Jump to ratings and reviews
Rate this book

Mga Agos Sa Disyerto

Rate this book
Ang Pagsakay sa Tradisyon...

Gaya ng pagunita ng isang guro-kritiko ukol sa kultura sa kabataang manunulat na "sulat nang sulat nang walang alam" sa kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas (sa lahat ng wikang ginagamit sa bansa), "makabubuti sa kanila ang lumingon sa lumipas" at tuklasin ang naging papel ng Mga Agos ng Disyerto sa pag-unlad ng sining ng kaisipan ng ating sambayanang nakikibaka pa para tuluyang maiibis sa balikat nito ang bagahe ng mapait na mga karanasan ng kahapon.

Ginagamit sa tersyarya at sekundaryang mga paaralan, kabilang na ang mga mulat na exclusive schools bilang dagdag na babasahin, umabot na sa apat na dekada ang buhay ng Mga Agos sa Disyerto, gaya ng idinokumento sa isang forum sa UP: "Agos@45 noong Nobyembre 19, 2009: Mga Kuwento ng Muling Pagtatagpo" na Pambansang Alagad ng Sining na si Dr. Bienvenido Lumbera, premyadong manunulat-guro na sina Jun Cruz Reyes, Dr. Roland Tolentino, Dr. Jimmuel Naval, Ruel Aguila, Luna Sicat-Cleto at Charleston Ong.

Ang pagbabasa't pag-aaral ng mga antolohiya ng mga akdang pampanitikan natin mula't sapul ang magiging lisensya ng isang manunulat na mapasakay sa agos ng tradisyon ng panulatan sa Pilipinas.

326 pages, Paperback

First published January 1, 1964

102 people are currently reading
1287 people want to read

About the author

Efren R. Abueg

19 books53 followers
Efren Reyes Abueg is a Filipino novelist, short story writer, and literary critic. As a leading figure in Filipino literature, he is known for writing in the Tagalog language and is an advocate for its use.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
291 (61%)
4 stars
88 (18%)
3 stars
49 (10%)
2 stars
22 (4%)
1 star
25 (5%)
Displaying 1 - 23 of 23 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
October 20, 2012
"As a collection, Agos sa Disyerto is outstanding in many ways. But what is most impressive about the writing it contains is its avoidance of the usual flows of Tagalog fiction - worn-out themes, idealization of materials, erratic use of point of view, meaning that is left unrealized for lack of particularity of detail. In general, the selections are in the best of the naturalistic tradition in their fidelity to the experience they portray. If lack of irony in the common failing of many Tagalog writers, it has been overcome by these writers whose objectivity has brought into Tagalog fiction so much "felt life" that previous writings has daintily or prudishly left out." - Dr. Bienvenido Lumbera, National Artist of the Philippines.

Ang "Mga Agos sa Disyerto" ay isang tugon ng mga kabataang manunulat noong dekada '60 na tinatawag na Bagong Dugo na sina Efren R. Abueg (ERA), Dominador B. Mirasol (DBM), Rogelio L. Ordonez (RLO), Edgardo M. Reyes (EMR), Rogelio R. Sikat (RRS) at iba pa. Ito ay isang kolektibong tugon para sa sinabi ng isang kritiko noong dekadang iyon na ang Panitikang Pilipino (ngayo'y Filipino) ay parang isang disyerto. Kaya sila ay nagbuklod at sumulat ng mga kuwentong Tagalog na parang mga agos sa isang tigang na lupa. Noong dekada '60, ang mga lokal na manunulat sa wikang ingles ang mas sikat at tinatangkilik ng mga Pilipino. Baduy ang nagbabasa ng nobela sa Tagalog na sineserye sa Liwayway, Aliwan o Bulaklak.. Nabago ito sa dekada '70.

EFREN R. ABUEG

1) Sa Bagong Paraiso. (1963) Palanca winner. 2 STARS
Parang nanibago ako. Kababasa ko lang ng Sa Aking Panahon (4 stars) ni ERA at labis kong nagustuhan ang marami sa mga maiikling kuwento ni EMR. May anekdota sa aklat na iyon si EMR na sinabing minsan ay nagkalaban ang kuwento niya at ni ERA at si ERA ang nanalo ng unang puwesto. Pangalawa lang ang kuwento o nobela ni EMR. Kaya't sa unang basa kong ito ng akda ni ERA, mataas ang ekspektasyon ko. Nanibago ako. Parang maligoy ang istilo ng prosa ni ERA pero para siyang si Charles Dickens kung paano maglaan ng espasyo sa kuwento (o nobela) niya upang ilarawan ang tagpo. Detalyado na parang buhay na buhay na sa isipan mo ang tagpo bago kikilos ang mga tauhan.

