora of Filipino workers in “Ang Huling Dalagang Bukid” and his anthology of short stories, “Utos ng Hari.” I liked all of his earlier fiction books by him and so it was a surprise for me to know that he could also write non-fiction, i.e., a biography, with the same flawless brilliance and confidence.

There are many similarities between Ka Amado at Amang Jun. They both came from the lineage of Rahaj Sulaiman, the warrior head of Manila prior to the coming of the Spanish conquistadores. Both have roots in Hagonoy (Bulacan) and Tondo (Manila). Ka Amado was born in Hagonoy but started as a writer in Tondo. The reverse is true for Amang Jun: born in Tondo but started as an writer in Hagonoy. Both were being persecuted or harassed by the military for what they believed (or believe) in: social justice and equality. Both of them believed (or believe) that a writer is not doing his job if he or she does not use his writing to further the fight against oppression or discrimination especially among the common people.

If you want to learn more about Amado V. Hernandez, whose life is one of the most colorful among the literary greats in our country, go for this book. Also, if you are a fan of either Hernandez or Reyes, this is an indispensable work that you would not want to miss.

One of the most enjoyable biographies that I've ever read both in foreign as well as local books.
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
July 4, 2025
Kilala natin si Amado V. Hernandez bilang makata, nobelista, mandudula, mananaysay, peryodista, naging gerilya/intel officer laban sa Hapon, lider manggagawa, pambansang alagad ng sining sa panitikan, ngunit hanggang doon lang ang alam natin tungkol sa kaniya. Hindi natin alam ang kaniyang kasaysayan. Malaki ang nagawa ng aklat na Ka Amado ni Jun Cruz Reyes upang mas makilala pa natin si Ka Amado at makabuo ng isang "bagong epiko", palabas sa mga alam na natin tungkol sa kaniya.

Nagsimulang romantisistang makata si Ka Amado, hindi pa linyado. Sa tingin ko nga, si Atang dela Rama talaga ang dahilan ng "pagkamulat" ni Ka Amado sa kilusang manggagawa. Wala pa man sa kilusang manggagawa ang ating makata, ang ating reyna ng kundiman ay umaawit na sa mga kilos protesta. Partidista pa noon si Ka Amado. Bagama't anti-Amerika, isang partidista si Ka Amado na solidong Nacionalista at malaki ang respeto kay Quezon. Tinulaan pa nga niya ito at sinabing "Nasalin sa kanya / ang diwa ni Rizal at ni Bonifacio", pati si Laurel na itinuring niyang "bagong Ulises", at si Carlos P. Garcia bilang "bagong Dagohoy". Nagkaroon lang ng turning point si Ka Amado matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Kung ano ang nagpabago sa kaniya, hindi rin malinaw. Nagpatuloy siya sa pagiging peryodista at naging konsehal pa nga ng Maynila (may pinakamalaking boto ang pagkapanalo niya). Dito na rin siya napasok sa kilusang manggagawa at naging lider pa nga. Hanggang sa ipakulong siya ng dating pangulong Elpidio Quirino noong Eneron 26, 1951, sa kasong rebelyon at patong-patong na kaso. Kumbaga, gawa-gawang kaso. Limang taon siyang nakulong, hanggang sa bigyan siya ng pansamantalang kalayaan noong 1956. Tumagal ng 13 taon ang kaniyang kaso hanggang mapawalang-sala siya noong Mayo 1, 1964. Kahit nakakulong, hindi tumigil sa pagsusulat si Ka Amado. Nagpupuslit si Ka Atang ng papel at panulat para patuloy siyang makapagsulat. Sa bilangguan niya naisulat ang Isang Dipang Langit at Bayang Malaya, dito niya rin binalangkas ang Mga Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Nang tuluyang mapawalang-sala sa mga kaso, inimbitahan siyang magturo sa Ateneo de Manila University at Unibersidad ng Pilipinas. In-demand si Ka Amado, lalong-lalo na sa mga kabataang aktibista noon. Kaliwa't kanan ang kaniyang naging parangal. Nakakatawa nga dahil literal daw na galing sa "kaliwa" at "kanan" . Sa mga batang aktibista, isang buhay na idolo si Ka Amado. Nakatulong pa si Ka Amado na makaugnay ni Jose Maria Sison ang ilang miyembro ng lumang Partido. Lagi rin sa kanilang bahay si Joma at ang asawa nitong si Juliet de Lima. Ilan naman sa mga nagparangal kay Ka Amado mula sa kanan, eh iyong nakipagkuntsabahan sa matandang Marcos matapos ideklara ang Batas Militar. Gaya nga ng sabi ni Amang JCR, "Hindi laging marangal ang nagbibigay ng parangal."

Marami ang nagluksa nang mamatay si Ka Amado. Mga kabataang aktibista ang nagpasan ng kaniyang mga ataul, nagmartsa hanggang sa Manila North Cemetery, umaalingawngaw ang mga rebolusyonaryong awitin sa hangin, naging buhay na kasaysayan na babalik-balikan sa hinaharap. Hanggang ngayon nga ay may mga tumutula pa rin ng Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan.

