Jump to ratings and reviews
Rate this book

Dugo sa Bukang-Liwayway

Rate this book
Ang Dugo sa Bukang-Liwayway ay isang nobela na inilimbag ng may-akda sa kanyang manuskrito ng dugo, pawis at ultimong bakas ng talampakan. Ang motibo, inspirasyon, nilalaman, birtud at "kasalanan" ng nobela ay pawang hinugot sa tadyang ng may-akda, alak at tinapay mula sa talambuhay, unang lagom ng kanyang mithiing muling isalaysay ang daigdig ng kanyang kamulatan. Ang sinilangang bayan ng San Isidro, Nueva Ecija ang San Roque sa nobela. May sandaling ang may akda ang naging isa sa tauhan ng nasa nobela pagpapatibay sa pagiging "totoo" ng kanyang akda, hindi kathang isip lamang, bagama't pagpapatunay din sa talinghaga ng paglikha.

Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo. Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.

(mula sa wikipilipinas.org.)

136 pages, Paperback

First published January 1, 1966

100 people are currently reading
1312 people want to read

About the author

Rogelio Sicat

11 books20 followers
Rogelio R. Sicat (also "Sikat" in some publications) left his hometown San Isidro, Nueva Ecija in the 1950s to work on a degree in journalism at the University of Santo Tomas. After serving as a campus writer and literary editor of The Varsitarian , Sicat went on to become one of the greatest pioneers of Philippine fiction by deliberately choosing Filipino for the language of his prose, and by veering away from the concerns and conventions of the Western modernist writers.

Sicat's work, which rejuvenated Philippine literature's tradition of social consciousness, first appeared in the Tagalog literary magazine Liwayway . He gained recognition in the Palanca awards in 1962, and in 1965 came out in an anthology, Mga Agos sa Disyerto , alongside like-minded young writers. Sicat wrote on through the decades, establishing his position in literary history as fictionist, playwright and professor, eventually accepting deanship in the University of the Philippines Diliman.

"Impeng Negro" and "Tata Selo", both of which have been interpreted into film, are only two of Sicat's acclaimed stories. His other works include Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , and the play "Moses, Moses". Sicat died in 1997, but was honored a final time through a posthumous National Book Award the following year for his translation of William J. Pomeroy's work into the title Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.

(from panitikan.com.ph.)

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
279 (56%)
4 stars
83 (16%)
3 stars
69 (14%)
2 stars
25 (5%)
1 star
36 (7%)
Displaying 1 - 13 of 13 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
November 14, 2012
Sinulat ito ni Sikat upang maging isang epiko. Subali't tinapyas-tapyas ng Liwayway dahil sa sobrang haba. Kaya ang naging resulta ay magandang unang kalahati at parang nagmamadaling matapos na pangalawang kalahati. Nguni't buo pa rin ang kuwento: may simula, may gitna at may hulihan. Umaantig pa rin ang wakas. Umaapaw pa rin ang mga metaporya at ang bida'y parang isang tinumbang Ninoy matapos magdesisyong babalik sa Pilipinas. O parang si Elsa matapos pasigaw na sinabing walang himala.

Ito ay matapos na ang sinabing bida'y api-apihin: namatay ang ina sa panganganak dahil pinagkaitan ng kotse; ang tatay ay namatay sa sobrang trabaho; binaril ang kaibigan; inagaw ang kasintahan. Yong tipong lahat yata ng kamalasan o pangaapi ay binagsak na sa kanya ng langit. Kaya't sabi nya, aalis ako at babalik para maghiganti. O sige, gudlak, 'ika ko naman. Ayun, pumunta raw sa Mindanao, nakatuwaan ng isang mayaman. Namatay ang mayaman at bumalik nga sya. Parang si Ate Shawie na kagat-labing nagsasabing babangon sya't dudurugin ang mga nang-api. O parang si Edmond na naging konde ng Monte Cristo. Hala, isa-isahin ang mga may kasalanan ng kanyang lubhang kaapihan.

Ito pa ang matindi: ang pangalan niya ay Simon. Parang sino pa kundi si Simoun na dati'y si Ibarra. Biglang ayan na nagpapatayo raw ng paaralan dahil yan ang sagot sa kahirapan. Ayan na, may Ador na kaibigan nyang mahirap na politiko. Ayan na si Ador ay malinis ang hangarin na magkaroon na pagbabag: busilak ang hangarin at walang bahid ng galit o poot na gusto'y gumanti. Mabuti na lang at hindi Elias ang pinangalan ni Sikat dito. Kundi'y hala, babasahin ko na lang ulit ang El Fili.