2) Mapanglaw ang Mukha ng Buwan. (1959) Palanca winner. 3 STARS
Nagustuhan ko ito. Masyadong malungkot. Panahong ng hapon. Patay ang ama. Patay ang ina. Ang anak na natira ay manganganak. Binitin ang dulo pero mauunang madurog ang puso mo bago matapos ang kuwento. Kauna-unahang pagsali ni Abueg sa Palanca. Kauna-unahang pagkakapanalo. Uso siguro noong ang sobrang lungkot.

3) Mabangis na Lungsod. (1961) Palanca winner. 3 STARS
Pinakamaikling kuwento ni Abueg dito sa librong ito. Diretsahan at walang sinayang na salita. Para lang walang katuturan dahil ibinitin sa dulo. Aping-api ang kawawang pulubi. Tapos ginanoon pa? Wala na bang natitirang pag-asa? Sana kahit paano, binigyan ng kaunting pahimakas si ERA na may nakikita kahit isang bahid na mabago ang sitwasyon ng pulubi sa dulo. Ngunit gusto ko pa rin ito dahil sa payak ngunit matinding emosyong ipadarama sa mambabasa tungkol sa isang kaawa-awang pulubi.

4) Dugo sa Ulo ni Corbo. (1964) Palanca winner. 4 STARS
Kuwento na may frame. Tale within a tale, 'ika nga. Isang sundalong mamatay pero ang ikukuwento ng narrator ay hindi ang sundalo pero ang kanyang alagang kalabaw. Tapos doon sa huli, naiisip mo na ang sundalo ang ikinukuwento at hindi ang kalabaw dahil pareho sila ng kapalaran. Nauna ito kaysa sa Life of Pi ni Yann Martel. Sa katunayan, lumabas ito noong 1964, na birth year ni Martel.

5) Ang Lungsod ay Isang Dagat. (1964). 4 STARS
Ang tanging isang kuwento ni Abueg dito na di nanalo ng Palanca pero nagustuhan ko ito. Kuwento ng isang putang babae na ikinukumpara ang sarili niya sa mga basurang sinisiklut-siklot ng baha. Isipin mo, kahit pala noong dekada '60 ay binabaha na ang Espanya, Recto, Soler, atbp. Yong paglalarawan dito noong baha ay para pa ring larawan ng baha ngayon: isang saglit na ulan, baha na. Na-alaala ko rito ang Ang Mundong Ito ay Lupa ng kanyang kaibigan si EMR.

DOMINADOR B. MIRASOL

6) Eli, Eli, Lama, Sabachthani. (1964). 4 STARS
Di ko alam ang ibig sabihin ng pamagat ngunit ang inaasahan ko ay parang may isang panaghinip at may mga salitang magpapakita roon na magbabadya ng isang trahedya. Mahaba ang kuwento tungkol sa isang bata na sa murang gulang ay nakapatay dahil sa pagtatanggol sa isang kaibigang muntik nang mapagsamantalahan. Noong nasa kulungan na dahil nasa tamang taong gulang, ay muling nakapatay kaya nalipat sa Death Row. Sinubukan nang ina na dalawin para sa huling sandali ay mahalikan at mayakap bilang pamamaalam. Hindi pumayag. Namatay sa paghihintay ang ina sa labas ng bilangguan. Nabitay ang anak. Ang pinakahuling tagpo ay dudurog sa inyong mga puso.

7) Mga Aso sa Lagarian. (1963). Palanca winner. 4 STARS
Nalathala rin sa titulong Kamatayan sa Lagarian. Pero ibinalik sa original Mga Aso sa Lagarian sa antolohiyang ito sapagkat iyan ang original na titulo. Parang nagdadalawang-isip si DBM kung ano ang bibigyang importansya: ang mga asong tumatanghod sa pagkain ng mga obrero o ang pagkamatay ni Tata Ando? Para sa akin, ang mga asong ulol at masisiba ay parang iyong mga instik na sobrang ganid sa kayamanan. Ngunit walang anti-Chinese na sentimiento rito dahil ipinakita pa nga na nagaala-ala yong tsino na amo na baka hindi na kaya ni Tata Ando na magtrabaho. Kaso nga, di man lamang nag-alok ng tulong para sa Genio.

8) Isang Ina sa Panahon ng Trahedya. (1969). 5 STARS
Ang isang ito sobrang lungkot. Huwag mong babasahin kapag may problema ka dahil baka ma-depress ka at bumigay. Noong mabasa ko ito kagabi, tinigil ko muna at nagbasa ako ng masaya. Dahil masakit sa dibdib itong si DBM. Wala yatang alam isulat kundi malungkot na kuwento.

9) Ang Biktima. (1968). 4 STARS
Parang nabasa ko na ang ganito pero magandang magkuwento si Mirasol. Balanse ang pagiging character-driven at plot-driven. Yong nagbabasa ka tapos di mo alam kung saan ka madadala: yon bang maawa o mayamot sa karakter o yong intindihin ang susunod na mangyayari? Nakaka-engganyo kasi yong di mo alam kung saan ka dadalhin ng istorya, di ba? Itong isang ito ay tungkol sa isang batang nakagawa ng krimen, tapos sa huli, di mo alam kung siya ba ang nakabiktima o siya ang totoong biktima?

