Jump to ratings and reviews
Rate this book

Stainless Longganisa

Rate this book
Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pakakamali -- ang magkwento tungkol sa sarili niyang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsusulat,

"Wow! Konti na lang ang typo!"
- J.K. Rowling

"Super puwede na!"
- Dan Brown

188 pages, Paperback

First published January 1, 2005

248 people are currently reading
5621 people want to read

About the author

Bob Ong

19 books2,375 followers
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
3,069 (33%)
4 stars
2,518 (27%)
3 stars
2,543 (28%)
2 stars
789 (8%)
1 star
138 (1%)
Displaying 1 - 30 of 261 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 28, 2010
Hindi ko puwedeng sabihin hindi ko nagustuhan ang "Stainless Longganisa" dahil may mga natutunan ako:
1. Bilang manunulat, kung ayaw mong dumaan sa publisher, puwede kang mag-self-published. Kahit ang "Rich Dad, Poor Dad" na nagustuhan kong praktikal na libro sa pagtitipid o ang klasikong librong pambata pala na "The Wonderful Wizard of Oz" ay mga self-published books.
2. Ang pangongolekta ng libro na hindi binabasa ay nangangahulugan na ang kinokolekta mo ay hindi libro kundi papel at tinta. Ito ay sinabi raw ni Mortimer Adler sa How To Love a Book ayon kay Bob Ong. Maraming tinatamaan nito sa Goodreads kasama na ako.
3. Kung pagbabasehan ang averages, ang mga fiction writers ay mas mataas ang I.Q. kumpara sa mga musikero at politiko. Nauuna lang sa kanila ay mga philosophers at scientists. Ganda di ba?
4. Si Bob Ong ay tumutulong sa ibang tao. [Hindi ko lang alam kung sino ang tinutulungan nya at magkano sa mga benta ng libro niya ang pumupunta sa kawanggawa. Hindi pa nga siya nagpapakilala sa maraming tao kaya may kalabuan pa ito. Kahit katulong ko, noong magkasakit ng dengue, tinulungan ko pero di ko na lang pinamamalita :)]
5. Habang nagiipon ng lakas ng loob, kung gusto mong magsulat, magsimula sa pagpapadala ng mga artikulo sa mga pahayagan o mag-contribute ng libre sa mga magasin.

Hindi ko rin puwedeng sabihing nagustuhan ko dahil ang librong ito ay parang kahalintulad ng "Three Weeks With My Brother" ni Nicholas Sparks. Parang binuyangyang ni Bob Ong ang sarili para ipaliwanag kung sino sya lalong-lalo na kung saan sya nagsimulang magkaroon ng hilig sa pagsusulat, ang mga pananaw niya sa mga kritiko at pagpapaliwanag niya ng sarili niyang istilo na hinalintulad nya kay Robert Fulghum. Susmaryosep. Nabasa ko ang "All I Need to Know I Learned From Kindergarten" (1988) at "Uh-Oh: Some Observations From Both Sides of Refrigerator Door" pero ang pinagkahalintulad lang ay ang putol-putol na snippets ng buhay niya at personal na pananaw nila sa maraming bagay. Pero sa depth, message in life at nakakatawang punchlines, hindi yata ako makakapayag dahil malayo pa ang kakainin ni Bob Ong sa aking opinyon.

Ang pinakaayaw ko kay Bob Ong sa librong ito ay ang kanyang self-depracating na pagpapaliwanag kung ano siya. Hindi ko alam kung gusto lang niya talagang maka-relate sa kanya ang mga mambabasa na tinukoy niya na karamihan ay mga kabataan: hindi siya kumuha ng kurso na may relasyon sa pagsusulat, hindi pa rin niya nababasa ang mga aklat ng mga sikat na mga naunang manunulat kagaya nina Luwalhati Bautista, atbp., ang pagtatatag niya ng Bobong Pinoy (alam ko galing ito sa panggalan niya pero parang tuwang-tuwa pa ang mga fans niya na tawaging "bobo"! Lupet di ba? Kung gusto nyang magpa-cute bakit di na lang Bobo Ako - totally self-deprecating at huwag nang idamay ang mga Pinoy] at ang pagpapaliwanag niya kung bakit siya sumusulat sa sariling wika: "Dahil gusto kong maintindihan ako ng mga kababayan ko. Kung gusto kong malito lang ang mga karaniwang tao at hindi maintindihan ang sinasabi ko para kunyari may sinasabi ako kahit wala, mag-e-English ako. Tulad ng mga namumuno ng bansa". Hindi ba niya alam na ang paggamit ng Inggles ang nagiging edge ng mga Pilipino sa international market? Bakit niya ina-assume na kung mag-inggles siya at di siya maiintindihan ng mga "pangkaraniwang" Pilipino? At bakit kailangan pang idamay ang mga namumuno ganoon nagta-tagalog lagi noon si President Estrada (noong panahong lumabas ang librong ito?).

Okay, hindi ako kasama sa target market ng librong ito. Hindi na ako bata. Pero andoon ang libro sa National Book Store at may pambili ako. Bakit hindi ko babasahin kung gusto ko? Oo na, sa dinami-rami ng mga libro ni Bob Ong ngayon sa shelves ng National Book Store, masaya naman ako na nanunumbalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa. Para ring si Nicholas Sparks at ang kanyang "lonely romance-starved housewives", natagpuan ni Bob Ong ang gold mine: ang mga kabataang may teenage angst o iyong gustong magkaroon ang kanilang henerasyon ng sariling identity. Kagaya ng musika na nagiiba sa bawa't dekada. Para ring sa pananamit: noong panahon namin ang pagsusuot ng iba't ibang di makaka-ternong kulay (Bagets na pinauso ni Aga Mulach) ang fashion statement na sinasabing totoong '80s.