Nguni't sa kabuohan ng aklat, maganda pa rin. Ang prosa ni Sikat: WAGAS na WAGAS. Lalo na doon sa unang bahagi? Talagang pinagbuhusan niya ng lapis at papel upang tangayin ka sa lugar isang bayan ng San Roque. Aawitan ka pa ng mga kantang bayan sa lugar nila. Para kang isang bangkang papel na aanurin sa iba't ibang tagpo at papadamahin ng iba't ibang emosyon. Dama mo ang hirap ng mag-ama sa pagsasaka, dama mo ang hapyos ng hangin na nagmumula sa bundok, kita mo ang mga uhay ng gintong palay na sa bigat ay parang hahalik na sa lupa, dinig mo ang impit na daing ng inang nanganganak, maaantig ang puso mo habang minamasdang ang amang nagaaruga sa anak na maagang naulila sa ina. Lasa mo ang gatas ng kalabaw at ng kambing.

Tinapyas-tapyasan man ang nobela at hindi man ito naging epiko, ito'y totoong isang obra pa rin. Buo ang kuwento. Matatag at maningning ang prosa. Hindi pa rin matatawaran na si Rogelio Sikat ay isang ama ng Literaturang Filipino. Isang tunay ng alagad ng sining. Isang pantas. Isang alamat.

*Saludo* para kay Ginoong Sikat!
Profile Image for Steno.
Author 5 books28 followers
May 24, 2021
Gusto kong manuntok after basahin 'tong nobela ni Rogelio Sicat. Nakakabuwisit 'yung ending! Sinira ng ending 'yung kuwento. SIRANG-SIRA! Alam mo kung baket? Kase...

SPOILER ALERT!!!

Stop reading if you hate spoilers.

Can't say I didn't warn you.

3...

2...

1...

...PINATAY 'YUNG BIDA!

Nakakabanas! Lahat na lang ng bida at mabubuting tao sa kuwentong ito, pinatay! Daig pa si George R.R. Martin sa pagpatay sa mga tauhan sa "Game of Thrones." At least doon may sense ang pagpatay, dito wala, especially sa ending. Nagpupuyos talaga ang damdamin ko! Dapat kagabi ko pa talaga ipopost 'to e after kong matapos 'yung novel, pero nagpigil talaga ako dahil ayokong puro mura ang sabihin ko rito. Natulog muna ako para kumalma. Pero pagkagising ko kanina, kumukulo pa rin ang dugo ko! Galit pa rin ako dahil sa katapusan.

Ganire ang nangyare: Sa simula pa lang, pinatay na si Melang nang ipanganak n'ya si Simon. Namatay sa panganganak. Tapos kalaunan namatay din si Tano, ang asawa ni Melang at tatay ni Simon, dahil matanda na at sumugod ba naman sa bagyo para gapasin ang palay sa lupang sinasaka n'ya. Namatay din si Duardo, na kapatid-kapatidan ni Simon, dahil sumali sa Hukbalahap noong WWII. Namatay din si Ka Tindeng na nasa cover ng book na 'to at siyang nagpasuso kina Duardo at Simon noong mga sanggol pa lamang sila. Namatay lahat!

At pinakaikinagagalit ko ang pagkamatay ni Simon, ang bida sa kuwento. Akala ko noong una e parang Lazaro Francisco 'tong style ni Sicat, kasi 'yung mga bida nila sa kuwento, bigla na lang mawawala, tatakas, tapos sa susunod na kabanata, babalik na biglang mayaman na at matagumpay sa buhay.

But no!

(Ergo, Francisco > Sicat. Hands down.)

Hindi ito katulad ni Impeng Negro na idol ko noong high school dahil nanlaban siya sa kanyang mga kaaway na bully. No! Iba si Simon sa kuwentong ito. Lumaban s'ya sa indirect at mapayapang paraan. Pero anong ginawa ni Sicat? Sa halip na ipapanalo siya tulad ni Negro, wala, PINATAY SIYA!

Wala man lang redemption sa bida! Walang nagtagumpay! Lahat ng mahihirap, lahat ng magsasaka, lahat ng magbubukid, lahat ng mabubuting tao, nasawi! Kundi man namatay, naging sawimpalad naman sa buhay! Puro mga kontrabida at mayayaman ang naghari hanggang sa huli.

Ang pangit na nga ng kalagayan ng mga magsasaka sa totoong buhay, wala na nga silang asenso, pati ba naman sa mga kuwentong mababasa mo, talo pa rin sila? At hindi lang talo, PAPATAYIN PA! At hindi lang basta patay, sa madugong paraan dapat! Parang, "Mamatay kayo sa gutom! Mga putangina ninyo! Brrt! Brrt!"

Ganern.

Gandang-ganda pa man din ako sa pagkakasulat at sa takbo ng kuwento kasi mabilis, at ang dami ko ring natutuhang salitang Tagalog like balanggot, kalapyaw, bulo, uhay, hapay, banggera, atip, atbp. Magandang exercise sana sa talasalitaan. Natuwa rin ako sa unang bahagi dahil ang Tatay ang nag-aruga at nagsakripisyo para sa anak. Touch na touch akez. PERO SINIRA LAHAT IYAN NG ENDING!