10) Makina. (1969). 3 STARS
Isa na namang kuwento ng mangagawa na isang ama at nangangambang mawalan ng trabaho dahil sa kanyang tisis (TB or tibi). Simple ang plot pero ang maganda ay ang pagkakakuwento dahil parang ang prosa ay parang tunog ng makina. May tawag dito sa poetry sabi noong guro ko sa English Literature course ko noong college. Nakalimutan ko lang. Yong words eh parang mini-mimic ang tunog ng bagay sa istorya.

ROGELIO L. ORDONEZ

11) Dugo ni Juan Lazaro. (1962). 2 STARS
Kung ang "Makina" ni DBM ay tungkol sa mangagawa sa imprenta, ang "Dugo ni Juan Lazaro" ay tungkol sa mangagawa sa isang pabrika ng tela. Kung ang "Makina" ay takot mawalan ng trabaho dahil sa titis, ang "Dugo ni Juan Lazaro" ay tungkol sa isang mangagawang, dahil sa takot mawalan ng trabaho ay nag-iskirol o 'yong hindi sumali sa welga dahil sa takot magutom ang asawa't 2 maliliit na anak. Parang nakakasawa na ang istorya ng kanirapan at trahedya sa mga kuwentong napapaloob sa librong ito.

12) Buhawi. (1962). 2 STARS
Ito pa ang isa. Tungkol din sa manggawawa na napilitang gumawa ng di mabuti dahil mismong nawalan na nga ng trabaho. Tinnanggal dahil sa pulitika. Hindi siya bumuto sa nanalong kongresista. Pero di pinaliwanag man lang ni Ordonez kung paano nalaman ng kongresista o ng kapatas. Tsaka bakit dito at sa dalawang naunang kuwento, may stereotyping? Bakit ang mga bida ay payat dahil sila ay ubod ng hirap? Tapos ang mga masasamang mapagsamantala sa kanilang kahirapan ay matataba at kung di instik ay medyo singkit ang mata? Parang masyadong prediktabol.

13) Sa Piling ng Mga Bituin. (1963) 3 STARS
Nagustuhan ko ito dahil naging kakaiba. Standout kung baga. Walang plot halos. Isang pintor na payat at parang ang isyu niya ay existentialism: ano ang buhay? ang umaga ba ay laging kakabit ng gabi? eh ano kung mamatay? kailangan bang mabuhay para sa mga nagmamahal sa atin? o kailangang mabuhay para sa atin sarili? masama bang tawanan ang buhay?

14) Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya. (1968) 4 STARS
Binubuo ng 3 bahagi at ang bawat bahagi ay may sariling tema. Ang una ay tungkol sa displacement ng mga magbubukid nang ang kanilang sinasaka ay tayuan ng mga pabrika o subdivision. Ang pangalawa ay ang pagpapalit ng trabaho ng magsasaka sa trabahong di niya kinagisnan: ang trabaho sa pabrika. Ang pangatlo ay ang benepisyong pangkalusugan ng manggagawa. Kung matanda na ba o maysakit, ano ang ginagawa ng pamahalaan para sa kanila at sa kanilang pamilya?

15) Si Anto. (1969) 5 STARS
Maganda ang karakterisasyon ng mga pangunahing tauhan lalong lalo na ng bidang si Anto. May pagbabago ang katauhan mula sa isang walang imik na mangingisda. Hindi ngumingiti dahil sa kawalang hustisyang dinanas ng mga mahal sa buhay. Hanggang sa dulo na nagsimulang tumawa at makagawa ng bagay na di na nya napigil dahil sa kawalang pag-asa. Ganda.

EDGARDO M. REYES

16) Di Maabot ng Kawalang-Malay. (1960). Palanca winner. 5 STARS
Narebyu ko na ito sa aklat ni EMR na una kong nabasa, "Sa Aking Panahon." Ngunit ang titulo nito doon ay "Buhay."

17) Lugmok na ang Nayon. (1961). Palanca winner. 5 STARS
Narebyu ko na rin ito sa "Sa Aking Panahon" na kababasa ko lang noong isang linggo. Ito ay tungkol sa realismo ng buhay lalo na sa nayon noong dekada '60.

18) Emmanuel. (1962). 2 STARS
Dito ko pa lang ito nabasa. Pakiramdam ko, gusto lang ng nagtipon ng aklat o ni EMR mismo na may istoryang medyo naiiba naman. Di nga ito nanalo sa Palanca, pero isinama rito. Alam ko parang 500 ang maiikling kuwentong naisulat ni Reyes noong siya ay nabubuhay pa. Isinama nga lang siguro ito para naman di lang puro kahirapan ang paksa ng mga kuwento sa antolohiyang ito. Ngunit narito pa rin ang lungkot. Ibig sabihin siguro, kahit mayaman ka na, maaari ka pa ring malungkot.