Ala-Holden Caulfield na teenage angst kasama dyan ang pagiwas na basahin ang nobela ni Liwayway Arceo, Luwalhati Bautista o Edgardo Reyes dahil ang mga nobela na nila ang pinababasa ng kanilang mga guro sa paaralan. Gusto nilang magbasa ng Bob Ong dahil mas astig at ginagawa nila ng walang naguutos na guro o magulang. Shit, amin lang sa Bob Ong. [Shit daw at hindi siyeet sabi rin ni Bob Ong sa libro. Nakikiuso lang ako.] Huwag lang sanang sa darating na panahon ay ire-require na sa mga paaralan na magbasa ng mga libro ni Bob Ong. Magiging klasiko ang mga ito at makakahilera na ng mga libro ni Jose Rizal, Amado Hernandez at F. Sionil. Naykupu!

"2 stars" - Ok lang. Hindi ko gusto, hindi ko ayaw. Peace!
Profile Image for kwesi 章英狮.
292 reviews743 followers
March 27, 2011
Wala akong masabi kung ano ba talaga ang pinagdaanan ni Bob Ong sa pagsulat ng kanyang mga unang aklat. Masasabi kong puro lang naman yata yun mga tsismis at mga kwentong walang kwentang nakakatawa. Pero sabik ang mga kabataan magbasa at bumili ng kanyang mga aklat, di ba nila naisip na mas mura sa Booksale at mas makapal pa ang mga aklat dun. Yun nga lang mga banyagang aklat ang binebenta at sino naman makakaintindi nun edi sila rin. Tama nga naman, may sense of humor lang talaga si Bob Ong na kaya niyang patawanin ang mga Pilipino at dinagdagan niya ng mga kwentong totoo, ala half Fiction, half Non-Fiction.

Lahat ng aklat ni Bob Ong ay may mga malalalim na dahilan kung bakit niya ito isnulat, yun nga lang di ko siya talaga nagustuhan kahit ako na mismo ang papasok ng aklat niya sa utak ko. Natawa naman din ako kahit one eight lang ng aklat niya at one fourth lang din na marka ang binigay ko sa kanya. Madamot talaga ako kailan man, kahit sa marka dinadamutan ko pa si Bob Ong. Kung tatakbo siya na maging mayor sa bayan, Why not, coconut, edi bubutuhin ko talaga siya?! Biro lang, fifty fifty pa ako niyan. Una manunulat siya at walang ugnay naman ang kurso niya sa politika. Kung sinasabi niyong masama ako, pwes, basahin niyo ang pangalawang libro niya, siya na mismo nagsabi (in ironic) na ilang taon puro artista na ang bibida sa pulitika.

Ayan tuloy pulitika na naman ang pinagusapan. Walang tigil na puro pulitika na lang ang pinaguusapan ng mga Pinoy, mapanews, sa text at kahit sa internet puro pulitika. Sabi nga ng nanay ko mind your own business! Ang nagustuhan ko lang dito ay ang mga impormasyon na binahagi niya sa mga nagbabasa ng kanyang aklat, katulad na lamang sa tanung na ilang ballpen na ba nagamit mo? Bakit ballpen ang tawag ng mga Pilipino sa pen? Anong libro na ba nabasa niya? Ano nangyari sa una niyang release ng libro? Bakit niya ba talaga naisulat ang mga unang aklat niya? Diba, parang interview lang, di mo ba naisip yun.

Ayoko nang isaisahin pa lahat ng nabasa ko at baka maabutan pa tayu ng gabi dito at makapiling niyo pa ang multo sa bahay niyo. Kung binabasa ko ang aklat ni Bob Ong nakatatak na sa isipan ko kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit isinulat niya ito, o baka puro tsismis na naman. Yun nga kung bakit madamot ako magbigay ng marka. Dahil din sa aklat na ito parang nayakap ko ang panginoon na para bang may maliwanag na ilaw na dumaan sa akin. Kasi isinulat niya lahat ng mga dahilan niya kung bakit siya nagsulat ng mga walang kwentang kwento.

Sa kalagitnaan pa lang ako ng aking rebyu, tinatamad na ako. Kinuha ko pa ang Book Journal ko kasi nandun lahat ng mga impormasyon na kinakailangan ko at kailangan mo na rin nun kundi biglang mawawala lahat ng mga librong binasa mo. Nagsimula siyang magsulat dahil sa isang blog at dahil di pa uso ang teknolohiya sa bayan namin wala akong ka muwangmuwang sa mga isinusulat niya. Masasabi mo akong cave man pero masasabi kong masaya naman ang buahy sa amin. Mistiso rin siya, half Chinese half Filipino at dahil sa gusto niyang makasulat kahit di siya nagtapus ng kursong Literature o ano man. Nagsulat siya at ito, nagbunga siya ng mga aklat at binahagi sa mga taong kinakailangan ng tulong.

Sa unang aklat niya, isinulat niya ito kasi gusto niya na ang mga kabataan ay magpursigeng mag-aral. Dahil sa gusto niyang i-publish kaagad ang kanyang aklat napahiya siya sa sobrang dami ng mga mali maling spelling at kinakailangan niya ulit irebisyo ang lahat. Ayon, buti naman at naging bestseller ang unang libro niya sa Pinas. Ang pangalawang libro niya naman o ang Yellow Book o kulay ihi. Para sa kanya ito raw ang pinakaseryoso niyang isinulat at totoo naman para bang gusto niya akong itulak sa galit habang binabasa ko ang kwento niya.