Putang ama talaga!

Tapos lalo pang uminit 'yung ulo ko nang maalala 'yung introduction ni Virgilio Almario sa librong ito. Bukod sa may spoiler, napakahaba pa! 40 PAGES! Jusko! Hindi na intro 'yan. Entry mo na yata 'yan sa Sanaysay category ng Palanca Award. Nang-a-upstage ka ng main event e. Hindi naman ikaw 'yung may aklat pero pagkahaba-haba ng intro mo! Halos 1/3 ng libro nakalaan sa 'yo. Sana nagsulat ka na lang ng sarili mong book!

Kung gagawa po tayo ng intro, sana 2 pages lang. Mahaba na 'yung 5. At kapag tulad ni Almario na 40 pages ang INTRO mo, hindi kita pag-aaksayahan ng panahong basahin.

(On second thought, dapat nasa hulihan ka ng libro as critical essay na nagpapaliwanag sa nobela at sa buhay ni Sicat. Hindi as INTRO na maraming spoiler at napakatigas basahin.)

Ibabagsak ko sana ang rating ng librong ito dahil sa sobrang galit, pero I will not. Maganda naman nga ang pagkakasulat kahit sinirang lahat iyon ng ending. I will try to be objective kahit subjective naman talaga itong mga super honest book review ko. Saka gusto kong basahin mo rin s'ya dahil Classic Filipino Literature itey (na nakaka-stress in general). Sa lagay bang ire e ako lang ang mabubuwiset? Dapat ikaw den!
Profile Image for Nathan Escudero.
11 reviews1 follower
November 8, 2024
Nakakalungkot ang katapusan ng aklat na ito.

Sa paglalahad ng buhay ni Tano, Simon, Duardo, Ka Tindeng, Ador, Elena at iba pang tauhan sa kuwento ay nasaksihan ang mga pangyayaring umukit sa kasaysayan hindi lamang ng mga tauhang nabanggit ngunit ng buong bansa sa pamumuno ng mga mananakop na mga Kastila, Amerikano at Hapones.

Naitawid ng maayos ni Rogelio Sicat ang paglalakbay ng mga tauhan ng kuwento sa daan tungo sa mga pagbabagong naganap sa kasaysayan ng bansang Pilipinas.

Ngunit ang lahat ng ito ay may bahid na kalungkutan na tutusok sa puso ng mga mambabasa.

Ang paghihiganti na tinukoy ng manunulat ay isang paraan upang mayroong maitanim na pagbabago sa puso ng mga mamamayan ng San Roque. Isang pagbabagong magbibigay ng kalayaan mula sa pagkakaalipin ng kanilang mga puso at bisig sa ilalim ng marahas at makapangyarihang nagsasamantala sa kahinaan ng mga mahihirap.

Subalit sa bandang huli ay tila nadaig ng karahasan ang kabutihang nais magbigay ng pagbabago sa puso at isipan ng mga mamamayan ng San Roque.

Gayunman ang naibigay ng tadhana kay Simon ay hindi naman siya nabigo sapagkat naikalat na niya ang punla ng pagbabago. Panahon na lamang ang makapagsasabi kung hanggang saan ang aabutin ng kanyang naitanim na pag-asa.
Profile Image for all the best, mart.
53 reviews2 followers
June 8, 2021
isang klasikong akda na sumasalalim sa masalimuot na buhay ng mga magsasaka laban sa mga mapang-abusong propyetaryo ng lupa kanilang sinasaka. sa una at ikalawang bahagi, masasabi kong mabagal ang takbo ng kuwento. sa ikatlong bahagi lamang ako nagkaroon ng maraming emosyon. ngunit sa kanila ng lahat masasabi kong mahusay ang manunulat sa paggamit ng bawat salita. para bang nanunuod ako ng isang lumang pelikula sa paraan niya ng pagkukuwento.
Profile Image for Emilio.
29 reviews
July 30, 2023
Premise: 5
Plot: 5
Style: 4
A tale of courage and resistance starting in the American-Japanese period. Heavily influenced by Rizal, no doubt--unless names like Tano and Simon were just really common in earlier decades. It's also Noli and Fili but with different oppressors (but with centuries-old system of oppressionn). While I prefer action fiction, the intense sequences and emotional impact in this novel kept me reading. Some Tagalog words are not easy to pick up at first but helpful.
1 review
September 23, 2024
maganda sya basahin tapos may aral pang nakukuha dito sa librong ito
This entire review has been hidden because of spoilers.
Profile Image for Beatrice Miranda.
15 reviews22 followers
May 11, 2014
Hauntingly reminds me of Noli and El Fili, and I have a slight feeling that ABS-CBN's adapting some parts of it in their current telenovela, "Ikaw Lamang."
Profile Image for Rey Jackson.
1 review141 followers
January 18, 2014
:)
This entire review has been hidden because of spoilers.
1 review
March 4, 2016
:>
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 13 of 13 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.