19) Ang Gilingang-Bato. (1964). Palanca winner. 5 STARS
Narebyu ko na ito doon sa naunang binasa ko na "Sa Aking Panahon." Para sa akin, sa ngayon, ito ang pinakamagandang maikling kuwento sa Tagalog na nabasa ko sa buong buhay ko.

20) Daang-Bakal. (1965). Palanca winner. 3 STARS
Maganda rin ito. Pero ngayong nabasa ko ulit, parang nakakasawa na yong sunud-sunod na tungkol sa ama na takot na takot mawalan ng trabaho dahil magugutom ang kanyang magi-ina. Paulit-ulit yan sa mga kuwentong naririto. Ngunit, bilang isang ama, totoong yan ang isa sa laging ikinatatakot namin.

ROGELIO R. SICAT.

21) Tata Selo. (1960). Palanca winner. 5 STARS
Maikli pero epektibo ang pagkakalahad. Di binigay lahat ngunit di naman binitin. Tama lang na ikaw ang magisip kung ano ang ipinananaghoy ni Tata Selo sa dulo na kinuha nang lahat sa kanya o sa kanila. Masarap basahin ng mabagal dahil may hindi sinasabi si Tata Selo at mayroon din namang sinasabi niya ng pakonti-konti na lumalabas sa tuwing may nagtatanong sa kanya. Alam mong pinagisipan ang kuwento at hindi lang para paantigin ang damdamin mo sa lungkot o galit.

22) Impeng Negro. (1962). Palanca winner. 5 STARS
Anong hangganan ng pagtitimpi? Hanggang kailan mo ipagdadamot sa sarili mo ang hustisya? Paano ba ang maging kakaiba? May kasalanan ka ba sa mga naging maling desisyong ng mga magulang mo? Mahusay pala itong si RRS. Kung ang forte ni EMR ay nasa saktong pasok at pulidong labas, si RRS ay mahusay sa di pagsasabi ng kanyang mensahe dahil ikaw na ang dapat umalam noon. Sa iyo manggagaling ang kanyang mensahe. Galing.

23) Quentin. (1962). 3 STARS
Parang modern retelling ng The Hunchback of Notre-Dame ni Victor Hugo pero ginawang Pilipinas ang setting at ang kampanero ay hindi nagtatago sa simboryo. Para ring may halong "Lugmok na ang Nayon" ni EMR o siguro inspired noong kuwentong yon dahil nauna iyong lumabas noong nakaraang taon. Kuwento ng isang medyo kuba na nagkagusto sa pinakamagandang dilag sa nayon. Tapos ang paglalarawan sa dilag ay parang si Esmeralda sa kuwento ni Hugo.

24) Sa Lupa ng Sariling Bayan. (1963). 3 STARS
Kuwento ni Layo, isang dating mahirap tapos yumanan. Nguni't noong mamamatay na ay halos wala na ring nakasama at laging nagpupumilit na dalawin siya. Malungkot. Pero sabi nga nila, nagiisa ka nang isinilang, magiisa ka ring mamamaalam. Ganoon talaga yata.

25) Ang Kura at ang Agwador. (1963). 2 STARS
Di ko nakuha ang gustong sabihin ng kuwentong ito. Dati'y magkakabata na agwador (taga-igib ng tubig). Tapos pinaaralan ng isang pari ang isang bata. Tapos nagbalik sa nayong iyon na isang ganap na pari. Dahil sa inggit, kung anu-anong kabalbalan ang pinaggagagawa ng dati'y kababata ng pari. Yon lang. Wala akong naramdaman anong mang espesyal na mensaheng gustong iparating ng kuwento. May pagka-gothic na di ko maintindihan. Wala namang nabanggit sa mga salaysay.

Ang 25 kuwento ay sinundang ng maraming mga salaysay (essays) tungkol sa antolohiyang ito. Sinabi pa ni Lumbera na ang aklat na ito na naunang lumabas noong taon ng aking kapanganakan, 1964, ay isang pananda (landmark) sa kasaysayan ng Literaturang Filipino. Ang aklat na ito ay sinulat ng mga batang manunulat na nasa kolehiyo (karamihan sa kanila ay mga magaaral sa MLQU na isang proletaryong paaralan) at sinabi nila sa kanilang sarili na isusulat nila ang totoo at hindi kung ano ang uso (romansya, tulad ngayon). Nagsulat sila at nag-publish sa sarili nilang gastos. Namaybay sa Recto at inialok ang kanilang unang edisyon ng mga 50 kopya. Sampung taon ang nakaraan at inilabas ng National Book Store ang pangalawang edisyon. Noong ika-19 ng Nobyembre 2009 ay lumabas ang ika-4 na edisyong ito sabay sa pagpaparangal sa 5 manunulat na noon ay matanda na at tinawag itong Agos@45.