Sa pangatlong aklat niya naman kung saan ang mga artista ay naghahabulan sa posisyon ng pangulo, ay ang Black Book. Ito raw ang libro para sa mga taong nagdadalawang isip kung sang relihiyon ang papsukin at tatahakin. Tama naman, sa sobrang dami na ngayun, pati ang tao parang ayaw na magsamba. Ang pang-apat kung saan ang libro niya sa mga matatanda na isip bata, na dapat ang tao ang magbago at wag ang pulitika na siyang isinisisi ng madla. Tama, iyon din ang iniisip ko bakit puro na lang pulitika kung pwede naman ang sarili natin ang ating baguhin.


Grabe na talaga to, puro longganisa na ang nasaisip ko. Next time bigyan niyo naman ako ng isa na miss ko na tuloy sa bahay. Ok lang yun aalis din ako dito sa Maynila sa susunod na buwan. Longganisa, I'm back! Binibilang ko na ang mga araw ko sa Maynila. Wag naman sana stainless ang ihanda sa akin!

Grado - Stainless Longganisa by Bob Ong, 2'ng Kendi at ang mga ballpen na sadyang pinagsisihan. (Di ko maintindihan kung magsulat at ipublish ko na ang aking rebyu palaging bumabagal aking internet, nakakaabut pa ako ng tatlong oras sa kakabasa at sa kakaulit ng aking rebyu. Sana habang ako'y nagsasabi ang monitor ko na lang ang magsulat. Sana nga, ang tamad ko talaga kahit sa rebyu ko. Anyway, mahal ko kayu!)

Mga Hamon:
Pang-32 na aklat sa taong 2011
Pang-20 na aklat sa Off the Shelf!


Profile Image for Binibining `E (of The Ugly Writers).
480 reviews42 followers
October 23, 2015
Isa sa mg magagandang libro ito ni Bob Ong. Yung libro na mapapatawa ka pero alam mong may sense naman. Yung libro na dinadaan sa joke pero merong gusto ipahiwatig gaya ng kabulukan sa sistema ng lipunan at ng gobyerno.. Yung mga bagay na dapat isinasaalang alang ng mga tao. Mga kwento din ito ng pagsisikap nya bilang isang baguhang manunulat, mga paghihirap at kung paano sya nagpakumbaba sa kabila ng tamgumpay nya.
Profile Image for Jerecho.
396 reviews51 followers
April 12, 2018
As I review my ratings (dugo-ilong) of books that I rated (punas ilong), tagalog n nga lang, napagalaman ko na 2 bituin lang ang ibinigay ko sa librong ito. At dahil sa pagtataka, muli ko itong binasa. At napagtanto ko na tama lang pala ang bilang ng bituin na ibinigay ko.

Ang librong ito ay isinulat para sa mga taong nais magsulat, o sa mga taong gumagamit ng pluma upang ipahayag ang damdamin para mabasa ng lahat. Marahil kung ipapalimbag mo ang librong gawa mo itong aklat na ito ay makakatulong sa iyo. Subalit, datapwat, ang bituin ay nangangahulugan ng pagkagusto o hinde ng isang indibidwal sa kanyang librong nabasa o natunghayan. Ito rin ay maaaring sumimbulo ng kanyang pananaw sa aklat o sa nasabi ng manunulat sa librong nabanggit at hindi sa manunulat mismo.

May bahagi ng librong ito na hinde ko gusto, may mga bahaging gusto ko. Kaya nga lang minsan maging sensitibo sa mga isinusulat, hinde lahat ng nagbabasa ay nakakasakay. Marahil sa pagbasa ko ng mga librong isinulat ng may akda ayokong maging kanyang tagasubaybay o tagahanga dahil sa turing niya rito.

#reread
Profile Image for Ninoy Baltazar.
13 reviews1 follower
September 17, 2012
pangit man sa iba, for me I'll rate it as 5 star! Sa lahat ng libro ni Bob (kahit na ilan lang ang meron ako sa kanya) mas nainspire ako sa kanya dahil pangarap ko rin noon ang maging isang manunulat kagaya niya..Tulad rin ng mga kabataang Pinoy na nangangarap, isa rin ako sa mga nangarap na maging isang kilalang manunulat at magkaroon ng sariling libro balang araw.

Malaki ang tulong ng librong ito sa akin dahil mas lalo lang akong nainspire na sumulat. Salamat sa 'yo idol dahil kung di dahil sa'yo hindi magbabalik ang interes ko sa pagbabasa at magsulat para sa gagawin ko mang libro balang araw. Thumbs up ako sa librong 'to! The Best :D

Profile Image for Jayvie.
71 reviews19 followers
May 12, 2012
Bakit Stainless Longganisa ?
Bakit hindi.

Bakit nga ba hindi? Bilang isang mambabasa , hindi naman kasing sama ng mga politiko ang sumubok magsulat. Bakit nga ba hindi ko subukang gumawa nang kung anu-anong shit sa papel? Anu-ano nga ba ang mga requirements?

Noong high school pa lang ako, nakakagawa at nakakapagsulat na ko ng mga tula na ibinibigay ko sa mga special someone ko. Yung tipong love letter na tula version. May pagkabaduy pa nga e.

Kaya sumagi na rin sa isip ko dati kung ipagpatuloy ko kaya ang pagsusulat. May mararating kaya ako? Sa tingin ko naman meron (optimistic kasi ako masyado dati). Kaso may problema. Nakakapagsulat lang ako pag-inspired ang lolo niyo.

At dahil mas madalas pa ang birthday mo kesa sa buhay pag-ibig ko, itinigil ko na rin ang kalokohan kong maging makata. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa ibang interes.

