Jump to ratings and reviews
Rate this book

Palalim Nang Palalim Padilim Nang Padilim at iba pang kuwento ng lagim

Rate this book
Mula sa tradisyon ng mga obra ni Gerardo de Leon, narito sa hawak ninyong libro ang mahigit sa dalawampung maiikling kuwento ng kababalaghan at katatakutan. Sinulat upang ibahagi ang mga nakakahindik na pangyayari sa iba't ibang uri ng sasakyan, sari-saring okasyon, at lunan, at ang mas malalim na usapin sa karahasan na madalas ay hindi-usapan.

Hindi ito para sa mahihina ang loob.

itinatampok ang mga akda nina

Wennie Fajilan
Beverly Siy
Mar Anthony dela Cruz
Rita dela Cruz
Haidee Pineda

at mga guhit ni

Josel Nicolas

87 pages, Paperback

First published January 1, 2008

1 person is currently reading
73 people want to read

About the author

Bebang Siy

19 books137 followers
Beverly Wico Siy grew up in a house that overlooks the sea in a busy district called Ermita in Manila. She loves swimming as a child and, now, she is a licensed scuba diver. Beverly has written in one form or another since she was in college, but literature for children has always been her favorite.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
14 (66%)
4 stars
5 (23%)
3 stars
1 (4%)
2 stars
1 (4%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
August 13, 2016
#BuwanNgMgaAkdangPinoy
Aklat #9: PALALIM NANG PALALIM, PADILIM NANG PADILIM AT IBA PANG KUWENTO NG LAGIM | Tinipon at Pinamatnugutan ni Beverly "Bebang" Siy | Mga Guhit ni Josel Nicolas
(Fox Literary House, 2008)

Babala: Huwag mong babasahin ang aklat na ito sa gabi.

Dahil nakakatakot. Alam mo 'yong parang may nakatingin sa 'yo habang ikaw ay nagbabasa. 'Yong tatayo ka at pupunta ka sa CR para mag-weewee tapos parang pagbukas mo nang gripo, parang inaasahan mo na kulay dugo 'yong tubig. Tapos hindi mo pa pina-flush ang inidoro ay parang tumutunog na ito at sa paglubog ng weewee mo ay pakiramdam mo ay may lalabas na putol na kamay?

Napaka-epektibo ng aklat na ito para manakot. Dalawampung maikling kuwentong katatakutan. Sinulat ng 5 kabataan (bata pa sila noon) na puro nagtapos sa UP (University of the Philippines). Nariyan si Bebang, ang patnugot na sumulat din ng 2 kuwento, cum laude ng BA Malikhaing Pagsulat. Si Mar Anthony dela Cruz, BA Art Studies at MA Malikhaing Pagsulat. Si Rita dela Cruz, BA Development Communication (Journalism) at MA Malikhaing Pagsulat. Si Wennie Fajilan, BA Araling Pilipino at MA Philippine Studies. At si Haidee Pineda, BA Journalism at MA Malikhaing Pagsulat. Dahil puro sila mga iskolar ng bayan at puro mga malikhain, sobrang nakatakot ang kanilang mga kuwento ng lagim.

Ang 20 kuwento ay hinati sa tatlo: "Sasakyan" - 5 kuwentong may kinalaman sa transportasyon: jeep, karo ng patay, tren; "Natatanging Okasyon" - 7 kuwentong may setting ng mga festival o ganap kagaya ng Panagbenga, Masskara, Mother's Day; at "Lulan" - 7 ring kuwento na naganap sa downtown Manila kagaya ng overpass na tambayan ng taong grasa, motel/inn, opisina, pawnshop at Cubao. Mga pamilyar na setting. Mga kaganapan sa buhay. Mga taong maaaring nakakasalubong o nakikita mo sa araw-araw. Epektibo ang ganitong paraan upang sa panahong binabasa mo ang aklat at napapunta ka sa lugar o kaganapang ito, maaalala mo ang mga kuwentong nabasa at kikilabutan ka pa rin, mangangalisag pa rin ang balahibo mo at matatakot na baka totoo ang nabasa. Ganyan ang epekto sa akin ng mga kuwentong ito ng limang taga-UP.

Paborito ko: "Ang Paghihiganti ni Maya" ni Haydee Pineda, dahil sa ang setting nito ay iyong 1990 na lindol sa Baguio. Yong rebelasyon sa dulo ay hindi ko inaasahan. Yong lindol mismo, nakakatakot na, biglang pinasukan pa ng kuwento tungkol sa relasyon ng mga tauhan; "Ang Gulayan ni Lu Kyen" ni Rita dela Cruz, dahil sa parang lumang scary fairy tale pero nakakapagtaka dahil fresh ang approach at nagulat ako dahil nagustuhan ko pa rin. Mahilig kasi ako sa gulay; "Patok" ni Wennie Fajilan, dahil akala ko mahuhulaan ko na yong nangyayari pero nagkamali ako; "Ang Multo sa Inn" ni Mar Anthony dela Cruz, dahil sa pagiging cool ng mga karakters na parang mga makukulit mong kaopisina. Last but not the least, "Megadalena Pawnshop" ni Beverly Siy dahil sa titulo pa lang, Megamall+Magdalena, alam mo nang pinagisipan ang kuwento. Gusto ko yong freshness ng approach dahil unang kuwentong horror na nabasa ko tungkol sa pagkakulong sa kaha de yero (isang vault na lalagyan ng mga isinanlang alahas) tapos 'yong mga kababalaghang puwedeng mangyari pala sa loob nito.

Si Edna O'Brien, isang nobelistang Irish, ay may akdang kasama sa 1001: "August is a Wicked Month." Parang swak na swak ang nakakatakot na librong ito nina Bebang Siy na patotoo sa titulo ng akdang ito ni O'Brien.