Sa unang edisyon ay 15 lamang ang mga kuwentong napapaloob dahil tigta-tatlong lamang bawat isa sa kanila. Parang may naiba rin. Sa sanaysay na nabasa ko ay parang maroroon sa original na edisyon si Edgardo Bautista Reyes or EBR at ang kanyang obra ay "Yaong Tinatawag na Habag." Mukhang maganda. Bakit kaya siya pinalitan?
Profile Image for Raechella.
97 reviews27 followers
March 8, 2013
Pangunahing kathang Pilipino na aking nabasa—ang Mga Agos sa Disyerto ang nagpamulat sa aking pagiging dayuhan sa literaturang Pilipino. Katulad ng karamihan sa mga kabataan ngayon na matinding naimpluwensyahan ng kulturang Kanluran, ang salitang "Philippine Literature" ay kaalinsabay ng salitang "corny"—dahilan ng malimit kong paglampas sa Filipiniana section sa tuwing ako'y napapagawi sa book stores.

Binubuo ng 25 maiikling kathang naisulat sa Filipino, ang Agos ay sumasalamin sa mabibigat na isyung kinakaharap ng Pilipinas na tila hindi pa rin nareresolba hanggang sa ngayon. Ang mga karakter sa istorya ay punong-puno ng poot at paghihimagsik—sa mga dayuhan, kapwa Pilipino, sa bayan, mga pulitiko, at maging sa kanilang sarili—hindi na kagulat-gulat kung ang mga mambabasa ay lubos na maapektuhan sa mga isyung sinaklaw ng mga kwentista. Masalimuot man ang tinangkang galugarin ng mga ito, at kathang-isip (fiction) mang sabihin, hindi nawawala ang realistikong tema sa bawat istorya. Walang "exaggeration", walang pagkukunwari, purong realidad lamang. Maaamoy mo ang bantot ng kapaligiran ng mga maralita, ang nagsisituluang pawis at anghit ng mga trabahador, ang matamis na langhap ng nayon, namumuong mga pangarap, malansang amoy ng dugo, ang pait ng pighati, ang putikang lupa. Nanunuot sa dibdib ang epektong ipinararanas ng bawat istorya. Mabigat.

Kagila-gilalas rin ang ipinamalas na teknik ng mga manunulat sa bawat istorya. Dahil nilabag nila ang kombensiyon ng komersiyal na panunulat, naging malaya sila sa pagpapahayag ng kanilang sining sa pamamagitan ng pagmamalas ng kagulangang konteksto (maturity context) sa mga ito. Walang naitatago—ang dahas ay malinaw na naipahayag; ang karukhaan ay sadyang naipakita; ang murahan ay likas na kabilang sa mga usapan; at ang mga sekswal na aktibidades, hindi man maliwanag na tinalakay, ay naipahayag pa rin ng malinaw sa mga mambabasa.

Tuyot man ang daigdig ng panitikang Pilipino, ginawan ito ng nag-uumapaw na dalayday nina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo M. Reyes, at Rogelio Sikat. Patunay na ang literaturang Pilipino ay hindi tuluyang magiging isang malawak na disyerto.
Profile Image for Ben.
95 reviews21 followers
June 27, 2015
Unang beses akong nakatapos magbasa ng aklat na koleksiyon ng mga maiikling kuwento sa wikang Pilipino.

Ang aklat ay hindi parang karaniwang pelikula na matapos mong panuorin ay magkokomento ka ng: "Ang ganda! Ang ganda!", "Galing ni John Lloyd", "Sexy ni Bea". Yung makapagkomento ka lang. Ibig kong sabihin, kailangang may reaksiyon at kuru-kuro kang dapat sabihin, sapagkat hindi maaring walang namuong ideya at tanong sa isip mo matapos mong basahin ang aklat na ito.

25 kuwento. 5 manunulat. 1 aklat. Ang mga kuwento sa "Mga Agos sa Disyerto" ay sumasalamin sa totoong nangyari sa lipunan nang nakalipas na panahon, at ang mga katotohanang iyon ay tumatagos hanggang sa kasalukuyan. Kalimitang paksa ang kahirapan, kung paano ito pinalalala ng maraming makapangyarihan at mayayaman sa lipunan. Ang mga pangunahing tauhan ay mga api, mga mahihina, mga dehado, mga biktima ng mga depekto sa sistema. Ang mga manunulat ay walang takot na winasak ang magandang maskara ng pangit na mukha ng buhay. Nagpapasaring, kumukutya, tumutuligsa.