At ngayong nabasa ko ang pang limang obra ng inaakala kong kakampi ko sa ganitong sining ay lalong nawala ang pag asa kong pumirma ng mga libro kung saan nakaimprenta ang pangalan ko.
Lalong gumusot ang kagustuhan kong maging alagad ng sining na dati ay konting udyok at lakas ng loob na lang ang kailangan para maplantsa na ang lahat para sa pangarap.

Naisip kong mahirap palang maging isang manunulat. Marami pala ang dapat isaalang alang para lang makabuo ng isang libro. Hindi lang pala basta makaubos ng tinta nang ballpen ang pagsusulat. Kailangan din pala na may kasamang sense ang bawat letra ng gawa mo na siyang kikilatisin ng mambabasa mo. Kailangan may laman, may kaunting sabaw, kahit may cholesterol pa yan basta may sustansya at kayang idigest ng mambabasa mo.

Hindi pala pupwede yung basta basta lang. Naku mukhang hindi ako pwede sa mga ganun. Kasi madalas sinusulat ko lang kung anung matripan ko. Hahahah

Malupit nga talaga ang batas ng isang manunulat. Kahit ako pinanghinaan ng loob, nawalang ng kumpyansa, at na tuliro. Pero hindi naman masamang sumubok di ba. Malay mo magwork.

Hanga talaga ako sa Pilipinong manunulat na naihahayag ang kanilang mga opinyon at damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat ng tagalog. Dahil sa tingin ko sila ang tunay na nagmamalasakit sa mga pinoy. At dahil sila ang mag naiintindihan ng mga pinoy, sila din ang nagiging inspirasyon at impluwensya nila sa maraming bagay. Kaya ako kung magsusulat man ako sa hinaharap, gagamit ako ng TagLish, hahaha maiba lang.

Balang araw makakapagsulat din ako ng isang obra na kapakipakinabang. Hindi man maging libro, sisiguraduhin ko naman na kapag nabasa mo ito babaguhin nito ang Facebook status mo. Sisiguraduhin kong itwitweet mo ito sa kaibigan mo at isesearch mo sa Google ang may akda nito.

Profile Image for joy can read.
478 reviews13 followers
July 12, 2022
"Ang maganda sa pag-asa, hindi 'to nakukuha sa'yo nang hindi mo gusto. Kampante pa nga 'ko ngayon na masyadong nang nalubog ang bansa. Sabi kasi nila kasunod na raw ng pinakamadilim na parte ng gabi ang pagbubukang-liwayway. Ang ipinag-aalala ko nga lang e baka maubos at hindi na umabot ang katol na pangontra sa lamok ng mga tao sa mahabang magdamag."

tbh, I dived into this book without knowing what this is about. Look at the title naman kasi!! HAHAHAA imagine my reaction when I later on realized na this book pala is abt the author's journey in writing. first part pa lang ng book, I was hooked na agad because I love how the author made a ballpen and lapis anthology (?) in his life.

i am kinda familiar already to Bob Ong's writings since before pa naman famous siya sa facebook sa mga quotes (?) niya. Kahit pa-joke 'yong approach ni Bob Ong sa ibang discussions, gusto ko na seryoso at may sense 'yong insights niya. kumbaga, may kaonti lang talagang kalokohan sa writings HAHAHA

Sobrang agree ako sa part na sinabi niya na napakasagradong bagay ng mga libro. Somehow, relevant siya sa history books ng Pilipinas. Ang mga librong dahil lamang salungat sa paniniwala ng iba, pulitikal man o panrelihiyon ay ipapa-ban na.

interesting basahin 'yong views niya sa pagsusulat niya mismo at sa pagsusulat ng iba. nabanggit sa libro na hindi raw biro ang pagsusulat sapagkat masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao, matatapakan ang limpong paa ng sistema at higit sa lahat, maiistorbo mo ang siesta nh lipunang masaya na sa mga paniniwalanh kinagisnan niyo. maraming binabangga ang mga manunulat kaya't hindi ito biro.

Pinag-usapan din dito ang kakulangan ng public libraries dito sa pilipinas kasi literado naman ang mga Pilipino. Ngunit ayon sa mga pagsusuri ay mayroon lamang isang bookstore ang bansa sa bawat 30,000 na Pilipino. 511 lamang ang may municipal library sa 1,496 na municipalities sa buong bansa, at 49 out of 80 provinces ang may provincial library.

"Biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko noon. Biktima tayo ng mga natapakang politiko ngayon. Biktima tayo ng pambansang kamangmangan na pinakikinabangan ng iilan."

Tinapos niya ang libro with advices. Ito nakuha ko: Kung may gusto tayo sa buhay, kailangang nakatatak ito sa ating isipan na buong-buo. Kailangang sobrang visualized sa utak natin.
Profile Image for Shxrxn.
415 reviews
February 13, 2010
ang hirap sa ibang ballpen, pag-itinayo mo ng pabaliktad, natutuyo ang tinta. pag-iyinayo mo naman ng tama, nag-tatae.
- page 7

panahon pa lang ng mga disipulo ni Kristo uso na ang panununog ng libro. hanggang sa mga sandaling 'to paborito pa ring libangan ng ilang makapangyarihan sa mundo ang pagsunog sa mga sulating sumasalungat sa paniniwala nila, pulitikal man o pang relihiyon. pero para sa akin,napakasagradong bagay ang libro para sirain.
- page 23

tulad din ng mga tao. utak ng tao. dahil bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
- page 24

nang matuto akong magbasa, nadiskubre ko ang kalayaang maglibang ng walang kabayaran.
- page 29

wala akong nakikitang masama sa pagbabasa sa payo nng ibang tao na mas may alam ng konti sa survival sa mundo. hindi ako natatakot na malaman ang pananaw nila, dahil sa huli opinyon ko pa rin ang masusunod.
- page 32

