Maria Josephine Barrios, popularly known as Joi Barrios, is a poet, activist, scriptwriter, actress, translator and teacher. Born in 1962, she completed her Ph.D. in Philippine Literature at the University of the Philippines (UP). She taught at the University and also served as an Associate for Fiction at the UP Likhaan: Creative Writing Center. She has won various honors and awards, including the Palanca Award, the most prestigious literary award in the Philippines. During the Marcos dictatorship and the tumultuous years that followed, she became well-known as a freedom activist and rally poet. She has taught in Korea, Japan, and is currently working as a visiting Professor at the University of California, Irvine.
Her works include Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma (1990); Bailaya: Mga Dula Para sa Kababaihan (1997); Minatamis at iba pang Tula ng Pag-ibig (1998); and Prince Charming at iba pang Nobelang Romantiko (2001).
Virgilio Almario, one of the best recognized literary critics and a scholar of Filipino poetry, has stated that Barrios is one of only four recognizable women poets in Philippine literature.
Unibersal na lengguwahe ang pag-ibig, maiintindihan ng kahit sino, at madaling makauugnay ang mga mambabasa kung ito ang paksa. Marami itong puwedeng maging depinisyon pero sa huli't huli, ay pag-ibig pa rin ito. At ito ang nilalaman ng "Minatamis at iba pang tula ng pag-ibig (Sweetened Fruit and other love poems)" ni Joi Barrios, isang "pagtingin sa damdamin mula sa itaas, gitna, ibaba, sulok at lahat na ng uri ng perspektiba. Paglampas sa pag-ibig sa sinta tungo sa pag-ibig sa bayan."
"Nakayapak Ako Kung Umibig" ang pamagat ng unang bahagi ng libro. Sisimulan ito ng tulang "Pagbati sa Pagsinta", tila isang paanyaya sa pagsisimula ng isang pag-iibigan, mapagkumbabang pag-ibig na "nakatayo" ngunit "sumasayad" ang paa sa lupa, dahil lagi't laging "nakayapak kung umibig" ang persona. Isa pa sa nagustuhan ko sa bahaging ito ang tulang "Pilat", na anuman ang nangyari sa nakaraan, tinanggap ng mangingibig ang naiwang mga pilat ng minamahal, paulit-ulit na hinahagkan, na para bang mapapawi ng mga halik na 'yon ang sakit ng nakaraan. Kasama rin sa bahaging ito ang ilang tula ng pag-ibig para sa magulang, kaibigan, at sa sarili.
Naisulat naman sa Korea ang ikalawang bahagi, ang "Pag-inog ng Pag-irog". Ipinakita sa bahaging ito ng koleksiyon kung paanong pinagsaluhan ng dalawang nag-iibigan ang pang-araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa, lalo na't parehas silang estranghero sa kinalalagyan. Sa tulang "Talinghaga", ramdam ang pagiging estranghero ng makata sa ibang bayan, at ang pangungulila sa pinanggalingan:
"Makata akong walang mga salita sa isang bansang kaylayo sa sariling bayan. Ay, kaylamig, laging kaylamig at ako'y kaylayo, bawat sandali'y kaylayo, sa nag-aalab na himagsikan, aking digmaang-bayan."
Ngunit sa kabila ng ganitong pakiramdam, sa piling ng sinisinta:
"Tinuturuan mo akong manalinghaga nang walang mga salita."
Pagpapatibay naman ng paksang malapit sa manunulat ang nilalaman ng "Aling Pag-ibig Pa?", ang ikatlo at huling bahagi ng koleksiyon. Binalangkas dito ng manunulat ang karanasan at pakikibaka ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas, katulad nilang unang naghawan upang makaboto ang mga babae; mga babaeng nag-alay sa nagdaang rebolusyon at digmaan; ang mga babaeng OFW; hanggang sa mga "damas de noche", beauty queen, at iba pa. Isinemento sa bahaging ito ng aklat ang pag-ibig na kayang ibigay ng kababaihan higit sa kaniyang sarili.
Iiwan ko na lang dito ang isa sa paborito kong tula sa ikatlong bahagi ng koleksiyon:
Reyna ng Pista
Labing-anim siya nang tanghaling reyna ng pista ng Santa Rita. Ang sabi ng iba, kamukhang-kamukha daw niya si Mariang Carnival Queen ng Maynila.
Biglang naalala ni Don Pedro ang utang ng ama. Kaya't mula sa asyenda'y isinama siya patungo sa Maynila.
Labing-walo siya nang magbalik sa probinsiya, pista rin noon sa Santa Rita pero wala na siyang suot na korona. Kamukhang-kamukha ni Don Pedro ang batang lalaking kanyang dala-dala.
Ngunit hindi dito nagtapos ang kuwento. Pagkatapos ng ilang taon, napabalitang yumao ang dating amo. Ang pagkamatay daw ay isang misteryo, basta't isang araw basag ang bungo at wasak ang mukha ni Don Pedro.
Ang dating reyna ng pista naglaho ring parang bula, ngunit ayon sa huling nakakita, nang mamaalam daw ay may ngiting mas maningning pa kaysa nang gabing putungan siya ng korona.