Salamat, Bebang, Mar, Haydee, Rita at Wennie sa isang di ko malilimutang horror Pinoy book. Mabuhay ang mga taga-UP! Sulat pa kayo. Sana gumawa pa ulit kayo ng ganitong ka-epektibong antholohiya. Salamat din sa babala sa likod na pabalat: "Hindi ito para sa mahihina ang loob!" Ngunit bakit binasa ko pa rin, ganung bata pa ako ay talagang matatakutin ako sa multo. Yon na lang siguro ang payo ko sa gustong sumubok: kung babasahin mo ito ay sa umaga at 'yong may kasama ka sa loob ng bahay ninyo.

Bebang, paumanhin sa paglalagay ko ng larawan ninyo ni Dagat. Peace.

#BuwanNgWikangPambansa
#PinoyReadsPinoyBooks
Profile Image for Billy Ibarra.
196 reviews18 followers
July 10, 2025
Hindi ako masyadong mahilig sa horror, pelikula man o aklat. Paano ba naman kasi, nakakaramdam ako noon at nakakikita ng mga bagay na alam kong hindi nagmula sa mundong ito. Ayaw kong nakaka-attract ng multo o anumang elemento, mas lalo namang ayaw kong magambala ang katahimikan ko, 'no. Mabuti na lang ngayon at tinantanan na ako ng ganyang mga bagay. Pero dahil binili ko ang aklat na ito na si Ninang Bebang Siy ang patnugot, kailangan ko itong mabasa. Huwag lang akong dalawin ulit ng kababalaghan. Haha.

Nahahati sa tatlong bahagi ang aklat. Una ang "Sasakyan" na from the word itself, tungkol sa mga nangyayari sa sasakyan. Itinampok sa mga kuwento ng kababalaghan dito ang mga patok jeepney, jet ski, karo ng patay, eroplano, PNR train, at ice truck. Pinakanagustuhan ko rito ang kuwentong "Patok" ni Wennie Fajilan, tungkol sa isang aksidenteng nangyari sa isang patok jeepney.

Pinamagatan naman na "Natatanging Okasyon" ang pangalawang bahagi. Ipinamalas dito ang mga kuwentong may kinalaman sa mga bagay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino sa iba't ibang bayan tulad ng Pista (Mudpack Festival, Pista ng Banga, Panagbenga, at MassKara Festival), Mother's Day, Araw ng mga Puso, at JS Prom. Marami akong nagustuhang kuwento sa bahaging ito, hindi dahil sa nakatatakot ang mga kuwento, kundi dahil sa kung paano ito ikinuwento ng mga manunulat. May halong psychological ang atake ni Mar Anthony dela Cruz sa kuwentong "Mother's Day"; kuwentong bayan naman ang kaniyang atake sa isa pa niyang kuwentong "Banga". Sa "Mapulang Araw" ni Wennie Fajilan, isang masaker naman dulot ng militarisasyon sa kanayunan ang pilit naghahanap ng hustisya sa pangunahing tauhan. Isang maskara naman ang nakakikita ng aura sa pamamagitan ng kulay ng liwanag ang mababanaag sa "Maskara" ni Haidee Pineda. Isang pagkakaibigan naman ang hindi patatahimikin, muli ni Wennie Fajilan, sa kuwentong "Trip".

"Lunan" ang pamagat ng ikatlong bahagi, mga karanasan ng katatakutan sa ilang lugar sa kanayunan at kalunsuran tulad ng overpass, inn, rooftop, quadrangle, gulayan, pawnshop, maging ng MMDA urinal. Ito ang paborito kong parte dahil nagustuhan ko rito ang lahat ng kuwento. Tawang-tawa ako sa kung paano isinulat ang "Megadalena Pawnshop" ni Ninang Bevs. May humor ang pagkakasulat. Kung saan maraming magnanakaw, doon daw maraming pawnshop. Hahaha. Maganda rin ang mga ilustrasyon ni Josel Nicolas sa aklat; ang ki-creepy! Tipong baka maalala ko pag matagal kong tinitigan at hindi agad ako makatulog. Haha.

"Hindi ito para sa mahihina ang loob," sabi sa blurb ng aklat. Napa-"Weeh?" ako, haha. May kaisipan ang mga tao na kapag horror, eh nakatatakot dapat. Pero hindi! Kailangan n'yo ring tingnan ang pagkakasulat at kung paano ikinukuwento ang mga kuwentong kababalaghan---doon mo masasabi na maganda ang isang kuwento, matakot ka man o hindi. Sa kaso ng Palalim nang Palalim, Padilim nang Padilim, nakuha ng mga manunulat sa koleksiyon ang mood ng isang horror genre. Hindi nila kinailangang manakot nang todo upang maipakita ang takot ng mga karakter sa mga hindi-maipaliwanag, sa mga krimeng nasa kanilang harapan, sa nakalulunos na kalagayan, sa magulong isipan, sa dahas ng lipunan, sa masakit na alaala, at sa hindi-na-matatakasang kamatayan. Naging matagumpay ang aklat na lumihis sa mga puchu-puchung horror stories na gasgas na gasgas na. Kung ngayong 2025 ito inilabas, tiyak na magiging epektibo pa rin ito sa mga mambabasa. O baka ako lang ito, kasi hindi naman nga ako masyadong mahilig sa horror at ngayon lang ulit nakapagbasa ng ganitong genre? Hindi ko pa masasagot ang sarili.
Profile Image for Marlo Paniqui.
30 reviews
October 16, 2019
ganito ang mga tipo kong basahin. di ko na isusulat ang paglalahad sa laman ng librong ito. magandang kayo na ang magbasa at masindak sa pagkakalahad ng kwento .
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.