first time na nagsigawan ang mga salitang hindi ko narinig dati.
- page 39

kung may genie na magbibigay katuparan sa lahat ng kahilingin mo pero hindi mo na pwedeng gawin ang isang bagay na pinakagusto mong ginagawa, papayag ka ba?
- page 45

dahil sa pagsuslat, masasagi mo ang mga ,atatayog na egotismo ng ibang tao. matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyanng sistema. at maiistorbo mo ang sistema ng lipunan ng masaya na sa kinagisnan nito. sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo.
- page 51

ngumiti na lang ak para matapos ang usapan
- page 57

ang manunulat at biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.
- page 65

yan ang internet. parang puro lang tayo isip na nag-uusap-usap. walang mukha, katawan, kamay at paa. di kita nakikita, di mo 'ko nakikita. ako ang tao na binubuo ng isipan mo....base siguro sa pagkatao mo rin.
- page 70

kung technology lang ang pag-uusapan, napaka s-w-e-r-t-e ng mga estudyante ngayon! pero marami ang hindi nakakaisip non.
- page 73

ayon nga sa mahal na patron ng mga kabataan ngayon na si eminem : "unless you want to f* me, why do you care what i look like?"
- page 75

dahil nakapasa ako sa personal nilang pamantayan, kailangan lahat ng sasabihin ko lagi nang ayon sa panlasa nila. kailangan lagi kang kakaiba, cool, at liberal....kahit na maging puro kakaiba, cool, at liberal, at wala nang kwenta ang mga sinasabi ko.
- page 79

ang maganda sa pag-asa, hindi 'to nakukuha sa'yo nang hindi mo gusto.
- page 80

dahil ang totoo, ang bansa nating naghihikahos ay binubuo ng mga taong nag-uumapaw sa talento, hindi lang natin pinapansin o pinapahalagahan. nakakarawa nga minsan, pero totoong hindi binibigyan impotransya ang utak dito sa atin.
- page 96


biktima ako ng sistema na nagdidikta kung sino lang ang pwedeng mag-aral ng ano.
- page 106

bobong pinoy dati dahil sa pagkadismaya sa mga naging takbo ng pangyayari sa bansa. bobo, dahil ayaw man lang bumawi, parangsumali sa boxing na nag-aakalang nasa pagsalo ng mga suntok ang puntos n'ya.
- page 109

bobong pinoy...kontobersyal na pangalang humahamon sa lahat para pabulaanan.
- page 109

kahit pilitin kong maging organisado at unahin ang day job, di rin pwede dahil gising ang utak ko sa gabi. hirap matulog. midnight sale ang idea. nilalangaw ang utak ko ng mga bagay-bagay na na mabubugaw lang ng pagsusulat. ang resulta: zombie aako kinabukasan sa opisina.
- page 112

nasa matino na 'kong eskwelahan, umalis pa 'ko. nagkaroon ako ng matinong trabaho, iniwan ko. di ko maintindihan kung risk taker ako o sadya lang talagang bobo.
- page 123

hindi perpekto. yun ako.
- page 127

hindi mo naman kasi kailangang ayunan nang buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo. natuwa ka man o nainis, ang importante e apektado ka. tinubuan ka ng pakialam na dati ay wala. at hindi ko yon ihihingi ng tawad. hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya
- page 135

ang mga daredevil sa panahon ngayone yung mga walang kurap na nakaantabay sa mga bwisit na panyayari sa bansa. matinding sikmura ang kailangan para matagalan mo ang mga balita gabi-gabi ng wala kang gagawin kahit ano.
- page 136

biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko ngayon. biktima tayo ng pambansang kamangmangan na pinakikinabangan ng iilan.
- page 141


baka sa oras na kailangan at gusto na lahat ng totoong pagbabago, hindi na natin ito maisagawa sa kinasanayang paraan.
- page 141

kung wala nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon, wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gustong pumunta.
- page 146

naipakita mo sa mga kaibigan mo na kahit gago pwedeng gumawa ng mabuti. hindi bawal yun.
- page 148

isang malaking kalokohan sa mundo ngayon : ang pag-aakala ng mga tao na kailangan mo munang maging mabuti para bumagay sa'yo ang paggwa ng kabutihan---na mukhang gago, kung iisipin. dahil wala naman talagang taong mabuti.
- page 148

napakarami na naming natutunan sa labas ng eskuwelahan. at alam mo pa ang natutunan namin? na napakarami pa rin naming dapat matutunan
- page 158

may tapang ba talaga yan para bumitaw sa salbabida o tatanda na lang sa pagsasabi ng "sana....?"
- page 165

walang gamit ang hasaan kung walang hahasain.
- page 170

masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.
- page 179

ang kagandahan ng pagsusulat, ikaw mismo natututo sa mga totoo mong saloobin. at ano ba'ng problema kung nag-iiba ang opinyon mo? tao ka, tumatanda, natututo.
- page 180

wag magmagali sa pag-aasawa. tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si debbie gibson o magaling siya mag-breakdance. sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskuwelahan e nagmumukha ring pandesal. maniwala ka.
- page 182

tuparin ang mga pangarap. obligasyon mo yan sa sarili mo.
- page 182

MANGARAP KA AT ABUTIN MO 'TO.
- page 182

ayos lang na lumaki nang lumaki, magpatangkad at tumanda nang walang natutunan---kung puno ka!
- page 183
Profile Image for Alden.
161 reviews31 followers
September 15, 2012
Stainless Longganisa. Ikalimang libro ni Bob Ong at ikaapat na nailimbag na non-fiction book niya. Naglalaman ito ng iba't ibang karanasan tungkol sa pagiging manunulat niya, mula sa paggawa ng kanyang mga libro hanggang sa pagbibigay ng payo sa mga nais sundan ang kanyang mga yapak at sa kahalagahan ng pagbabasa sa buhay ng isang tao.