Hindi pa tapos ang ipinaglalaban ni Ka Amado hanggang sa kasalukuyan. Kulang na kulang pa rin ang sahod ng mga manggagawa upang mabuhay nang disente; marami pa ring magsasaka ang walang sariling lupa, baon sa utang, mababa ang presyo ng palay, atrasado ang agrikultura; may ikinukulong pa ring aktibista't manunulat gamit ang gawa-gawang kaso, katulad ng ginawa kina Amanda Echanis at Frenchie Mae Cumpio; tarantado pa rin ang mga nakaupo. Maging ang may-akda ng talambuhay na ito ay naging biktima ng paniniktik ng militar sa ilalim ng rehimeng Arroyo, sa panahon ng demonyong si Jovito Palparan at ng Oplan Bantay Laya.

Kung may makikita ka pang kopya nito sa UP Press, bilhin mo na. Hindi lang ito talambuhay ni Ka Amado kundi isang mukha rin ng kasaysayan ng Pilipinas at ng ating panitikan. Kung nabasa n'yo na si Jun Cruz Reyes, tiyak na magugustuhan mo rin kung paano niya ito isinulat---masiste, sarkastiko, ironikal, hindi boring---malayong-malayo sa inaasahan mo kung paano ba dapat isulat ang isang talambuhay. "Ang kanyang mga tula ay kanya ring Biograpiya", ayon kay Dr. Ramon Guillermo sa Paunang Salita, tungkol sa naging buhay ni Ka Amado. Lahat ng pag-unlad ng panulat, pag-iisip, pag-ibig, at paninindigan ni Ka Amado ay makikita sa kaniyang mga tula na siya ring sinuri ni Amang sa aklat. At sana nga ay may manunulat (o mga mananaliksik-manunulat) na susugan itong talambuhay ni Ka Amado dahil marami pa ritong puwang. O di kaya sana may magsulat din tungkol sa buhay ni Ka Atang dela Rama. Nananatili itong hamon.
Profile Image for Julius.
24 reviews
Read
March 27, 2023
Kambal ata ito nung Huling Dalagang Bukid at ang Autobiografiang Mali ni JCR din. Ito ata yung doctorate thesis niyang biography na hindi niya maintindihan bakit laging mali sa mata ng kanyang advisor. Paano daw nagiging mali ang isang biography? Siguro, yung ikalawa sa tatlong parte ng libro yung sinubmit ni JCR para sa kanyang thesis. (Una: Ang Paghahanap; Ikalawa: Ang Pagsusulat sa Nahanap; Ikatlo: Ang Pagbasa sa Naisulat). Ano man, aasahan pa rin sa librong to ang matalim na mga ideya't konsepto ni JCR kasama ng kanyang pagiging masiste.

Dito ipinagtapat ang personal sa pambansang kasaysayan, ang hayag at itinatagong personal na buhay ni Ka Amado ay isinabay sa naratibo ng mga panahong binuhay niya. Hindi dito sinesemento si Ka Amado. Ang buhay niya'y mahabang development bago maging huwaran. Idolo siya pero hindi sinasamba. Ang gamit ng kanyang biography ay point of reference sa mga gustong magpatuloy sa kanyang sinimulan. Ang gamit naman ng pagtatala ng kanyang kasaysayan, ayon kay JCR, ay pag-ambag sa pagbuo ng literary history ng bansa.

Although naghahalo ang personal at objective na panulat dito ni JCR, hindi kabawasan ang pagiging entertaining nito bilang academic reference. Katunayan, may mga parte na nakakaantok sa dami ng pangalan at datos at petsa na kung researcher ako ng panitikang pambansa, baka nagtatalon ako sa tuwa sa dami ng batis na pwedeng tuntunin mula rito. Isama pa na, sa pananaw ni JCR, ang pagsulat sa biography ay pagsulat rin sa kasaysayan ng panahon kung kailan nabuhay yung taong sinusulatan ng biography. Ito'y pagtutugma, kung saan ang panahon ay may impluwensiya sa tao, at ang tao ay may impluwensiya sa panahon.

Idagdag pa ang sipag ni JCR na tuntunin ang pinagmulang angkan ni Ka Amado, pati ng kanyang kabiyak na si Ka Atang. Sa pag-ugat, hindi naiwasang naihulma rin ni JCR ang panahong nag-anak sa panahon ni Ka Amado at Ka Atang. Isama pa dito pati ang pag-ungkat din ni JCR sa kanyang personal na kasaysayan, at ang parallel ng buhay niya ngayon sa buhay ni Ka Amado noon, pinatutunayan niya rito na lahat ay magkaka-ugnay, maraming sanga-sanga ang kailangang hawiin at i-organisa para luminaw ang naratibong gustong ikwento ng naghahanap. Kaya politikal kahit ang obhektibong panulat tulad ng biography.

Bilang paborito ko na ring manunulat si JCR, sa huling chapter din ipapaliwanag niya ang linyang laging umuulit-ulit sa mga sikat (or commercially available) na akda niya, na palagay ko'y una kong nabasa sa Etsa-Puwera: lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati. Himutok niya ito sa walang pagbabagong hatid ng postmodernismo sa pagpapalit ng pangalan sa mga problemang di naman nilulutas ng mga nagpapalit.
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.