Sa 25 kuwento, karamihan ang pagsasalaysay ay humahantong sa kamatayan ng tauahan. Kaya kinailangan kong lakasan ang aking loob sa pagbabasa nito upang hindi ako matalo ng lungkot at para matapos ko rin ang aklat. May iilan na ang katapusa'y positibo, na nagsisilbing relief, gaya ng sa "Impeng Negro" (napagtagumpayan ni Impen ang pambubuli ni Ogor), at gaya ng sa "Ang Lungsod ay Isang Dagat" (Nakatagpo si Carina ng lalaking totoong magmamahal sa kanya at lilimot sa kanyang nakaraan). May mga katapusan din na mapapausal ka ng: "Ha?", "Ok?". Marahil sa kasong it, ibig ng manunulat na ang mambabasa na lang gumawa ng katapusan gamit ang imahinasyon.

Sa kabuuan, epektibo ang mga manunulat sa paghikayat sa mambabasa na gumawa ng pagpapasya: Dapat may gawin tayo bilang tao para sa sarili natin at sa kapuwa upang matamasa ang tunay na kalayaan sa maraming aspeto ng buhay.

Shet! Pa-deep? Sarap sapakin, haha.
Profile Image for Josephine.
Author 4 books79 followers
November 16, 2014
I've read this book earlier this year. I'm currently rereading some of the stories as part of Pinoy Read Pinoy Book's project to compile our members' reviews for each of the stories in the book.

Some of the stories in here, I've already read when I was only four years old--while some of them I've read when I was in high school. I particularly remember reading Efren Abueg's Mabangis na Lungsod at four and it hit me hard. It was the realization that life out there can be cruel especially to orphans like me.

I also loved Rogelio L. Ordoñez's Si Anto, Edgardo M. Reyes' Di Maabot ng Kawalang Malay, Lugmok na ang Nayon, Emmanuel, and Ang Gilingang Bato. There was also Rogelio R. Sikat's work that I really love: Tata Selo.

The stories in this collection were instrumental to my love affair with reading. These works were also what made me love Filipino works.

So to Agos boys, thank you! I could never thank you enough for making me love reading. Here's to the book's [almost] 50 years of existence! Cheers!
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Jessica.
Author 19 books53 followers
May 24, 2013
Lumaki ako sa Pilipinas pero ito ang unang pagkakataon na nakabasa ako ng ganito kapurong libro. Talagang nahirapan akong basahin ang librong ito, maraming hindi ko lubos na naunawaan at kailangan ko pang madalas na magpabalik-balik sa search engines para lang makuha ang kahulagan ng maraming kataga.
Maraming magagandang maiikling kuwento ang librong ito kung kaya’t hindi naging hadlang ang mga katagang iyon para hindi ko ma-enjoy ang buong libro.

Bawat kuwento sa libro ay nagbabahagi ng ibat-ibang klase ng mahirap, masaya at malungkot na pamumuhay at kada kasaysayan ng mga panauhin ay may mga aral na hatid sa nagbabasa.

Ang pinaka-paborito ko siguro ay ang “Mabangis na Lungsod” na naglalarawan ng buhay ni Adong. Ang kasaysayan ni Adong ay nagparamdam sa akin kung gaano kahirap ang maging laki sa layaw, ang walang matatawag na tahanan kundi ang magulong lansangan, walang magulang na tumutulong, nag-aaruga at dapat na nag-aalaga, at nagtutulak sa kanya para siya na mismo ang kailangan gumawa ng sariling paraan upang mapunan lamang ang kanyang mga pangangailan, kahit na ang kapalit ng paraang iyon ay pandirian at harap-harapan siyang pakitaan ng kawalan ng importansya ng mga taong kanyang nilalapitan.


- ENGLISH VERSION
Profile Image for BookNoy (Pinoy Reads Pinoy Books).
52 reviews1 follower
March 16, 2014
Maligayang ika-50 taon ng Mga Agos sa Disyerto. Mabuhay ang Panitikang Pilipino! Sana ay patuloy pang yumabong at maging ganito kasigla sa pagsusulat upang maipagmalaki at sabi nga ng awtor ay “matutong lumingon” sa lumipas gaya ng aking mga Idol.

Para sa akin kahit ma-disyerto man ay patuloy na aagos ang tubig. Ang tubig ay nagmumula sa puso na nagsisilbing bukal upang agusan ng tubig. Tubig na hindi nauubos dahil sa mga adhikain, saloobin, o layunin na pang-Masa, pang-Makabayan at pang-Nasyonalismo.

Ang disyerto ay sumisimbolo sa laganap na kahirapan, kawalan ng hustisya, pang-aapi, korapsyon, at iba pang bagay na nakapagpapatuyot ng lupa o buhay ng tao.

Yumabong noong Dekada 60 at nagkaroon ng binagong edisyon 70. Binubuo ng limang matitindi at mahuhusay na manunulat-

Efren Abueg,
Dominador Mirasol,
Rogelio Ordonez,
Edgardo Reyes at
Rogelio Sikat.