Sa lahat ng libro ni Bob Ong, itong Stainless Longganisa na yata ang may pinakamaraming beses kong nabasa, bagamat hindi ko talaga alam kung ilang beses. Paminsan-minsan ko kasing binubuklat ito lalo na kapag trip kong magpahinga muna sa pagbabasa ng fiction.

Ewan ko ba pero habang tumatagal, lalo akong nagsasawa sa librong ito. Nagsimula sa rating na 5/5 stars, naging 4/5, at ngayon, 3/5 stars (o dito sa Goodreads, "I liked it"/"nagustuhan ko"). Ang weird ng epekto sa akin pero dahil sa sobrang dalas kong basahin ito, may mga pagkakataong nalalabuan na ako sa pinagsasabi ni Bob Ong o kaya'y nagsasawa o naboboringan na ako. Pakiramdam ko, isa akong batang paulit-ulit na pinapayuhan ng mas nakatatanda.

Pero bagamat pababa nang pababa ang rating ko sa librong ito, hindi pa rin maikakailang isa pa rin ang 'white book' sa mga paborito kong likha ni Bob Ong. Inaamin kong dahil sa librong ito, mas nahilig akong magsulat nang magsulat sa blogosperyo at mangarap na magkaroon ng sariling libro, bagamat sa ngayon eh hanggang pangarap na lang muna 'yon dahil may iba pang mas importanteng asikasuhin sa buhay ko gaya ng trabaho, kalusugan, at panonood ng basketball (joke lang). Inaamin ko (ulit), namimiss ko ang ganitong estilo ni Bob Ong sa pagsusulat.

Malaki din talaga ang impluwensiya ng librong ito lalo na sa pagiging buhay-blogger ko dahil hango dito ang titulo ng isang blog ko ("Skinless Longganisa"/"Stainless Longganisa" kay Bob Ong, "Boneless Bangus"/"Burlesk Bangus" naman sa akin. O, ha! Astig! Pero wala talagang kinalaman ang isda sa blog kong iyon. Naastigan lang talaga ako sa titulo ng libro noon kaya ginaya ko).

At sa sobrang haba ng review na ito, hindi ko na din yata maintindihan ang pinagsasabi ko.
Profile Image for John Rey.
92 reviews6 followers
July 29, 2015
Ano ang isusulat mo kung susulat ka tungkol sa iyong pagsusulat?

Ito marahil ang tanong na maaaring masagot ng librong ito ni B.O. Tulad din ng iba niyang mga naunang libro, naglalaman ito ng mga katatawanan (hindi lang joke ok?) na nagpapakita ng husay ni Bob Ong para gawing magaan ang tono ng kanyang nais sabihin. Sa bandang umpisa ng libro, ginamit ito para maenganyo magbasa ang mga 'di sanay magbasa upang itawid sila sa bahagi ng libro na may nilalaman. Si BO na rin ang nagsabi kung bakit ganoon ang paraan at istilo ng kanyang pagsusulat: na may target siya na mambabasa.

Parang walang kaisahan ang mga naunang bahagi ng libro. Ni wala ring malinaw na pagkakasunud-sunod o kahit pahapyaw ng kung saan papunta. Sa huli, isa pala itong paglalarawan, hindi isang kronolohiya ng karanasang tinatawag na 'pagsusulat'. Ang ipinakita sa libro ay isang larawan ng karanasan bilang manunulat -- parang isang 3-D object na nakikita lahat ng bahagi at hugis nito na dahan-dahang iniikot para makita ang kabuuan nito. Ganoon naman marahil ang isang karanasan: may iba-ibang pinanggagalingan ang mga mahahalagang aspeto na bumubuo sa isang karanasan. Mga aspeto iyon na maaring nanggaling sa kalagayan ng bansa at sa sariling buhay ng manunulat kung saan kanyang naranasan ang mga iyon habang siya ay nagsusulat (kasama na rin ang paglilimbag ng mga iyon!). Naglalaman din ito ng komentaryo sa ibang isyu tungkol sa lipunan at ang pagtanggap nito sa mga naisulat ni BO.

Mahalaga rin ang mga tungkol sa mga tips na mula mismo sa karanasan ni BO dahil yun ang mga hindi makukuha sa iba. Kung anuman ang istilo, kasanayan at karanasang naibahagi rito, bahagi iyon ng wala katulad na karanasan ng pagsusulat na naiiba sa iba. Limitado man ang mga salita para malarawan nang buo ang isang tao, dito na marahil naipakita ni Bob Ong kung sino siya bilang manunulat/tao, kahit na sinabi niyang wala namang pinagkaiba sa mga mambabasa. Lamang lang siya sa karanasan sa pagsulat.

Ang pinakagusto kong bahagi ng libro ay ang pangwakas na bahagi kung saan nagbibigay si BO ng mga payo. Magbasa. Mangarap. Tumupad sa pangarap. At magbasa pa ng mga libro ni Bob Ong :)
Profile Image for Em.
47 reviews
April 29, 2010
Isa si Bob Ong sa mga manunulat na hinahangaan ko. Bukod sa walang habas niyang pagpapatawa, wala ding habas ang pagbibigay niya ng aral sa kanyang mga mambabasa. Nakikita ko ang saking sarili sa kanya, at napamahal sa akin ang librong “Stainless Longganisa” dahil marahil isa rin sa kaligayahan ko ang pagsusulat. Sa “Stainless Longganisa” ipinahayag ni Bob Ong ang kanyang kasaysayan bilang manunulat – kung papaano siya nagsimula, kung ano ang kaniyang mga pinagdaanan hanggang maging isa sa mga kinikilala at iginagalang na manunulat ng ating henerasyon.