May kaunting kwento o biography sa kanilang buhay kung paano at saan sila nagsimula. Maaantig ka sa kwento pa lang ng kanilang buhay at hindi mo akalain na galing din sila sa disyerto o kahirapan.

Maganda ang bawat kwento nila na tumatalakay sa mala-romantiko, realismo, sining, kamalayang pampulitika, larawan ng pakikipag-tunggalian, hamon sa makabagomg kultura, at pag-iisip. Ipinaglalaban nila ang kanilang layunin para maipakita ang kabulukan ng sistema o mga nilamon ng sistema.

Nakadaupang palad ko ang dalawa sa limang manunulat na sila Ka Efren (Efren Abueg) at Ka Roger (Rogelio Ordonez). Hindi matatawaran ang kanilang husay sa pagkwento, pagtula at mga payo para sa mga susunod na gustong maging manunulat. Bawat kwento nila ay maaantig ang inyong puso at magbibigay buhay sa inyong pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Profile Image for Mark Anthony Salvador.
188 reviews11 followers
June 13, 2021
Ang "Mga Agos Sa Disyerto" (1964) ay panandang-bato sa panitikan ng Pilipinas, partikular, sa pagsulat ng maikling kuwento. Ang mga maikling kuwentong inilalathala ngayon sa bansa ay sumusunod sa tradisyong hinawan ng "Agos," ang social-realism. Ang "Agos" ay nagsilbing panggising sa mga manunulat na Pilipino sa Ingles na nagtuturing sa panitikang nasa bernakular bilang disyerto. Kaya ang "Agos," gaya ng agos mismo, ay nagdilig sa ilusyong walang panitikan ng Pilipinas sa bernakular.

Kung may isang kalipunan ng maikling kuwento na dapat mabasa ng bawat Pilipino, iyon ay ang "Mga Agos Sa Disyerto."
Profile Image for PATRICK.
348 reviews23 followers
June 20, 2013
Mga Agos sa Disyerto is an anthology of short stories written by Efren R. Abueg, Dominador B. Mirasol, Rogelio L. Ordonez, Edgardo M. Reyes and Rogelio R. Sikat. The short stories were written in Tagalog but I’m going to write this review in English because I’m more comfortable with it.

Agos was first published in 1964. It made a buzz in the local literary scene because of its very down-to-earth plots and its very refreshing prose. The stories was set in the time before technology and you could really see the richness of unadulterated Philippine culture (but we already were colonized by the Spaniards so I don’t know) through the stories.

The book is the book of the month (more of book of the first quarter of 2013) of a Goodreads Groups that I recently joined in: Pinoy Reads Pinoy Books. What I actually love about this group is that all of them are interested in ‘Pinoy’ books even if at first I really wasn’t. The group made me realize that there are living (some are dead) great literature in the Philippines. Even though I will not further join in their books of the month (unless something changed in me), I will stand by and read what they think about the books that are assigned. The reason I’m not joining book discussions online because I could not catch up with what is the topic they’re talking about and the reason I’m not joining their field trips is because I’m shy. And the hell with it, I’m busy. Always busy. And if I have free time, I’d rather sit back and watch a full season of some television series rather than read a Filipino book (not unless something changed in me).

I’m sorry if I’m mean about it. Oh, wait, I’m not going to be sorry for who I am.

Anyway, going back, there are a few short stories that I really really love. We have Abueg’s Dugo sa Ulo ni Corbo and Ang Lungsod ay Isang Dagat, Mirasol’s Mga Aso sa Lagarian and Isang Ina sa Panahon ng Trahedya, Ordonez’s Sa Piling ng Mga Bituin, Si Anto and Inuood na Bisig sa Tiyan ng Buwaya, Reyes’ Lugmok na ang Nayon, Emmanuel and Ang Gilingang-bato, and Sikat’s Impeng Negro and Quentin.

Maybe I forgot my other favorites, and for that, I am deeply sorry.

I could not talk about the stories of the book because everyone of them is very different but some of them are of relation in a way or two but all of the stories are grounded on a Philippine setting, and that is something I’m sure of.

In this book, there are stories that talk about love. Some talk about occupational hazards and poverty. Some talk about a difficult childhood. Some talk about flaws of the society. Some talk about motherhood. Oh, which short story that centers on a prisoner about to be electrocuted or some sort of death penalty and his mother? Include that in my favorites list (unless I’ve already included it).

The reason that the rating I gave for this book is just three stars is that I want to be honest myself in asking this question: how much did I like it? I think I was not really prepared for this book intellectually. There are a lot of big Tagalog words that I never knew in my life. In other words, I just under-appreciated it but don’t get me wrong, this book is totally badass. I still have a lot to learn about Literature and I will learn all about it. I’m going to re-read this book in ten years, mark my words, and I will totally give it a five-star rating.
Profile Image for Krizia Anna.
530 reviews
March 1, 2013
This was a difficult book to read as each story is different. Some were interesting while some were a bit boring. The first parts of the book was a bit disconnected. I want to feel the pain of these people but the stories are too short too make that connection and the language was also hard to understand. I find myself connecting more to Edgardo M. Reyes and Rogelio R. Sikat's stories more. I really liked "Quentin", "Ang Gilingang-bato" and "Di Maaboy ng Kawalang-malay". They were the stories that are easier to understand and relate to.
Profile Image for Annika.
462 reviews23 followers
August 26, 2012
Some stories contain words that are so deep, it makes me want to sob. This book makes me feel like a bad citizen of my country.
Profile Image for Gigi.
94 reviews27 followers
May 31, 2020
1964 unang lumabas ang koleksyon na ito. 56 years na ang nakakaraan pero relevant pa rin at halos walang pagbabago sa sitwasyon natin ngayon. Paborito ko ang mga kuwento ni Efren Abueg, ang Gilingang Bato ni Reyes at Impeng Negro ni Sikat.

May ilang sitwasyon na iba na siguro ngayon, gaya ni Tata Selo na sobrang dinumog ng mga usisero sa kulungan (as in parang may mall show). Kung ngayon nangyari ito, malamang wa pake ang karamihan. Normal na lang yung ginawa ni Tata Selo at siguro alam na rin ng mga tao ang totoong dahilan kung bakit niya nagawa yun. Hindi na sila mag-aaksaya ng panahong makipagsiksikan sa kulungan para lang malaman yung totoong nangyari. Yung sa Lugmok na ang Nayon, ngayon yata, ang magpapakasal ang kawawa sa gastos. Sila bahala sa pa-cater/pag-order ng pagkain at venue. Kahit hindi invited, pupunta para makikain. Kailangan mapakain nila lahat kung hindi may mga magtatampo.

Sabi ng teacher namin sa isang lit class, lahat ng kuwento dito, maganda ang intro. Sabi niya, mamili ka ng kahit anong kuwento diyan, tapos basahin mo yung unang sentence. Maganda. Tinandaan ko talaga yun nung binasa ko ang librong ito. At totoo nga, wala akong kuwentong nabasa na hindi maganda ang intro. Simula pa lang may information na ang reader tungkol sa characters o sa mundong ginagalawan nila. Plus nakakaintriga silang lahat.

Fourth edition na ang nabasa ko, sayang may ibang kuwento (at authors) na wala na dito at nasa mga naunang editions lang. Sana mabasa ko rin ang ibang kuwento.
1 review
Want to read
December 21, 2021
Hello, Someone help me to read this book, I badly needed your help for our research, we are conducting a study about the short stories of Mr. Rogelio Ordoñez... I hope someone will help me.. Thank u very much
1 review
Want to read
February 8, 2020
i want to read this book
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
October 13, 2021
its good
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Erikson Isaga.
Author 3 books4 followers
December 7, 2023
Agos sa Disyerto noong 1962 pero maituturing kong ginto sa malaking kagubatan ngayong 2023, dahil kung hindi ko pa nabili sa isang kaibigan ay hindi pa ako magkakaroon ng sariling kopya.

Ang masasabi ko lang ay ito: ang Agos ang isa sa mga pinakamakapangyarihang piyesa ng panitikang Pilipino, mula noong nailathala ito noong dekada sisenta, hanggang ngayong ikadalawampu't-isang siglo, pati na hanggang sa hinaharap.

Nanuot sa kalamnan at kaluluwa ko ang mga kuwento ni Dominador Mirasol. Gano'n din kay Rogelio Ordoñez, pero mas matulain ang istilo ng huli, kung kaya't paulit-ulit kong binabalikan ang mga kuwento niya bago ako nagpatuloy sa iba.

Litaw rin ang pagiging dalubhasa nina Abueg, Reyes, at Sikat sa kanilang mga obra.

Kung meron mang mga tumatak at nangupahan sa isipan ko nang ilang araw, iyon ay ang Mga Aso sa Lagarian, "Eli, Eli, Lama Sabachthani", Ang Lungsod ay Isang Dagat, Si Anto, Lugmok na ang Nayon, at lalo na ang 'Di Maabot ng Kawalang Malay na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawalay sa diwa ko.

Ayun lang naman. Sana maisama ulit 'to sa mga itinitindang libro ng NBS at FullyBooked para mas maraming makabasa, lalo na sa panahong 'to.
Profile Image for Billy Ibarra.
195 reviews18 followers
June 23, 2022
Napagtagumpayan ng mga kabataang manunulat noong 60s na magsilbing agos sa itinuturing na kadisyertuhan ng panitikang Pilipino.
Displaying 1 - 23 of 23 reviews

Join the discussion

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.