Habang binabasa ko ang “Stainless Longganisa,” maalin lang sa dalawa ang naging epekto ng bawat pahina nito sa akin: tawa ako nang tawa o sambit nang sambit ng mga salitang, “Ang galing talaga ni Bob Ong.”

May mga kataga sa librong ito na talaga namang nakaantig sakin. Iyon ay nung sabihin ni Bob Ong na kahit kelan ay hindi siya hihingi ng tawad sa mga konsensyang nabulabog niya. Noon ko napagtanto na ang isa palang manunulat o nangangahas maging manunulat ay nangangailangan ng isang daang porsyento ng katapangan.

Bago marating ang tugatog ng tagumpay ay dadaan sadya ang isang manunulat sa mga pagsubok at pagtuligsa, maraming makakabangga, makakaaway, dahil hindi naman lahat ay matutuwa sa mga panulat niya. Subalit di niya ito alintana dahil hindi naman kasama sa layunin niya ang pagsusulat ng kung ano lang ang ikatutuwa ng kanyang mga mambabasa.

Dahil sa ang katotohanan, iisa lang naman talaga ang panata ng mga alagad ng sining: ang maging tapat sa kanilang damdamin.

http://flipthrough.wordpress.com/2010...
Profile Image for Lynchan.
335 reviews38 followers
July 15, 2011
I really like this book..., loving all the quotes written on it., and of course Bob Ong's thought about being a writer. Since I am also a struggling writer., so I guess I can not help myself but to sympathize with him :PP
Profile Image for Joyzi.
340 reviews339 followers
December 21, 2010
Very funny and excellent. Bob Ong states lots of advice to future/ wannabe writers like me.

I love the back cover very hilarious.
Profile Image for Angela Marie.
174 reviews13 followers
March 28, 2021
Isa na ito sa mga paborito kong libro ni Bob Ong. Bilang isang manunulat, iba sa pakiramdam ang makabasa ng mga ideyang sumasagi rin sa isip ko noon.

Maaaring para sa iba ay masyadong tipikal ang mga nakasulat at hindi na dapat isinusulat ang mga nandito pero para sa akin, hindi nasayang ang tinta ng ballpen na ginamit sa librong ito.
Profile Image for Jilianne.
668 reviews58 followers
March 22, 2020
Sana nagpabili pa ako ng mga libro ni Bob Ong kasi isa lang binili ko. Grabe, walang sense ang mga libro niya pero may sense din. Madami siyang leksyon sa buhay pero ang paraan niya ng pagsusulat ay nakakatawa.
Profile Image for Robyn Baltazar.
190 reviews5 followers
May 21, 2020
As a writer, I could relate to this book (except for the famous and the publishing parts). The last few pages entertained me the most. This is a must-read for people who want to be writers someday.
Profile Image for Amae Guerrero.
2 reviews
March 5, 2013
"Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat" - Bob Ong

Ang tagal ko nang alam 'tong libro na 'to. 3rd year High school pa ata ako nun. Hiniram ko siya sa kaklase ko pero hindi ko tinapos at ibinalik agad. Hindi ko kasi na-appreciate at hindi ko din kasi alam na ipagpapatuloy ko 'tong trip ko sa pagsusulat sa kolehiyo.

Matapos ang apat na taon, nag-krus ulit ang landas namin ng libro na 'to. At nang sinimulan ko, halos ayaw ko nang bitawan. Ayos, para sa mga manunulat 'to at lalong ayos dahil nararanasan ni Bob Ong ang nararanasan ko. Normal lang pala kuwestyunin ang sarili kapag wala ka nang masulat. Normal lang pala yung biglang paglabas ng madaming ideya tuwing gabi at pagwala nito 'pag hindi mo naisulat. Totoo ngang lahat ng manunulat nararanasan na mabaliw.

Siguro kaya madaming may mababang rating dito sa libro nito e dahil halos ang mensahe nito ay para sa manunulat. Kaya kung di ka manunulat, malamang lalaktawan mo lang 'to. Tulad ng hindi ko pagpansin nung una ko 'tong nakita. Totoo naman na onti lang ang nakaka-appreciate sa mga manunulat e kasi hindi ka naman daw yayaman dito. Makakain mo ba yang passion mo? haha. Ganyan din yung mga binungad ng nanay ko nung sinabi kong Journalism ang kukunin ko. Sabi niya, "Anak, Accountancy na lang yayaman ka pa"

Pero ganun talaga e. Kailangan ipaglaban mo at pagtrabahuhan mo ang sariling pangarap mo.

Kaya bilib ako kay Bob Ong kasi sa lahat ng pinagdaanan niya, mula sa pag-iwan ng trabaho, pagiging tambay sa bahay, e nakuha niya pa din ipaglaban ang pangarap niya ;)
Profile Image for V,  The Reading Turtle.
353 reviews12 followers
October 2, 2021
Binasa ko nang pangalawang beses ngayong 2021.

Ito na ang huli kong pakikipagkuwentuhan kay tito Bob Ong ngayong taon. Binasa ko uli ang mga libro niya ngayong taon, puwera sa Si na binasa ko no'ng December 31, 2020.

Gusto ko ang pokus ng librong ito - pagsusulat. Bata pa lang ako, alam ko nang may pagmamahal na ako sa literatura. Mas nabuhay lang ito no'ng mabasa ko ang unang libro ni Bob Ong. Lagi kong sinasabing si Bob Ong ang dahilan kung bakit ganito ko kamahal ngayon ang literatura. Isa siyang malaking impluwensiya sa 'kin bilang manunulat.

Una ko itong nabasa, hindi pa 'ko sumusulat ng mga nobela. Marami akong natutunan dahil may mga punto ang nilalaman ng libro. Ngayong nakapagsulat na 'ko ng dalawang nobela (at under din ng isang pen name na hindi ko sasabihin), binasa ko ulit 'to. Bilang manunulat, mas lalo kong na-appreciate ang librong ito at may mga bago na naman akong natutunan. Siguro ganito naman lagi sa pagbabasa ng kahit na anong libro sa ikalawang pagkakataon. Lagi kang may bagong nakukuha.

Ito ang maganda sa paraan ng pagsusulat ni Bob Ong dito - balanse ang katatawanan at mga aral. Sabi nga sa libro, may dalawang layunin ang mambabasa sa pagbabasa - ang malibang at matuto. Dahil sa kakayahan ni tito Bob sa pagsusulat, nadadale ng mambabasa ang dalawang layuning ito.

Bukod sa pagsusulat, syempre pinag-usapan din ang mga libro. Nalibang ako sa mga part na 'yon, at may pa-trivia pa. Nice. Ayos din 'yung humor lalo na sa mga gawaing pangsanaysay. Gusto kong sagutan. JK.

Ayon. Sana magsulat uli si tito Bob ng iba pang mga libro. Gusto ko pang makipagkuwentuhan sa kanya.

Hindi para sa tamad ang pagsusulat.

Profile Image for Janus the Erudite Artist.
702 reviews93 followers
March 15, 2011
I admit I struggled with some parts of this book. Stainless Longganisa basically talks about how life is for a writer and gives necessary advice to those who are aspiring to write.

I did laugh at Ong’s funny antics. Although, I did question why those things had to be included in this book. Some of them didn’t seem to fit into the topic, or maybe I just didn’t get the idea of it.

Anyway, if you want to have a good laugh, grab this book. Also, if you’re an aspiring writer, this is something that could help you with what you want to accomplish so give it a try.

For more of my reviews, please visit my blog:
The Blair Book Project @ www.theblairbookproject.blogspot.com
Profile Image for Lynai.
570 reviews82 followers
November 23, 2009
My very first Bob Ong book and I find it just okay. Maybe I expected too much or maybe I just picked up the wrong book for a first timer like me. But this doesn't mean I won't read his other works. Reading Stainless Longganisa on the contrary has made me curious about his other books especially the ones he wrote before Stainless.

In Stainless Longganisa , Bob Ong talks, about writing, books, and his "rise" to stardom as a writer. His anecdotes were witty and funny but reading some of his quips on tags rampant in Facebook before I get to read the book somewhat already stole the humor. A quick read, finished it after 2 hours.
Profile Image for Zzonroxx.
43 reviews
March 20, 2022
Unang pagbasa: 5 stars

Ikalawang pagbasa: 3 stars

Alam kong nag-enjoy akong basahin ito noong unang basa ko pero wala akong natandaan. Kaya binasa ko ulit sa sumunod na taon. Napagtanto kong baka wala akong naalala noon sa librong ito dahil wala naman talagang dapat alalahanin bukod sa librong inirekomenda ni Bob. Naglalaman ito ng kuwento at lakbay niya bilang manunulat mula high school hanggang sa mag trabaho siya sa ilalim ng VPE. May kapupulutan naman ng aral dito. Samu't-sari. Sabi nga niya dito, dalawa lang ang habol ng mambabasa: Ang matuto at malibang. Yun nga lang hindi ako gaano nalibang sa ikalawang pagbasa ko hindi tulad sa ibang gawa niya.
Profile Image for YNNA.
42 reviews
June 11, 2012
Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAKo?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pakakamali -- ang magkwento tungkol sa sarili niyang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsusulat,

"Wow! Konti na lang ang typo!"
- J.K. Rowling

"Super puwede na!"
- Dan Brown
Profile Image for Apokripos.
146 reviews18 followers
January 16, 2009
At least sa librong ito kahit papaano may improvement si Bob ong kasi in some ways may natutuhan naman ako sa kanya. Nalaman ko rin sa librong ito na may author ang pareho naming gusto. Helpful din 'yung paglatag niya ng mgas advise anout writing dito. 'Yun nga lang nakukulangan ako ehh.. So for Mr Bob Ong if your reading this review gawa ka pa ule ng isa pang ganto please. Tapos pag nakagawa ka sa kin mo dedicate. Thnx 0_0
Profile Image for Princess Godoy.
285 reviews168 followers
July 13, 2015
I don't know why but I never really enjoyed this book. It's not that I don't like writing, in fact I love it. . .so why?

I love Bob Ong but there's something about this book that didn't really connect to me well. Like, he's trying so hard to make us believe that I'm a normal writer, struggling with your usual problems. In other word, he's trying so hard to make us relate to him that it just didn't work out.
Profile Image for Anna Katrina.
30 reviews14 followers
August 5, 2014
I needed to edit my first review since it was written in English ;-)

Hindi ko na matandaan kung anong kwento, o may kwento ba, ang libro na to. And the fact na hindi ko na matandaan ang nilalaman nito ay proof na hindi nito naapluwensyahan ang mga beliefs ko o ang buhay ko, in general.

Sa kabila nun, I will always be a fan of the search of Bob Png' true identity.
Profile Image for Carmie.
22 reviews7 followers
February 11, 2011
This bookk is best for those people who dreamt of being a writer someday.. It's good but I'm not really into a book that consists of compilations.. I'm into books that has story because I can easily remember the events.. and inspires me more than compiled ideas.
Profile Image for Aries.
91 reviews28 followers
January 31, 2012
"Ayos lang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan- kung puno ka!"
Some part interesting. At most boring.
Displaying 1 - 30 of 261 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.